You are on page 1of 11

Detalyadong Banghay Aralin Sa Filipino VII

Enero 19,2017

I.Mga inaasahang bunga;


A.Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay nalalaman ang tatlong kaantasan ng pang-uri.
B.Nagagamit sa pangungusap ang tatlong kaantasan nito.
C.Naipapakita ang kahalagahan ng tatlong antas ng pang-uri sa paggawa ng pangkatang gawain.
D.Nabibigyang pakahulugan ang malalalim na salita sa tekstong binasa.

II.Paksa: Kaantasan Ng Pang-uri


A.Pamagat Ng Teksto: Ang Mala Dyosang Si Linda
B.Sangunian: Tumangan, Alcomtiser P., 1986, Sining Ng Pakikipagtalastasan, ENCHANTERS
PRESS INC., Pahina 68-70
C.Kagamitan: biswal eyd, larawan,projector screen

II.Mga Gawain Sa Pagkakatuto


A.Panimulang Gawain

Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag-aaral

1.Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin tayo muna ay


tumayo upang hingiin ang presensya ng Panginoon na (Ang mga mag-aaral ay tatayo para sa panalangin)
pangungunahan ni Erica.

2.Pagbati

Isang magandang buhay sa ating lahat! Isang magandang buhay din sayo Sir!

3.Pagtala ng Liban

Ngayon ay ating aalamin kung sinu-sino ang liban sa


bawat pangkat, ang inyo lamang gagawin ay
papalakpak kayo ng dalawang beses kung walang
liban sa inyong pangkat, at papalakpak naman kayo
ng isang beses kung may liban naman sa inyo. Nakuha
niyo? (Ang mga bawat pangkat ay papalakpak ng
Kung gayon simulan nyo na pangkat ng Lireo.. dalawang beses kung walang liban sa kanilang
pangkat ng Sapiro… grupo, at papakpak naman ng isang beses kung
At pangkat ng Adamya. may liban)

Mahusay! At walang liban sa araw na ito,


Dahil walang liban ang bawat pangkat ay
makakatanggap ng tig-iisang bituin na kanilang
iipunin dahil sa pagtatapos ng ating talakayan sa
araw na ito kung kaninong pangkat ang may
pinakamaraming naipon na bituin ay mananatili ang
kanilang bandila na nakataas sa araw na ito.Ang mga
bituin na ito ay ididikit niyo sa mga kampo na aking
inihanda.
Naunawaan niyo? Opo Sir!
Dahil walang liban sa bawat sa bawat pangkat,lahat
kayo ay makakatanggap ng tig-iisang bituin. (Ang bawat pangkat ay kukunin na ang kanilang
mga bituin)

4.Balik Aral

Kayo pa ba ay may naaalala sa paksang ating Opo Sir!


tinalakay kahapon?
Ano ang paksang tinalakay natin kahapon? Ang paksang tinalakay natin kahapon ay tungkol
sa Pang-uri.

Mahusay!

Sa uulitin ano nga ang Pang-uri? Ang Pang-uri po ay ang mga katangian
naglalarawan sa tao,bagay,hayop,lugar, at
Mahusay! Sino ang makakapagbigay ng salitang pang- pangyayari.
uri at gamitin ito sa pangungusap.

Halimbawa po ng pang-uri ay mataba.


Magaling tunay ngang kayo’y magagaling. Mataba ang aming alagang baboy.

Para manatiling nakataas ang inyong mga


bandila,narito ang mga layunin na dapat niyong
malaman,pakibasa lahat. (Magbabasa ang mga mag-aaral ng layunin)

B.Pagganyak

Ngayon ay magkakaroon tayo ng paligsahan . Panuto: Ang bawat pangkat ay magpapaunahang


Basahin ang panuto Alfred. hulaan ang nais ipahiwatig ng larawan na
nakaflash sa projector.
Kung sino ang mauunang magtaas ng kanilang
bandila ang siyang aking tatawagin upang sumagot.At
kung sino ang may maraming mahulaan ang siyang
makakatanggap ng bituin. Opo!
Handa na ba?

