You are on page 1of 90

#WFOS_STORY

#REPLY_BOX_POLICY

Title: The Hot Billionaire(Obsession Series#1) –COMPLETED–

Author: Binibining May Writes

Genre: Romance/Comedy/Drama

Link: soon

PROLOUGE 🥀

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay galing school gabi na rin nang pauwiin kami ni prof pa’no kasi
madami kaming tinapos,… tahimik akong naglalakad sa hallway nang biglang may pumarang na itim na
van sa dinadaanan ko at lumabas ang apat na lalaking naka maskara wala silang dalang baril o kung ano
mang kagamitan,..nagulat ako nang hinawakan nung isang lalaki ang pulsuhan ko at hinihila ako papunta
sa loob nang van

“TULONG! TULUNGAN NYO’KO!”malakas na sigaw ko habang nagpupumiglas pero wala ni isang


nakarinig

“Wag kang maingay ,hindi ka namin sasaktan”

“Hindi mo kailangan sumigaw! Ang sakit sa tenga”

“Bitawan nyo’ko please ano bang kailangan nyo sa akin?” nagmamakaawang tanong ko sa kanila

“wala kaming kailangan sayo pero yung boss namin meron”sabi nung lalaking nakahawak sa pulsuhan ko

“Sige ipasok nyo na yan at baka naiinip na si knight sa kakaantay” agad nmn akong hinila papasok nung
lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at isa isa na silang nagpasukan sa loob nang van at agad na pinadrive
ito,…
[FAST FORWARD]

Nakarating na kami sa isang mansion napakagandang mansion pumasok na kami sa loob at pagpasok
namin ay nakita ko ang isang lalaking mala adonis ang mukha pati na rin ang kanyang mga katawan

“Iakyat nyo yan sa kwarto ko”cold na sabi nya hinila nmn ako paakyat nang isa sa mga tauhan nya at
pinasok ako sa kwarto nung lalaking nakita ko kanina paglabas nya ay sya namang pagpasok nung lalaki

“Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?”

“I’m Vladimir knight Luxewell your future husband”nakangisi nyang Sabi

“anong future husband? Eh hindi nga kita

Lubusang kilala at isa pa Hindi kita future husband at hindi kita magiging future husband!”

“then I’ll do everything para maging future husband mo” nakangising sabi nya sa akin

“Love or death?” tanong nya

“Ano? Love or death?”

“Yes love or death, in short mamahalin mo ako o papatayin Kita?” seryoso nyang sabi at nilapitan ako

“Choose wisely Ms. Sabrina Avrielle”

—TBC🦋

CHAPTER 1

[SABRINA POV]
“Sh*t! anong gagawin ko? Love or death? Seryoso ba sya? Ayaw ko syang mahalin pero ayaw ko din
namang mamatay arghh ano bang nangyayari sana panaginip lang to lahat!”

“I’m waiting Ms.Avrielle” nawala ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses nya

“A-ano”

“Nakapili kana ba?” mahinahong tanong nya kinakabahan man ako ay sumagot pa rin ako

“Ano Kasi pa-parang Ang weird naman a-ata kung mamahalin Kita agad”nauutal na sabi ko napahinto
nmn ako sa pagsasalita nang kumuha sya nang baril sa cabinet nya

“Ah anong ga-gawin mo?”

“Diba sabi mo ang weird kapag minahal mo ako agad? Kaya hinanda ko tong baril ko para sa’yo,.tutal
hindi ka rin nmn mapapasakin edi papatayin na lang Kita”nakangisi nyang sabi at tinutok sa’kin yung
baril

“Pa-payag na ako! Mamahalin na kita” kailangan kong pumayag kundi papatayin nya tlga ako,..nakita ko
nmn sa mga mukha nya ang saya bigla nya akong niyakap

“Salamat, pangako hindi ka magsisising minahal mo ako” nakangiti nyang sabi sa’kin at lumabas nang
kwarto habang ako naiwang nakatulala,.

“Anong nangyari?”,…

{KNIGHT POV}

“Sobrang saya ko nang sinabi nya yun madali lang pala syang takutin pero yung tinutok ko Yung baril ko
sa kanya totoo yun papatayin ko tlga sya kahit gaano ko pa sya kamahal kaya ko syang patayin
Kapag Hindi sya naging akin,..at kapag pinatay ko sya edi hindi na sya mapupunta sa iba,..pero there’s
one thing na sure akong Hindi nya pagsisisihan yun ay ang pinili nyang mahalin ako”.

—TBC🦋

CHAPTER 2

[SABRINA POV]

Hindi ko na lang pinansin yung nangyari kanina, tumayo ako sa kama ko at sumilip sa may bintana

Panigurado nag-aalala na si daddy sa’kin dahil hindi pa ako nakakauwi

Gusto ko nang umalis dito pero pa’no?

Dahil dalawang pintuan lang yung nandito sa kwarto yung isa pintuan ng banyo at yung isa naman ay
pintuan ng kwarto

Ganunpaman kailangan ko pa ring makatakas dito

May narinig naman akong yapak ng mga paa sa labas kaya dali-dali akong bumalik sa kama ko at humiga

Pagka bukas ng pinto ay nakita ko yung lalaking nagpa dukot sa’kin

Huminto siya sa harapan ko at seryosong nakatingin sa’kin

“Sign this” sabay abot sa’kin ng papel

“Ano yan?” tanong ko


“No more questions just answer it!” sigaw niya kaya agad kong hinawakan yung ballpen at mabilis na
pinirmahan ‘yun

Matapos kong mapamirhan yung papel ay kinuha niya ‘yun

“stay here aalis lang ako I need to do something,..and don’t try to escape or else you’ll have your worst
punishment” malamig na sabi niya bago umalis ng kwarto

Pagkalabas niya ay tumayo ako ulit ng kama tinignan ko yung bintana at napangiti ako dahil pwede
akong lumabas dun

Dahil ground naman yun at hindi rin masyadong mataas kaya pwede kong talunin

Habang pinag-iisipan ko yung pag takas ko ay nakarinig naman ako ng bukas ng gate nakita ko rin yung
papaalis na sasakyan

Panigurado siya na ‘yun eto na yung pagkakataon ko para tumakas

Binuksan ko yung bintana ko at tumalon dun nasubsob naman yung mukha ko sa ground at nagka sugat
pa yung kanang tuhod ko

Pero Hindi ko ininda yun at bumangon na lang dahil baka may makakita pa sa akin

Agad akong tumakbo dun sa gate at lumabas buti na lang at nakabukas yun

Kaya mabilis lang akong nakalabas

May mga bantay din naman pero hindi nila ako nakita

Nang makalabas na ako sa gate ay dali-dali akong naglakad paalis dun


Sa wakas makakauwi na rin ako…

[AUTHOR’S POV]

Pagkalabas na pagkalabas ni Sabrina ay sakto namang dumating si knight

Hindi niya na pinasara yung gate sa mga nagbabantay dahil babalik din naman siya agad

Pero ganun na lang ang galit niya pagpasok niya sa kanyang mansiyon

[KNIGHT POV]

“Isang babae lang ang pinapabantayan ko sa inyo tapos natakasan pa kayo!” sigaw ko sa mga alagad ko
at binato yung vase ko sa sahig

Nangigigil ako ngayon sa galit dahil sa pagtakas ni Sabrina

Naiyukom ko ang mga kamao ko at tinignan yung litrato niya

“kahit saan ka man pumunta mahahanap at mahahanap din kita”

—TBC🦋

CHAPTER 4

[SABRINA POV]

“hoy the” sabay tapik sa’kin ni jacob kaya nabalik ako sa ulirat ko

“A-ano yun?”
“ikaw ha may lihim ka” kinikilig na sabi niya

“Anong lihim?”

“Sus kunwari kapa, hindi mo man lang kinwento sa’kin na magkakilala pala kayo ni fafa knight”

“H-hindi ko siya kilala ah” tangi ko sa kanya

“hindi daw nilapitan kapa nga niya tapos may binulong siya sa tenga mo, share mo naman kung anong
binulong niya oh”

“Tumahimik ka na nga lang” saad ko sa kanya at naglakad papunta sa classroom

“Ang damot naman neto!” inis na sabi niya at sumunod sa’kin papasok sa classroom

Umupo kaming dalawa sa pinaka likod

Pagka-upo naman namin ay saktong dumating yung professor namin

Tumayo muna kami para batiin siya matapos nun ay umupo ulit kami

*DISCUSS–

*DISCUSS–

*DISCUSS–

Konti na lang talaga makakatulog na ako sa lesson ni prof nakakaantok eh

Nasa kalagitnaan nang pagtuturo si prof ng biglang may sumipa ng pintuan kaya napatigil siya
Napatingin naman kaming lahat sa taong sumipa ng pintuan

Siya na naman?

Ano ba talaga ang kailangan niya?

“Sis papunta siya dito” saad ni bakla kaya kinabahan ako dahil baka kung anong gawin niya

Nung nasa harapan ko na siya ay bigla niyang hinawakan yung pulsuhan ko at dinala ako sa harapan

“All of you listen, this girl beside me is mine! At kung sino man ang magtangkang hawakan siya ay
mananagot sa’kin” saad niya sa at inakbayan ako

“siya? Ang panget naman”

“ano ba yan wala namang taste si pres pagdating sa mga babae”

“yuck hindi sila bagay”

“At kung sino man ang manlait sa kanya o magsabi ng hindi maganda ay papatayin ko” mariin niyang
saad kaya nanahimik naman yung mga babaeng nagbubulungan kanina

Napatingin naman ako sa kanya, nginitian niya lang ako

“See you later wife” malambing niyang saad at hinalikan ako sa pisnge bago siya lumabas ng classroom

Nagulat naman yung mga kaklase ko pati na rin si jacob dahil sa ginawa niya
Kaagad akong bumalik sa upuan ko dahil sa nangyari ang bilis ng kabog ng puso ko

Parang mahuhulog sh*t!

“Oh my days ghurll ano yun?!!!” gulat na tanong sa’kin ni jacob

“kayo na pala bakit,..bakit hindi ko alam?” hindi makapaniwalang tanong niya

“B-biglaan eh”

“Ghurl ang swerte mo nakakuha ka ng pogi at mayaman sanaol” naiingit na saad niya

“Manahimik kana nga lang”

“Ahhhhh!! Sanaol!!!” sigaw niya at pinagpapalo ako

Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya para tumigil siya

At ayun tumigil nga siya nung napadaing siya sa sakit

Sh*ta ang sakit ng balikat ko huhu

Walang hiyang baklang ‘to ang sakit mamalo.

—TBC🦋

CONTINUATION 🦋

[SABRINA POV]

“okay class dismissed” wika ni prof at niligpit ang gamit niya


Nagsitayuan naman yung mga kaklase ko at lumabas na ng classroom

“The tara nasa canteen gutom na ako eh”anyaya sa’kin ni Jacob tumango na lang ako sa kanya bilang
pagsagot tsaka lumabas sa classroom

–CANTEEN–

“Antayin mo ako dito ah order lang ako” saad ni jacob at umalis

Tumingin naman ako sa bintana habang inaantay si jacob na bumalik

“Hi miss” turan ng isang lalaki sa’kin

Tumingin naman ako sa kanya

“Pwede bang makipag kilala? Bago lang kasi ako” saad nito

“Ah oo naman, ako nga pala si Sabrina Avrielle”

“Lenard Montero” ngiti niyang sabi at at nakipag shake hands sa’kin

“Hala anong nangyayari dito aber?” taas kilay na tanong ni jacob sa’min at nilapag yung tray ng mga
pagkain

“Aba eh nawala lang ako saglit pagdating ko may bago na namang pogi”

“Ah jacob si Lenard pala transfer siya dito”

“Ah hi babe este Jacob” malanding pagpapakilala niya


“Hello” natatawang ani niya kay Jacob

“Ah upo ka jacob sumabay kana sa’min sa pagkain” aya ko sa kanya

At umupo naman siya sa tabi ko

“Ay grabe akala ko sa’kin ka tatabi yun pala kay Sabri” malungkot na mungkahi ni Jacob kaya natawa
kami ni Lenard

[KNIGHT POV]

I’m here at the canteen kasama yung mga kaibigan ko

Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan si Sabrina na masayang nakikipag-usap sa kaibigan
niya

At sa lalaking lumapit sa kanya kanina

“Bro hindi kaba kakain? Lalamig yang pagkain mo oh” sabi ni Vendrick

Tinignan ko naman siya ng masama at ngumiti naman ang ugok

“Ace Vladimir natin walang sa mood” natatawang saad ni Vendrick kay Ace na ngayon ay busy sa
pagkain

“You see that guy?” tanong ko sa kanila kaya tinignan naman nila yung lalaking tinutukoy ko

“oo bakit?” tanong ni Ace


“Bring that guy to me later, I need to teach him a lesson for touching my property” seryoso kong saad sa
kanila

“Sure bro kami nang bahala” nakangisi na saad ni Vendrick sa akin..

