You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay Aralin

Baitang 7
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipamamalas ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang Obra Maestra,
b. naisasabuhay ang pagmamahal sa magulang at kapwa sa tunay na buhay,
c. nakasusulat ng 3 pangyayari sa akda na may bahid ng hiwaga ngunit maaaring maging
makatotohanan.
II. NILALAMAN
Paksa: Ang Paghahanap sa Lunas (Obra Maestra)
Sanggunian: Wow, Filipino 7!
Kagamitan: Laptop at Projector
III. PAMARAAN
a. Pagganyak
Pagsasamasamahin ng mga mag-aaral ang salitang mabubuo nila sa mga larawan upang mabuo
ang salitang hinahanap. Ang mga mag-aaral ay kailangang isigaw muna ang katagang “Ding! Ang
bato!” At sasabihin ang sagot. Ang unang makakuha ng tamang sagot ang siyang mabibigyan ng
puntos.
b. Talasalitaan
May dalawang kahon ang guro. Ang bawat kahon ay mga mga lamang papel ngunit sampu na
papel lamang sa bawat karton ang may sulat. Ang kahon 1 na naglalaman ng mga malalalim na
salita ay ibibigay sa unang hanay. Ang kahon 2 naman kinabibilangan ng mga kahulugan ng mga
salita sa kahon 1 ay ibibigay ng guro sa ikalawang hanay. Pagkatapos hahanapin nila ang kanilang
kasingkahulugan.
1. Baston na simbolo ng kapangyarihan ng hari- SETRO
2. Pamamahinga lalo ng ng pagod o may sakit- GULAYLAY
3. Uri ng Sitrus na tumataas ng 2-4 na metro na may maasim na bunga- DAYAP
4. Silid na kahugpong ng kusina, pinag-iimbakan ng mga tuyong pagkain- DISPENSA
5. Ginagawa ng mga ibon tuwing hapon- HUMAHAPON o DUMADAPO
6. Paglabas sa puwit ng ibon na pagkain mula sa bituka, pagdumi- PAG-IPOT
7. Labis na natakot- NASINDAK
8. Bumagsak nang walang control sa sahig o lupa- NAKABULAGTA
9. Ketongin o taong may ketong- LEPROSO
10. Taong nag-aaral ng tradisyonal na paniniwala- POKLORISTA
c. Pagbasa ng teksto
Ibubuod ng guro ang akdang tatalakayin sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng berbal.
d. Pagtalakay
Ipapaliwanag ng guro ang Kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng
graphic organizer.
Pagkatapos, bubunot ang guro ng 15 na mag-aaral.Papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng kulay
ng kendi na kanilang gusto ngunit sa bawat kulay na kanilang mapipili ay may katumbas itong
tanong na kanilang sasagutin. (Yellow-EASY Orange-AVERAGE Red-DIFFICULT).
Sasabihin lamang guro ito pag nakakuha na lahat ng kendi.

EASY:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa akdang tinalakay?
2. Ano ang pangalan ng hari at reyna?
3. Ano ang pangalan ng kaharian ng tatlong prinsipe?
4. Sino ang pinakapaborito ng hari sa tatlo niyang anak?
5. Ano ang nangyari kay Don Diego at Don Pedro noong maiputan sila ng ibon?
AVERAGE:
1. Sa iyong palagay, bakit kaya naging pinakapaboritong anak ng hari si Don Juan?
2. Bakit kaya mas pinili ng tatlo na magkaroon ng korona kaysa maging pari?
3. Anong kapangyarihang taglay ng ibong Adarna at saan ito matatagpuan?
4. Paano nagtagumpay si Don Juan paghuli ng ibong Adarna
5. Paano nalaman ng hari ang ginawang panlilinlang ng dalawang magkapatid sa kaniyang
bunso?
DIFFICULT:
1. Paano maaring sirain ng pera o yaman ang isang pamilya?
2. Kung ikaw si Don Juan, ibibigay mo sa isang estranghero ang kahulihulihan mong pagkain?
Bakit o bakit hindi?
3. Magagawa mo bang magpatawad sa taong Nakagawa ng matinding kasalanan?
4. Kung ikaw ang hari, paparusahan mo ba ang sarili mong anak?
5. Sang-ayon ka ba na lagging magtatagumpay ang kabutihan sa huli?
e. Integrasyon
Naging bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang paniniwala sa mga albularyo kaya marami pa
ring nagtitwala sa kakayahan ng mga ito na makapanggamot. May bisa rin ang musika na
makapagpagaan sa ating mga pakiramdam lalo na kung tayo’y may pinagdadaanan.
f. Paglalahat
Mahalin ang mga magulang at kapatid. Huwag pairalin ang ang inggit at laging pangibabawin
ang pagmamahal.
g. Ebalwasyon
Isahang Gawain. Sumulat ng tatlong pangyayari sa binasang akda na may bahid ng hiwaga ngunit
maaaring maging makatotohanan. (3 puntos bawat pangyayari)
IV. Takdang- Aralin
Sagutan ang Gawain I at II sa pahina 437-438. Isulat ang sagot isang buong papel.

You might also like