You are on page 1of 2

Navarrete, Christian F.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


11- Home Economics
02-17-24

Sining sa Tabing Ilog

Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata, ay ang alingawngaw ng pagniniig ng aking tenga at ng aliw-iw
ng tabing ilog. Bumangon ako sa aking tinulugang banig na may kasamang mga lakra ng ibat-ibang linyang
hugis patungo sa aming kusina. Habang patungo roon ay agarang napako ang aking tingin sa labas ng bintanang
kahoy kung saan ito’y nagpapahiwatig ng bagong umaga, ang dilaw na tanawin, ang bukang liwayway. Ako ay
nabighani sa aking nasaksihan, ito’y nakakamanghang pagmasdan na tila ba’y isang pag lanyos sa aking diwa.
Isang matamis na ngiti ang aking nabitawan, dahil sa kagandahan na aking nasisilayan, ang tahanan ng aking
magulang, ang aming pinagmulan.

Ika-23 ng Disyembre, 2016— ang araw ng muling pagbisita naming mag pamilya sa bahay ng aking lola
sa Mauylab, So. Leyte. Abot hanggang tenga ang aking ngiti sapagkat pitong araw kaming doon muna tutuloy.
Mabatong daan at magkabilang mga halaman at puno ang bumati saaming paglalakbay. Saan man ako lumingon
ay napakasariwa sa mata ng mga tanawin, ang mga kahoy, mga palayan, mga halaman, at mga bundok.
Napakapresko ng hangin at napakakalmado nito. Ang pinaka paborito ko at binabalik-balikang gawain papunta
roon ay ang pagtawid sa napakagandang ilog gamit ang lumang tulay na gawa sa kahoy na sumasayaw kasabay
ng hangin. Mabato ang ilog, napakalinaw at linis ng tubig nito.
Navarrete, Christian F.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
11- Home Economics
02-17-24

Binati kami ng munting tahanan ng aking lola, ang kanilang bahay na gawa sa kahoy na pinapalibutan
ng marami at mababangong halaman na kumikiliti sa aking pang-amoy. Napakasimple at napakapayapa ng
bahay ng aking lola, at ang mas ikinaganda pa rito’y ito’y tabi lamang sa ilog kung saan kami tumawid. Paglabas
ko kaagad sa bahay ay naapuhap ko kaagad ang kapayapaan sa aking isipan. Sa aking pagtahak sa daanan
papunta roon ay ang umaagos na ilog lamang ang aking pinagmasdan. Kasing lamig ito ng nyebe, at kasing
linaw ng isang liwanag na binabalot na nang kadiliman. Halos araw-aw ay may tao rito upang maligo o di kaya’y
mag laba. Mahaba ang ilog, kasing haba ng mga modernong tulay. Ito’y umaabot palabas sa puso ng aming
baranggay. Pinapalibutan ang ilog ng napakaraming puno, isang dahilan upang maging malamig ito.
Lumiliwanag ito kapag nasisinagan ng araw, at ito’y ikinatutuwa ng ilog sa kaniyang pagkinang. Kapag
tinitingnan ko ang tubig ay tanging repleksyon ko lamang aking nakikita kasabay ng pag-agos nito. Musika sa
tenga ang ibinibigay na tunog ng kapayapaan nito, napakakalma’t linis.

Ang lugar na ito ay parte ng aking paglaki bilang isang bata, isa itong ginintuang memorya na
nakatatak na sa aking puso’t isipan. Ang ilog sa tabi ng bahay ng aking lola ay napaka espesyal para saakin.
Hindi lang ito kumokonekta sa kasunod na baranggay, ngunit kumokonekta rin ito sa mga kaibigan ko mula
roon. Para sa’kin espesyal ang lugar na ito — ang ilog na aking pinagmulan, kinalakihan, at ang pinaka
importante sa lahat, ang ilog na nag mamay-ari ng memorya sa aking kabataan.

You might also like