—TBC🦋

CHAPTER 5

[LENARD POV]

Natapos na kaming mag recess nauna akong lumabas sa kanila ni Sabrina dahil may kukunin pa ako sa
locker ko

Habang papunta ako sa locker ko ay may humarang na dalawang lalaki sa harapan ko

Sa palagay ko isa sila sa may ari ng unibersidad na ito dahil halata sa itsura at pananamit nila

“Bro pwede ka bang sumama sa amin?” tanong sa’kin nung lalaking naka jacket

“Ha? Bakit?”

“Wag nang maraming tanong Basta sumama ka na lang” saad naman nung lalaki naka salamin

At hinila yung kwelyo ng uniporme ko at dinala sa isang classroom na hindi na ginagamit

Pagpasok ko dun ay tinulak nila ako sa sahig

“Who are you?” tanong sa’kin nung lalaking nasa harapan ko


Sapatos niya lang ang nakikita ko kaya inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha niya

Pag-angat ko ng aking ulo ay isang mukha na seryoso ang bumungad sa’kin

Nakayukom ang mga kamao nito habang galit na nakatingin sa akin

“Answer my question who are you?!” galit na tanong niya

“Lenard Montero” sagot ko

“What the f*ck?! Montero? Anak kaba ni tito Martin at tita Aya Montero?”

“Ah oo b-bakit?”

“D*mn it! Ikaw yung sinasabi nilang pinsan ko!” saad niya

“Ibig sabihin ikaw si,.. si Vladimir?” tanong ko tumango naman siya

“Tss we’re not finish yet, bakit nilapitan mo si Sabrina kanina? Hindi mo ba alam na bawal siyang
lapitan?”

“Sorry nakipag friend lang naman ako bago lang ako dito sa university mo”

“Pinsan mo pala yan eh pagbigyan mo na”

“oo wag mo nang saktan sige ka magagalit sa’yo sila tita”

Sigaw nung mga kaibigan niya na humarang sa akin kanina


“Tss you should be thankful pinsan kita, at bago ka lang dito sa university ko kasi kung hindi, kanina pa
nakakalat yung dugo mo dito sa sahig” sabi niya sabay lahad ng kamay niya

“Sorry talaga knight” ani ko naman at tinanggap yung kamay niya

“Just remember Sabrina is my property at once na may ginawa kang hindi maganda sa kanya”

“kakalimutan kong pinsan kita and I will make you suffer until you lost your breath” seryoso niyang wika
at tinapon yung baril niya sa sahig.

—TBC🦋

CHAPTER 6

[SABRINA POV]

“The samahan mo nga ako sa restroom need ko maglagay ng liptint” yaya sa’kin ni Jacob

“ikaw na lang bawal ako sa male’s restroom no”

“Saglit lang naman eh”

“ikaw na lang” saad ko at uminom ng juice

“Ah ayaw mo” sabi niya

Nagulat naman ako ng biglang niyang kunin yung juice ko at tinapon sa basurahan

“Bakit mo tinapon? Sayang yung juice ko” inis na turan ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako
Kaya sa inis ko ay binato ko sa kanya yung libro na hawak ko

Napatigil naman siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa’kin

Dahil sa takot ko ay agad akong napatakbo at hinabol niya ako

Napatawa naman ako ng kamuntikan na siyang madapa

Kung nung una ay masama yung tingin niya sa’kin ngayon hindi na

Dahil nakangiti siya habang hinahabol ako

Takbo lang kami ng takbo pingtitinginan na nga kami nung apat na lalaki

Pero wala kaming paki masayang maglaro eh (haha)

[KNIGHT POV]

“Bro pinsan mo pala yun? Hahaha” Ace said while laughing

“Could you please shut up? Tsk I didn’t know he was my cousin, but still he’s lucky”

“Bro look si Sabrina oh” Vendrick said while pointing at Sabrina

And far form here I saw here running while her friend is chasing her

I saw her sweet and beautiful smile while she’s running she’s so pretty
“Uy nakangiti siya oh hahaha”

“Shut up Ven”

“Pero alam mo maganda siya, ligawan ko kaya?” Ven said while smiling

“The hell?” I shouted at him

“Don’t you dare to court her or else I’ll kill you” I seriously said that to him

“Ang daming nakatingin kay Sabrina oh” Ace said

Then I looked at Sabrina and I saw those four boys whom looking at her

D*mn it! Why everyone is into her? Yes I’ll admit she’s pretty and she also have an attractive personality
but she’s obviously mine! I already told them that!

F*ck! This people they’re really getting into my nerves.

—TBC🦋

CHAPTER 7

[SABRINA POV]

“teka!! Ayoko na sis pagod na akesh” hinihingal na sabi sa’kin ni jacob at huminto sa pagtakbo kaya
huminto din ako at lumapit sa kanya

“Balik kana muna sa classroom the sunod ako punta lang ako ng restroom” hinihingal pa din na saad
niya at nagtungo sa restroom
Tinignan ko naman siya habang papunta sa c.r. nang makapasok na siya ay umakyat na ako sa taas para
pumunta sa classroom

Ako pa lang naman yung tao dun dahil yung mga kaklase ko busy pa sa mga ginagawa nila sa baba

Agad naman akong pumasok sa room namin nang makita ko ‘yun

Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang isang lalaki na presenteng nakaupo sa upuan ko

Tumingin siya sa’kin at ngumisi

“You’re already here” saad nito

Lumapit naman ako sa kanya

“ikaw na naman? Ano na naman ba ang kailangan mo ha?” tanong ko

“I just need you wife” cold niyang sabi

“hoy pwede bang wag mo akong tawaging wife dahil hindi mo naman ako asawa” turan ko sa kanya at
natawa naman siya

“Really?” sabi niya at tumayo sa upuan ko tsaka lumapit sa’kin

“Do you still remember the papers that you signed?”

“oh ano namang kinalaman nun?”

“that’s a contract marriage” seryoso niyang wika kaya nagulat ako


“A-no?”

“You’ve signed those papers without knowing that it’s a contract marriage?”

“P-pano ko naman malalaman eh sinigawan mo ako kaya pinirmahan ko agad” turan ko sa kanya pero
seryoso niya lang akong tinignan

“Pero hindi pa naman tayo kasal d-diba?” kinakabahan na tanong ko

Nag-smirk naman siya at nilapit yung bibig niya sa tenga ko

“We’re already married wife, you’ve signed those papers right? So it means” putol na wika niya

“It means ano?” kinakabahan pa rin na tanong ko sa kanya sh*t! Ano ba ‘to?

Napasinghap na lang ako ng bigla niyang amuyin yung leeg ko

“it means your already mine either you like it or not” wika niya at inalis yung mukha sa leeg ko

Naglakad naman siya palayo pero bago niya hapitin yung door knob ay may sinabi muna siya

“by the way” salita niya at tumingin sa’kin ng nakangisi

“I like your smell honey” sabi niya bago tuluyang lumabas ng classroom

—TBC🦋
CHAPTER 8

[SABRINA POV]

Pagkalabas ni knight ng classroom ay saktong dumating naman si Jacob

Gulat itong nakatingin kay knight at tumakbo papunta sa’kin

“Dhai anong ginagawa niya dito?” tanong nito ng makalapit sa’kin

“Ha? Ah wala” sagot ko

“ikaw ang damot mo talaga ang dami mong lihim ha Parang hindi ka friend” saad niya at nag pout

“Wag ka ngang mag pout mukha kang pato” natatawang wika ko at umupo sa upuan ko tumabi naman si
jacob sa akin

Sakto rin nung pag-upo namin ay dumating yung mga kaklase ko pati na rin si professor

Binati muna namin siya at tapos nun ay nagturo na siya

(FEW MINUTES LATER)

“okay that’s all for today tomorrow we’ll have a quiz don’t forget, you may go now, class dismissed”
wika ni sir

“Sis may quiz daw tayo bukas pakopya ha?” bulong sa’kin ni jacob

“Pakopya? Eh wala nga akong naintindihan sa lessons ni sir eh”


“Yan kasi tunganga pa”

“Sorry naman, may iniisip lang”

“eh ano namang iniisip mo aber?”

“basta sa’kin na lang ‘yun, tara na nga” saad ko at tumayo

Kinuha ko yung mga gamit ko at lumabas na ng classroom si jacob naman nakasunod lang sa’kin

“oh the uwi na ako ha? See you tomorrow babush” wika sa’kin ni bakla at nag wave bago siya umalis

“I’ll take you home” bulong ng lalaki sa tenga ko kaya nagulat ako

“Alam mo ikaw kung san-san kana lang sumusulpot” saad ko kay knight

“Hi miss beautiful” wika ng isa niyang kaibigan sabay wink sa’kin

Nilingon naman siya ni knight at tinignan ng masama

“Bro chill wala naman akong ginagawa” taas kamay na sabi niya kay knight

Binaling niya naman ang tingin niya sa’kin

“C’mon I’ll take you home”

“hindi na maglalakad na lang ako” wika ko

“Just let me drive you home wife” turan niya tss ayan na naman siya sa wife niya
Hays oo nga pala kinasal nga pala ako sa ugok na‘to ng hindi ko alam

“ako na lang kaya kong umuwi ng mag-isa”

“Miss magpahatid kana lang delikado sa daan baka may mangyari sa’yo” turan sa’kin nung lalaking
kumakain

“Hoy Ace kain ka ng kain hindi ka namimigay”

“Paki mo ba? Gusto kong kumain eh”

“Shut the hell up you too” mariing sigaw sa kanila ni knight kaya natahimik sila

“can’t you see I’m busy here?” iritang tanong niya sa dalawa

Teka bakit ba ‘to english ng english? Eh nasa pinas naman kami

“Bro don’t worry kitang kita namin na busy ka sa pag-aya sa asawa mo”

“Na ayaw namang magpahatid sa’yo” dugtong naman nung lalaking kumakain at nagtawanan silang
dalawa

Galit naman na tinignan sila ni knight

At Akmang lalapitan na sila ng pigilan ko siya

Hinawakan ko yung kamay niya kaya napahinto siya

“Sandali knight”
“What?” inis na tanong niya, binitawan ko naman yung kamay niya

“Yung puso mo”

“And?” nakakunot na tanong nito

Lumapit naman ako sa kanya at binulungan siya sa tenga

“Mamahalin ko pa ‘yan” malambing kong saad sa kanya at lumayo ng konti

Napansin ko namang namula siya at nag-iwas ng tingin

“Uy namumula si knight”

“Ayiee kinikilig yan”

Asar na sabi ng mga kaibigan niya

“Shut up!” sigaw niya habang namumula pa din yung mukha..

