You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Region III
Department of Education
Division of Nueva Ecija
SIBUL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sibul Talavera, Nueva Ecija
Unang Panahunang Pagsusulit sa ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:_____________________________________ Iskor:_____________
Seksyon:__________________________ Petsa:_____________

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
a. lipunan c. komunidad
b. bansa d. organisasyon
_____2. Ito ay ang mga ideya, opinyon, paksa, o pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
a. Agham c. Kasaysayan
b. Kotemporaryong Isyu d. Heograpiya
_____3. Ang isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a. Institusyon c. Social Group
b. Status d. Roles
_____4. Ito ay binubuo ng isa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan
sa bawat isa.
a. Status c. Roles
b. Social Group d. Institusyon
_____5. Ang pagkakaroon ng isang pamilyang kinabibilangan ay isang halimbawa ng.
a. Status c. Roles
b. Social Group d. Institusyon
_____6. Ang pagiging isang mabuting mag-aaral ay inaasahan ng iyong mga magulang at guro, anong
elemento ng istrukturang panlipunan ito?
a. Institusyon c. Roles
b. Social Group d. Status
_____7. Ang kumplikadong sistema ng nagbibibigay-kahulugan sa paraan ng pamunuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
a. Pagpapahalaga c. Simbolo
b. Paniniwala d. Kultura
_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Hindi Materyal na Kultura?
a. Norms c. Beliefs
b. Values d. Roles
_____9. Ang tawag sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
a. Status c. Roles
b. Intistusyon d. Social Group
_____10. Ito ay ang batayan sa kung ano ang tama o mali, nararapat at hindi nararapat.
a. Values c. Roles
b. Symbols d. Beliefs
_____11. Ito ang mga isyu na kadalasan ay nagaganap sa isang tao at ilang malalapit sa kanya.
a. Isyung Panlipunan c. Isyung Personal
b. Isyung Panrelihiyon d. Isyung Panseguridad
_____12. Ang divorce, sex education at RH Bill ay ilan sa mga mahigpit na titututulan ng simbahan, ito ay
mga halimbawa ng anong isyung panlipunan?
a. Isyung Pankalusugan c. Isyung Pangkaligtasan
b. Isyung Panrelihiyon d. Isyung Panseguridad
_____13. Ang COVID -19, Terorismo, Malawakang pagbaha, at War Against Drugs ay mga halimbawa ng.
a. Isyung Personal c. Isyung Panlipunan
b. Isyung Pankalusugan d. Isyung Pangkaligtasan
_____14. Ito ay bahagi ng institusyon na nagbibigay karunungan at nagpapa-unlad sa kakayahan ng isang tao
upang maging kapakipakinabang na mamamayan.
a. Paaralan c. Pamahalaan
b. Simbahan d. Ekonomiya
_____15. Ito ay tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsisilbing pamatayan sa isang lipunan.
a. Symbols c. Beliefs
b. Norms d. Values
_____16. Ito ay isinasagawa upang mailigtas ang isang komunidad sa mga panganib at sakuna.
a. Disaster Evaluation c. Disaster Mitigation
b. Disaster Management d. Disaster Organization
______17. Ito ay sakuna na nangyayari o nagaganap dahil sa gawa ng kalikasan at ng tao.
a. hazard c. risk
b. resilience d. vulnerability
______18. Nangyayari ang sakuna na ito dahil sa maling pagtatapon ng basura sa anumang uri ng anyong
tubig.
a. baha c.. pagputok ng bulkan
b. lindol d. sunog
______19. Kaganapan na nagdudulot ng pinsala sa tao, gawaing pang-ekonomiya at kapaligiran.
a. disaster c. resilience
b. hazard d. risk
______20. Ang sumusunod ay halimbawa ng anthropogenic hazard maliban sa________________.
a. baha c. polusyon
b. lindol d. sunog
______21. Ang sumusunod ay halimbawa ng natural hazard maliban sa ________________.
a. bagyo c. polusyon
b. lindol d. pagputok ng bulkan
______22. Ito ay tumutukoy sa pagiging matatag ng mga Pilipino na harapin ang anumang uri ng sakuna sa
kanilang buhay.
a. disaster c. resilience
b. hazard d. vulnerability
______23. Alin sa sumusunod na gawain ang maaari mong gawin upang maiwasan ang pagbaha?
a. paglilinis ng bakuran
b. pagtatanim ng mga puno at halaman
c. pagtulong sa gawaing bahay
d. pakikilahok sa gawain ng komunidad
