You are on page 1of 47

MATEMATIKA

WEEK 9 DAY 1
Ayusin ang mga bilang sa
paparaming paraan:
34 67 12 50 70
Ayusin ang mga bilang sa
papakonting paraan:

23 45 11 9 67
Gusto mong bumili ng kendi.
Ano ang kailangan mo para
makabili ka? Mahalaga ba
ang pera sa atin?
Bakit?
Ipakita ang iba’t ibang uri ng barya (coins).
Ipatukoy sa mga bata ang bawat isa.
5c 10c 25c P1.00 P5.00 P10.00
Gamitin ang mga tunay na barya sa pagpapakilala
sa mga bata.
Papiliin ng coin ang bata. Ipakilala sa mga bata
ang napili niyang barya.
Ito ay bilog at may nakaukit na bilang na 25.
Ito ay dalawampu’t limang sentimos.
Sa English twenty-five centavos.
Isinusulat natin ito sa ganitong simbulo: 25c
Ang simbulong P naman para sa piso.
Ipakilala at ilarawan ang
lahat ng uri ng barya upang
makilala ng mga bata)
Ano ang simbulong ginagamit para sa barya?
Ano ang kahulugan ng c? P?

Tandaan: Sentimos (centavos) ang ginagamit


na simbulo para sa barya. ( c)
Sa Pilipinas, mayroon tayong 5c, 10c, 25c,
Pesos naman para sa baryang P1.00, P5.00 at
P10.00
Pasalita: Kilalanin ang baryang
ipapakita.
Sabihin ang halaga nito.
25c
10c
P1.00
5c
P5.00
Takda:
Gumawa ng coin rubbing sa
inyong notebook bilang 5 para
sa halimbawa ng mga barya
na ginagamit sa Pilipinas.
MATEMATIKA
WEEK 9 DAY 2
Anong simbulo ang
ginagamit natin para
sa sentimos? Piso?
Magkano ang ibinibigay
sa iyong baon ng iyong
nanay o tatay sa
paaralan?
Inuubos mo bang lahat
ang baon mong pera?
Ipakita ang iba’t ibang uri ng perang papel na ginagamit
sa Pilipinas mula P20 hanggang P100.
Ipatukoy sa mga bata ang bawat isa.
Gawain: Gamitin ang mga
tunay na perang papel sa pagpapakilala
sa mga bata.
Papiliin ng perang papel ang bata.
Ipakilala sa mga bata ang napili niyang
perang papel.
Ito ay dalawampung piso.
Isinusulat natin ito na P20.00
Ginagamit natin ang simbulong P para
sa piso.
Gawin ang katulad na
pagpapakilala sa iba
pang perang papel.
Ano ang simbulong ginagamit
para sa piso?
Ano ang kahulugan ng P?
Tandaan: P ang simbulong
ginagamit para sa perang papel.
Sa Pilipinas mayroong tayong
mga ginagamit na mga perang
papel(Philippine Bills) tulad ng
P20 , P50, at P100.
Pasalita: Kilalanin ang perang
papel na ipapakita.Sabihin ang
halaga nito.
Takda:
Magdikit ng mga play
money na ginagamit
sa Pilipinas sa inyong
notbuk.
MATEMATIKA
WEEK 9 DAY 3
Pag-ugnayin ang pera sa simbulo nito.
Pera Simbolo
Dalawampu’t
limang sentimos P1.00
Piso P5.00
Limang piso 25c
Limampung sentimos 50c
Gusto ni Lino na ibili ng
regalo ang nanay niya.
Paano niya malalaman
ang ibabayad niya para
dito?
Ipakita ang isang piling ng saging.
Sabihin: Ang saging na ito ay
nagkakahalaga ng :
P5 P5 P5
Itanong: Magkano ang halaga ng saging?
Paano mo nalaman ang kabuuan ng
halaga?
Ano ang ginawa mo?
Magpakita ng mga set ng coins sa mga
bata. Ipatukoy at ipabigay ang halaga ng
bawat barya.
P10 P10 P10 P10 P10
Hayaang pagsamahin ng mga bata ang
mga barya gamit ang kanilang kaalaman
sa pagbilang ng sampuan.
Magkano ang set ng coins na ito?
Laro: Tindahan ni Aling Sepa
Narito ang mga bagay na maari ninyong
