You are on page 1of 7

Learning Area    FILIPINO 9    

Learning Delivery Modality    MODULAR    


Paaralan DON MANUEL RIVERA MNHS Baitang  9
Guro JHOVELLE A. TUAZON Asignatura  FILIPINO
LESSON EXEMPLAR
Petsa Agosto 2020 Markahan  UNA
Oras Bilang ng Araw  2
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga elemento ng maikling kuwento sa akdang
binasa
 Nabibigyang halaga ang mga elemento ng maikling kuwento
 Nakapagsusulat ng isang maikling kuwento na sumasalamin sa
buhay na pinagdaraanan ng bawat isa sa kasalukuyan.
A. Pamantayan Pangnilalaman Naipamamalas ng mag -aaral ang pag -unawa at pagpapahalaga sa mg
akdang pampanitikan ng Timog -Silangang Asya.

B. Pamantayang Pagganap Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat


tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog
-Silangang Asya.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan -
(MELC) Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari estilo sa pagsulat ng awtor, i
pa

D. Pampaganang Kasanayan Napapahalagahan ang kabuluhan ng bawat elemento ng maikling


kuwento sa pagpapaabot ng mensahe ng akda
II.NILALAMAN MAIKLING KUWENTO
Anim na Sabado ng Beyblade
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC, PANITIKANG ASYANO ,
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 15-16

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk PANITIKANG ASYANO


PAHINA 17 -22
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning resource

B. Listahan ng Kagamitang Panturo para sa mga Gawain Mga larawang nakapowerpoint


sa Pagpapaunlad at pkikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
Paunang Pagsusulit Panuto:Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang
masukat natin ang iyong nakaimbak na kaalaman. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga
mahahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay a
kulay sa bawat pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan B. Tahanan C. Tauhan D. Tunggalian
3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding
buhos ng emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan B. Kalutasan C. Kasamaan D. Kasukdulan
4. Sa kuwentong “Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang
naging magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong.
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siy
ay magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawa
ng iba’t ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng
mga mambabasa.
A. Tahanan B. Tagpuan C. Tauhan D. Tunggalian
6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema.
Halimbawa nito ay ang tao laban sa tao.
A. Suliranin B. Problema C. Tunggalian D. Tugmaan
7. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”
A. Deogracias Rosario B. Edgar Allan Poe
C. Lope K. Santos D. Severino Reyes
8. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabas
maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon.
9. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong
_________________.
A. kababalaghan B. katutubong-kulay
C. makabanghay D. pangtauhan
10.Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento
dahil dito makikita ang ganda at maayos na pagkasunod-sunod ng mg
panyayari sa kuwento.
A. Panimula B. Gitna
C. Wakas D. Banghay ng maikling kuwento
A. Panimula ( Introduction) Magbahagi Ka!
Mag-isip ng mga salita o parirala na maaaring iugnay sa salita
“Maikling Kuwento”, ang iyong kasagutan ay maaaring ibase sa iyo
sariling pag-unawa, kaalaman o opinyon.

Maikling Kuwento

Gamit ang mga itinalang salita o parirala na iyong isinulat sa una


gawain bumuo ng iyong sariling kahulugan ng Maikling Kuwento.

B. Pagpapaunlad ( Developing) Pagganyak


Paggamit ng guro sa tekstong “Anim na Sabado ng Beyblad
upang malinang ng unti- unti ang aralin

Panuto: Suriin ang mga larawan at ibigay ang kaugnayan nito sa akd

PAGBATI
REGALO

BEYBLADE

AMUSEMENT PARK

Anong napansin ninyo sa mga larawan?


Sa iyong palagay, ano ang ginampanan nito sa maikling kuwento
iyong binasa?

Paglalahad ng konsepto

Maikling kuwento maiksing salaysay hinggil sa isang mahalaga


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan. May iisa
impresyon o kahihinatnan na nagsisilbing paggagad o paggaya
realidad ng buhay.

Edgar Allan Poe siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

1. Tagpuan- tumutukoy sa panahon o lugar kung saan naganap ang


kuwento.
2. Tauhan- ang nagbibigay-buhay at nagiging sentro ng kuwento.
3. Panimulang pangyayari- nagsasabi tungkol sa simula ng kuwento
aksiyon.
4. Suliranin- nagpapahayag ng problemang kinahaharap ng tauhan,
5. Saglit na Kasiglahan- pagtakas o saglit na paglayo sa suliraning
nararanasan ng tauhan.
6. Tunggalian- maaaring sa pagitan ng tauhan laban sa ibang tauhan,
tauhan laban sa sarili at tauhan laban sa kapaligiran.
7. Kasukdulan- nagpapakita ng matinding damdamin na makikita sa
kuwento.
8. Kakalasan- ang bahagi ng unti-unting pagtukoy sa kalutasan ng mg
suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
9. Kalutasan- nalulutas na at natatapos ang suliranin at tunggalian sa
kuwento.

