You are on page 1of 3

ISANG TIKBALANG KA LANG

From Eros Atalia’s Wag Lang Di Makaraos

Hindi mapakali ang tikbalang. Parang itong nakawala sa kural. Paikot-ikot sa nagi-iisang ouno
ng balete sa gitna ng ng malawak na kagubatan na iyon. Sige ang halinghing nito sa buwan.
Padamba damba ito sa paligid ng puno. Lumuluha.
“Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Dahil ba isa lammang akong tikbalang?”
malungkot na tanong nito sa dalagang matagal niya nang nililigawan.
Inaabangan niya ito tuwing tanhali kapag dadalhin nito ang mga isdang nahuli ng ama sa
bayan para ibenta, at sa hapon kapag uuwi na ito galing sa pagtinda. Doon ang lagging daan ng
dalaga. Sa gilid ng batis. Noong una, akala niya’y matatakot ang dalaga sa kanya nang sitsitan
niya ito at magpakita.
“Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo, alam kong malinis ang kalooban mo…pero
magkaibogan muna sana tayo. Ma gusto pa kitang makilala,” pagpapaliwanag ng babaeng may
mahabng buhok, maamong mukha, at malamyos na tinig.
Simula noon, tuwing tanghali, bago, pumunta sa palengke ang dalag, pinadadalhan ng
tikbalang ang babae ng iba’t ibang prutas mula kagubatan. Ang dating pailan-ilang piraso ay
nagging kaing kaing, sako-sako. Ihahatid ng tikbalang, bitbot ang mga prutas, ang dalaga sa
paanan ng kagubatan. At mula doon ay may tricycle na namamakyaw ng mga prutas ng dalaga.
“Nahihiya ako sa iyo, ayokong isipin mon a pinagsasamantalahan ko ang pagkakaibigan
natin,” nahihiyang paliwanag ng dalaga.
“‘Wag mong alalahanin yun, ang mahalaga, gaya ng ng sinabi mo noong una, ay makilala
ako.”
Pero isang araw ay hindi na dumaan ang dalaga. Lumipas pa ang mga araw, walang
dalaga ang dumaan. Nabulok na ang mga prutas, Pero sige pa rin ang tikbalang sa pagdadala ng
prutas. Pero parami lang ng parami ang mga nabubulok na pruutas.
Hanggang sa matanggap niya ang balita. Sumama na sa iba ang dalg. Hindi nga ito
tumingin sa panlabas na anyo. Dahil ayon sa balita, sumama ito sa matanda. Matandang nag-alok
ng hindi mabilang na kayamamam,
Sumama ang dalaga sa matandang duwende.
“Buti pa siya, nakilala niya na ako,” wika ng tikbalang. “Siya, hindi ko pa pala kilala.”
ISANG TIKBALANG KA LANG
THE MUSICAL
Characters:
Tikbalang: Chloe Manalo
Dalaga: Allea Claridad

I. FIRST SCENE
*dumaan ang dalaga sa harapan ng tikablang na tiyak na naghintay ng matagal*

Tikbalang: *pinaiikutan ang dalaga*


(in tone of Nadarang by Shantidope)
Bakit hindi mo ako kayang mahalin?
Dahil ba isa lamang akong tikbalang?
Gusto mo ba ng mga prutas?
Fresh pa at galling sa kagubatan.
Dalaga:
(still in tone of Nadarang)
Hindi naman ako tumutingin sa panlabas na kaanyuan.
Pero magkaibigan muna sana tayo
Mas gusto pa kita kilalanin ng lubusan.
Tikbalang:
(still in tone of Nadarang)
Halika, halikan mo nga ako.
Kung hindi ka tumitimgin sa panalabas na kaanyuan
Dalaga:
Woah! Woah! Woah! *tumakbo*

II. SECOND SCENE


*nagkita muli ang dalawa at may dalang mga prutas ang tikbalang*

Tikbalang:
(in tone of Hey Barbara by IV OF SPADES)
Hey dalaga! Ito’y mga prutas para sa’yo.
O, ito saging, para sa aking love-ing love-ing.
Yeah boy!
Dalaga:
(in tone of Mundo by IV OF SPADES)
Nahi…hiya na ako sa iyo,
Baka… isipin mo pinagsasamantalahan ko
Ang pagkakaibigan natin.
Tikbalang:
(in tone of Baam! by Momoland)
Wag na, wag na, wag na, wag mo nang alalahanin,
Ang mahalaga ay gaya ng sinabi mo nung una,
Ang pagkakaibigan natin,
Ay wag na wag madaliin.
Dalaga:
(in tone of MAU by Shantidope)
Sikretong malupet, pwede ibulong.
O, tikabalang nag-asawa na ako
Isang matandang duwende, mayaman pa ‘to.
Hindi siya makinis per mas bet ko ‘to.
Sige mauna na ako sa’yo.

III. THE END

You might also like