You are on page 1of 7

Music:

Takipsilim by KC Concepcion
Minsan by Eraser Heads
Jopay by Mayonaisse
Ikaw by Sarah Geronimo
First Day High by Kamikazee
MAPA by SB19
Akin ka nalang by Itchyworms
With a Smile by Eraser Heads / Huwag kang matakot by Eraser Heads
Buloy by Parokya ni Edgar
Hatid by The Juans / Kisapmata by Rivermaya
Huling Sandali by December Avenue
This Guy inlove with you Pare by Parokya ni Edgar
Batang Bata ka Pa by APO Hiking Society
Time In by Yeng Constantino

Mga Pangunahing Tauhan:

Gabby Dela Cruz


Mark Smith
Niel Monteverde
Sofia de Vera

Mga Pang-Suportang Tauhan:

Mrs. Dela Cruz - Nanay ni Gabby


Mr. Smith - Tatay ni Mark
Ms. Hannah Yu
Mga kaklase
Mga kabarkada
Mga ka-Club at ka-Varsity

Scene 1 : New Year’s Eve


Hotel

Papasok ang mga character:

Gabby : (Naglalakad at mauupo habang may binabasang libro. At ililipat ito na kunwari’y
tapos na sa nabasang pahina.)

Nanay ni Gabby : Gab, nagbabasa ka na naman ng libro. Pwede bang makisalamuha ka


sa ibang kabataan sa baba? (Kinuha ang libro kay Gabby)

Gabby : Ma, wala naman ako kakilala doon. (Pilit na kinuha ang libro ngunit di ibinigay
ng Nanay) O sige na nga, pero puwede paki balik muna nung libro ko?

Nanay ni Gabby : (Inabot ng Nanay ang libro) Siguraduhin mo lang, okay?

Gabby : Opo, Ma. (At lumabas sa eksena ang dalawa)

Sa kabilang side ng stage:

Mark : (Naglalaro ng Mobile Legends kasama si Niel at biglang natalo.) Ay ano ba yan!
Talo na naman tayo. Ang bobo naman nung kakampi natin.

Niel : Hayaan mo na. Wala naman tayong magagawa. Minsan talaga natatalo minsan
nananalo.

Mark : Isa pa laro pa tayo. Babawian natin makakalaban natin.


Niel : Huwag na, baka madagdagan lang ang init ng iyong ulo. Mabuti pa, pumunta tayo
ng party. Baka makakita pa tayo ng chikabebs don.

Mark : (Iiling nalang sa kalokohan ng kabarkada) Ikaw talaga, puro pambababae yan
nasa isip mo. Kaya walang natagal sa iyo e. Tara na nga. Makainom nalang din siguro
don.

Scene 2 : New Year’s Eve


Party Hall

Papasok lahat ng karakter sa stage at magpaparty.


(Background music na pang-party)

Kaklase 1 : Mark! Niel! Dito! (Kaway sa dalawang papasok palang ng Party Hall.)

Lumalapit si Mark at Niel sa kaklase na tumawag sa kanila.

Samantalang pumapasok mag-isa si Gabby sa loob ng hall. At mauupo sa gilid habang


magse-selpon.

Host : Alright! Sino kaya sa ating mga guest ngayon ang magbibigay ng isang special
number? Nasaan na ang ating bunutan? So lahat ng name ng mga kabataan nandito ay
nasa atin bunutan na.

Bumubunot at hinahalo ang bunutan. Kumuha ng isa at tinawag ang pangalan.

Host : Alright! Eto na ang una natin na aakyat ng stage. Mr. o Ms. Gabby Dela Cruz.
Come on up to the stage!

Magugulat nalang si Gabby na animo’y di niya alam ang nangyayare at bakit siya
tinatawag sa stage. At lumakad papalapit sa Host.

Host : Alright! Siya pala si Ms. Gabby Dela Cruz. Okay, next up. Ang makaka-duet mo ay
si... (Bumubunot ulit ng pangalan sa bunutan) Si Mr. Mark Smith! Nasaan ka na?

Sa gilid ng stage ay animo’y may naghihiyawan at nagkakagulo dahil sa tinawag na


pangalan. At tinutulak ang isang binatang lalaki na umakyat sa stage.

