You are on page 1of 7

DETALYADON Paaralan BNHS Baitang 10

G BANGHAY Guro Missy G. Garcia Asignatura Filipino


ARALIN Shenna E. Fuster
Linggo 4 Markahan Ikalawa

I. LAYUNIN
A. Pangkabatiran Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na
salita, kabilang ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan.

B. Saykomotor Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng


nobela.

C. Pandamdamin Naiaangkop ang damdamin o emosyon sa


eksenang ipinapakita sa pagsasadula.

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng
bansang kanluranin.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng


nobela.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na


salita, kabilang ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan. (F10PT-IIf-74)

Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng


nobela. (F10PU-IIf-76)

II. NILALAMAN
A. Panitikan Ang Matanda at ang Dagat
Nobela mula sa Estados Unidos
Isinalin ni Jose Manuel Santiago

B. Gramatika Paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at


pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring
pampanitikan.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pp.64-66
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- pp.165-168
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resources

B. Iba pang Kagamitang Panturo Kartolina, Marker, Pisara, chalk at Iba pang
Pantulong na Biswal
IV. PAMAMARAAN
Pamamaraan sa Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Mag-
Pagkatuto aaral
A. Pagbati Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin
po sa inyo Bb.
Garcia/Fuster!
B. Balik-aral sa Bago tayo dumako sa bagong paksa, atin
nakaraang aralin o munang balik tanawin ang ating pinag-aralan
pagsisimula ng kahapon.
bagong aralin Tungkol saan nga ulit ang ating pinag-aralan Tungkol po sa maikling
kahapon? kwento.

Tama ka.

Paano naman natin malalaman na maikling Kapag po ang binabasa


kwento ang ating binabasa? natin ay may iisang
pangyayari lamang na
inilalahad.
Magaling!

Ano pa ang ginawa natin kahapon? Naglahad ka po ng


halimbawa ng isang
Tama! maikling kwento.

Ano nga ulit ang pamagat ng halimbawang Sa pagkaka alala ko po,


iyon? ang pamagat po ng
inilahad niyong
halimbawa ng maikling
kwento ay Ang Alaga ni
Barbara Kimenya na
Isinalin sa Filipino ni
Mahusay! Prof. Magdalena O.
Jocson.

Sino naman ang pangunahing tauhan sa Si Kibuka po at ang


maikling kwento? kanyang alagang biik.

Tama ka! Panghuling tanong, ano ang Maging biyaya po tayo


mapupulot nating aral sa maikling kwentong sa lahat. Maging
iyon? mapagbigay dahil ang
taong palabigay ay
pinagpapala.

Mahusay!

C. Pagganyak Ididikit sa pisara ang kartolinang naglalaman Tinitingnan ang idinidikit


ng sumusunod na salita: ng guro sa pisara.

1. talaga
2. tunay
3. totoo
4. bagkus
5. datapwat

Tatawag ng mag-aaral upang sumagot at Ilalahad ng mag-aaral


tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang na ang mga salitang
tawag sa mga salitang nakadikit sa pisara. nakadikit sa pisara ay
mga salitang
nagpapahayag ng
pagsang-ayon at
pagtutol.

Pupurihin ng guro ang mga mag-aaral at


magbibigay na rin ito ng puna o karagdagang
impormasyon
D. Paghahabi sa Ibibigay ng guro ang mga layunin sa araw na Masigasig na makikinig
Layunin ng Aralin ito. ang mga mag-aaral sa
paglalahad ng guro.
1. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap
nasalita, kailangang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan.

2. Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng


nobela.

3. Naiaangkop ang damdamin o emosyon sa


eksenang ipinapakita sa pagsasadula.
E. Pagtalakay ng Ipapagamit sa makabuluhang pangungusap Isa-isang nagbibigay ng
bagong konsepto ang mga salitang nakadikit sa pisara. pangungusap ang mga
at paglalahad ng mag-aaral na tinawag
bagong ng guro upang sumagot.
kasanayan # 1
Inaasahang sagot:
1.Ikaw talaga Juan ang
pakay ng mga pumunta
rito.
2. Si Helen ang tunay
na maganda.
3. Totoo nga ang balita
na nawawala ang bata
ni aling nena.
4. Kakainin na niya ang
tinapay bagkus ay
ibinigay nya pa ito sa
pulubi.
5. Datapwat matalino
siya wala naman siyang
kaibigan.

Mahusay! Nailahad niyo ito ng maayos at


nagamit sa makabuluhang pangungusap.

