You are on page 1of 3

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang mga nakatira ay mga Ita.

Ito ay pinamumunuan ni
Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang
pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa
kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang
datu kayat ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila na bago manungkulan
ang isang datu, nararapat na siya ay pakasa. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya,
ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at
pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba
pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.
Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila na
mga bagay na wala sa kanila, natuto silang mag takip ng katawan, tulad ng dahon, balat ng
kahoy o hayop.
Naiiba ang uring pag-aasawa ng mga Ita. Ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo
lamang. Hahabulin siya ng lalaki at kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal.
Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging
nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan, ang lalaki ay nagtatayo ng kubong
masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan
ng kahoy na malapit sa pinagsilangan.
Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kayat upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain
sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na
mahalaga sa kanila sapagkat lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May
ibang paraan sila ng paglilibing. Sa oob ng ilang araw, itoy patayong nakabaon sa lupa,
Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat
pagtaniman.
Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa. Walang inggitan. Ang Datu ang siyang
lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang sinumang magkasala ay
pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.
Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating
ang sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga
katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung
datu ay sina:
1. Datu Puti
2. Datu Sumakwel
3. Datu Bangkaya
4. Datu Paiburong
5. Datu Paduhinogan
6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay
8. Datu Dumangsil
9. Datu Domalogalog
10. Datu Balensuela
Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay
subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu
Marikudo, silay nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan ay napagkasunduang
ibigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysaysayan ang
pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahang-
loob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas at mga gamit sa pakikidigma ang mga
Ita.
Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo
ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot
ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.
Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu Puti, ang
laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang
doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan
ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagkat ayon sa kanya, kaya na niyang
tagaan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa
pamamahala ni Datu Sumakwel. Sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman
sa Luzon.
Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay
pinarurusahan. Pinuputol ang kamay ng sinumang magnanakaw at ang mga tamad ay
pinagbibili na isang alipin o kayay pinagagawa ng ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan
ay magagaang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang Diyos na matatagpuan sa
Bundok ng Madyas.
Ang kailang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki sila
ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na
ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga
pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat, ang babae ay pansamantalang nakatago.
Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan,
pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at
marurunong na anak.
Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliguan ng katas ng mababangong bulaklak,
biniihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagkat isang paraan daw ito
upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw ng pagbabantay, ang patay ay
inilalagay na sa kaban na may ibat ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang
mayaman, isang katulong ang sa kanyay isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay.
Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay
inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman
ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa.
Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na
dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa
kanya ng kapighatian at kalungkutan.
Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel
ang magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kaniang Diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na
iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagilin niya kay Gurung-
gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay
may gusto kay Gurung-gurung.
Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at
tahanan. Kayat upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila. Ipinahanda niya ang
lahat ng kanyang kailangan sa paglalakbay na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa amang
pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang
utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinhintayang pagdating ni
gurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na
bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni
Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon.
Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.
Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bagoy siya ang
pumatay kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame.
Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siyay gutom na gutom. Nagtaka siya nang
magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati ratiy kanyang
ginagawa.
Upang di-parisan ng kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng dagat,
subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang-habag kayat dinala na lamang niya si Kapinangan
sa maayong pool at doon nila iniwan.
Sa pangalang Alayon, nakikiaa si Kapinangan sa lugar na kanyang narrating, at siyay
sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.
Lumipas ang maraming taon subalit ang nangyari kay Sumakwe ay dir in niya
nailimutan. Minsan siya ay nagalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa di-inaasahang
pangyayari, ang narrating niyang ugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakiala si
Kapinangan sa taga ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang pagtanggap sa kania sa
nasabing lugar at sa oob ng iang araw na pananatili doon, si Alayon at si Datu Sumakwel ay
nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na
niyang makipagsapalaran.
Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto
niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagkat
silay pinaglapit ng kaniang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at nabuhay
nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-huihang sandai ng kanilang buhay, ay di
nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang
asawa.

You might also like