Host : Palakpakan po natin ang ating performers ngayon gabi na sina, Miss Gabby Dela
Cruz at Mister Mark Smith.

Natahimik ang lahat at pinanuod ang dalawa sa kanilang performance.

Play music .... Akin ka Nalang by Itchyworms (Minus one)

Gabby : (Kumakanta na pero nahihiya sa dami ng tao)

'Wag kang maniwala d'yan


'Di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kanya

Mark :
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyon-milyong babae n'ya

Gabby :
Akin ka na lang (akin ka na lang) (Habang nakatingin kay Mark na nakangiti.)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

Mark : (Tinititigan si Gabby habang kinakanta ang lyrics)


'Di naman ako bolero
Katulad ng ibang tao
Ang totoo'y 'pag nand'yan ka na
Nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala

Gabby :
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima

Mark :
'Wag naman sana

(‘Di na nila napapansin na sila ay nag eenjoy nang dalawa sa kanilang performance na
para bang walang nanunuod sa kanilang dalawa.)

Duet :
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
At wala nang hihigit pa sa 'yo

Gabby :
'Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan (Habang nakatingin kay Mark. Habang si
Mark ay napa-iling nalang.)

Mark :
'Wag ka dapat sa 'kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan

Mark :
Akin ka na lang

Gabby : (akin ka na lang)

Mark :
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang

Gabby : (akin ka na lang)

At wala nang hihigit pa sa 'yo

Gabby :
Akin ka na lang

Mark : (akin ka na lang)

Gabby :
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang

Mark : (akin ka na lang)

Gabby :
At wala nang hihigit pa sa 'yo

Mark :
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Audience :
(Sa kanya ka na lang)

At nagkagulo lahat ng tao, naghihiyawan dahil sa kakiligang dala ng dalawa at nag-enjoy


sa kanilang performance.
Bilang ng 5 segundo bago magpakilala sa isa’t isa. Habang tuloy ay hiyawan.

Mark : Mark. Mark Smith. (Habang inaabot kay Gabby ang kanyang kamay).

Gabby : Gab. Gabby Dela Cruz. (Sabay tanggap ng kamay ni Mark at nakipag-kamay).

Lumayo ng konti at nagtuloy ng pakikipag-usap sa isa’t isa.

Mark : Ang galing mo kanina ah. Singer ka ba talaga?

Gabby : May alam lang sa pag-kanta. Pero hindi talaga ako kumakanta sa harap ng
maraming tao. (Sabay kuha ng inumin) Ikaw din naman, enjoy na enjoy mo kanina ang
kanta. Halatang maraming babae.

Mark : Ouch naman! It hurts! (Sabay hawak sa puso) Grabe ka naman mag-judge.

Sabay tawa sa isa’t isa.

Mark : Bago ka lang dito, ‘no? Kase your face is new here. Halos lahat ng kabataan dito
ay kilala ko.

Gabby : Yeah. Si Mama kasi nalipat ng destino ng kanyang work. Kaya ayon, lumipat din
ako ng school. Every 5 years siya napapalipat. Kaya paniguradong dito ako
magkokolehiyo.

Mark : So it means, sa St. Isidore Colleges ka papasok? Tama?

Gabby : Mukhang ganon na nga. Bakit mo alam? Stalker ka ‘no?

Mark : Grabe ka na talaga mag-judge. Kase naman po, yun lang ang college na nandito
na meron Senior High. Kaya baka do’n ka papasok. So, I guess it., which I am right.

(Sabay dating ni Niel)

Niel : Mark! (Sabay akbay) Kanina pa kita hinahanap. Halika na, may chicks akong
nakilala do’n. Ipapakilala kita.

(Ngunit di napansin na umalis na si Gabby sa tabi ni Niel.)

Mark : Alam mong may kausap ako dito. Aayain mo ako do’n.

Niel : Ha? Nasa’n? Wala naman. Ako talaga niloloko mo ako. Halika na.

Mark : Pero... (Sabay hila ni Niel sa kanya paalis ng stage.)

Scene 3 : St. Isidore Colleges


First day of School

Play ang First Day High ng Kamikazee...