—TBC🦋

CHAPTER 9

[SABRINA POV]

“Tama na nga ‘yan” saway ko sa kanilang tatlo


“Ehem² miss hindi pa nga pala ako nakikipag kilala I’m Vendrick Xavier Cortex at ito naman si Ace
Kendrick Larkin” pagpapakilala nito sa’kin at hahawakan sana yung kamay ko nang biglang tapikin ito ni
knight

“makikipag shake hands lang yung tao eh”

“tao ka pala? Akala ko kasi halimaw ka” pang-aasar sa kanya ni Ace

“Guys pwede niyo ba akong samahan?” tanong ko sa kanila

“oo naman where ba?” tanong ni Vendrick

“dun oh nagugutom na kasi ako” saad ko sa kanila at tinuro yung tindahan ng fishball

“Ah dun lang pala oo naman tara” saad ni Ace at lumakad papunta sa tindahan ng fishball

Aba inunahan pa ako?

“Sabri pagpasensyahan mo na si Ace ha? Ganyan talaga siya pag sa pagkain pupunta siya lagi nauuna”
bulong sa’kin ni Vendrick tumango na lang ako sa kanya at nginitian siya

“Hey wife don’t smile at him” saad ni knight sa’kin

“hoy!! Ang bagal niyo!!” sigaw sa’min ni Ace na ngayon ay kumakain ng barbeque

“Uy inunahan mo ako” saad ko at tumakbo papunta sa nagtitinda nun

Pagkarating ko dun ay agad akong nag order ng 5 fishball at 8 barbeque bumili rin ako ng 6 na isaw

Pagkabigay sa’kin nung tindero ay agad ko ‘yung kinain


“Grabe matakaw din pala ‘tong asawa mo knight” sabi ni Vendrick kay knight na ngayon ay gulat na
nakatingin sa’kin habang kumakain ako ng isaw

Hindi maipinta yung itsura habang nakatingin sa’kin

Animo’y nandidiri ito sa pagkaing kinakain ko

“Oh bakit nakatunganga ka diyan? Ayaw mo bang kumain?” tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang
pagtawa

Dahil alam ko namang hindi talaga siya kumakain ng ganito

Buti pa yung dalawa niyang kaibigan marunong kumain pero siya hindi

“Ito knight tikman mo” saad ni Vendrick at sinubo sa kanya yung isaw

Nung una nginunguya niya pa pero nung natagalan na niluwal niya din

Agad naman siyang binigyan ni Ace ng maiinom para mawala yung lasa nung isaw

“Hahaha grabe bro ang epic ng mukha mo nung sinubo ko sa’yo yung isaw hahaha” natatawang saad ni
Vendrick sa kanya

“Oo nga kamukha mo yung unggoy sa manila zoo” sabi ni Ace at nagtawanan silang dalawa ni Vendrick.

–TBC🦋

CHAPTER 10

[SABRINA POV]
“Can’t the two of you shut up?” galit na turan sa kanila ni knight

“Bro kahit kailan ang seryoso mo talaga”

“oo nga kaya gustong-gusto ka naming asarin eh ang bilis mong inisin” saad ni Ace sa kanya

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya

“Bro look at this” saad ni Vendrick at pinakita yung cellphone niya

“Sino yan?” tanong ko sa kanya nang may makita akong babae sa phone niya

“Yan yung ex ni knight si Ayana”

“Ah ang ganda niya naman”

“tsk you’re more beautiful than her wife, Vendrick shut your phone I don’t want to see the face of that
witch” cold na sabi nito kay Vendrick

Tumango na lang ito at tinago ulit yung phone niya

“So may ex ka pala?” tanong ko

“Yeah”

“Bakit ka–” hindi ko natapos yung sasabihin ko ng sumingit siya

“No more questions wife” sabi niya kaya tumango na lang ako
Sayang madami pa naman sana akong gustong tanungin tungkol sa ex niya kaso no more questions daw
eh.

[KNIGHT POV]

So babalik na siya huh? Tsk after she left me babalik lang siya ng ganun?

“Bro tikman mo masarap ‘to” saad sa’kin ni Ace at binigay yung stick na may lamang wait what is this? I
don’t even know what kind of food is this

“Hey ano ‘to?” tanong ko sa kanila

“Oh marunong ka palang magtagalog?” tanong sa’kin ni Sabrina

“Bro salamat nagtagalog kana kasi konti na lang dudugo na yung ilong ko” saad naman ni Vendrick

“Just answer me what is this?”

“Pagkain” sagot ni Ace habang nakangiti

“Alam ko na pagkain ‘to what I mean is anong klaseng pagkain?”

“Basta tikman mo na lang masarap yan” sabi ni Ace inamoy ko naman ‘yun and the smell of it isn’t bad

Siguro masarap naman ‘to kaya tinikman ko

And Ace was right masarap nga


“oh diba? Sabi sa’yo eh masarap”

“What food is this?” tanong ko habang sarap na sarap sa pagkain

“Pwet” wika ni Ace kaya naluwal ko yung pagkain

“Pwet?! Yuck” saad ko at uminom ng tubig

“Pfftt hahaha ang panget ng itsura mo knight!” natatawang sabi ni Vendrick

“Hala si daddy, guys una na ako ha? Andyan na si daddy eh susunduin niya pala ako today, and yung
bayad pala sa fishball nabigay ko na kay manong sige na bye²” nagmamadali niyang wika at tumakbo
papunta dun sa naka park na kotse

“Hey wife come back here!” sigaw ko sa pero parang wala lang sa kanya

“Ahaha dinedma ng asawa hahaha”

“kawawang knight hahaha”

Hagalpak na tawang saad nung dalawang ugok kaya binaling ko sa kanila yung tingin ko

Natigilan naman sila sa pagtawa ng mapansin nilang namumula ako sa galit

“Ahhhhh!! Takbo!! Nandiyan na yung dragon!!” sigaw na saad ni Vendrick at nagtakbuhan sila ni Ace

“Hoy! Bumalik kayo dito! Papatayin ko kayo!” inis na sigaw ko at hinabol silang dalawa.

—TBC🦋
CHAPTER 11

[KNIGHT POV]

“Where the f*ck did they go?” tanong ko sa aking isipan matapos ko silang habulin

Nawala na lang sila bigla ng Parang bula and I don’t know where they are

I’m here at my mansion sitting on my sofa while drinking a wine

Sumagi naman sa aking isipan si Sabrina she’s lucky dahil nakatakas siya kanina and sinundo siya ng dad
niya

But I’ll make sure na makukuha ko din siya

Napatingin naman ako sa pinto ng biglang bumukas ito at pumasok yung dalawa na nakangiting lumakad
papunta sa’kin

“San kayo galing?” tanong ko

“Well ako I wento to a bar while itong si Ace sa restaurant” saad ni Vendrick

“Binalikan kapa namin kanina pero wala kana dun nakauwi kana pala”

“Ano bro napagod kaba?” tanong ni Ace

“Of course no maswerte lang kayo at natakasan niyo ako” wika ko at ininom yung wine

“Nakita namin si Sabrina kanina with her dad and may kasama silang lalaki” saad ni Vendrick
“Who the hell is that guy?”

“Ewan namin, pero nakita namin niyakap niya yung lalaki” sagot ni Ace

Binitawan ko yung wine ko at nilapag sa lamesa tsaka tumayo

“oh san ka pupunta?” tanong sa’kin ni Ven

“kay Sabrina” saad ko at lumabas ng kwarto

[SABRINA POV]

Dumating na pala si kuya galing ng Canada that’s why sinundo ako ni daddy kasi dumiretso kami ng
airport

Weird nga eh kasi nung pagpunta kami ng airport nakita ko si Vendrick at Ace na tumatakbo I wonder
kung anong nangyayari sa kanila

Nandito ako sa room ko nakaupo sa kama

“Hello baby tamtam” nakangiti kong wika sa alaga kong pusa lumapit ito sa’kin kaya kinarga ko siya at
pinaupo sa lap ko

“Gutom kana ba baby?” tanong ko habang hinihimas yung balahibo niya

“Tsk don’t call him baby” nanlaki ang mata ko ng marinig ko yun

Agad akong napatayo sa kama ko dahil sa gulat


The f*ck sino yun?

Tinignan ko naman yung alaga kong pusa at nilapitan yun

“Baby tamtam nagsasalita ka?” tanong ko sa alaga kong pusa na ngayon ay nakatingin lang sa’kin

“B*llsh*t I said don’t call him baby!, can’t you see I’m here?”

“Knight? Pa’no ka nakapasok dito? Sinong nagpapasok sa’yo?” tanong ko dito

Nilapitan niya ako at hinawakan yung kamay ko ng mariin

“A-no ba bitawan mo nga yung kamay ko!” saad ko sa kanya habang inaalis yung kamay ko na hawak
niya

“Tell me who the hell is that guy?” seryoso niyang wika

“Ano?”

“Just answer my question! Vendrick and Ace told me na nakita kanila na may kayakap na lalaki!”

“oh ano naman ngayon?” tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya

Ano bang paki niya kung may kayakap ako? Eh kuya ko naman ‘yun

“Who is that f*cking bastard Sabrina!” galit na tanong niya

“You don’t need to know!” inis na wika ko


“We’re already married! You know that! At ngayon mababalitaan ko na may kayakap kang lalaki!”

“Will you please shut up? And don’t call him a bastard!” sigaw ko sa kanya aba! Ano siya para tawagin na
bastard ang kuya ko?!

“bakit? Dahil gusto mo siya? Or because you love him? Tama ba Sabrina?!”

“Yes I love him! Because he is my brother!” saad ko sa kanya na ikinatahimik niya

Segundo at minuto ang binilang ko bago siya nagsalita tss parang tanga ang lalaking ‘to

F*ck!”mura niya at walang pasabing binitawan ang kamay ko at lumabas sa bintana ng kwarto ko

—TBC🦋

CHAPTER 12

[SABRINA POV]

“hey lil sis” tawag sa’kin ni kuya at pumasok sa kwarto ko

“oh hi kuya bakit?” tanong ko

“ah lately kasi I heared na sumigaw ka? And parang may kaaway ka?” tanong nito

“Ah wala naman kuya ah tsaka tahimik lang ako dito eh” saad ko tumango naman siya

“Ah okay dinner’s ready na pala bumaba kana lang ha?”

“Sure kuya” nakangiti kong saad sa kanya nginitian niya din ako at sinara niya na ulit yung pinto
[KNIGHT POV]

“that was just her brother” seryoso kong sagot sa kanila ni Ace ng makarating ako sa mansiyon

“Haha bro so pinagselosan mo yung kuya niya?” natatawang tanong ni Vendrick

“Yan kasi sugod ng sugod sana pinaimbistigahan mo muna bago ka sumugod” saad naman ni Ace

“Oh yeah bro I forgot na sabihin sa’yo Ayana is coming back here in the Philippines” saad nito

“What? That girl?”

“Yes and sabi niya bumalik daw siya para sa’yo”

“After she left me Babalik na lang siya na Parang walang nangyari? How could she”

“Pero aminin mo half of your heart nagsasabi na mahal mo pa din siya diba?” napatingin naman ako kay
Ace dahil dun

“I,… don’t know” wika ko

“So pag bumalik si Ayana pa’no na si Sabrina?”

“Sabrina is already my wife kaya kung bumalik man si Ayana wala na akong pakialam sa kanya”

“Bro kahit na hindi mo sabihin alam naming mahal mo pa din si Ayana pero Hindi na tulad ng dati”
“Kaya kung ako sa’yo bro hanggat hindi pa bumabalik si Ayana alisin mo na yang natitirang pagmamahal
mo sa kanya”

“kasi masasaktan lang si Sabrina” saad naman ni Ven sa’kin.

