You are on page 1of 2

Ang Maalamat na Bato sa Nayon

Sa isang lugar na malayo sa kabihasnan, may isang ilog kung saan may nakalagay na isang malaking bato
sa gilid nito, ang mga bata ay lumangoy at naglalaro sa ilog nang walang pinsala ngunit hindi nila alam na
hindi lamang sila ang naglalaro at nananatili sa ilog. Isang gabi, nagising ang mga tao dahil sa katok sa
bawat pinto ng kani-kanilang bahay.

Isa-isang binuksan ng mga tao ang kanilang mga pinto para tingnan kung sino iyon. Sa pagbukas nila ng
kanilang mga pinto, isang hindi inaasahan at hindi kilalang bisita ang lumitaw sa harap ng kanilang mga
bahay, isa-isa nilang tinanong mga mga tao kung maaari siyang humiram ng isang lalagyan at ibabalik rin
sa umaga.

Lahat ng mga tao maliban sa isa sa kapitbahayan, ay nagbigay ng kanilang lalagyan sa bawat estranghero
na kumakatok sa kanilang pintuan. Nang sumapit ang umaga, nang magising ang mga tao sa kanilang
kapitbahayan at binuksan ang kanilang mga pinto, nagulat sila nang makita nila ang kanilang lalagyan na
bumalik at inilagay sa harap ng kanilang mga pintuan na puno ng karne.

Ang bawat indibidwal ay naghanap at nagtanong kung saan ito nanggaling ngunit ito ay nanatiling
misteryoso sa kanila. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang mga karneng iyon ay galing sa mga bathala na
nakatira sa ilog sa ilalim ng malaking bato sa tabi ng ilog, at sila rin ang dumating at kumatok sa bawat
bahay sa nakalipas na gabi.

Ang mga diyos na iyon ay nagsasagawa ng isang ritwal at isang pagdiriwang para sa malaking bato na
ilalagay sa ibabaw ng talon.

Nang umagang iyon, ang lalaking hindi nagbigay ng lalagyan sa estranghero na kumatok sa bahay niya
kagabi, ay nagising sa ingay ng kanyang mga kapitbahay, nang buksan niya ang kanyang pinto, siya ay
namangha nang makita ang bawat isa na may bitbit na maraming karne sa kanilang lalagyan.

Sumugod siya at nagtanong kung saan ito nanggaling

“Hindi rin namin alam, basta nagulat nalang kami pagbukas namin ng aming pinto ay mayroon na ang
mga ito. Baka sa mga hindi inaasahang bisita kagabi na dumating para manghiram ng lalagyan galing ang
mga ito” sagot ng kanyang mga kapitbahay

Umuwi itong naiinggit sa natanggap ng kanyang mga kapitbahay, kaya binalak niyang magnakaw ng
karne sa kanyang mga kapitbahay para may makain sila ng kanyang pamilya.

Nang walang anu-ano ay biglang isang malakas na sigaw ang narinig nila na nanggagaling sa ilog. Hindi
makapaniwalang sigaw ng isang taganayon nang madiskubre na ang malaking bato na nakalagay sa gilid
ng ilog ay nasa tuktok na ng ilog na may tatlong maliliit na bato lamang na nakasuporta dito.

Nang magpunta ang lahat ng taganayon sa ilog upang tignan ang kahanga-hangang pangyayari,
sinamantala naman ito ng lalaking hindi nakatanggap ng karne upang matupad niya ang kanyang plano,
at nakapag-uwi nga siya ng karne. Lingid sa kaalaman ng lalaki, nagalit ang mga bathala sa kanyang
ginawa at pinarusahan siya sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay ng kanyang anak na pumunta upang
lumangoy sa ilog.

Nalungkot ng sobra sobra ang lalaki at hindi na lumabas sa kanyang bahay mula noon, habang araw-
araw na iniisip na ang buhay ng kanyang mga anak ang naging kapalit ng karneng ninakaw niya.
Samantala, ang misteryosong bato sa ilog ay patuloy na naging matatag sa paglipas ng panahon kahit na
maraming bagyo at lindol na ang dumating, at nagsilbi itong inspirasyon sa mga tao sa nayon.

You might also like