______24. Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng
maraming tao, bilang mag-aaral paano ka makakatulong upang maiwasan ang polusyon?
a. Pakikilahok sa gawain ng komunidad
b. Pagtatanim ng mga puno at halaman
c. Pagtulong sa mga gawaing bahay
d. Wastong pagtatapon ng basura
______25. Ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng Disaster Management at Community-Based
Disaster and Risk Management ay maihanda ang komunidad sa ______________.
a. Disaster Awareness c. Disaster Resilient
b. Disaster Needs d. Disaster Organization
______26. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pamamaraan ng pamamahala sa kalamidad na nagsisimula
sa mga mamamayan ng isang komunidad?
a. Community-Based Disaster and Risk Management
b. Disaster Management
c. Disaster Organization
d. Disaster Plan
______27. Ano ang kalamidad na sinasabing resulta o bunga ng pang-aabuso ng tao sa kapaligiran?
a. bagyo
b. baha sanhi ng nakalbong kagubatan
c. lindol
d. pagsabog ng bulkan
_______28. Ano ang dapat itabi o iimbak na pagkain kapag may bagyo?
a. de lata at iba pang katulad
b. kendi at tsokolate
c. mga pagkaing sariwa tulad ng gulay at prutas
d. sariwang karne at isda
______29. Bakit mahalaga ang mga impormasyong mula sa mga Disaster Prevention and Mitigation?
a. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan
ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad
b. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad
c. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang komunidad
na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad.
d. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang kalamidad
______30. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pisikal na katangian ng hazard maliban sa
a. force c. lawak
b. intensity d. saklaw
_______31. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment kinakailangang suriin ang lugar kung saan ang
grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. Alin sa mga ito ang tinutukoy?
a. elements at risk c. location of people at risk
b. financial at risk d. people at risk
_______32. Tinataya nito ang kakayahan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon sa pinsalang
dulot ng hazard.
a. Capacity Assessment c. Risk Assessment
b. Hazard Assessment d. Vulnerability Assessment
______33. Ano ang tawag sa unang yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. Disaster Preparedness c. Disaster Rehabilitation and Recovery
b. Disaster Prevention and Mitigation d. Disaster Response
______34. Inabutan ka na lindol sa loob ng isang gusali, ano ang unang pagtugon na dapat mong gawin?
a. Mananatili sa loob ng gusali habang lumilindol.
b. Magsasagawa ng drop, cover, hold.
c. Magtatago sa loob ng silid.
d. Lulundag sa palapag ng gusali upang agaran na makalabas.
______35. Ang iyong kapamilya ay nakararanas ng sintomas ng kasalukuyang kumakalat na sakit na
COVID19, ano ang nararapat na gawing hakbang ng inyong pamilya?
a. Ililihim ito sa kinauukulan.
b. Hahayaang manatili sa loob ng tahanan ang iyong kapamilya na nakararanas ng
sintomas upang di makahawa ng ibang tao.
c. Dadalhin agad ang pasyente sa ospital upang ito ay matingnan ng doktor.
d. Wala sa nabanggit.
_______36. Inabutan ka ng baha sa loob ng inyong tahanan, ano ang iyong dapat gawin upang ikaw ay maging
ligtas?
a. Lumikas at pumunta sa pinakamalapit na ligtas na lugar o evacuation center.
b. Mananatili sa loob ng tahanan upang mabantayan ang mahahalagang gamit.
c. Aakyat sa bubong ng inyong bahay.
d. Lahat ng nabanggit.
______37. Habang ikaw ay nasa paaralan ay nakita mo na nagsisimula na ang sunog sa inyong silid-aralan,
ano ang nararapat mong gawin?
a. Tatawagin ang iyong kapwa kamag-aral upang patayin ang sunog.
b. Hahanapin mo ang general switch ng inyong paaralan at ito’y iyong ibababa.
c. Pag-aaralang gamitin ang nakita mong fire extinguisher.
d. Ipagbibigay alam agad sa kinauukulan.
______38. May paparating na super typhoon sa inyong lugar, anong paghahanda ang dapat gawin ng inyong
pamilya upang maging ligtas?