(Nakaflash sa screen)

(Magtataas ng bandila ang Pangkat Lireo)

Sir, Iyan po ay isang mapulang labi!

Tama! Ang nasa larawan ay isang mapulang labi.


Ngayon ay may isang puntos na ang pangkat ng Lireo.

Pangalawang larawan. Ano ang inyong nakikita? (Magtataas ng bandila ang pangkat Adamya)
Oh! naunang magtaas ng bandila ang pangkat Ang aming pong kasagutan ay,ang nasa larawan
Adamya ay inihahambing ang isang mansanas sa kahel.
Anu ang inyong kasagutan?

Tumpak! Ang inyong kasagutan.

Kung gayon ang Pangkat Adamya ay may isang puntos


na.Pangkat Sapiro humabol kayo.

Ipapakita ang pangatlong larawan

(Mauunang magtataas ng bandila ang pangkat


Lireo)

Ano ang inyong nakikita? Ano ang inyong napapansin Ang ipinapakita sa larawan na iyan ay ang tatlong
sa larawan na iyan? bababe na kakaikitaan ng una, ang babae na may
maiksing buhok,ang pangalawang babae na may
Pangkat Lireo ano ang inyong kasagutan? mahabang buhok kumpara sa nauna,at ang
pangatlong babae na may pinakamahabang
buhok sa kanilang tatlo.

Mahusay! Tama ang inyong kasagutan

At ang nagwagi sa paligsahang ito ay ang pangkat ng


Lireo. Maari nyo nang kunin ang inyong bituin. (Kukunin ng pangkat Lireo ang kanilang bituin)

C.Paglalahad

Ngayon naman ay mayroon akong inihandang teksto


na siyang babasahin ng lahat ito’y pinamagatang
“Ang Mala Dyosang si Linda”
Sa inyong palagay bakit kaya ganito ang pamagat ng Ganyan po ang pamagat ng akdang ating
akdang ating babasahin? babasahin,dahil ito ay maaring naglalarawan sa
mga katangiang pisikal ni Linda.
D.Pagbasa Ng Teksto

Atin itong aalamin.


Ang paraan ng ating pagbasa ay dugtungan.
Kailangang maayos ang inyong pagbasa, dahil kung Pamantayan
sino ang may pinakamagandang pagbasa ay 1.Maganda ang tinig at tama ang pagkakabigkas
makakatanggap ng bituin. ng mga salita.
Pakibasa ng pamantayan sa aking pagpili, Tristan. 2.Lahat ay nakikilahok.
3.Inuunawa ang akdang binabasa.

Simulan nyo na Pangkat ng Lireo… (Ang bawat pangkat ay magbabasa ng dugtungan)


Pangkat ng Sapiro….
Pangkat ng Adamya..

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Di


Maunawaan

Klas , ngayon ay bibigyan natin ng tamang kahulugan


ang mga salitang malalalim sa akdang binasa.

Pakibasa ng panuto Aladin. Panuto: Piliin sa mga isda ang kasingkahulugan ng


Paunahan ang bawat pangkat sa pagbingwit mga salita na nakaflash sa screen.
ng mga isda. Makakakuha ng isang bituin ang
mananalo sa paligsahan.

Maaari na nating simulan.


Handa na ba kayo? Opo Sir!

Ang unang salita ay nakakahalina? (Naunang nabingwit ng pangkat Sapiro ang


Ano ang kasingkahulugan ng nakakahalina? tamang isda)
Sir ang tamang kahulugan po nito ay nakakaakit.

Tumpak! may isang puntos na ngayon ang pangkat


Sapiro.

Pangalawang bilang,Ano ang kasing kahulugan ng (Naunang nabingwit ng pangkat Adamya ang
salitang namumurok? tamang isda)

Sir iyan po ay mabibilog.


Tama! May isang puntos na ang pangkat Adamya.
Pangkat Lireo humabol kayo.

Sumunod na bilang ano ang kahulugan ng biloy? (Naunang nabingwit ng pangkat Lireo ang tamang
isda)
Sir iyan po ay mga dimple.
Magaling! Ang kasingkahulugan ng biloy ay dimple.
Ngayon ay may tig-iisa na kayong puntos.

