You are on page 1of 5

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

NARRATOR: Napagpasiyahan nina thor at loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga
higante, Ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan sila ay naglakbay sakay ng karuwahe na
hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay ay nagpahinga sila sa bahay ng
isang magsasaka.

THOR: (Nag-aayos ng pagkain) Tara sumama kayo sa amin kumain para masaya! masarap to
sariwa pa at bata pa. (Tatawagin ang buong mag-anak na magasasaka.)

NARRATOR: Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nangangalang Thjalfi at ang babae naman nitong
anak na si Roskva. Kinabukasan naghahanda na si thor para umalis.

THOR: (Kinuha ang maso na nakalapag) (Nakita na bali ang isang binti ng kambing) (Magagalit)
Bakit nabali ang binti nito sino ang gumawa nito! Sabihin niyo ang totoo. (Magdadabog)

MAGSASAKA: Hindi po namin alam (Natatakot) Wala kaming ginawa diyan.

THOR: Anong hindi alam?, Kayo ang huling nasa labas diba?, Ano naging ganyan niya kasi gusto
lang?. (Ia-angat ang maso akmang ihahampas pero naudlot.)

MAGSASAKA: Parang-awa niyo na hindi po talaga namin alam kung gusto niyo po kahit anong
gusto niyo ibibigay namin pangako basta wag na kayong magalit (Nagmamaka-awa).

THOR: (Kumalma) Kung ganon kahit ano?, Gusto ko kunin ang dalawa niyong anak at gagawin
kong alipin may angal?.

MAGSASAKA: (Kahit labag sa kalooban ay ipinasama niya ang 2 niyang anak.)

NARRATOR: Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi ng lupain ng


mga higante, Naglakbay sila ng buong maghapon at nang abutan ng dilim humanap sila ng
matutuluyan.

THOR: Doon pwede na ata tayo dun magpalipas ng gabi matulog na kayo at maaga na naman
para bukas.

NARRATOR: Sa kalagitnaan ng kanilang pagtulog ay nagulat sila ng makaramdam ng malakas na


lindol. Umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang pwesto.

THOR: (Nagsiyasat sa paligidNakakita sila ng isang silid nagulat) Wag kayo matakot nandito ako.
(Sabay bunot ng maso nito).

NARRATOR: Maya-maya ay nakarinig sila ng malakas na hilik na nanggagaling sa labas kaya dali-
dali lumabas si thor dala ang maso nito.

THOR: (Pagkalabas nakita ang higanteng natutulog) (Papaluin sana nito ng kanyang maso ngunit
ito ay nagising) Sino ka?, Anong pangalan mo!.

SKRYRIM: Ako si Skryrim. Thor, inalis mo ba ang aking guwantes?

THOR:(nasa isip nagsasalita) Ay! higante pala ang tinulugan namin! Ibig sabihin…. ang silid na
tinulugan namin ay hintuturo niya!

SKRYRIM: Thor, Thor? pwede ba akong sumama sa paglalakbay ninyo?

THOR: Aba, pwedeng pwede kang sumama sa amin.

NARRATOR: Habang sila'y nasa paglalakbay, binuksan ni Skryrim ang baon niyang bag at
humandang kumain ng almusal dahil ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar. Kaya may
pinagkasunduan sila.

SKRYRIM: Thor, pagsamahin na lamang natin kaya ang mga baon natin.

THOR: Sige, payag ako dyan.

SKYRIM: (Pinagsama ang kanilang baon sa isang bag at binuhol ito)

NARRATOR: At iyon ang napagkasunduan nila. Habang sila'y naglalakad, napansin nila na nauna
ang higante.

THOR: Skryrim, sandali lang, magpahinga muna tayo.

SKRYRIM: (haharap kay Thor) sige, dito na lang sa mga puno na ito.

NARRATOR: Napagod ang higante, kaya nakatulog ito kaagad ngunit napakalakas ng kanyang
hilik.

THOR: (tinatanggal ang buhol ng bag) Ah, ah! Ayaw naman nitong matanggal… (Narinig ang hilik)
Ano yun? Saan iyon nanggagaling? Napakalakas at nakakainis ang tunog.

KASAMAHAN NI THOR: Ayun! nangagaling kay Skryrim ang malakas na hilik.

THOR:(nakakunot ang noo, galit at kinuha ang maso)

NARRATOR: Sa sobrang inis at init ng ulo ni Thor ay napukpok niya si Skryrim.

SKRYRIM: (Nagising) Ano yun? Siguro may nalaglag na dahon lamang… (titingin kay Thor) Thor!
nakakain na ba kayo?
THOR: (Galit) oo, nakatapos na kami!

NARRATOR: Gabi na at handa na silang matulog kaya lumipat sila ng ibang puno.

THOR: mga kasama, matulog na tayo.

NARRATOR: hatinggabi nang may marinig si Thor na isang malakas na hilik.

THOR: Ano na naman iyon?! Naiirita na ako sa hilik ng higanteng yan… makuha ko nga ang maso
ko.

NARRATOR: Hindi na napigilan ni Thor ang kanyang sarili at hinampas niya ang maso niya sa
higante.

SKRYRIM: (Nagising) Ay? may nahulog bang acorn sa ulo ko? (haharap kay Thor) Thor, anong
nangyari sa iyo?

THOR: Wala lang, naalimpungatan lang ako di bale na, matulog na tayong dalawa at mahaba pa
ang gabi.