—TBC🦋

CHAPTER 13

[SABRINA POV]

“kuya pwede mo ba akong samahan sa mall today? May bibilhin lang ako” saad ko kay kuya

Nandito ako sa kwarto niya kakatapos lang namin kumain eh

“ikaw na lang lil sis tinatamad ako” sagot niya habang busy sa pagce-cellphone

“kuya please samahan mo na ako saglit lang tayo”

“Hays sige na nga lumabas kana magbibihis lang ako” saad niya at binitawan yung cellphone niya

“Sige kuya wait na lang kita sa labas” nakangiti kong saad at lumabas ng kwarto niya

Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay

Maya-maya pa ay lumabas na rin si kuya

“Ang tagal mo naman” reklamo ko sa kanya

“Wag ka ngang magreklamo diyan, pasalamat ka nga sasamahan kita”


Tinignan ko naman siya at nginitian

Pumara naman siya ng taxi at sumakay na kami.

—FAST FORWARD–

Nakarating na kami sa mall na gusto kong puntahan agad akong pumasok sa loob narinig ko pang
tinawag ako ni kuya pero hindi ko yun pinansin

Nang makapasok na ako sa loob ay may humawak naman sa kamay ko

“Antayin mo naman ako, atat ka masyado eh”

“ehe sorry na kuya” saad ko sa kanya

Binitawan niya na yung kamay ko kaya tumakbo ako papunta sa national book store.

[KNIGHT POV]

We’re here in the mall inaya kasi ako ng dalawang ugok na mamasyal

Habang naglalakad kami ay may natanaw naman akong isang babae na familiar sa’kin

Wife?

Anong ginagawa niya dito?


I saw her inside of the national book store nagbabayad sa may counter and after that lumabas na siya na
may malaking ngiti sa mga labi

Lumapit naman siya sa isang lalaki matapos niyang lumabas ng store

Nakangiti niya itong kinausap and I felt jealous

Nainis naman ako ng makita kong akbayan siya nito

“Oh bro anong nangyari sa’yo?”

“oo nga mukhang bad mood ka ah”

Turan naman sa’kin ni Ace

“Shut up” sambit ko sa kanila

[SABRINA POV]

After kong magbayad sa counter ay lumabas na ako at nilapitan si kuya

“I’m done na kuya”

“San mo pa gustong pumunta?”

“Hmm dun tayo gusto kong kumain eh” sabay turo ko sa isang restaurant tumango naman siya at
inakbayan ako tsaka kami naglakad papunta dun

Habang naglalakad kami papunta sa restaurant ay may naramdaman naman akong Parang may
sumusunod sa amin
Kaya lumingon ako pero wala naman akong nakita

Siguro imahinasyon ko lang yun

Nang makarating na kami sa restaurant ay agad akong umupo sa upuan

“Anong order mo?” tanong sa’kin ni kuya

“kahit ano na lang” sagot ko tumango naman siya at aalis na sana para mag-order ng biglang may
magsalita sa likod ko

“Who the hell are you?” malamig na tanong ng lalaking nasa likuran ko

Teka parang kilala ko yung boses na yun

Nilingon ko naman yung taong nagsabi nun at ganun na lang ang gulat ko ng mapagtano kung sino ‘yun

“k-knight?”

—TBC🦋

CHAPTER 14

[SABRINA POV]

“Ah h-hello” sagot sa kanya ni kuya

“I said who the hell are you?” tanong niya ulit kay kuya habang nakayukom ang kamay

“Bryan Renz Avrielle” tumingin naman sa’kin si knight


“Siya yung kuya ko” sambit ko sa kanya

Lumiwanag naman yung awra ng mukha niya

“Teka sino kaba?” tanong sa kanya ni kuya

“Your sister’s husband” sagot niya kay kuya Kaya naubo ako

Gulat namang nakatingin sa akin si kuya nilapitan niya ako at umupo sa harapan ko

Teka diba mag o-order pa siya?

“Why you didn’t tell me na may asawa kana?”

“Ah k-kasi”

“We’re just married in a contract” singit ni Knight at tumabi sa’kin

“kasal kayo sa kontrata? Bakit? Meron kana bang trabaho? Kaya mo na bang buhayin yung kapatid ko?”
sunod-sunod na tanong ni kuya sa kanya

“I’m still studying as a student–” napulot yung salita niya ng magsalita si kuya

“oh nag-aaral ka pa pala eh wala ka pang trabaho”

“Nag-aaral pa ako ng college at the same time I’m also working as a president in our company, we have
a 3 companies in Australia and 2 companies here in the Philippines”

“I also have my own company here which is I’m the CEO also I’m a billionaire that’s why kaya kong
buhayin yung kapatid mo” sagot nito kay kuya
Bakas naman sa mukha ni kuya ang pagkagulat niya dahil sa sagot ni knight

“You’re a billionaire?” gulat na tanong niya tumango naman si knight

“bakit Hindi mo sinabi agad?” tanong ni kuya at nilapitan si knight

“Bro welcome to the family” masayang saad sa kanya ni kuya at nakipag shake hands

Habang ako tulalang nakatingin lang sa kanilang dalawa.

—TBC🦋

—𝓒𝓞𝓝𝓣𝓘𝓝𝓤𝓐𝓣𝓘𝓞𝓝🦋

“Oh knight nandito ka lang pala, kanina kapa namin hinahanap”

“Oo nga matapos mo kaming iwanan sa ere makikita ka lang namin na prenteng nakaupo diyan”
kunwaring naiiyak na saad ni Vendrick kaya binatukan siya ni Ace

“Aray” daing nito at hinawakan yung ulo niya

“Ah sino naman kayo?” tanong sa kanila ni kuya

“Vendrick Xavier Cortex”

“Ace Kendrick Larkin the most handsome” saad nito kay kuya

Napasigaw naman siya ng tapakan ni Vendrick yung paa niya


“Ikaw pala sino ka?” tanong ni Ven

“Bryan Renz Sabrina’s brother”

“Ah ikaw yung pinagseselosan ni knight hahaha”

“Alam mo ba pinuntahan niya pa si Sabrina sa bahay niyo para lang tanungin kung sino yung lalaking
kayakap ng kapatid mo”

“oo tapos napahiya siya ng malaman niyang kuya ka pala niya hahaha”

“Alam mo kasi bro yang si knight sugod lang yan ng sugod” saad ni Ace

“ni hindi man lang niya inalam kung sino ka talaga, Basta susugod lang siya bigla” dugtong pa ni Vendrick
at uminom ng tubig

“Oo tama yang si knight sabihin natin na gwapo pero minsan tanga lang” sabi naman ni Ace

“Oh tama ka diyan hahaha minsan tanga-tanga yang si knight eh diba knight?” tanong nito kay knight na
ngayon ay nanlilisik ang matang nakatingin sa kanilang dalawa

“oh gagalit kana naman nagsabi lang ng totoo yung tao eh”

“Are the both of you done?” walang emosyong tanong nito

“Done? Psh hindi pa madami pa kaming sasabihin”

“Uy Sabrina alam mo ba yang si knight nung nililigawan niya pa lang si Ayana”
“Nagdala siya ng bulaklak sa school para daw Kay Ayana ibibigay niya”

“Ah teka natatandaan ko pa yan, yan yung high school tayo diba?” tanong ni Ven

“Oo tapos nga diba pinagtatawanan siya ng mga estudyante” saad ni Ace

“Pinagtatawanan? Bakit naman?” tanong ko

“Don’t you dare to tell them Ace” sabi naman ni knight

“pinagtawanan siya ng mga estudyante sa school,kasi ba naman magbibigay na nga lang ng bulaklak sa
patay pa”

“Akala nga namin galing siya sa burol eh hahaha”

“Promise ang tanga ni knight sa part na ‘yun, binigyan ba naman si Ayana ng bulaklak ng patay”

“Dapat nga sinabayan niya ng kandila tsaka kabaong”

“Para diresto libing” parehas nilang saad at humagalpak ng tawa.

—TBC🦋

CHAPTER 15

[SABRINA POV]

“eh bakit ba naman kasi bulaklak ng patay yung binigay mo?” tanong ko kay knight

Inis naman siyang tumingin sa’kin


“I didn’t know how to court okay? That was my first time and Hindi ko rin naman alam na sa patay yun”
saad niya sa’kin

“Dapat Kasi inalam mo muna” saad naman ni Vendrick

“Tss I’ll just borrow your sister” saad nito at hinawakan yung kamay ko tsaka lumabas ng restaurant

“Hoy san kaba pupunta?” tanong ko

“Here” sabi niya at binitawan yung kamay ko

“Oh anong gagawin natin dito sa chocolates store?”

“Kumakain kaba ng chocolate?” tanong niya kaya kumunot yung noo ko

“Oo bakit?” sagot ko

“Wait here” saad niya at pumasok sa loob

Ano namang gagawin niya dun?

Teka,…wag niyang sabihin na bibilhan niya ako ng chocolate?

Maya-maya pa ay lumabas na siya sa store na may dalang supot ng mga chocolates

“Take this” sabi nito at binigay sa’kin yung isang box ng chocolate

“Bakit mo ako binigyan?”


“Why? Ayaw mo? Then give it back”

“Wala naman akong sinabi na ayaw ko no, pero magkano ba ito?”

“it’s free”

“free? Ah dahil siguro gwapo ka kaya free nilang binigay sa’yo”

“tss that’s not it, let’s go back” wika nito at hinawakan ulit yung kamay ko tsaka kami bumalik sa
restaurant

“oh welcome back san kayo galing?” tanong ni kuya

“sa may chocolate store bumili kasi siya ng chocolate”

“yan lang binili mo? Ang konti naman”

“knight para sa’min ba yan?” tanong ni Ace

“No bumili ka ng sa’yo” walang ganang sagot nito

“Sige saan ba? Bibili ako ng madami”

“teka sama ako ah” saad naman ni Vendrick

“Bibili kayo? Dun lang oh” sabay turo ko sa chocolate store

“those chocolates cost a hundred thousand” wika ni knight kaya napatingin kami sa kanya
The f*ck! A hundred thousand?!

“But it’s free kung kayo ang bibili since I’m the owner of that store” dagdag na saad nito

Bigla namang lumiwanag yung mukha ni Ace at ni Vendrick ng marinig nila na si knight ang may ari nun

Tinignan nila ang isa’t isa at sabay na ngumiti

Dahan-dahan silang tumayo sa upuan nila

“Ah knight dun lang kami sa store mo” saad ni Vendrick at tinapik yung balikat nito

“Chocolates!! Here I come!” masayang sigaw ni Ace at tumakbo papunta sa store

“Hoy! Matakaw antayin mo ‘ko! Wag mong ubusin yung mga chocolate kundi lagot ka talaga sa’kin!”
sigaw naman ni Vendrick kay Ace at tumakbo rin papunta sa store

“tsk mga ugok na ‘yun akala naman nila free lang talaga, tss babayaran nila ‘yun” mahinang sabi ni
knight pero sakto na para marinig ko

Napatingin naman ako sa store at nakita ko sila ni Ace na kumakain ng mga chocolates

Babayaran nila ‘yun tapos hundred thousand pa yung cost?

Patay na..

May pambayad kaya sila?..