Tungo na tayo sa panghuli.Ano ang kasing kahulugan (Naunang nabingwit ng pangkat Sapiro ang
ng salitang malantik? tamang isda)

Ang kasing kahulugan po ng salitang malantik ay


makapal.
Tama! Ang kasing kahulugan ng malantik ay makapal
na tanging naglalarawan lamang sa mga pilik-mata.

Ngayon ay nabigyan na natin ng kahulugan ang mga


salitang malalalim, sa akdang binasa.

At ang nakakuha ng may pinakamataas na puntos ay


ang pangkat Sapiro. Kunin niyo na ang inyong bituin (Kukunin ng pangkat Sapiro ang kanilang bituin)
at idikit sa inyong kampo.

E.Pagsusuri

Sa akdang binasa sino ang pinakapangunahing tauhan? Ang pinakapangunahing tauhan sa akdang binasa
ay si Linda.
Anu-ano ang mga inilalarawan kay Linda?
Ang mga inilalarawan kay Linda ay ang kanyang
mga katangiang pisikal.
Tama!

Anu-ano ang mga katangiang pisikal na inilalarawan Ang mga katangiang pisikal na inilalarawan kay
kay Linda? Linda ay ang kanyang mga mata,pisngi,mga
biloy,kanyang kilay,mga pilik-mata, mata,mga
ngipin at buhok.

Magkakaroon naman tayo ng pangkatang gawain na


base parin sa akdang binasa.

Pakibasa ng panuto Shane. Panuto: Bigyang pansin ang mga pangungusap na


hango sa tekstong binasa.Inyo lamang itong
ilalagay sa tamang pwesto sa mga inihandang
kolum.Pagkatapos ay iulat ang inyong ginawa.

Para sa pangkat ng Lireo ito ang inyong gagawin Panuto: Ilagay sa unang kolum ang mga
pakibasa Lyra. pangungusap na ang pang-uring ginamit ay
walang paghahambing
na nagaganap o payak lamang.

Para naman sa pangkat ng Sapiro pakibasa ng inyong Panuto: Ilagay sa pangalawang kolum ang mga
gagawin Joyce. pangungusap na ang pang-uring ginamit ay may
pinaghahambingan sa isa pang
tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari .

At para naman sa pangkat ng Adamya, narito ang Panuto: Ilagay naman sa ikatlong kolum ang mga
inyong gagawin pakibasa Denard. pangungusap na ang pang-uring ginamit ay may
pinaghahambingan sa dalawa o higit pang
tao,bagay,hayop,lugar o pangyayar at gumagamit
ng mga pariralang nadsasaad ng kasukdulang
katangian.

Nakuha niyo na? Kung tama ang inyong gagawin ay


makakatanggap kayo ng tig-iisang bituin.

Simulan niyo na. (Ang bawat pangkat ay gagawa na ng pangkatang


gawain)
Atin na ngayong iwawasto ang inyong ginawa kung
ito ba ay tama.

Pangkat Lireo iulat nyo na ang inyong ginawa. Ang amin pong inilagay na mga pangungusap sa
unang kolum ay ang mga sumusunod:
Ang kanyang kilay ay makapal.
Mga pilik-matang malantik.

Tama ba ang ginawa ng pangkat Lireo ? Nasabi po naming tama ang kanilang kasagutan
Tama! Paano nyo nasabing tama ang kanilang dahil ang mga pang-uring ginamit ay walang
kasagutan? pinaghahambingan.

Isa kang henyo!

Ang susunod nating iwawasto ay ang gawa ng Ang mga pangungusap na aming inilagay sa
pangkat Sapiro. ikalawang kolum ay ang mga pangungusap na:
Ang kanyang mapang-akit na mata katulad kay
Venus.
Ang kanyang pisngi ay simpula ng rosas.

Tama ba ang ginawa ng pangkat Sapiro? Opo Sir!

