You are on page 1of 6

Tomas Claudio Memorial Elementary School

Morong, Rizal

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay kayang:

 Magbigay ng halimbawa ng antas ng pang-uri.


 Matukoy ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
 Magamit ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.

II. Paksang Aralin

Kaantasan ng Pang-uri
Sanggunian: Supling 6, p.46
Kagamitan: DLP, laptop, mga larawan, plaskard, tsart, kahon, drill board
Pagpapahalaga: Sipag at tiyaga
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral (5 minuto)

Mayroon tayong mga salita na -Babasahin ng mga bata ang


Nakasulat dito sa plaskards. mga salitang nasa plaskard.

mabilis mabango

masipag matalino

matulungin mabait

Mga bata ngayon tayo ay magbalik-aral.


Maaari niyo bang sabihin saakin kung
ano ang tawag sa mga salitang ito?
-Ang mga salitang ito ay pang-
uri.
Magaling!

Ano ang pang-uri?


-Ang pang-uri ay mga salitang
naglalarawan ng pangngalan o
panghalip.
Magaling!

Maaari bang magbigay kayo ng halimbawa


ng pang-uri at gamitin ito sa pangungusap.
-Si Jane ay matalino.
Ano ang pang-uri sa pangungusap?
-matalino
Magaling!

Tatawagin ng guro ang mag-aaral at


ipapasulat sa pisara ang pangungusap.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak (10 minuto)

Mga bata, mayroon tayong babasahing


diyalogo. Ang mga lalaki ang magbabasa
ng mga diyalogo ng mga lalaki sa
comic strip.
Ang mga babae naman ang magbabasa
ng mga diyalogo ng mga babae sa
comic strip.

-Babasahin ng mga lalaki at


babaeng mag-aaral ang
diyalog.

Sa diyalogong inyong binasa, ano ang


kanilang pinag-uusapan?
-Ang pinag-uusapan nila ay
tungkol sa kanilang marka
na nakuha sa Filipino.
Magaling!

Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?


-Ang mga salitang may
salungguhit ay mataas,
magkasintaas at
pinakamataas.
Magaling!

Ano ang tawag sa mga salitang ito?


-Ang tawag sa mga salitang
ito ay kaantasan ng
pang-uri.
Magaling!

2. Paglalahad (2 minuto)

Mga bata, ngayong umaga ay


pag-aaralan natin ay ang
pagtukoy sa mga antas ng
pang-uri.

Ito ay ang lantay, pahambing at


pasukdol.

Ngayon mga bata saba-sabay nating


basahin.
-Ang mga antas ng pang-uri ay
lantay, pahambing at
pasukdol.
Magaling mga bata!

Pagtatalakayan: (10 minuto)

Mga bata, balikan natin ang mga salitang


may salungguhit sa comic strip. Ang mga
ito ay mga halimbawa ng antas ng pang-uri.
-Ang mga salitang may
salungguhit ay mataas,
magkasintaas at
pinakamataas.
Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa aralin natin ngayong
araw.

Mayroon tayong tatlong (3) antas ng


pang-uri:

1. Lantay – ito’y naglalarawan ng


isang katangian ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.

Halimbawa:
Si Mark ay mabait.

Sa pangungusap na ito ang salitang


mabait ay ginamit sa paglalarawan
ng isang katangian ng isang tao.

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan ng
pang-uri na lantay?
-Si Francis ay matalino.
Magaling!

Ang ikalawang (2) antas naman ay


ang pahambing.

2. Pahambing – ito’y pagtutulad o


paghahambing sa dalawang tao, bagay,
lugar, hayop o pangyayari.

Halimbawa:
Mas matangkad si Carlo kaysa kay Albert.

Ang katagang mas ay ginamit kung ito’y


nagtutulad ng parehong katangian ng tao,
bagay, lugar, hayop o pangyayari na
pinaghahambing.

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan ng
pang-uri na pahambing?
-Si Ana ay mas matalino
kaysa kay Kris.
Magaling!

Maliban sa katagang mas ay may iba pang


mga pananda tayong ginagamit sa pang-uring
pahambing gaya ng higit at sing.