—TBC🦋

CHAPTER 16

[VENDRICK POV]

Nandito kami ni Ace sa chocolates store kumakain kami ng mga chocolates

Hindi naman pala free ‘to eh may bayad

Buti na lang may cash kaming dala ni Ace

Like knight me and Ace we’re also a billionaire

Habang kumakain ako ng chocolates ay may nakita akong familiar na babae

She’s wearing a fitted red dress

Sobrang familiar niya talaga sa’kin

Tinapik ko si Ace na ngayon ay sobrang busy sa pagkain niya actually mas madami siyang binili na
chocolates kesa sa’kin

“What?” tanong nito

“tingnan mo yung babaeng nakapula she looks familiar diba?” sabay turo ko dun sa babae

“The h*ll? That’s Ayana” gulat na sagot nito sa’kin

“Ayana?”
Tumingin naman sa gawi namin yung babaeng ‘yun at ngumisi nang mapansin niyang nakatingin kami sa
kanya

Ace is right that’s Ayana

“so bumalik na pala siya”-Ace

“D*mn hindi maganda ‘to”

[KNIGHT POV]

“Diyan muna kayo I need to go to the restroom” paalam ko sa kanila at tumayo tsaka umalis papunta sa
restroom

Pagkalabas ko ng restaurant ay nakasalubong ko si Ace at Vendrick

“Bro we need to tell you something” saad ni Ace

“What is it?”

“Andito si Ayana” sagot ni Ven

“What?”

“Nakita namin siya sa store mo kanina habang kumakain kami ngumisi pa nga siya ng makita niya kami”
dagdag pa nito

Tsk so that witch is already here?

“Ano naman kung nandito na siya? I don’t care about her” wika ko sa kanila
[SOMEONE’S POV]

I’m here at the chocolates store pinagmamasdan sila ni knight habang kausap niya yung dalawa niyang
kaibigan

I missed you so much baby don’t worry babawiin kita sa kung sino mang nagmamay-ari sayo ngayon

Tahimik lang akong pinagmamasdan sila ng mag ring yung phone ko

*Private investigator calling*

“hello? Kamusta na ang pinapagawa ko sa’yo?”

“Ma’am napag-alaman ko po na meron ng Asawa si sir knight pero sa kontrata lang po, Sabrina Madeline
Avrielle ang pangalan ng asawa niya”

“okay thanks” saad ko at binaba yung call

Sabrina Madeline Avrielle huh?

So kasal na pala siya sa contract but still wala akong paki gagawin ko ang lahat para makuha ka ulit
knight

Akin ka lang, walang ibang dapat umagaw sa’yo

At ikaw Sabrina magkikita pa tayo Kaya humanda ka

Dahil sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa gagawin ko…


—TBC🦋

CHAPTER 17

[SABRINA POV]

Kami na lang ni kuya yung naiwan dito sa restaurant pa’no kasi nag restroom si knight tapos sila ni Ace
nilalamutak pa ata yung mga chocolates dun sa store

“kuya wait here lang ah? May pupuntahan lang ako saglit” saad ko kay kuya tumango naman siya kaya
tumayo na ako sa upuan ko at lumabas ng restaurant

Sa totoo lang wala talaga akong pupuntahan gusto ko lang maglibot dito sa mall

Habang naglalakad ako ay may nakabangga sa’kin dahilan ng pagbagsak ko sa sahig

“Hala sorry miss hindi ko sinasadya” saad nito sa’kin at nilahad yung kamay niya

Tinanggap ko naman ‘yun at tumayo

“Sorry talaga” sabi nito tumingin naman ako sa kanya

“Ah nako wala ‘yun ayos lang” saad ko dito

“Ah buti naman at hindi ka galit”

“hindi naman alam ko kasing nagmamadali ka eh bakit may hinahabol kaba?”

“Ah wala naman pero late na kasi ako sa pupuntahan ko”


“sige mauna na ako” paalam nito

“teka anong pangalan mo?”

“Ayana Serenity Hemera” saad niya at tumakbo palayo

Ayana? Sounds familiar

“Sabri!!!!” sigaw na tawag sa pangalan ko kaya lumingon ako para tingnan kung sino yung sumigaw

“Oh jacob anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay jacob siya yung sumigaw ng pangalan ko

“Bibili lang ng make-up things haha ubos na kasi the”

“Ah samahan kita?”

“Sige ba let’s go” masayang wika niya at hinila ako papunta sa make-up store

“Uy the alam mo ba may nakita akong ghurl kanina ang ganda niya” sambit sa’kin ni Jacob habang
naglalakad kami

“Oh talaga?” tanong ko

“oo the hanggang ngayon nga nasa isip ko pa din yung mukha niya tsaka yung boses niya the na stock sa
utak ko tapos yung lambot ng kamay niya, yung mga labi niya..” saad niya kaya kumunot yung noo ko

“Seryoso? Bakla ka diba?”


“oo bakit?”

“eh bakit,..Hala ikaw ah baka naman-”

“hoy the wag kang ano, bakla pa din ako no at hindi yun magbabago, siguro namangha lang ako sa kanya
or what basta!”

“Ay baka iba na yan sis haha”

“Shh manahimik kana nga lang, hindi mangyayari yang iniisip mo ano” saway nito kaya natawa ako

—TBC🦋

CONTINUATION 🦋

[SABRINA POV]

Nandito na kami sa loob ng make-up store tahimik lang akong naglilibot ng biglang hablutin ni Jacob
yung damit ko

“Aray ano ba”

“Sorry sis kasi yung nakita kong babae kanina ayun siya oh” sabay turo dun sa babaeng naka red dress

Wait si Ayana?

“kilala ko yan nakabunggo ko yan kanina Ayana Serenity Hemera ang pangalan niya” saad ko kay jacob
at tinignan siya

Pero ganun na lang ang taka ko ng makita ko siyang namumula at nakatitig lang kay Ayana
Sabi na nga ba eh may crush to kay Ayana

“Hoy laway mo natulo” sabi ko sa kanya at nabalik siya sa ulirat

“Hahaha sabi na eh crush mo siya no?”

“Crush? Duh hindi no, halika na nga” sabi nito at naglibot ulit sa make-up store

[JACOB POV]

Busy akesh sa paghahanap ng make-up ng makita ko ulit yung babaeng nakita ko kanina

Kaya agad kong hinablot yung damit ni Sabri dahilan para matigil ito sa paglalakad niya

“Aray ano ba” daing niya dahil napalakas yung paghablot ko sa damit niya

“Sorry sis kasi yung nakita kong babae kanina ayun siya oh” sabay turo ko sa babaeng naka red dress

“kilala ko yan nakabunggo ko yan kanina Ayana Serenity Hemera ang pangalan niya” saad nito sa’kin

Pero hindi ko ‘yun inintindi dahil naka focus ako dun sa babae

Maganda siya, matangos ang ilong, may mapupungay na pilikmata, tapos meron din siyang pinkish lips,
at gray na mga mata idagdag mo pa yung wavy hair niya

She looks so pretty and perfect Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya

I don’t know what’s happening to me dahil ngayon lang ako nakaramdam nang ganito and hindi ko ‘yun
mapaliwanag
“Hoy laway mo natulo” wika sa’kin ni Sabri kaya nabalik ako sa hwisyo

“Hahaha sabi na eh crush mo siya no?” tanong nito sa’kin

“Crush? Duh hindi no, halika na nga” saad ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglilibot sa loob ng store

Baka crush ko siya? But how? Puro mga lalaki lang ang nagiging crush ko

Kaya imposible na maging crush ko siya

Pero crush ko nga ba talaga siya?

—TBC🦋

CHAPTER 18

[SABRINA POV]

“bibili kapa ba ng make-up? Kanina kapa eh paikot-ikot ka lang naman” wika ko kay Jacob

Kanina pa kami dito sa make-up shop 10 minutes na pero wala pa din siyang nabibili pa’no tingin ng
tingin kay Ayana kulang na lang kainin niya

“Hoy Kaizer Jacob Lavisque ano may balak ka bang bumili ng make-up? Kasi kung hindi na aalis na po
tayo dito sa store”

“Ha? Ah s-sige tara na kasi umalis na siya eh” saad niya sa’kin

At talagang inantay niya pa si Ayana na makaalis bago kami umalis ah


“Tara dun tayo sa restaurant andun si kuya” saad ko tumango na lang siya at naglakad na kami papunta
sa restaurant

Pagdating namin dun ay nakita namin si knight at sila ni Ace na nakaupo nakabalik na pala sila

“The akala ko ba kuya mo lang eh bakit andito sila ni knight?”

“kanina pa sila nandito sa mall, nag restroom kasi kanina si knight tapos yung dalawa nagpunta sa
chocolate store eh nakabalik na sila” sagot ko

“finally you’re back and kasama mo talaga si Jacob ha?”

“Yes kuya nagkasalubong kami kanina eh tapis nagpasama siya sa pagbili ng make-up pero hindi naman
siya nakabili kasi nabusy siya kakatingin kay Ayana” saad ko kay kuya

Nagkatinginan naman si knight, Ace at Vendrick

Napahawak na lang si Ace sa batok niya ng marinig niya yung sinabi ko

Bakit? Wala naman akong sinabing masama ah

“Sino namang Ayana yun?” tanong ni kuya

“Crush niya” sabay turo ko kay Jacob

Tinapik niya naman yung kamay ko

“Hoy h-indi ko yun crush no”


“Hindi raw crush pero makatingin wagas” natatawang sabi ko at tumingin naman siya sa’kin

“Ahm Sab yung Ayana bang tinutukoy mo ay si Ayana Serenity Hemera?” tanong ni Ven

“Oo siya bakit? Kilala mo siya?” tanong ko tumingin naman siya kay knight at umiling ito sa kanya

Tumingin naman siya ulit sa’kin at ngumiti

“Hindi ko siya kilala” sagot nito

“Eh bakit alam mo yung full name niya?” napansin ko namang napalunok siya at tila kinakabahan

Anyare sa lalaking ‘to?

“Kasi kahapon habang nagi-scroll siya sa facebook nakita niya yung name na yun” singit ni Ace at hinimas
yung likod ni Ven

“O-o t-tama nakita ko lang” saad niya at huminga ng malalim

Napansin ko pang may binulong sa kanya si Ace pero dahil nga mahina lang yung pagbulong niya hindi
ko ‘yun narinig.

CHAPTER 19

[JACOB POV]

“the uwi na ako ha? Kasi hinahanap na ako ni dad” paalam ko kay sabri nag text kasi sa’kin si dad uwi na
daw akesh

“Ah sige ingat ka ha?” saad niya tumango na lang ako at nag bye² na sa kanya tsaka lumakad paalis
Habang naglalakad ako palabas ng mall ay biglang may tumawag sa’kin

“Teka sandali!” sigaw nung babaeng nasa likod ko

Nilingon ko naman siya at nakita ko yung babaeng kanina ko pa iniisip

Lumapit siya sa’kin

“Sa’yo ata ‘to?” sabay abot niya sa’kin ng I.D ko

Shocks nahulog ko pala yan hindi ko namalayan

“Ah s-salamat” saad ko at kinuha yung I.d ko sa kamay niya

“Welcome” wika niya at ngumiti

Napalunok naman ako at nag-iwas tingin dahil pakiramdam ko namumula ako

“Ayos ka lang? bakit namumula ka?”

“May sakit kaba?” tanong niya sa’kin at lumapit ng konti

Hinawakan niya naman yung noo ko pero agad akong lumayo sa kanya

“A-ayos lang a-ko” sagot ko

“S-sige m-mauna na ako” wika ko sa kanya at nagmadaling lumabas sa mall


Sh*t! Jacob ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka naman ganyan dati ghurl eh!

Aishhh!!! Naloloka na ako!

