You are on page 1of 3

ARALIN

Sa araling ito ay ibabahagi ko sa iyo ang isa pang pasalitang


panitikan noong panahon ng mga katutubo. Ang mga bugtong! Bata ka
pa lamang ay madalas na kayong maglaro ng mga bugtong lalo pa noong
ikaw ay nasa mababang lebel ng elementarya.

Ang bugtong ay nagsimula bago pa dumating ang mga kastila kung ang
paguusapan ay ang kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginamit upang
libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang ginagawa.

Dahil dito nakasanayan na itong gawin ng mga taong


nagkakatipon sa patay o sa gabi. Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa
ring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi na kasindami
ng mga tao noon.

Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may


doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

Sa panitikan ng mga Pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng


paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala.

Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot


sa pamamagitan ng mga bagay na nakalahad mismo sa bugtong.

Isa itong palaisipan na susubukin ang iyong galing sa pagdiskubre ng


pagkakaugnay-ugnay ng mga salita na nilalaman ng isang bugtong.

Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na madalas


ay walang paksa o simuno. Mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit
lagi namang nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na
makikita sa kapaligiran. Nawawala ang ganda at bisa ng bugtong kapag
marami itong posibleng sagot. Ang bugtong ay mayroon lamang iisang
tamang sagot.

Ang bugtong ay mayroon ding sukat at tugma, at karaniwang binubuo


ng dalawa hanggang apat na taludtod.

1. Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay


sa kapaligiran.

2. Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging


katangian sa bagay na binanggit sa naunang linya.
May dalawang uri ang bugtong:

1. Mga talinghaga (o enigma), bagaman tinatawag ding enigma


ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o
ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan.

2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa


dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, inilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan,


pangaraw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Bilang isang maikling tula, madalas itong naging palaisipan sa tuwing


naglalaro ang mga bata. Isang karunungang-bayan na naglalayong palaguin
ang kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang
may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.
May Apat na Katangian ang tunay na bugtong

Ito ay ang tugma, sukat, kariktan, at ang talinghaga na siyang


pinakamahalagang katangian nito.

MGA PAGSASANAY:

Pagsasanay 1. Hulaan kung anong bagay, hayop o lugar ang


ipinahihiwatig sa bawat bugtong.

__________1. Bugtong! Bugtong! Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang


balat __________2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
__________3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
__________4. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

__________5. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Pagsasanay 2. Ayusin ang mga titik na nasa loob ng panaklong upang


masagot ang palaisipan sa bawat bugtong.

__________1. (o t a) Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa.


Nang tumanda ay tatlo na.
__________2. (l a a k a p) May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.
__________3. (r a b i l) Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
__________4. (k s a d o n) May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
__________5. (b s a y a a b ) Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

You might also like