You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
MALIGAYA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Matematika

I. Layunin
A. Pamantayang Naipapakita ang pang-unawa sa mga bilang hanggang 1 000.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nakikilala, naipapakita, napaghahambing at napagsusunod-sunod ang mga
Pagganap bilang hanggang 1 000.
C. Pamantayan sa Nakikilala ang mga barya at perang papel hanggang PhP 1,000
Pagkatuto M3NS-Ic-19.2
II. Paksang Aralin A Paksa: Mga Barya at Perang Papel Hanggang PhP 1 000

B. Sanggunian: TM p. 133-134 , KM pp. 19-20

C. Mga Kagamitan: mga larawan, tsart, tunay na bagay, envelop

D. Pagpapahalaga: Pagiging Matipid.

E. Integrasyon :Filipino: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa tekstong


binasa o napakinggan.

III. Pamamaraan

A. Pagbabalik aral Laro:


Ilagay sa mesa ang mga larawang papel o tunay na pera na may iba’t-ibang
halaga. Sa pamamagitan ng paggamit ng plaskard. Hayaang basahin ng mga
bata ang sumusunod at bumunot nang tamang perang papel o barya na
(Indicator 5) angkop sa bawat isa.
B. Paghahabi sa layunin Sabihin: Nais ni Nilo na makabili ng bagong sapatos sa SM Baliuag kaya nag-
ng Aralin iipon siya ng pera. Binibilang ni Nilo ang mga perang papel at baryang
kanyang naipon sa loob ng isang taon.
Itanong:
 Sino ang ang nag-ipon ng pera?
 Ano ang nais niyang bilhin?
 Kailan niya nais makabili ng bagong sapatos?
 Mahalaga ba ang mag-ipon ng pera? Bakit?
 Bilang isang mag-aaral sa ikatlong baiting, paano ka makakaipon ng
pera?
Nais ba ninyong malaman kung magkano ang naipong pera ni Nilo? Halina at
tulungan natin si Nilo na bilangin ang perang naipon niya?
Makikilala ba ninyo ang mga perang papel nanaipon niya?
Hayaang ibigay ng mga bata ang mga barya at perang papel na mayroon si
Nilo?
Itanong:
Ano naman ang inyong nakikita sa mga barya at perang papel?
C. Pag-uugnay ng mga Ipakita ang mga sumusunod na mga barya at perang papel ng Pilipinas.
Halimbawa sa Bagong Tumawag ng mga bata at hayaang ibigay ang mga halaga ng mga barya at
Aralin perang papel. Ipatukoy sa mga mag-aaral kung kaninong mukha ang makikita
sa bawat pera.
D. Pagtalakay ng Bagong Ipalabas sa mga mag-aaral ang mga dala nilang laruang pera.
Konsepto at Paglalahad Sabihin sa mga bata na ilarawan ang bawat perang papel (Hayaang makilala
ng Bagong Kasanayan # 1 ng mga bata ang bawat perang papel sa pamamagitan ng mga palatandaan,
muka at kulay)
a. Dalawampung piso
b. Limampung piso
c. Isang daang piso
d. Dalawangdaang piso
e. Limangdaang piso
f. Isang libong piso
E. Pagtalakay ng bagong Itanong:
Konsepto at Paglalahad Anong larawan ang nakikita ninyo sa harap at likod ng baryang pera? Perang
ng Bagong Kasanayan #2 papel?
Gaano ninyo kabilis makilala ang mga perang papel. Maibibigay ninyo ba ang
tamang halaga?

Sabihin:
Mayroon akong mga perang papel dito (Magpakita ng mga perang papel at
hayaang kilalanin ito ng mga bata)

Magkano nga ba?


Isulat ang simbolo ng mga sumusunod na halaga ng pera.

Paano ninyo nakilala nang buong bilis ang mga perang papel?

F. Paglinang sa Pangkatang Gawain


Kabihasaan Pangkat 1 – Sino Ako?
Kilalanin ang mga mukha na nakalarawan sa bawat pera idikit sa
sa katabi ng mukha nila ang kanilang pangalan.

Pangkat 2 – Ipon Challenge!


Idikit ang mga larawan ng pera sa katumbas na larawan ng
alkansya

G, Paglalapat ng Aralin sa Sagutin ang sumusunod na sitwasyon.


Pang araw-araw na
buhay. Binigyan kayo ng iyong ama ng pera babaunin ninyo sa pagpasok sa
paaralan ngunit buong dalawampung piso ang naibigay sa inyo ng inyong
ama. Tig magkano ang magiging baon ninyong magkapatid? Anong
perang barya ang kinakailangan mo upang hatiin ang baon para sa inyong
dalawa?

H. Paglalahat ng Aralin Itanong: Paano natin makikilala ang mga barya at perang papel?

Makikilala natin ang mga barya at perang papel sa pamamagitan


ng kulay halaga at mga mukha na nakalagay sa mga ito.

I. Pagtataya Tukuyin ang kulay at halaga ng mga sumusunod na perang barya at papel.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A. Pilak –piso D. Berde- dalawang daang piso

B. Pilak- limang piso E. Pula – Limampung piso

C. Asul- isang libong piso


1. 2.

3. 4.