Ang ikatlong (3) antas naman ay tinatawag


na pasukdol.

3. Pasukdol – ito’y ginagamit kung higit sa


dalawang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari ang pinaghahambing.

Halimbawa:
Si Michelle ang pinakamabait sa klase.

Sa pasukdol naman gumagamit tayo ng


mga pananda gaya ng pinaka, napaka at
ubod.

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan ng
pang-uri na pasukdol?
-Si Susan ang pinakamaganda
sa magkakaibigan.

C. Panlinang na kasanayan (10 minuto)


(Pangkatang Gawain)

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat (4).


Ang unang (1) pangkat ay kulay asul, ang
pangalawang (2) pangkat naman ay kulay pula,
ang ikatlong (3) pangkat ay kulay dilaw at ang
ikaapat (4) na pangkat naman ay kulay puti.
sa loob ng kahon ay may mga salitang nasa
iba’t ibang antas ng pang-uri. Ang gagawin niyo
ay ilalabas niyo at ididikit ito sa tsart ayon sa
kanyang tamang antas.

Ang unang grupo na may pinakamabilis at tamang


ayos ng mga salita ayon sa tamang antas ay siyang
tatanghaling panalo.

3. Paglalahat (3 minuto)

Ano ang tatlong (3) antas ng pang-uri?


-Ang mga antas ng pang-uri ay
lantay, pahambing at
pasukdol.
Magaling!

Ano ang lantay?


-Ito’y naglalarawan ng
isang katangian ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.

Magaling!

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan
ng pang-uri na lantay?
-Si Alex ay matalino.
Magaling!

Ano ang pahambing?


- Ito’y pagtutulad o
paghahambing sa dalawang
tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari.
Magaling!

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan
ng pang-uri na pahambing?
-Si Mike ay mas matangkad
kaysa kay Allen.
Magaling!

Ano ang pasukdol?


-Ito’y ginagamit kung higit sa
dalawang tao, bagay, lugar,
hayop o Pangyayari ang
pinaghahambing.
Magaling!

Ngayon mga bata magbigay kayo ng


pangungusap na ginagamitan
ng pang-uri na pasukdol?
-Si Sammy ang pinakamaganda
sa magkakaibigan.
Magaling mga bata!

D. Paglalapat (5 minuto)

Ilabas ang inyong white board at white board marker.

Panuto: Tukuyin kung anong antas ng pang-uri ang may salungguhit. Isulat lamang
ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS naman kung pasukdol ang kaantasan
ng pang-uri sa pangungusap.

1. Ang larawang nagawa ni Roy ay makulay.


2. Pinakamalaki ang Mall of Asia sa buong Asia.
3. Sina Yuri at Rico ay magkasingtaas na
4. Ubod na tamis ang manggang nabili ko.
5. Ang pangkat ni Ramon ay mas mabilis magtrabaho kaysa pangkat ni Gary.

IV. Pagtataya (5 minuto)

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang kaantasan ng
pang-uri kung ito’y lantay, pahambing o pasukdol.

_______________ 1. Siya ay mabait na bata.

_______________ 2. Mas matangos ang kanyang ilong kaysa sa bunso miyang kap[atid.

_______________ 3. Ubod ng lakas ang kalabaw.

_______________ 4. Siya ang pinakamahusay sa klase.

_______________ 5. Magkasing lakas ng pananampalataya sina Pedro at Simon.

_______________ 6. Mas mabango ang sampaguita kaysa rosas.

_______________ 7. Ang lugar na ito ang pinakamaganda.

_______________ 8. Ang buhok ni Megan ay mas mahaba kaysa kay Mica.

_______________ 9. Si Lorenz ay masipag.

_______________ 10. Higit na mataba si Jacky kaysa kay Kathleen.

V. Takdang Aralin

Iguhit ang iyong tahanan at ilarawan ito gamit ang tatlong (3) antas ng pang-uri.

Inihanda ni:
Edjay B. Licuanan
Guro, Filipino 6

You might also like