Nagkakagulo sa Stage. Papasok ang mga ibang karakter na naka uniform. Makikipag-
kumustahan lahat ng isa’t isa. Naka-grupo.

Estudyante 1 : Brad! Kumusta bakasyon sa probinsya?

Estudyante 2 : Ayon, nagkita kame ng ex ko. Nagkabalikan kame.

Kabarkada : Uy! Uy! Sana all, Come back!

Sa kabilang side

Estudyante 3 : Brad alam mo, puro lose streak nalang ako buong bakasyon.
Estudyante 4 : Same lang brad. Kung ikaw lose streak sa laro. Ako lose na sa puso niya.

Kabarkada : It’s really hurts! Ang magmahal ng ganito. Kung sino pang pinili mo siya pa
di makuha ng buo. (Kinanta at inasar ang kabarkada)

Magbabago ang scene at magmumukhang itong classroom. Play ulit ang music ng
Kamikazee.

Papasok si Niel at Mark sa left side ng stage, na busy sa cellphone. Samantalang papasok
kanilang teacher sa right side.

Tunog ng school bell...

Ms. Hannah : Alright, guys. Settle down. Please be seated. At paki-ayos ang mga upuan.
(At nakatayo sa gitna ng stage)

Inayos naman lahat ng upuan. At tumungin sa gitna ang lahat kay Ma’am Hannah. Ngunit
busy parin si Mark sa kanyang cellphone.

Ms. Hannah : Alright. Vacation is done. Need na natin ulit magseryoso sa mga bagay-
bagay. Lalo na sa darating na Summer Musical. (Tila aangal lahat ng nasa classroom)

Estudyante 1 : Ma’am required po ba na sumali ang lahat?

Tila sumang-ayon naman ang mga nasa klase.

Ms. Hannah : Yes. All of you. Kahit ikaw ay varsity team at nasa broadcast team...(Sabay
pasok ni Gabby na hapong-hapo. Dahil sa pagtakbo.)

Ms. Hannah : Oh! You’re here na, ija. I thought na di ka na darating. And I think you lost
right? (Tumango naman si Gabby sa tanong ni Ms. Hannah.) Okay, guys. Attention, this is
your new classmate. Ms. Gabby dela Cruz.

Tumingin si Mark sa dalagang kakarating lang pero biglang tumayo naman ito. At
tinignan ang dalaga sa gitna. Na ikinataka naman ng lahat sa klase.

Ms. Hannah : Yes. Mr. Smith? May sasabihin ka ba? (Umiling at umupo ng nakangiti.)
Alright. You can sit there sa tabi ni Ms. Sofia de Vera.

Gabby : Okay, Miss. Salamat po. (Sabay tingin naman kay Mark at ngumiti. Na siya
naman itong nakita ni Niel na kanyang kabarkada.)

Niel : (Humarap sa likod at inasar ang tropa) Nakita ko yon. Anong ibig sabihin non?

Mark : Wala. Naalala ko lang siya nung New Year’s Party. Siya kasi yun naka-duet ko
non. (Bigkas na may ngiti sa labi)

Niel : Siya yon?!! (Pasigaw ni Niel)

Ms. Hannah : Yes, Mr. Monteverde? Nag-uusap na naman kayo ni Mr. Smith dahil sa
bagong babae na paglalaruan niyo sa klase niyo.

Niel : No, Ma’am. Baka magalit sa akin ang bestfriend kong si Mark na ult---. (Sabay
takip ni Mark sa bibig ni Niel)

Ms. Hannah : Anyway, sa mga gusto maging main performer/s, I will post the Audition
Form on the board. Just sign your name at mag-i-start ang audition sa Friday, 1pm at
Auditorium.

Tunog ng bell...

Maiiwan si Mark at Gabby sa stage.

Mark : Hey! (Habang papalapit kay Gabby) Told you, dito ka rin papasok.
Gabby : No choice naman. Para di hassle sa byahe. Kaya dito nalang ako nagrequest kay
Mama.

Maglalakad lakad sila sa buong stage

Mark at Gabby : Bakit ka nga pala late kanina? (Bakit ka nga pala napatayo kanina?)
(Magkasabay na bigkas ng dalawa sa isa’t isa at napatawa)

Gabby : Sige. Ikaw na mauna.