Paano nyo nasabing tama ito? Nasasabi po naming tama ang kasagutan ng
pangkat Sapiro dahil ang pang-uri sa mga
pangungusap na iyan ay may pinaghahambingan
sa isa pang pangngalan o panghalip.
Matalino!
Oo, tama ang kasugatan ng pangkat Sapiro.

Tumuloy na tayo sa huling pangkat, ang Adamya.Iulat Ang amin pong inilagay na mga pangungusap sa
niyo na ang inyong kasagutan. ikatlong kolum ay ang mga sumusunod.
Siya ang pinakamaganda sa kanilang lugar.
Ang buhok niya ay ubod ng haba.

Tama ba ang kasagutan ng pangkat Adamya? Kung Nasasabi po naming tama ang kasagutan ng
tama paano nyo nasasabing tama ito? pangkat Adamya dahil ang mga pang-uring
ginamit ay pinaghahambingan ang dalawa o higit
pang pangngalan o panghalip at gumamit din ito
ng mga pariralang nagsasaad ng kasukdulan na
katangian.

Tumpak ang inyong kasagutan!

Dahil tama ang inyong mga kasagutan, kunin nyo na (kukunin ng bawat pangkat ang kanilang mga
ang inyong mga bituin. bituin)

Sa inyong pangkatang gawain na ginawa ano ang Ang napansin po naming sa mga pangungusap na
inyong napansin sa mga pangungusap na mula sa ginamit sa pangkatang gawain,ang mga pang-uri
tekstong ating binasa? pong ginamit ay nasa ibat-ibang kaantasan nito.

Magaling! Ang mga pang-uri ay nasa ibat-ibang Ang kaantasan ng pang-uri ay ang
kaantasan. At anu-ano ang kaantasan ng pang-uri? lantay,pahambing,pasukdol.

Mahusay!
Ngayon babalikan natin ang inyong ginawang gawain, Ang mga pang-uri pong ginamit ay nasa antas ng
ano ang napansin nyo sa unang kolum? lantay.

Isa kang henyo!

Ano ang ibig sabihin ng lantay? Naglalarawan ang pang-uring lantay sa isang
pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
Iyon mismo!

Sino sa inyo ang makakapagbigay ng halimbawa ng Halimbawa po ng pang-uring nasa antas ng lantay
pang-uring lantay at gamitin ito sa pangungusap. ay mataba.
Ang alaga naming baboy ay mataba.
Magaling!

Kung gayon ay dumako na tayo ,Ano ang inyong


napapansin sa ginawa ng pangkat Sapiro?
Ang napapansin po naming sa ginawa ng pangkat
Sapiro ay ang mga pang-uring ginamit sa
pangungusap ay naghahambing sa isa pang
pangngalan o panghalip.

Tama! At ito ang tinatawag nating … Iyan po ay tinatawag nating pahambing.

Magaling! Kung gayon sino sa inyo ang Ang pahambing ay ang mga pang-uring
makakapagbigay ng kahulugan ng pahambing? naghahambing o nagtutulad.

Tama, pero alam nyo ba na itong pahambing ay may Iyan po ay ang pahambing na magkatulad at di
dalawa ring uri, at ito ang pahambing na ano? magkatulad.

Tumpak!Ano ang tinatawag nating pahambing na Ang pahambing na magkatulad ay kung patas o
magkatulad? walang lamangan ang inihahambing sa
pinaghahambingan.

Biniyayaan ka ng talino! Sir! magsing,magkasing at mga salitang


At itong pahambing na magkatulad ay gumagamit ng ginagamitan ng pagtutulad gaya ng, tulad
mga panlaping sing,kasing ano pa? kawangis at iba pa.

Sino sa inyo ang makakapagbigay ng halimbawa ng


pangungusap na ang pang-uring ginamit ay nasa
antas ng pahambing na magkatulad. Magsimputi sina Ford at Joao.

Tumpak! Alin ang pang-uring ginamit sa Ang pang-uring ginamit sa pangungusap ay


pangungusap? magsimputi.