5.
J. Karagdagang Gawain Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong
para sa takdang aralin kuwaderno.
Ano-anong perang papel at barya ang dapat na mayroon ka upang mabuo ang
bawat halagang nakasaad sa bawat bilang?
1) 2 perang papel at 2 barya na may halagang isang daan, at limampu’t
dalawang piso

2) 1 perang papel at 4 na barya na may halagang isang daan, at labing


pitong piso

3) 4 na perang papel at 5 pirasong barya, na nagkakahalaga ng siyam


na raan PHP25

4) Perang papel na may larawan nina Manuel L. Quezon, Manuel Roxas,


at Benigno S. Aquino, Jr. (1 perang papel lang sa bawat larawan)

5) Perang papel na may larawan nina


a) Josefa Llanes Escoda
b) Vicente Lim Jose
c) Jose Abad Santos
d) Sergio Osmena

Prepared by:

ROSE ANN SM. DELOS SANTOS


Teacher I

Noted:

NORLAN P. VELAYO
Principal I

Zone 3, Maligaya, San Miguel, Bulacan


maligayaelementaryschool@gmail.com
0915-1328927

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
MALIGAYA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Matematika

I. Layunin
A. Pamantayang Nakapagbabawas gamit ang isip sa bilang na may 1-2 Digit
Pangnilalaman

II. Paksang Aralin A Paksa: Pagbabawas Gamit ang Isip sa Bilang na may 1-2 Digit

B. Sanggunian: Kagamitan ng Guro sa Matematika 3 pahina 97-99.

C. Mga Kagamitan: Flash cards, activity cards, charts, story problem chart,
cut-outs or drawing.
D. Pagpapahalaga: Pagiging Matipid.

III. Pamamaraan

A. Pagbabalik aral Bigyan ang mag-aaral ng mabilisang drill sa subtraction facts tulad ng
sumusunod:

18 10 17 9 18
-6 -9 -15 -4 -3

B. Paghahabi sa layunin Mag-flash ng kard ng mga bilang na may salungguhit. Ang mga bata ay
ng Aralin sasabihin kung anong place value ng bilang na may salungguhit sa
pinakamalapit na sampuan.

45 26 47 58 69

C. Pag-uugnay ng mga Tayo ay maglaro ng larong Saimon says


Halimbawa sa Bagong
Aralin Bumuo ng grupong 7, 3, 5
Ano ang inyong napansin sa inyong mga kasamahan kung bakit hindi sila
nakabuo ng eksaktong bilang?
Ilan ang kulang para mabuo ang grupong 7,3,5?
Ano ang nangyari sa kanila pagkatapos ng laro?

D. Pagtalakay ng Bagong Ipakita.


Konsepto at Paglalahad
ng Bagong Kasanayan # 1 May 36 na mga bata na nasa palaruan. Ang kanilang guro na si Gng. Pelayo
ay lumabas ng silid-aralan at tinawag 17 mga bata para pumasok. Ilang bata
nalang ang natira sa palaruan?

Itanong ang sumusunod:


Bakit kaya tinawag ni Gng. Pelayo ang mga bata?

Ilang bata sa kabuuan ang naglalaro sa palaruan?


Ilang bata naman ang tinawag ni Gng. Pelayo para pumasok na sa silid
aralan?
Ilang bata ang natira sa palaruan?
Paano natin ma-solve ang problem mentally?
Paano kung si Gng. Pelayo ay nagpasyang tumag ng 20 bata sa halip na 17,
ilang bata naman kaya ang matitira?

E. Pagtalakay ng bagong Itanong:


Konsepto at Paglalahad Paano natin ma-solve ang problem?
ng Bagong Kasanayan #2 Anong operation ang ating gagamitin?
Makapagbabawas kaba ng 1 mula sa 3?, kung 2 mula sa 6?
Paano mai-solve mentally?, may pag-gugrupo pa ba ng bilang na kailangang
gawin?

Use the compensation strategy:


Sumubok tayo ng iba pang sitwasyon(problem)

Itanong:
Paano kayo makapagbabawas(subtract) mentally na hindi na kailangan pang
magregrouping?, kung may regrouping?
Paano mo isasagawa ang compensation method?
Kailan kailangang dapat gamitin ang mental subtraction?
Sa paanong paraan makatutulong ang mental computation?

F. Paglinang sa Pangkatang gawain:


Kabihasaan
Ibigay ang tamang sagot sa bawat bilang. Ang lider ng bawat grupo ay
magpaflash ng plaskard sa harapan at sasagutin ng kabilang grupo.

G, Paglalapat ng Aralin sa Ibawas ang mga sumusunod sa bilang na 81 gamit ang menthal arithmetic at
Pang araw-araw na isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno.
buhay.
a. 43
b. 22
c. 34
d. 57
e. 69

H. Paglalahat ng Aralin Paano tayo makapagbabawas(subtract) mentally 1 hanggang 2 digit numbers


without and with regrouping?

I. Pagtataya Ibigay ang tamang sagot gamit ang isip lamang. Ibawas ang mga bilang na
nasa linya mula sa bilang na nasa bilog 55

a. 33
b. 10
c. 22
d. 25
e. 46

J. Karagdagang Gawain Pag-aralan ang survey ng ika-3 baitang na mag-aaral tungkol sa paborito
para sa takdang aralin nilang prutas
Sagutin sa isip ang sumusunod na tanong.
1) Ilang mag-aaral ang mas gusto ang bayabas kaysa sa lansones?
2) Ilan ang mga mag-aaral na mas nais ang mangga kaysa sa
rambutan?
3) Gaano karami ang lamang ng mga mag-aaral na gusto ang rambutan
kaysa sa lansones?
4) Gaano karami ang lamang ng mga mag-aaral na nais ang bayabas
kaysa sa mangga?

PRUTAS BILANG
Mangga 59
Lansones 37
Rambutan 42
Bayabas 78

Prepared by:

ROSE ANN SM. DELOS SANTOS


Teacher I

Noted:

NORLAN P. VELAYO
Principal I

Zone 3, Maligaya, San Miguel, Bulacan


maligayaelementaryschool@gmail.com
0915-1328927

You might also like