—TBC🦋

(A/N; Jacob niyo need ng tulong

CHAPTER 20

[AYANA POV]

I’m here at my home kakauwi ko lang galing sa mall until now pinag-iisipan ko pa din yung pag-agaw ko
kay knight

I’m not sure kung itutuloy ko pa ba kasi lately I met a man and nung nakita ko siya iba yung naramdaman
ko I don’t know kung bakit

But I hope na magkita kami ulit

Nandito ako sa kwarto ko tahimik na nakaupo sa kama

Nakita ko yung picture ni lolo na kasama ako kinuha ko ‘yun at dinala sa terrace ng kwarto ko

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa langit habang dinadama ko ang simoy ng hangin

Naaala ko pa dati nung iniwan ko si knight

Alam kong nasaktan ko siya dahil sa pag-iwan ko but I have a reason

Pinapapunta ako ni daddy sa Mexico dahil may sakit siya and kailangan ko siyang alagaan sabi niya rin na
habang nandun ako dun na muna ako mag-aaral
Bago ako umalis papunta sa mexico nakipag hiwalay ako kay knight gusto kong sabihin sa kanya yung
dahilan pero nagalit siya sa’kin tapos iniwan niya ako

And ngayon meron na siyang bagong kinakasama I think I’ll accept it na lang

I sighed before looking at my grandpa’s picture

Bantayan mo sana ako lagi diyan lolo, you’re my guardian angel now, I miss you..

“Ayana?” tawag sa’kin ng kung sino, si mommy lang pala

“Hi ma” nakangiti kong saad lumapit naman siya sa’kin at hinimas yung ulo ko

“Miss mo na naman siya?” tanong nito kaya tumango ako

“How about knight?”

“miss ko na rin siya mommy but may bago na siyang kinakasama his wife”

“And may plano kaba?”

“I don’t know ma, her wife is pretty and kind, I don’t know kung itutuloy ko pa yung plano ko, kasi when
I saw them lately mukhang masaya naman sila”

“Masaya naman pala eh edi hayaan mo na lang may mahahanap ka din ng para sa’yo” wika sa’kin ni
mommy

Tinignan ko naman siya


“No worries ma, I won’t ruin their relationship na” nakangiti na sabi ko kay mommy at sinandal yung ulo
ko sa balikat niya..

—TBC🦋

CHAPTER 21

[SABRINA POV]

“kuya uwi na Tayo” anyaya ko kay kuya

“Uwi na kayo? Kami din eh” saad naman ni Ace

Tumayo na si kuya sa upuan niya at binitbit yung binili ko kanina

Nagpaalam na kami sa kanila ni knight bago lumabas ng mall

Tulad ng kanina nag para ulit si kuya ng taxi ayaw niya magpasundo kay manong eh

Nang makapara na siya ng taxi ay inunahan niya akong makapasok sa loob tsk si kuya talaga kahit kelan

Nang nakarating kami sa bahay ay agad akong pumasok para tingnan yung pinambili ko

Umakyat ako agad sa kwarto ko bago ko maisara yung pinto ay narinig ko pa yung sigaw ni kuya

“Bumaba ka agad sabrina sasayaw kapa!” sigaw sa’kin ni kuya kaya natigilan ako

The h*ll? Ako sasayaw?


Napairap na lang ako at sinara yung pinto nagbihis muna ako ng pambahay tsaka ko binuksan yung
pinamili ko

Well mga libro lang naman to bagong labas Kasi kaya mabenta, nilagay ko yun book shelf ko at lumabas
na ng kwarto

Dahil papasasayawin na naman ata ako ng baliw kong kuya

“Oh hahaha dalian mo nandito sila ni mom and dad inaantay ka” saad sa’kin ni kuya

“Psh kuya naman you know I can’t dance diba? Tapos pasasayawin mo pa ako” reklamo ko nang
makalapit ako sa kanya

“Teka kanina nag request ka sa’kin na samahan kita sa mall and pumayag ako”

“tapos ngayon pinapasayaw lang kita ayaw mo pa ang daya naman” wika nito at nag-arteng maiiyak na

Napasapo na lang ako sa noo ko

“sige na nga sasayaw na pero wag niyo akong tatawanan ha” saad ko at pumunta sa gitna

Umupo naman si kuya sa tabi ni mommy at daddy

“1, 2, 3, Start!!” sabi ni kuya at inon ang music

Kaya nagsimula na akong sumayaw kahit anong sayaw na lang ang gagawin ko basta gusto ko ng
matapos ‘to

“Start twrikin’ like miley(oh yeah)


Twerkin’ like miley (No, pop it likey miley, yeah)” pakembot-kembot lang naman yung ginagawa kong
sayaw

Dahil Hindi ko alam kung pa’no sayawin yung twerk na yan

“Now watch me whip, watch me nae nae” ibang kanta na yan ah pinalitan kasi ni kuya yung tugtog

At ito pa rin ako gumigiling-giling habang sinasabayan yung kanta

Nagmumuka na nga akong baliw dito

Sila ni kuya naman kulang na lang mamatay sa kakatawa

Kanina pa sila tawang-tawa sa sayaw ko kala naman nila madaling sumayaw

“Hahaha sige na hahah tama na Tama na” natatawang saad ni kuya at pinatay yung music

Inis ko naman silang tinignan at umakyat ulit sa kwarto ko

Nag cellphone na lang ako at humiga sa kama ng biglang may gustong Makipag video call si Ace lang
naman friends kami sa messenger eh

Sinagot ko yung call at nagtaka ako dahil nakita ko siya tsaka si Vendrick na tawang-tawa maliban lang
kay knight na nakangiti lang sa’kin

“Hoy bakit tumatawa kayo?” tanong ko sa kanila

“Nakita ka naming sumayaw hahah” saad ni Ven

“A-ano nakita niyo p-pano?”


“kasi habang sumasayaw ka vinideohan ka ng kuya mo live sa social media” wika ni Ace

Nagulat naman ako dahil dun sh*t kuya bat ako vinideohan ng live?!

“Ang astig ng sayaw mo Sabri hahaha”

“Oo nga mukha kang hotdog na sumasayaw” saad ni Ace at humagalpak sila ng tawa ni Vendrick

Tumingin naman ako kay knight na ngayon ay nagpipigil din ng tawa

At dahil sa inis ko pinatayan ko sila ng call

—TBC🦋

CHAPTER 22

[SABRINA POV]

Matapos ko silang patayan ng call ay inoff ko yung phone ko at humiga sa kama

Tss makatawa sila kala nila hindi mahirap sumayaw

Binaliwala ko na lang yung inis ko at natulog na lang ako tutal may pasok pa kami bukas

“My Princess gising na late kana” pag-gising sa’kin ni daddy at hinawakan yung dalawang balikat ko

“5 minutes pa Dad”
“it’s already 7:30 My Princess”sabi ni Daddy kaya agad akong napamulat nang mata

“hala 7:30 na late na ako” tarantang sabi ko at mabilis na bumangon sa kama kinuha ko agad yung
uniform ko at pumasok sa loob nang banyo, naligo, nagsipilyo, etc

Paglabas ko nang banyo ay wala na si Daddy kaya agad akong pumunta sa closet para magbihis

Lalabas na sana ako ng kwarto ko para kumain ng breakfast ng biglang…

“My princess 7:50 na” sabi sakin ni daddy na ikinagulat ko oh sh*t late na nga pala ako bumalik ako nang
kwarto ko at kinuha yung mga gamit ko tsaka bumaba nang hagdan

“bye everybody” sigaw ko habang tumatakbo palabas

“mang kiko let’s go na” sabi ko at sumakay sa kotse sumakay na din si mang kiko at umalis na kami at
pag minamalas ka nga naman na traffic pa ako

“manong ang tagal nmn po ata male-late na ako”

“sorry po ma’am pero yung truck po kasi ang bagal umandar eh” sabi ni mang kiko pa’no na to late na
ako tiningnan ko yung wristwatch ko at nakita kong 8:10 na wala na akong choice kailangan kong
tumakbo

Kaya lumabas na ako nang kotse at tumakbo papuntang university

“Manong Guard” hingal na sabi ko

“oh Madi (Sabrina Madeline) ikaw pala”

“manong guard nandiyan pa po ba yung mga estudyante? Nakapila pa po ba?”


“huh? Anong nakapila eh wala pa nga sila

Tsaka ikaw palang yung pumapasok ang aga mo nga eh” saad sa’kin ni Manong guard kaya nagtaka ako

“Maaga eh 8:30 na po”

“8:30?”

“opo 8:30 na po”

“6:15 pa lang iha”seryoso nyang sabi na ikinagulat ko

What the f*ck 6:15 pa lang? don’t tell me na mali Yung orasan nitong wristwatch ko at niloloko lang ako
ni Daddy

“Madi advance yang relo mo kaya pala nagtataka ako kung bakit ang aga mo” nyeta 6:15 pa lang nga
wahhh naloko ako ni Daddy huhu hindi tuloy ako nakakain gutom pa nmn ako:<

—TBC🦋

CHAPTER 23

[SABRINA POV]

Napailing na lang ako dahil sa katangahan ko aish bakit ba kasi ang bilis kong mauto

“Morning the” masayang wika ng katabi ko napatingin naman ako sa kanya at nakita ko si Jacob

“Hay salamat nandito kana rin, teka nga bakit ang aga mo?”
“Wala lang gusto ko lang” saad nito

“ikaw bakit ang aga mo?”

“Wag mo nang alamin pasok na tayo” Sabi ko sa kanya at akmang papasok na ng may humintong
sasakyan sa gilid namin

Napahinto naman kami ni Jacob para tingnan yung kotse

Maya-maya pa ay may lumabas na babae

“Sh*t” mahinang mura ni Jacob

Wanna know why? Dahil si Ayana yung babaeng bumaba sa kotse she’s wearing our school buniform

Dito rin pala siya nag-aaral?

Tumingin ito sa gawi namin ni Jacob nginitian niya kami tsaka sinara yung pintuan ng kotse

“Manong tawagan ko na lang po kayo mamaya kapag uwian na” saad nito sa driver

“Sige po ingat po ha bye po” wika niya at lumakad papunta sa’min

At ito namang si Jacob ayun hindi mapakali

“Hi Ayana” bati ko

“Hello Sabrina” masayang bati niya rin


“Dito ka pala nag-aaral?”

“Ah oo kaka transfer ko lang eh” sagot nito Kaya tumango ako

Tinignan ko naman si Jacob na tulalang nakatingin sa kanya

“Ah Ayana friend ko nga pala” sabay hablot ko kay Jacob sa harapan ni Ayana

“Ah nakita ko siya yesterday sa mall kasi binigay ko yung Identification Card niya”

“Hello again” sabay lahad ng kamay niya kay Jacob

“H-hi” kinakabahan na wika niya at nakipag shake hands kay Ayana

“I’m Ayana Serenity Hemera sorry ha hindi ako nakipag kilala sa’yo kahapon tumakbo ka kasi agad
palabas eh”

“O-okay lang” nauutal na wika nito

“Hoy magpakilala ka” bulong ko sa kanya

“Hi I’m yours este I’m Kaizer Jacob Lavisque” pagpapakilala niya

Kaya napahagikhik naman ako

“Hoy hinay hinay ka lang, kaka kilala niyo pa lang I’m yours kana agad” bulong ko sa kanya

Ewan ko lang kung narinig niya dahil busy pa siya sa pagtitig kay Ayana
—TBC🦋

CHAPTER 23

[SABRINA POV]

“Ayana mabuti pa pumasok na tayo sa loob bago kapa matunaw sa titig sa’yo ni Jacob” wika ko

“Sige buti pa nga” saad niya at pumasok na kami

Bigla namang tumingin sa’min si jacob pfft siguro nabalik na sa ulirat ‘to dahil nung napansin niyang
papasok na kami ay bigla siyang tumakbo papunta sa’min

“Oh buti naman bumalik kana sa pagka-ulirat mo”

“H-ha b-bakit?”

“eh makatitig ka kay Ayana wagas eh konti na lang tumulo ng yung laway mo” wika ko sa kanya

“Hindi naman nagandahan lang ako”

“Ah oo nga pala Ayana para malaman mo itong si jacob bakla ‘to” sabay turo ko kay jacob binaba niya
naman yung kamay ko

“Pero magiging lalaki na ako” saad niya at inayos yung kwelyo ng uniform niya

Tumingin naman ito sa’kin at ngumiti

“Nakita ko nga pala yung sayaw mo kahapon” wika niya kaya nanlaki yung mata ko
Pati siya? Nakita yung sayaw ko?