NARRATOR: Umaga na at dali-daling kinuha ni Thor ang kanyang maso sa ulo ni Skryrim.

SKRYRIM: (Nagising, kinamot ang pisngi) May ibon ba sa taas ng puno? (titingin sa itaas) Ano ba
itong mga dahon, nahuhulog na naman sa ulo ko. Thor, gising kana ba?Oras na para bumangon
at magbihis, Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. (malungkot bigla) Narinig ko rin na
nagbubulung-bulungang kayo na walang kwentang higante ako. Kung makakarating kayo kay
Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng payo. Huwag na huwag
magpakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.

THOR: Sige, susundin ko ang iyong payo, patungo na kami roon.

NARRATOR: Nakaabot sila Thor sa lugar ni Utgaro ngunit hindi nya mabuksan ang tarangkahan
nito.

THOR: Ah!!! Ang hirap buksan nito

KASAMAHAN NI THOR: Thor! may mataas na pader doon, akyatin natin yon, at siguradong may
daanan roon.

NARRATOR: Pagkalampas nila sa pader, nakita nila ang dalwang malaking tao na nakaupo sa
dalawang bangko. Sumunod na araw, nakaharap nila si Utgaro Loki, Nakilala niya kaagad si Thor.

UTGARO-LOKI: Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng
inyong mga kasama? Hindi naming hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.

LOKI: Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa
sa akin sa pagkain!.
NARRATOR: Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na nangangalang Logi. Inilagay
sa gitnang lamesa ang mga pagkain. At ang dalawa ay nasa magkabilaang dulo ng lamesa. Kinain
nila ito ng sobrang bilis.

UTGARO-LOKI: Tigil makikita naman natin kung sino ang nanalo (tatawa) Ang kanilang miyembro
ay may natirang buto samantalang ang sa amin ay walang natira kahit ni isa.

NARRATOR: Buto na lamang ang naiwang parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni
Logi, Malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan. Sumunod na lumaban ay si Thjalfi laban sa
bata rin na si Hugi. Sa pabilisan sa pagtakbo. Sa unang paglalaban ay malayo ang agwat ni Hugi.
Inulit ito ng tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi.

UTGARO-LOKI: Ikaw naman Thor ang lumaban saan ka magaling patunayan mo!.

THOR: Walang makakatalo sa akin sa labanan sa pabilisan ng pag-inom.

UTGARO-LOKI: Sabi mo yan ihanda ang tambuli! . Isang mahusay na manginginom ang
makakaubos nito ng isang lagukan lamang, ang iba ay kaya ito ng dalawang lagukan ngunit
kadalasan ay nauubos ito ng tatlong lagukan.

NARRATOR: Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw nilagok niya
nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya't ng tinignan ang lalagyan ay
naguantang ito. Ganito din ang nangyari sa pangalawang lagok.

UTGARO-LOKI: Hindi mo ito naubos sa una at pangalawang lagok. Kailangan mong lagukin lahat
sa pangatlong pagkakataon, Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.

THOR: (Nanlilisik ang mata at nagagalit)

NARRATOR: Nagalit si Thor kaya ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring
nabawas sa laman ng tambuli kaya't binitawan nito ito hanggang matapon lahat ng laman.

UTGARO-LOKI: Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintulad ng aming iniisip.
Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?.

THOR: Anong laban naman ang maimumungkahi mo?.

UTGARO-LOKI: Isang laro na paborito ng kabataan dito , Buhatin ang aking pusa mula sa lupa.

NARRATOR: Isang abuhing pusa ang ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor
ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang buong lakas ngunit paa lamang ang
naitaas nito

UTGARO-LOKI: Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking
malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?.

THOR: Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang


makikipagbuno sa akin galit na ako ngayon!.

UTAGRO-LOKI: Wala kong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo.

NARRATOR: Habang gamit ni thor ang kanyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang
babae hanggang mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro Loki at sinabing itigil na ang
laban.

UTGARO-LOKI: Di niyo na kailangang makipagbuno pa sa kahit sinonf tagapaglingkod. Malalim na


ang gabi at ihahatid ko na kayo kung saan pwede kayong makapagpahinga.

NARRATOR: Kinaumagahan si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at naghanda na


sa paglalakbay.

UTGARO-LOKI: Thor, Ano ang naisip at nalaman mo sa buong paglalakbay niyo? May nakilala ka
bang lalaki na higit na malakas kaysa sa kin?.

THOR: Hindi ko maikakaila na na nalagay ang aking sarili sa kahihiyan sa ating pagtatagpo marahil
ngayon siguro iniisip mo na wala na akong halaga.

UTGARO-LOKI: Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko na sa iyo ang totoo. Ang
lahat ng ito ay ginamitan ko ng mahika. Muntik ka ng magdulot ng kapahamakan sa aming lahat
mabuti na wag ka ng bumalik dito.

NARRATOR: Matapos ipagtapat ni Utgaro-Loki na si Skymir at siya ay iisa at ang paggamit nito ng
mahika sa mga pagsubok ay nawala sa ulirat si Thor at kinuha nniya ang kanyang maso upang
ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon ay wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at iinagpatuloy ang kanyang paglalakbay
hanggang sa makabalik ito sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

NARRATOR: Ang Mitolohiyang 'Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante' ay nagiiwan ng isang
aral na; Matalino man ang matsing napaglalalangan din. Malakas, matapang at matalino nga si
Thor ngunit siya ay nalinlang ng mga higante.

-WAKAS

09/28/2017

1:30:35AM

You might also like