Ang mga pahayag ng pagsang-ayon at


pagsalungat ay isang paraan upang maging
kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa
anumang usapan o pagbibigay ng mga pala
palagay o opinyon o ideya o kaisipan. Sa Mapanuring nakikinig sa
paraang ito mahalagang malaman natin ang guro.
pananalita ang dapat gamitin sa pagpapahayag
ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat ay nakabubuti ng pag-aralan o
pag isipan mo ng mabuti at magkaroon ng
malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang
gumawa ng desisyon ni tinutulak ng
nakararami.

Ito ang mga halimbawa ng pahayag na


karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon:
 Sang-ayon ako
 Tama
 Iyan ang nararapat
 Pareho tayo ng iniisip
 Ganyan din ang palagay ko
 Oo
 Tunay

Ito naman ang mga halimbawa ng pahayag na


karaniwang nagsasaad ng pagsalungat:
 Hindi ako sang-ayon
 Mabuti sana ngunit
 Ikinalulungkot ko ngunit
 Nauunawaan kita subalit
 Bakit di natin
 Ayaw

Nauunawaan ba ng lahat? Opo Binibini.

F. Pagtatalakay Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung Sumang-ayon ang mga


ng bagong nakapag-ensayo ang mga ito ng kanilang mag-aaral.
konsepto at pagtatanghal ng pinakamadulang bahagi ng
paglalahad ng nobela na kanyang naibigay bilang takdang
bagong gawain sa nakaraang pagkikita.
kasanayan # 2

Ilalahad ng guro na kailangang pumunta na sa Nagsitungo sa kanilang


kani-kanilang pangkatang bawat mag-aaral. pangkat.

Ihahayag na bibigyan ng pagkakataon ang Masigasig na nakikinig


bawat pangkat na makapag-ensayo ng sa guro.
kanilang isasadula sa araw na ito.

G. Paglinang sa Ibibigay ng guro ang rubrik sa pagmamarka Masiglang nakikinig sa


Kabihasaan para sa pagtatanghal ng mga mag-aaral. paraan ng pagmamarka
(tungo sa sa pagtatanghal na
formative (tingnan ang kalakip.) isasagawa.
assessment)
Tandaan: Malaya ang guro kung gagamitin ang
kalakip na rubriko o gagawa ito ng sariling
rubrik.
H. Paglalahat ng Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Isa-isang maglalahad ng
aralin mahalagang tanong sa naging aralin: kasagutan ang mga
mag-aaral na
matatawag ng guro

Inaasahang Kasagutan:

Paano nakatutulong ang paggamit ng pahayag Nakatutulong ang


na pagsang-ayon at pagtutol sa pagsasagawa paggamit ng pahayag
ng suring-basa? na pagsang-ayon at
pagtutol sa
pagsasagawa ng suring-
basa upang maging
malinaw ang pagbibigay
ng opinyon o reaksyon
tungkol sa nabasa o
napanood.

I. Paglalapat ng Kukunin ang opinyon ng mga mag- aaral sa Ilalahad ng mga mag-
aralin sa pang magandang maidudulot ng pagtatanghal sa aaral ang kanilang
araw-araw na harapan ng madla. opinyon sa magandang
buhay maidudulot ng
pagtatanghal sa
harapan ng madla.
Inaasahang Sagot:
Mapapataas nito ang
kanilang kumpyansa sa
sarili at malilinang ang
kanilang kakayahan sa
pagsasalita.

Mahusay! Tama ang iyong sagot.


J. Pagtataya ng Ihahayag na ng guro ang pormal na Itinatanghal na ang
aralin pagsisimula ng pagsasadula ng bawat pangkat. kanilang pagsasadula
sa pinakamadulang
bahaging nobela.
Isa-isang tatawagin ang bawat pangkat.

Pupurihin ng guro ang mga mag- aaral at


magbibigay na rin ito ng puna.

Ibibigay ang marka ng nakuhang bawat


pangkat.
K. Karagdagang Bilang inyong takdang aralin, basahin niyo ang
gawain para sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat" mula sa
takdang-aralin at Estados Unidos na isinalin ni Jose Manuel
remediation Santiago. Pagkatapos ninyong mabasa,
gumawa kayo ng suring basa alinsunod sa
pormat na ibibigay ko.

Isusulat ng guro ang pormat sa pisara. Kokupyahin ng mga


mag-aaral ang
nakasulat sa pisara.

At diyan nagtatapos ang ating aralin para sa Wala na po binibini.


araw na ito. May katanungan pa ba ang lahat?

Kung ganun, paalam sa inyong lahat! Magkita Maraming salamat po


kita tayo ulit bukas. binibini.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E.Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
binigyang-solusyon ng aking punong - guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

You might also like