Magaling! Dadako na tayo sa susunod na uri ng Ang pahambing na di-magkatulad ay maaari


pahambing ang di-magkatulad.Ano ito? namang palamang o pasahol.

Ano ito pag sinasabi nating palamang o pasahol? Palamang kapag ang tinitulad ay nakakahigit ng
katangian sa pinagtutularan,samantalang sahol
naman kung ang itinutulad ay kulang.
Iyon mismo! Ang palamang ay karaniwang gumagamit
ng mga kataga at parirala na higit, labis,di-hamak,at
iba pa na tinutuwangan naman ng mga katagang
pahambing ng kay,sa,kaysa,kaysa sa.Ang pasahol
naman ay gumagamit ng di-gaano,di-gasino,di
lubha,at iba pa na katuwang ng gaya,tulad,para,
kaysa.

Sino sa inyo ngayon ang makakapagbigay ng


halimbawa ng pahambing na di-magkatulad. Di-hamak na mas malaki siya kumpara sa akin.

Ano ang pang-uring ginamit sa pangungusap?


Ang pang-uring ginamit sa pangungusap ay di-
hamak na mas malaki.

Sa ginawa ng pangkat Adamya ano ang inyong Ang pang-uring ginamit ay nangingibabaw o
napansin sa mga pang-uring ginamit dito? namumukod sa lahat ng pinaghahambingan.

At ito ang tinatawag nating? Iyan po ay tinatawag nating pasukdol.

Ano nga ba ang pasukdol? Ang pasukdol po ay naghahambing sa isang


pangngalan o panghalip sa dalawa o higit pang
pangngalan o panghalip.
Tumpak!

At ito ay ginagamitan ng mga panlaping pinaka,


napaka, at ilang parirala na sadyang nagsasaad ng
kasukdulang katangian gaya ng, ubod ng,hari ng,ulo
ng, atay ng at iba pa.

Sino ngayon sa inyo ang makakapagbigay ng Siya ang pinakamataas sa kanilang grupo.
pangungusap na nasa antas ng pasukdol ang
pang-uring ginamit?

Mahusay! Alin ang pang-uring ginamit sa Ang pang-uring ginamit sa pangungusap ay


pangungusap? pinakamataas.

Isa kang henyo!

F.Paglalahat

Sa uulitin ano nga ang tatlong kaantasan ng pang-uri? Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay ang lantay
,pahambing at ,pasukdol.
Ano nga ang ibig sabihin ng lantay?
Ang pang-uring lantay ay naglalarawan sa
pangngalan o panghalip, at walang
paghahambing na nagaganap.
Magaling!
Ano naman ang pahambing? Ang pahambing ay kung ang pang-uring ginamit
ay may paghahambing na nangyayari sa isa pang
pangngalan o panghalip.
Mahusay! Ano nga ang dalawang uri ng pahambing?

Ang dalawang uri ng pahambing ay ang


magkatulad at di-magkatulad.

Tumpak! Ang pasukdol ay ang paghahambing ng isang


Ano naman ang pasukdol? pangngalan o panghalip sa dalawa o higit pang
pangngalan o panghalip, gumagamit ito ng mga
pang-uring namumukod o natatangi.
Tama!

G.Aplikasyon

Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.


Ganun parin kung kaninong pangkat ang
pinakamagandang magtanghal ay makakatanggap ng
isang bituin.

Narito ang inyong gagawin.

Para sa pangkat ng Lireo, pakibasa ng panuto. Panuto: Bumuo ng isang maikling drama kung
saan ang mga pangungusap ay makikitaan ng
tatlong kaantasan ng pang-uri.

Para naman sa pangkat ng Sapiro,pakibasa ng inyong Panuto:Gumawa ng isang maikling patalastas


panuto. kung saan gagamitin ang tatlong kaantasan ng
pang-uri sa pagbuo.

At para as huling pangkat, ang Adamya pakibasa ng Panuto: Gumawa ng isang maikling balita kung
panuto. saan gagamitin ang tatlong kaantasang pang-uri
sa pagbuo.