mabili:
Donut turon ice candy tinapay
P5 P5 P2 P3
Magkano ang ibabayad mo para sa isang
donut at ice candy? Turon at ice candy?
Tinapay at ice candy.
Magpapangkat ng mga
barya ang guro. Ibibigay
ng mga bata ang
kabuuang halaga ng mga
ito.
Ano ang ginagawa natin
sa mga set ng barya para
malaman natin ang
kabuuang halaga?
Isulat ang kabuuang halaga ng
set ng coins:
1. P1 P5 P5 _________
2. P10 P10 ____________
3. P5 P5 P10 _________
4. P1 P1 P5 ___________
5. 25c 25c 25c _________
Takda:
Magkano ang kabuuang halaga?
Bilugan ito.
1. 25c 25c 25c = 50c 75c
25c
2. P5 P1 P1 = P7 P10 P6
MATEMATIKA
WEEK 9 DAY 4
Sabihin ang halaga ng set ng
coins:
P1 P1 P5 P5 = ____
P5 P1 P1 P10 = ____
Dumating ang tita ni Lea galing sa
Maynila.
Binigyan siya ng pera. P 20 P20
Magkano ang ibinigay na pera kay
Lea ng Tita niya?
Paano mo nalaman?
Kasama si Kyla ng nanay niya sa SM.
Nagpabili siya ng bagong bag.
Narito ang ibinayad nila sa bag.
P20 P20 P10 P10 P10
Magkano ang kabuuang halaga ng
bag ni Kyla?
Magpakita ng mga set ng perang papel sa mga
bata. Ipatukoy at ipabigay ang halaga ng bawat
set.
P20 P20 P20 P20 P20
Hayaang pagsamahin ng mga bata ang mga
perang papel gamit ang kanilang kaalaman sa
pagbilang ng dalawahan.
Magkano ang set ng mga perang papel na ito?
Narito ang mga bagay na mabibili:
Bola bag mangga lobo
P10 P50 P5 P15
Aling set ng perang papel ang angkop na
pambili?
P5 P5 P1 P1 P5 P10 P20
P20 P10
Magpapangkat ng mga perang
papel ang guro. Ibibigay ng mga
bata ang kabuuang halaga ng
mga ito.
Ano ang ginagawa natin sa mga
set ng mga perang papel para
malaman natin ang kabuuang
halaga?
Isulat ang kabuuang halaga ng set ng
mga perang papel:
1. P10 P50 _________
2. P10 P10 P10 P10 _____
3. P20 P20 _________
4. P50 P20 ___________
5. P50 P50 _________
Takda:
Magkano ang kabuuang halaga? Bilugan
ito.
1. P10 P10 P10 = P30
P40 P50
2. P20 P10 = P20 P30 P40
3. P20 P20 P10 = P50 P40 P100
CLASSROOM OBSERVATION
MATEMATIKA
WEEK 9 DAY 5
Sabihin ang halaga ng
set ng perang papel.
P20 + P10 = _______
P 50 + P50 = _______
Magdaos ng isang
laro sa pabilisan ng
pagbibigay halaga
sa set ng coins at
perang papel.
Salita: Simbulo:
Dalawampu’t limang 25c
sampung piso P10
isangdaan piso P100

Paano isinusulat ang sampung piso


sa simbulo?
Magkaroon ng pagsasanay sa
pagsulat at pagbasa ng mga halaga
ng pera sa salita at simbulo:
Basahin: (Salita) Simbulo
Dalawampung piso P35
Isang daang piso P50
Limampung piso P25
Limampung sentimos P75
Pangkatang Gawain:
Gamit ang show-me-
board, isusulat ng mga
bata ang ididiktang
halaga ng pera ng guro sa
salita at simbulo.
Paano tayo
nakababasa at
nakasusulat ng pera sa
halaga at simbolo nito?
Isulat sa simbulo
1. Labinglimang piso - _______
2. Dalawampu’t limang piso - _____
3. Pitumpu’t limang sentimos - ____
4. Labing isang piso - ______
5. Isang Daang piso - ______
Itambal sa tamang salita.
1. P40 a. Sampung piso
2. P15 b. Labinglimang piso
3. 25c c. Apat napung piso
4. P10 d. anim na piso
5. P6 e. dalawampu’t limang
sentimos

You might also like