You are on page 1of 11

Kung kailan

mo pinatay,
saka pa
humaba ang
buhay.
Sagot: kandila
Baboy ko sa
pulo, ang
balahibo'y
pako.
Sagot: langka
I. Layunin: Sa katapusan ng aralin
ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. makatukoy sa kahulugan ng
bugtong sa panitikang Filipino.
b. makapaghambing nang kahalagan
ng bugtong sa iba pang sangay ng
panitikan.
c. makagawa ng sariling bugtong.
Ano ang Bugtong?

Ang bugtong, pahulaan, o


patuturan ay isang pangungusap
o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan
(tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).[1]
May dalawang uri ang bugtong: mga
talinghaga o enigma, bagaman
tinatawag ding enigma ang bugtong,
mga suliraning ipinapahayag sa isang
metapora o ma-alegoryang wika na
nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan, at mga palaisipan (o
konumdrum), mga tanong na umaasa sa
dulot ng patudyong gamit sa tanong o
sa sagot.
Sa Panitikan Pilipino, nilalarawan nito ang pag-
uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at
katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang
maikling tula, madalas itong nagiging isang
palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Pagtataya

Sa isang buong papel gumawa ng 5


bugtong sa loob ng 15 minutos.

Panukatan:
Gramatika 10
Kaangkopan ng tanong sa sagot 10
Kalinisan 5
Kabuuan= 25 puntos
Takdang Aralin

Magbasa ng maikling kuwento


na pinamagatang Ang Kwento
ni Mabuti ni Genoveva Edroza
Matute.

You might also like