You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KIDAPAWAN CITY CAMPUS


Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

MASUSING BANGHAY-ARALIN
Paaralan KCNHS Baitang 9 (STE) Sapphire, Emerald
Pangalan Paul Justine L. Padernilla Asignatura FILIPINO
Petsa/Oras Marso 11, 2024 Markahan Ikatlong Markahan

I – LAYUNIN
A. +Pamantayang B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Nahuhulaan ang maaaring
Naipamamalas ng mag-aaral Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano. mangyari sa akda batay sa ilang
ng pag-unawa at pangyayaring napakinggan. (F9PN-
pagpapahalaga sa mga IIIg-h-54)
akdang pampanitikan ng Nailalarawan ang natatanging
kanlurang Asya. kulturang Asyano na masasalamin
sa epiko. (F9PB-IIIg-h-54)
D. Tiyak na layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan at nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.
II – NILALAMAN Epiko (Rama at Sita) at mga salitang naglalarawan
III – KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Pahina na gabay ng guro:_______ 2. Pahina sa kagamitang pang-mag-aaral:_______3. Pahina sa Teksbuk: ______ 4. Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resources: ______
A. Iba pang kagamitang
panturo
IV – PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
ELICIT
A. Balik-aral sa nakaraang Panalangin Amen.
aralin at pagsisimula ng Pagbati Magandang umaga po, Sir Paul…
bagong aralin Pagtala ng lumiban sa klase Wala pong lumiban sa klase
Paglalahad ng pamantayan sa klase
 Tumayo kapag tinawag ng guro
 Umupo nang maayos at bawasan ang pag-iingay
 Lawakan ang pag-iisip o pag-unawa
 Aktibong pakikilahok ay panatilihin Maraming salamat at sana ay
Pagpasa/ pagwawasto ng Takdang-aralin magawa ninyong sundin ang ating
pamatayan.
Pagbabalik-aral

ENGAGE Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay


B. Paghahabi sa layunin ng inaasahang nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay
aralin sa ilang pangyayaring napakinggan at nailalarawan ang
natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.
(ipapabasa sa mga mag-aaral)

EXPLORE (PAGGANYAK) Sekreto sa likod ng piraso


C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Panuto: Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga
nakatuping piraso ng papel at kung sino ang nakakuha ng mga
Mga sagot:
pael na may bilang 1-5 ay sasagot sa mga inihandang
palautatan.
E
Ako ang una sa elehiya, pangalawa naman ako sa leksyon.

Unang titik ako ng adverb kung isasalin sa Filipino. P

Isang letrang pabibo, may dalawa nito sa piitan at ako ang I


tinutukoy nito.

May dalawa nito sa mekus-mekus, at isa naman sa kalapati at


kabayo. K
Anong meron sa tao na wala sa pusa, na may dalawa sa lobo O
at tatlo sa totoo?

EXPLAIN (GAWAIN) Ilarawan mo!


D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang
bagong kasanayan #1 naglalarawan upang mabuo ang diwa ng mga pahayag.

1. Ang (kintab, liwanag) ng buwan ngayong gabi.


2. (Kumikinang, Nakasisilaw) ang mga benta niyang alahas.
3. (Matingkad, Maliwanag) ang kulay ng mga bulaklak ni Sita
sa Hardin.
4. (Malamig, Maginaw) ang simoy ng hangin kapag buwan ng
Disyembre.
5. (Maitim, Makulimlim) ang kalangitan, nagbabadya ng pag-
ulan.

E. Pagtalakay ng bagong Ano ang epiko?


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y
buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na
nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan. Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay
at pakikidigma.

Mga Katangian ng Epiko

1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran


ng bayani.
2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan.
3. May malawak na tagpuan.
4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga
tauhan.
5. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga
mortal na tao.
6. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita.

Mga Salitang Naglalarawan

Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay


nakapagpapatingkad sa mga pahayag na bumubuo sa
pagbibigay ng komentaryo, blog, o sa mga taludturan.
May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa
tao na hindi naman maaari sa bagay. May mga pangyayari rin
naman na kapag ginamit na ang salita sa pagbuo ng taludtod
ay nagbabago ang kahulugan o hindi gaanong napalilitaw ang
nais ipakahulugan at hindi naginging matimyas ang salita.
halimbawa na lamang sa salitang matangkad na bagamat ito
ay tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring gamitin sa
paglalarawan sa taas ng gusali.

ELABORATE (ANALYSIS) Pangkatang gawain: Sinimulan ko, ipagpatuloy mo!


F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative (Papangkatin ang klase sa apat (4) at sasagutan ng mga mag-
Assessment) aaral ang gawain ito sa loob ng limang (5) minuto)

Panuto: Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na


pangyayari.

1. Pang-aakit ni Surpanaka kay Rama


2. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti
kay Rama.

3. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring


Brahmin.

4. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita


ng isang gintong usa.

5. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para


salakayin ang Lanka.

G. (PAGLALAPAT) Magbigay ng pangungusap na kakikitaan ng (magkakaiba-iba ng sagot ang mga


Paglalapat ng aralin sa pang- paglalarawan sa kultura ng mga Pilipino. mag-aaral)
araw-araw na buhay

Maglahad ng halimbawa ng pangyayari sa buhay na


masasabing isang halimbawa ng kabayanihan.

H. (PAGLALAHAT)  Ano ang epiko? Ang epiko ay tulang pasalaysay na


Paglalahat ng Aralin nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.
EVALUATE Kultura ko, ibahagi mo!
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Ilarawan ang natatanging kultura ng India na
masasalamin sa binasang epiko. Gamitin ang format sa ibaba:

sagot

sagot

India
sagot

sagot
Rubriks sa pagbibigay ng iskor (talapuntusan)

EXTEND (ASSIGNMENT) Kasunduan:


J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at Magsaliksik patungkol sa mga personalidad mula sa iba’t ibang
remediation bansa sa Kanlurang Asya na itinuturing na bayani sa kanilang
bansa.

K. MGA TALA

VI – PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na B. Bilang ng mag-aaral na C. Nakatulong ba ang remedial? D. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya: nangangailangan ng iba pang Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:
________ gawain para sa remediation: nakaunawa sa aralin: ______ _________
_______
E. Which of my Teaching strategy/ies worked well? Why did these work?
F. What difficulties did I encounter with my principal or superior can help me solve?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

PAUL JUSTINE L. PADERNILLA RAPHY V. ABANG, MAEd, MALT


Nagpakitang-turo Gurong Tagapatnubay
Petsa: Petsa:

You might also like