Banghay ng Maikling Kuwento

BANGHAY ELEMENTO NG MAIKLING


KUWENTO

Simula Tagpuan, tauhan, panimulang


pangyayari at suliranin

Gitna Saglit na Kasiglahan, tunggalian


at kasukdulan

Wakas Kakalasan at kalutasan

Halimbawa:
Tagpuan Noong unang panahon sa isang
lupain na pinamumunuan ng har
at reyna
Tauhan Cinderella, step mother, step
sisters
Panimulang pangyayari Nag-asawa ang ama ni
Cinderella ng isang biyudang
babae na may dalawang
dalagang anak at hindi nito gusto
ang dalaga.
Suliranin Pinagmamalupitan ang dalagang
si Cinderella ng kanyang step
mother at mga step sisters. Hind
sya makadadalo sa royal ball.
Saglit na kasiglahan Sa tulong ng Diwata na
tumulong kay Cinderella
nagkaroon siya ng magarang
kasuotan at karwahe.
Tunggalian May hangganan ang oras na
ibinigay ng Diwata sa dalaga
kaya kinakailangan niyang
makauwi bago ang alas dose ng
gabi.
Kasukdulan Naiwanan ni Cinderella ang
kapares ng kanyang babasaging
sapatos sa kanyang
pagmamadali.
Kakalasan Hinanap ng mahal na prinsipe
ang dalagang nakaiwan ng
sapatos.
Kalutasan Nahanap niya ang dalaga at
nabuhay sila ng masaya.
Gawain 1:Tukuyin Mo!
Batay sa kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade” na iyong bina
Punan ang hinihinging kasagutan sa bawat elemento ng maikli
kuwento.

Mga Elemento ng Maikling


Kuwento
Tagpuan

Tauhan

Panimulang Pangyayari

Suliranin

Saglit na Kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Kalutasan

C. Pagpapalihan ( Engagement) Ayusin Mo!


Gamit ang mga nakagulong letra. Tukuyin ang mga sumusunod na
element ng maikling kuwento
1. Ito ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
A A N G Y H B- _______________________
2. Ang mga halimbawa ng elementong ito ay ang paaralan, simbahan,
parke, bahay at marami pang iba.
G U A P N T A- _______________________
3. Ang mga nagbibigay-buhay sa maikling kuwento ay maaaring mab
na gusto ng lahat at ‘di mabait na kinaiinisan ng mambabasa.
A A U T H N- _________________________
4. May problemang mambabasa sa maikling kuwento at kadalasan ito
ay tungkol sa tao laban sa kaniyang kapwa tao.
T N G N I A U G L A- ____________________
5. Banghay ng maikling kuwento na nagbibigay hudyat na nabigyang
kalutasan na ang mga suliranin.
A A W S K- ___________________________
D. Palalapat (Assimilation) Magsulat Tayo!
Gamit ang mga natutunan mo tungkol sa mga element ng maikling
kuwento lumikha ng isang maikling kuwento na sumasalamin sa tunay
na nagaganap o nangyayari sa inyong buhay sa kasalukuyan.

Pamantayan

Kahusayan sa pagkakabuo 15 puntos


Kawastuhan ng mga salita 5 puntos

Panapos na Pagsusulit Panuto:Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang


masukat natin ang iyong kaalaman. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabas
maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon.
2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong
_________________.
A. kababalaghan B. katutubong-kulay
C. makabanghay D. pangtauhan
3.Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dah
dito makikita ang ganda at maayos na pagkasunod-sunod ng mga
panyayari sa kuwento.
A. Panimula B. Gitna
C. Wakas D. Banghay ng maikling kuwento
4. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga
mahahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay a
kulay sa bawat pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan B. Tahanan C. Tauhan D. Tunggalian
6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding
buhos ng emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan B. Kalutasan C. Kasamaan D. Kasukdulan
7. Sa kuwentong “Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang
naging magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong.
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siy
ay magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
8. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawa
ng iba’t ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng
mga mambabasa.
A. Tahanan B. Tagpuan C. Tauhan D. Tunggalian
9. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema.
Halimbawa nito ay ang tao laban sa tao.
A. Suliranin B. Problema C. Tunggalian D. Tugmaan
10. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”
A. Deogracias Rosario B. Edgar Allan Poe
C. Lope K. Santos D. Severino Reyes
A. Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng kanila
nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang naunawaan sa aralin.
Naunawaan ko na
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________
Nabatid ko na
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________

You might also like