“Ang tigas ng katawan mo ghurl palambutin mo nga yan grabe sumakit yung tiyan ko kakatawa dahil sa
sayaw mo” dagdag niya

“I-ikaw Ayana nakita mo din ba yung sayaw ko?”

“Ah sorry hindi eh, hindi kasi ako gumamit ng cellphone yesterday” sabi niya kaya nakahing ako ng
maluwag

“Ayana bakit hindi mo turuan si sabrina na sumayaw? Marunong ka naman diba?”

“Ah hindi kasi ako sumasayaw eh tinigil ko”

“Bakit naman?” tanong ko sa kanya

“Kasi nung bata pa ako pinasayaw ako ni daddy tapos sabi niya wag ko na daw ulitin”

“Magaling ka naman sigurong sumayaw diba?” tanong ni Jacob

“Hindi ako magaling sumayaw, sabi nga ni daddy pagkatapos kong sumayaw mukha daw akong bulateng
nangingisay” saad sa’min ni Ayana

Nagkatinginan naman kami ni Jacob

At bakas sa mukha niya na natatawa siya pero pinipigilan niya lang.

—TBC🦋

CONTINUATION 🦋
“Ay salamat naman kung ganun at least hindi ako nag-iisa hahah” natatawang saad ko sa kanila

“Anong oras na? 6:30 na ba? Kasi nagdadatingan na yung mga estudyante”

“Ah oo 6:30 na sakto haha” sagot ni Jacob habang nakatingin sa wristwatch niya

“knight” mahinang sambit ni Ayana

Teka bakit kilala niya si knight?

Nabigla naman ako ng may umakbay sa’kin

“Hi wife” nakangiti niyang sabi sa’kin kaya nginitian ko din siya

Nabaling naman yung tingin niya kay Ayana at biglang nagbago yung awra ng mukha niya

“What are you doing here?” cold na tanong niya

“Kaka transfer ko lang dito” sagot nito

“Teka magka kilala kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa

Tumango naman si Ayana

“She’s my ex” wika ni knight habang masamang nakatingin kay Ayana

“Ikaw pala yun? Kaya pala familiar sa’kin yung name mo” wika ko nagulat na lang kami ng biglang
hawakan ni knight yung kwelyo ng Uniform ni Ayana
“Don’t you dare ruin our relationship Ayana or else you’ll regret it, at isa pa ang kapal din ng mukha
mong bumalik matapos mo akong iwan tsk get lost” mariin nitong sabi at tinulak si Ayana sa sahig

Napadaing naman siya dahil malakas yung pagkakatulak sa kanya ni knight

Bumalik sa’kin yung tingin niya at hinawakan nito Yung pulsuhan ko tsaka ako hinatak paalis dun

Nilingon ko muna si Ayana, nilapitan siya ni jacob at tinulugan siya nitong makatayo

[JACOB POV]

Dinala ko agad si Ayana dito sa clinic dahil nagkasugat siya, buti na lang may tao na

Inupo ko si Ayana dun sa upuan

“Oh iha napano yang sugat mo?”

“Ah nadapa lang po ako” sagot nito, kumuha naman ng bulak at betadine yung doctor kumuha din siya
ng band-aid at ginamot yung sugat ni Ayana

Matapos niya itong gamutin ay nagpasalamat sa kany si Ayana bago ako nito sabihan na lumabas na
kami

At gaya ng kanina tinulugan ko ulit siyang makatayo tsaka lumabas ng clinic

Inupo ko siya sa malapit na puno katapat ng clinic

“Pagpasensiyahan mo na yung ginawa ni knight ha?” saad ko sa kanya


“Ayos lang dapat lang naman sa’kin yun eh” mahinahon niyang wika

“Dahil alam kong labis siyang nasaktan sa pag-iwan ko sa kanya, pero may rason ako kung bakit ko siya
iniwan at kung bakit ako nakipag hiwalay sa kanya”

“Ano bang rason mo?”

“si lolo”

“Nagkasakit si lolo nun kaya pinapapunta ako ni daddy sa Mexico, para alagaan si lolo, sabi niya pa dun
na rin ako mag-aral habang inaalagaan ko si lolo sumama rin sa’kin si dad papuntang Mexico”

“Nakipag-hiwalay ako kay knight dahil dun iniwan ko siya hindi ko na nasabi yung rason ko dahil nagalit
siya”

“Nasan na yung lolo at daddy mo?” tanong ko nito

“Umalis na sila”

“Ha? Eh san sila pumunta?”

“They’re now in God’s Place”

“Alam mo” putol na salita niya at tumingin sa’kin

Nagulat naman ako ng makita kong umiiyak siya

“Gusto kong magkaroon ng Amnesia”


“Bakit naman? Kapag nagka amnesia ka makakalimutan mo la–” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil
sumingit siya

“kaya nga mas gusto kong magkaroon ng amnesia para makalimutan ko yung mga nangyari dati” wika
niya at ngumiti na may halong lungkot.

—TBC🦋

CHAPTER 24

[SABRINA POV]

“knight teka sandali” wika ko kay knight at tinanggal yung kamay ko na hawak niya

“Bakit mo naman ginawa kay Ayana yun?” tanong ko nilingon niya naman ako

“She deserves that”

“Pero may rason naman ata siya kung bakit ka niya iniwan diba?”

“Kung ano mang reason niya I don’t want to hear it” saad niya at umalis

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumaba ulit para puntahan sila ni Jacob

[AYANA POV]

“Ayana! Jacob!” sigaw sa’min ni Sabrina

“Hi sab, si knight?” tanong ni Jacob


“Nasa classroom niya ata, anyway kamusta kana?” tanong nito sa’kin

“Ayos na ako”

“kinwento niya sa’kin yung rason kung bakit niya iniwan si knight dahil nagkasakit yung lolo niya that’s
why need niyang alagaan” sabi ni Jacob kay Sabrina

“Bakit hindi mo sabihin kay knight yung dahilan kung bakit mo siya iniwan” wika sa’kin ni Jacob

Tinignan ko si Sabrina at bakas sa mukha niya na nalungkot siya sa sinabi ni Jacob

Binaling ko yung tingin ko kay Jacob at umiling

“Hindi na, hihingi na lang ako ng tawad sa kanya” mahinahon kong saad

“At Isa pa, ayokong makasira ng relasyon” sabay tingin ko kay sabrina at nginitian siya

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero totoo ‘yun

I don’t want to ruin their relationship because I want the two of them to be happy

“Ahm Ayana” pagtawag sa’kin ni Jacob

“Hm bakit?”

“May pupuntahan kapa ba mamaya?”

“Wala na uuwi na ako after ng school”


“Baka p-pwede kang mahatid?” tanong nito at hinaplos yung leeg niya

“Oo naman” masayang sagot ko

“T-talaga?” tanong niya ulit, tinanguan ko na lang siya bilang pagsagot

“Ay ano palang section mo?”

“Section A2” sagot ko

Nanlaki naman yung mata niya at ngiting tumingin kay Jacob

Tinignan ko naman si Jacob na ngayon ay malapad ang ngiti

Anong meron?

Lumapit si Sabrina kay Jacob at may binulong pero hindi ko naman narinig

[JACOB POV]

Section A2 siya? Malapit lang yun sa classroom namin

“Hoy ang swerte mo, magkalapit lang yung classroom natin at yung classroom ni Ayana”

“Edi madali mo na siyang maliligawan”

“Pero bago ‘yun magpakalalaki ka muna” dagdag na bulong nito

Tss nagpapakalalaki na nga eh bubulongan pa ako


—TBC🦋

CHAPTER 25

[JACOB POV]

“Teka maiwan ko muna kayo” paalam ko sa dalawa

“San ka pupunta?”

“Sa taas lang may gagawin lang ako” saad ko at mabilis na umalis dun tsaka umakyat papunta sa taas

Pupuntahan ko ngayon si knight gusto kong sabihin sa kanya yung rason ni Ayana kung bakit siya nito
iniwan

Nakarating na ako sa classroom nila pumasok na lang ako agad dahil nakabukas naman ito at silang tatlo
palang ang nandito

“knight” pagtawag ko tumingin naman ito sa’kin

“What?”

“May gusto lang akong sabihin sa’yo”

“What is it?”

“Tungkol sa pag-iwan sa’yo ni Ayana” saad ko tinignan niya naman ako ng seryoso

Tumayo siya sa upuan niya at lalabas na sana ng classroom ng magsalita ako


“Iniwan ka niya dahil sa lolo niya, nakipag break siya sa’yo dahil kailangan niyang alagaan yung lolo niya
na may sakit” wika ko alam kong nagulat siya dahil bakas yun sa mukha niya

Lumabas siya ng classroom at ewan ko kung san siya pupunta

[SABRINA POV]

Nag-uusap lang kami ni Ayana dito pa rin sa may ilalim ng puno ng bigla kong makita si knight

Papunta siya dito sa gawi namin

“Wife I need to talk to Ayana for a second” seryoso niyang sabi at hinawakan yung kamay ni Ayana at
umalis

San naman sila pupunta?

Tinignan ko lang silang dalawa habang hawak hawak ni knight yung kamay ni Ayana

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng lungkot parang may hindi Magandang mangyayari

Aish ewan!!

[AYANA POV]

“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay knight huminto naman siya at tinignan ako

“Jacob told me your reason kung bakit mo ako iniwan”


“I want to say sorry sa ginawa ko at sinabi ko sa’yo kanina”

“Haha ayos Lang sa totoo lang gusto kong sabihin sa’yo yung rason ko kanina kaso bigla mong hinatak
yung kwelyo ko”

“I’m sorry Ayana”

“Ayos lang basta bati na tayo ha?”

“Yes I’m really sorry” wika nito

“Yey bati na rin tayo hahaha, sa totoo lang yun naman talaga yung gusto ko, sorry din pala sa ginawa
kong pag-iwan sa’yo”

“That’s fine may reason ka naman”

“Sa wakas napatawad mo na rin ako” saad ko

“so ano? Friends?” tanong nito na ikinalungkot ko

“Friends lang? best friend ayaw mo? Si Sabrina nga at Jacob best frie–”

“Fine best friends okay na?”

“Hahaha okay na okay” masayang saad ko

“Ga’no na pala kayo katagal ni Sabrina?”

“days palang” wika nito


“Wag mo nang pakawalan ha? Gusto ko kayo for each other”

“Salamat, ikaw ba?”

“Ako? May inaantay na lang ako haha” saad ko, tumango naman siya at ngumiti

“Basta kapag kinasal kayo ako dapat yung ninang ha?”

“Sige if that’s what you want” ngiti nitong wika kaya ngumiti rin ako sa kanya..

—TBC🦋

CHAPTER 26

[KNIGHT POV]

“hey Ayana can you help me?” tanong ko kay Ayana

“Hm? Saan?”

“Gusto kong pagselosin si Sabrina”

“And why?”

“Wala lang gusto ko lang malaman kung mahal niya na ba ako, kasi these past few days parang ayaw
niya pa sa’kin”

“Ah haha sure pero pa’no?”


“Let’s pretend na nagkabalikan Tayo”

“Sure ka? Yan talaga? Iba na lang kaya”

“Ito lang yung naiisip ko eh”

“Ayoko wag yan, masasaktan lang si sab tsaka si jacob”

“kunwari lang naman eh, para mapaamin ko si sabrina”

“okay sige pero pag nag-away ko labas ako diyan”

“Oo Basta pumayag ka”

“Sige”..

[SABRINA POV]

“Sab!! Oh asan si yana?”