Pero bago ang lahat ano nga ang ating pamantayan Mga pamantayan sa paggawa ng pangkatang
sa paggawa ng pangkatang gawain? gawain:
1.Gumawa lamang ng tahimik at huwag magulo.
2.Makilahok sa pangkatang gawain.
Ngayon naman ay ibibigay ko sa inyo ang mga rubrics
na dapat nyong sundin,pakibasa. Batayan Bahagdan

1.May sapat bang


kaugnayan sa paksa 50%
ang ginawang
presentasyon?
2.Ang lahat ba ng
kasapi ay nakikilahok 30%
sa paggawa ng
pangkatang gawain?
3.Nakakapukaw ba ng
damdamin ang 20%
ginawang
presentasyon?

Kabuuhan 100%

Naunawaan niyo ba ? Klaro naba?


Kung gayon simulan niyo na! (Ang mga mag-aaral ay gagawa na ng pangkatang
gawain)

Ngayon ay atin ng tutunghayan ang inyong ginawang


presentasyon.Galingan nyo dahil kung sino ang may
pinakamagandang maglahad ay may karampatang (Maunang magtatanghal ang pangkat Lireo)
tatlong bituin, ang pangalawa ay makakatanggap ng (Susundan ng pangkat Sapiro)
dalawang bituin at ang pangatlo, naman ay
makakatanggap ng isang bituin. (At susundan ng pangkat Adamya)

Napakaganda ng inyong ginawang presentasyon. At


ang may pinakamagandang ginawa ay ang pangkat
ng Sapiro.
(Kukunin na ng bawat pangkat ang kanilang mga
At ang pangalawa ay ang pangkat Lireo. karampatang bituin)

At ang huli ay ang pangkat ng Adamya.

H.Ebalwasyon
Ngayon ay kumuha kayo ng sangkapat na papel, dahil
mayroon kayong sasagutang maikling pagsusulit.
Panuto:Isulat ang L kung lantay, P kung
Pakibasa ng panuto Niel. pahambing at S kung pasukdol ang mga
sumusunod na pangungusap.

1.Mabigat ang dala-dala ng nanay ni Boy.


2.Singkinis ng diyamante ang kanyang ngipin.
3.Mas mabango ang ilang-ilang kaysa kamya.
4.Di-hamak na mas maganda si Marie kaysa kay Eden.
5.Matangkad ang manlalaro ng PBA.
6.Si Lyn ang pinakamatalino sa magkakapatid.
7.Magaling ang nanalo sa larong chess.
8.Masunuring anak si Rebecca.
9.Ubod ng laki ang ahas na napatay sa pilapil.
10.Magkasingbilis sina Ana at Fe sa paggawa ng
proyektong basket.

Susi sa Pagwawasto
1.L 6.S
2.P 7.L
3.P 8.S
4.P 9.L
5.L 10.P

Ngayon ay atin ng iwawasto ang inyong maikling


pagsusulit.Ipasa ang inyong papel at makipagpalitan sa (Iwawasto na ang ginawang pagsusulit)
ibang pangkat.

Akoy nagagalak at halos lahat kayo ay nakakuha ng


mataas na iskor.Tunay ngang kayoy nakikinig.

Ngayon ay atin ng aalamin kung anong pangkat ang


nakaipon ng pinakamaraming bituin.

At ang may pinakamaraming naipon na bituin ay ang Yehey!


pangkat ng Lireo!

(Ibaba ng Pangkat Sapiro at Adamya ang kanilang


Ngayon pangkat ng Sapiro at Adamya ibaba niyo na bandila.)
ang inyong mga bandila,at ang matitirang
nakawagayway
ay ang bandila ng Lireo.

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang pangkat


Lireo.

I.Takdang Gawain Takdang Gawain:


Panuto: Gumawa ng isang komiks,gamit ang
Narito ang inyong takdang aralin, pakibasa Russel. kaantasan ng pang-uri.

Opo Sir!
Naunawaan niyo?
Paalam din sayo Sir!
Kung gayon paalam na sa inyo.

Inihanda ni:
Darwin R.Royo
Mag-aaral sa Filipino

You might also like