a. Tumutok sa mahahalagang balita sa radyo o telebisyon tungkol sa bagyo.
b. Ihahanda ang mga supplies tulad ng pagkain, gamot, tubig, baterya, flashlight
at iba pa.
c. Sisiguruhing matatag at walang sira ang bahagi ng bahay.
d. Lahat ng nabanggit.
______39.. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Loss Assessment?
a. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad
b. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
c. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas
ng kalamidad
d. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya sa mga tao
_______40. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng damage at loss?
a. ang loss ay idinudulot ng damage
b. ang damage ay idinudulot ng loss
c. walang damage kung walang loss
d. wala silang kaugnayan
_______41. Nasira ang pangunahing kalsada patungong Barangay San Simon. Sa anong pagtataya nararapat
mailagay ang sitwasyong ito?
a. Damage Assessment c. Needs Assessment
b. Loss Assessment d. Capacity Assessment
______42. Namatay ang mga alagang manok ni Aling Tessie dahil sa malawakang pagbaha sa kanilang nayon.
Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon?
a. Damage Assessment c. Needs Assessment
b. Loss Assessment d. Capacity Assessment
______43. Nangangailangan ng mga damit at kumot ang pamilya ni Ben na nasunugan noong isang araw. Sa
anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon?
a. Damage Assessment c. Needs Assessment
b. Loss Assessment d. Capacity Assessment
______44. Si Pedro ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Maliksi. Ayon sa kanyang ginawang assessment ay
nasira ang tulay na nagdudugtong sa Bayan ng Maliksi sa iba pang kalapit-bayan. Bilang pagtugon, alin sa
sumusunod ang maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa nasabing bayan?
a. magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar
b. magsagawa ng medical mission upang magamot ang maysakit
c. tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang isaayos ang
mga nasirang poste sa Maliksi
d. gumawa ng pansamantalang madadaanan hanggang sa magkaroon na ng
pondo upang mapagawa ang nasirang imprastruktura
______45. Dahil sa tagal ng paghupa ng baha sa Barangay Nagbalon ay naubusan na ng suplay ng pagkain ang
mga tagaroon. Bilang pagtugon ng DRRM team ng kanilang barangay, alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat
mapasama sa kanilang relief goods?
a. mga delata at instant noodles c. mga damit at kumot
b. mga gamot at bitamina d. mga sabon at toothpaste
______46. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga tao sa panahon ng
kalamidad?
I. paglalaro ng mobile games
II. bigas, delata at tubig na inumin
III. tahanang may bubong at dingding
a. I at II c. I at III
b. II at III d. I, II at III
_______47. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM Plan lalo sa
pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?
a. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat nang nasalanta
b. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat
c. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan
d. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga opisyales
ng pamahalaan
______48. Si Sarah ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad ano kaya ang
maitutulong niya sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?
a. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas
b. Sumuway sa utos ng mga nakatataas
c. magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad
d. Magpost nang magpost sa social media ng walang katuturang bagay
_____49. Ito ay isinasagawa upang mailigtas ang isang komunidad sa mga panganib at sakuna.
a. Disaster Evaluation c. Disaster Mitigation
b. Disaster Management d. Disaster Organization
______50. Ito ay sakuna na nangyayari o nagaganap dahil sa gawa ng kalikasan at ng tao.
a. hazard c. risk
b. resilience d. vulnerability

Inihanda Ni: Pinagtibay Ni:

PAULETTE JOHN A. MABAGOS TERESITA C. MACAPAGAL


Guro Ng Araling Panlipunan Punong Guro III

You might also like