“Ah nag-usap sila ni knight” sagot ko kay Jacob tumabi naman siya sa’kin

“Sana magkabati sila para wala nang away” saad ni jacob

Magsasalita na sana ako ng dumating si Ayana at si knight masaya silang nag-uusap at nakaakbay pa si
knight sa kanya

“Bati na kayo?” tanong ko


“Yes bati na kami ni babe” sagot sa’kin ni knight

Teka

Babe?

Tama ba yung narinig ko?

“Babe?” gulat na tanong ni jacob

“Yes kami na ulit” saad ni Ayana

“P-pero pano si Sabri at ako?”

“Sorry kalimutan niyo na lang yung sinabi namin sa inyo, sige we need to go” wika ni knight at umalis

Nagkatinginan kami ni Jacob at bakas sa mukha niya ang pagkagulat

Napasinghap na lang ako habang tinitingnan si Ayana at knight na lumalakad palayo

Hindi ko napansin na unti-unti na palang tumutulo yung luha ko

Akala ko seryoso siya sa’kin

Pero mukhang nagkamali ako…

—TBC🦋

CHAPTER 27
[SABRINA POV]

“Shh tahan na, hindi naman ata totoo yung sinabi nila eh” pagpapatahan sa’kin ni jacob at hinimas yung
likod ko

“P-ero pa’no k-ung totoo?”

“kung sakali mang totoo ‘yun wala na tayong magagawa” malungkot nitong saad

“Mabuti wag na muna tayo pumasok hatid na lang kita sa inyo”

“Papasok ako”

“Ganun? Sige uuwi na lang ako kasi wala akong gana ngayon eh” saad nito

Alam kong malungkot din siya sa nangyari halata sa mukha niya

“Uwi na lang tayo” wika ko sa kanya at tumayo sa puno

Hinawakan ko yung kamay niya at sabay kaming lumabas sa university

[AYANA POV]

“Oh ano namang gagawin natin dito sa condo mo?” tanong ko kay knight

Nandito kami sa condo niya

“Tulungan mo nga ako, gusto kong I surprise si Sabrina”


“Para saan?”

“Diba kasi nagpapangap nga Tayo na nagkabalikan tayo for sure malulugkot siya dahil dun that’s why
kapag napa-amin ko na siya I want to surprise her and besides malapit na ang birthday niya”

“And? Anong tulong ang need mo?”

“Ano bang maganda?”

“Why don’t you give her flowers nor chocolates? Or di kaya maglagay ka ng roses dito sa sahig then
gawin mong heart shape with candles dito sa side”

“Tapos?”

“Then dapat sa loob ng heart roses may nakalagay na I love you using petals”

“pwede ring bilhan mo siya ng necklace or bracelet as a present for her birthday diba?” saad ko sa kanya
napangiti naman siya at tumango

“Nice! Magaling ka talaga pag dating sa mga surprises no?”

“Hindi naman but kinda” wika ko

“So kelan mo gagawin yung plan?”

“Tomorrow” sabi niya tumango na lang ako bilang pag-agree

—TBC🦋

CONTINUATION 🦋
[AYANA POV]

“Okay na yung plans natin can I go home na?”

“Sige samahan na kita” saad niya kinuha ko yung gamit ko at lumabas ng condo niya

Sumunod naman siya sa’kin, umuna na lang ako sa elevator..

[SABRINA POV]

“Sab, look oh diba dito yung condo ni knight?” pagtatanong nito sa’kin

“Oo bakit?”

“Sila ba yun?” sabay turo niya sa isang babae at lalaki na nag-uusap

Si knight at Ayana

“Lapitan natin?” tanong ko sa kanya pero hindi ko na lang inantay yung sagot niya

Dahil pumunta na ako sa kanila

“Hi” masayang saad ko pero deep inside nasasaktan ako

Biglang hinawakan ni knight yung bewang ni Ayana na mas lalong kinalungkot ko

“Hi sab anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ayana

“Napadaan lang kami ni jacob” sagot ko at tinawag si Jacob


Lumapit naman ito sa’kin at inakbayan ako

“Ah oo tama napadaan lang kami ng gf ko” wika nito sa kanila

Napansin ko namang nagulat sila dahil dun

“Kayo na?” tanong sa’min ni Ayana

Pero may halong lungkot yung boses niya bakit kaya?

“Ah oo” sagot ko dito

Nilingon ko naman si Jacob, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya sa pisnge

Pansin kong nagulat siya,

“F*ck!” sigaw ni knight at inalis yung kamay niya sa bewang ni Ayana

Inis niyang tinignan si Jacob habang si Ayana naman ay gulat lang na nakatingin sa’ming dalawa ni Jacob.

–TBC🦋

CHAPTER 28

[SABRINA POV]

Akmang lalapitan sana ni knight si Jacob ng humarang ako

“Hoy ano ba bakit kaba sumisigaw?”


“Why did you kiss him?!” galit nitong tanong

“Bakit ba? Eh boyfriend ko naman siya kaya may karapatan akong hali–” hindi ko natapos yung sasabihin
ko ng bigla niya akong hinalikan

“Oh sh*t” rinig kong mura ni jacob

“Sanaol” wika naman ni Ayana

“There now don’t you ever kiss him!” saad nito ng kumalas siya sa pagkakahalik sa’kin

“Hoy ano ba bakit mo ako hinalikan ha? Diba dapat yang si Ayana yung hinalikan mo tutal girlfriend mo
naman siya”

“Ikaw talaga napaka sinungaling mo! Sabi mo seryoso ka sa’kin tapos magiging kayo ulit ni Ayana!”

“Tsk Mahal pa naman kita kaso Wala e! naging kayo ul–“

“It’s just a prank” singit ni Ayana kaya natigilan ako

“A-no?”

“Prank lang ‘yun, ginawa namin yun para mapaamin ka about sa true feelings mo para kay knight, and
since umamin kana edi tapos na rin yung pagpapanggap namin” mahabang lintana nito

“So ibig mong sabihin nagpapangap lang kayo kanina?” tanong ko

Ngumisi naman si knight


“Of course wife, you know that I loved you so much kaya hindi ko magagawa na ipagpalit ka” malambing
nitong saad sa’kin

Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya at niyakap siya

“Ahm Ayana”

“Hi Jacob” nakangiti nitong sambit

“Pwede ba kitang ligawan?” tanong nito

Nginitian lang siya ni Ayana at tumango

“Yes!! Salamat!!” masayang sabi niya at niyakap din si Ayana

Nung una nagulat pa ito pero kalaunan ay niyakap din siya pabalik ni Ayana

—THE END

(A/N; Hahaha charot lang hindi pa yan yung ending pero 2 chapters na lang finale na

CHAPTER 29

[SABRINA POV]

“Oh pa’no knight, sabri iwan na namin kayo ha? Need ko ng umuwi eh”

“Ako din sab ihahatid ko pa si Ayana”

“Ayieee kayo ha hahaha” natatawang saad ko


“knight ikaw ng bahala kay sabri ha? Sasabihin ko na lang kay tito at sa kuya mo na kasama mo ang
asawa mo”

“sige, ingat kayo” masayang sabi ko

Kumaway silang dalawa sa’min at umalis na

“Let’s go inside?” aya ni knight, tumango na lang ako bilang pagsagot at pumasok na kami sa condo niya

[JACOB POV]

“ang sweet nung dalawa no?” tanong ko kay Ayana

“oo nga eh sanaol na lang”

“haha wag kang mag sanaol meron ka namang ako” ngiting saad ko sa kanya

“Pero Ayana salamat ha”

“Hm saan?”

“kasi kung hindi dahil sa’yo hindi mabubuhay ang pagkalalaki ko”

“Ah yun ba? Teka since birth mo ba bakla kana?” tanong nito

“Hindi naman, pero dati kasi hilig akong asarin nung mga kaibigan ko na bakla halos araw-araw nila
akong inaasar kaya ayun natuluyan” wika ko
“Ah hahaha”

“Pero Yana bakit mo ba ako tinanggap? Kahit na alam mong bakla ako?”

“Well kasi wala naman sa gender yan at isa pa diba sabi mo magpapakalalaki ka? And besides kapag
nagmahal ka wala naman sa uri yan basta mahal mo, mahal mo” saad niya

Huminto naman ako sa paglalakad dahilan ng paghinto niya rin

“Bakit ka huminto?” tanong nito pero imbis na sagutin ko ay hinawakan ko yung dalawa niyang kamay

“Thank you talaga Ayana, ikaw lang yung unang babae na minahal ko at Yung unang babaeng
nagpadama sa’kin ng ganito”

“Ano kaba,. Wala ‘yun” nakangiti nitong saad

Niyakap ko naman siya at bumulong sa tenga niya

“I love you Ayana Serenity Hemera”

“I love you too Kaizer Jacob Lavisque” bulong rin niyang sabi kaya mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko
sa kanya..

[KNIGHT POV]

“Knight tulog muna ako ha?”

“Why? Inaantok kana?”

“Medyo haha”
“okay sleep tight wife” sabi ko at hinalikan siya sa noo

Ngumiti ito sa’kin at humiga sa kama at natulog

Pumunta naman ako sa bathroom para maligo

–FEW MINUTES LATER–

Natapos na rin akong maligo kaya lumabas na ako ng bathroom gabi na rin pala dahil pag tingin ko sa
orasan 7:00 na

Nakita ko naman si wife na mahimbing na natutulog

Tumabi ako sa kanya at tinignan yung kabuoan ng mukha niya

She’s peacefully sleeping

Humiga ako sa tabi niya at hinawi yung buhok niya

Matutulog muna ako gigising na lang ako mamaya since gusto kong makasamang matulog yung Asawa
ko

Hinalikan ko muna siya sa pisnge at sa noo niya bago ko pinikit yung mga mata ko at natulog…

(A/N; The last chapter is now up)

CHAPTER 30

[SABRINA POV]
Nagising ako dahil sa sinag ng araw unti-unti kong minulat yung mga mata ko at nakita ko si knight na
nakatingin sa’kin habang nakangiti

“My beautiful wife is now awake” saad nito bumangon naman ako sa pagkakahiga

“Good morning” ngiti kong sabi

“Tayo kana diyan I’ll take a bath lang ulit” wika nito at ginulo yung buhok ko tsaka tumayo sa kama at
pumunta ng bathroom

Tinignan ko naman yung orasan 7:15 a.m.

Tumayo na ako at niligpit ko yung kama

Matapos kong magligpit ay pumunta ako sa may bintana

Binuksan ko ‘yun at dinama ko ang simoy ng hangin

Such a quiet morning

Peaceful yet beautiful

Ang saya sa pakiramdam na gigising ka tapos ganito kaganda ang bubungad sa’yo

A refreshing day to start

[KNIGHT POV]
After kong maligo ay agad akong lumabas ng bathroom kasi gusto ko ng makita ulit ang asawa ko

Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita ko siya sa may bintana

Hindi niya napansin yung paglabas ko dahil nakatuon ang pansin niya sa labas

Kaya naman dahan-dahan akong pumunta sa kanya at niyakap siya habang nakatalikod siya

Pansin ko namang nagulat siya pero kalaunan ay ngumiti rin siya

“Enjoying the morning wife?” tanong ko

“Hmm oo” nakangiti nitong sabi

“A beautiful morning” bulong ko sa tenga niya

“Nakakapanibago lang yung morning today”

“Syempre kasama mo ako eh” wika ko kaya natawa siya

Nginitian ko na lang ito at hiniga yung ulo ko sa balikat niya

I’m so lucky to have you

Sabrina Madeline Avrielle

My wife
My life

—THE END🦋

(A/N; Now it’s finally done! Guys thank you so much for reading and sa mga nag support sa story ko
thank you talaga! Sana suportahan niyo yung series 2 and 3 ng story na ‘to again thank you so much! ❣️)

You might also like