You are on page 1of 8

MADDELA MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

National Highway Buenavista, Maddela, Quirino


E-mail Add: mgcs_maddela@yahoo.com

Unang Panahunang Pagsusulit sa


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Grade 9 - Faithfulness
S.Y. 2022-2023

Pangalan : Nakuha:________
Petsa:

I. Multiple Choice
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at Piliin ang titik ng tamang sagot.

______1. Ito ang samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang
pinagkasunduang sistema at patakaran.
A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan
_______2. Ito ay binubuo ng mga indibidwal na magkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan
_______3. Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan.
A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan
______4. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
A. Komunidad C. Pamayanan
B. Layuning Politikal D. Pamilya
______5. Ito ay nangangahulugan na ang mga bagay ay naisasagawa sa antas ng pamayanan sa
tulong ng mga naroroon sa mas mataas na antas ng lipunan, hangga’t maaari.
A. Pagsunod C. Subsidiarity
B. Virtue D. Pagtulong
______6. Ito ay isang virtue na nagbubunga ng kapayapaan at kaayusan ng pamayanan bilang
pagtulong sa mga miyembro nito.
A. Pagsunod C. Subsidiarity
B. Virtue D. Pagtulong
______7. Ito ay isang virtue na taglay ng isang tao na handang ialay kahit ang sarili para sa
kabutihang panlahat.
A. Pagsunod C. Pagmamalasakit
B. Pagtulong D. Pagmamalabis
______8. Ito ay nakikita sa mga pagsuporta tulad ng pakikilahok sa programa ng komunidad na
makatutulong sa paglutas ng mga suliranin nito.
A. Pagsunod C. Pagmamalasakit
B. Pagtulong D. Pagmamalabis
______9. Ito ay isa ring virtue, mula sa salitang “tatag”, hindi sumusuko sa pag-abot ng nilalayon
ng kanilang pamumuno at nag-iisip kung paano papaunlarin ang pinamumunuan.
A. Pagmamalasakit C. Katatagan
B. Pagtulong D. Pagmamalasakit
______10. Ito ay ang pangangailangan na gaya ng pagkain, tubig, tahanan at kasuotan.
A. Pisyolohikal C. Pagmamahal at makisapi
B. Seguridad at kaligtasan D. Kaganapan ng pagkatao
______11. Ito ay kabuuang kondisyon ng lipunan na nagbibigay daan sa agad na pagtamo ng
kaganapan ng pagkatao ng lahat ng kasapi ng lipunan.
A. Kabutihang panlahat C. Kaunlaran
B. Kapayapaan D. Pagkakasundo
______12. Ito ay ang paggamit ng likas na yaman para sa pagproseso, produksyon, distribusyon at
pagkonsumo ng mga produkto na kailangan sa lipunan?
A. Ekonomiya C. Pamayanan
B. Pamahalaan D. Pinuno
______13. Ito ay ang pakikiisa sa pagtugon sa mga taong nasa kagipitan.
A. Pagmamalasakit C. Pagmamalasakit
B. Pagtutulungan D. Pagmamalabis
______14. Ito ay pagbibigay-halaga sa kapuwa ay naipapakita sa pagbibigay ng panahon sa
kapuwa, maaaring sa pakikinig sa mga kwento ng nagdadalamhati o pagpapayo sa mga
naguguluhan at may problema o pagdalaw sa mga maysakit o namatayan.
A. Pagmamalasakit C. Pagmamalasakit
B. Pagtutulungan D. Pagmamalabis
______15. Ito ay ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.
A. Paaralan C. Media
B. Simbahan D. Pamilya
______16. Ito ang katulong ng pamilya sa paghubog ng pagpapahalaga, nililinang ang likas na
talino at kakayahan ng tinedyer.
A. Paaralan C. Media
B. Simbahan D. Pamilya
______17. Ito ay isang institusyon na tumutulong sa mga kasapi na magkaroon ng kamalayan sa
nararapat na moral at espiritwal na .pamumuhay.
A. Paaralan C. Media
B. Simbahan D. Pamilya
______18. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman ng tao sa mga naganap sa kapaligiran, sa lipunan at
sa buong bansa.
A. Paaralan C. Media
B. Simbahan D. Pamilya
_______19. Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa
isang nasasakupang teritoryo.