Mark : Bakit ka nalate? Ang liit lang nitong school namin ah?

Gabby : Kinausap pa kase ako sa Head Office. Inoffer saken yun sa broadcast team since
yun ang aking kinahihiligan. Then sabi ni Sir, ihahatid ako sa room ko. Kaso bigla naman
nagka emergency. Bigla siyang umalis at ayun.

Mark : Sana pala kinuha ko contact mo noon sa event para atleast nasabi ko sa iyo ang
direksyon ng room natin.

Gabby : Ano ka ba?! Ni hindi ko naman alam na magkaklase tayo. Pwede ba yon. Tsaka
transferee lang ako at baguhan dito sa lugar niyo.

Mark : Chill. Lage kang highblood. (Natatawang bigkas niya) Anyways, do you have a plan
to join in our Summer Musical? Sabi kasi ni Ma’am mag-sign lang dito if you want to be
the main performer. (Sabay turo sa kapost sa wall)

Gabby : No. Required ba?

Mark : Yes. At hindi mo mapi-please si Ms. Hannah na di ka sumali. Kasali ka sa ayaw o


sa ayaw mo.

Gabby : Well, then. I will join nalang kaysa ika-bagsak ko.

Sofia : Hi, Mark! (Sulpot ni Sofia sa kabilang side ng wall na ikinagulat naman ng dalawa)

Mark : Geez! Sofia, di ba sabi ko ayoko ng ginugulat?

Sofia : Sorry, Kuya Mark. (Peace sign) Hi, Gab! (Sabay tingin kay Gabby) ‘Wag kang
masyadong magtiwala diyan kay Kuya Mark. (Bulong kay Gabby na ikinatawa naman
nito)

Gabby : Hayaan mo, mas malakas trip ko. (Natatawang tugon nito kay Sofia)

Mark : Ano naman pinagbubulungan niyo? (Suway nito sa dalawa)

Sofia : Wala, Kuya Mark! Girly thingy. (Sabay kuha ng ballpen nito at nag sign sa Summer
Musical) Di ka ba magsa-sign Kuya Mark? Last year, ikaw ang nakakuha ng lead role
diba?

Mark : Give chance to others naman. Sayang naman yun talent ng iba diba?

Gabby : Naks. Lead Role ha.

Sofia : Di ba Kuya Mark, sabi mo magaling kumanta si Gabby since laging bukambibig
mo siya after that event?

Mark : Hooooy! Wala akong sinabing ganon!

Sofia : Sus. Lagi mo nga kinakanta yun... Akin ka nalang, iingatan ko ang puso mo..
(Dagdag asar pa nito)

Gabby : (natatawa nalang sa gilid at nakatingin kay Mark na nahihiya na.)

Mark : Di na kita bibigyan ng 1 box of toblerone! Bahala ka diyan. Ikaw na mag tour kay
Gabby. (Sabay walk-out sa dalawang babae na nagtatawa sa kanya)
Scene 4 : School Ground

Naglalakad si Mark sa school hall, nang tawagin siya ni Niel kasama pa ang ibang
kabarkada nito.

Niel : O, Mark, bakit ka naman nakamangot? Basted ka na ba ng ating bagong kaklase?

Nagtawanan lahat ng kasama nito.

Mark : Loko ka. Si Sofia kase. Alam mo rin naman na ayoko ng ginugulat ako di ba?
Kasama ko pamandin si Gabby. Nakakahiya sa kanya.

Niel : Parang di mo naman kilala pinsan mo. Malakas talagang mang-asar. Maiba tayo,
mag-audition ka ba ulit para sa Summer Musical? Baka mamaya niyan, walang mapili si
Ms. Hannah at ikaw ang pilitin?

Mark : Di bale sana kung makakaduet ko ulit si Gabby. Pero mukhang ayaw niyang
sumali. At mas gusto magfocus sa Acads.

Niel : Alam mo, bakit di mo subukan mag audition, baka sakali sumali siya sa audition?

Mark : Pwede rin naman, pero paano tayo makakasigurado?

Niel : Ako bahala diyan. (Sabay kindat sa kabarkada nito)

You might also like