A. Pamahalaan C. Media
B. Paaralan D. Pamilya
_______20. Ito ang pamamamaraan ng tao sa pagkamit na mga pangangailangan upang patuloy
na mabuhay.
A. Paglilibang C. Pakikipagkapwa
B. Pamamahinga D. Paghahanapbuhay
_______21. Ito ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng
isang pamayanan.
A. Kultura C. Batas
B. Relihiyon` D. Organisasyon
______22. Ito ay ang paggamit ng likas na yaman para sa pagproseso, produksyon, distribusyon at
pagkonsumo ng mga produkto na kailangan sa lipunan.
A. Ekonomiya C. Pamayanan
B. Pamahalaan D. Pinuno
______23. Ito ay may tungkuling pangasiwaan ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
A. Kabataan C. Mamamayan
B. Kapitalista D. Pamahalaan
_______24. Ito ang pangunahing layunin ng lipunang sibil.
A. Pagtalakay ng suliraning panlipunan
B. Pagbibigay ng karangalan sa pamahalaan
C. Pagpansin sa kakulangan ng pamahalaan
D. Pagbibigay ng lunas sa suliranin ng karamihan
_______26. Ito ay sektor ng lipunan na naglalayong mailahad ang katotohanan ayon sa kautusang
moral upang maiayos ang lipunan.
A. Media
B. Organisasyong Di-pampamahalaan
C. Pamilya
D. Simbahan
_______27. Ito ang kabuuang kondisyon ng lipunan na nagbibigay daan sa agad na pagtamo ng
kaganapan ng pagkatao ng lahat ng kasapi ng lipunan.
A. Kabutihang panlahat C. Kaunlaran
B. Kapayapaan D. Pagkakasundo
_______28. Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang
katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o digmaan.
A. Katiwasayan
B. Paggalang sa indibidwal na tao
C. Kapayapaan
D. Tawag ng katarungan
______29. Ito ay pagpapahalagang nakatutulong sa pagkakaroon ng isang katangi-tanging
lipunan.
A. Katarungan
B. Disiplinang pansarili at pagkakabuklod ng pamilya
C. Katatagan
D. Wala sa nabanggit
______30. Ito ay isang pagpapahalagan kung saan ibinibigay sa kapuwa ang nararapat para sa
kanya.
A. Katarungan
B. Disiplinang pansarili at pagkakabuklod ng pamilya
C. Katatagan
D. Wala sa nabanggit
______31. Ito ay pinipili ayon sa kanilang kusang-loob na pagyakap sa vision at mission ng
Gawad kalinga na isabuhay ang pagpapahalaga ng pananampalataya, pagkamakabansa, padugo.
A. Caretaker C. Pamahalaan
B. Pamilya D. Pamayanan
______32. Ito ay akronym ng NGO.
A.Non- Governmental Organization
B. Non-Government Organization
C. None-Government Organize
D. Wala sa nabanggit
_______33. Ito ay acronym ng USAID.
A. Unite States Assistance in the Philippines
B. Unity State Assist in the Philippines
C. United States Assistance in the Philippines
D. United States Assist in the Philippines
______34. Ito ay proyekto ng kapuso foundation na kung saan nagbibigay sila ng barya para sa
kapayapaan.
A. Give a gift C. Piso for Peace
B. Tabang Mindanaw D. Kalusugan Karavan
______35. Ito ay proyekto ng kapuso foundation na kung saan nagbibigay sila ng mga pagkain
para sa kalusugan ng mga tao.
A. Give a gift C. Piso for Peace
B. Tabang Mindanaw D. Kalusugan Karavan
______36. Ito ay proyekto ng kapuso foundation na kung saan nagbibigay sila ng unang
paghahakbang para sa mga kinabukasan ng mga bata.
A. Kalusugan Karavan C. Unang hakbang sa kinabukasan
B. Operasyon “Bayanihan” D. Piso for peace
_____37. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa demand ng industriya.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
______38. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A.Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa kanyang
pangangailangan lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa
kanyang pangangailangan
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas
ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat tao sa lipunan, ang patas
ay paggalang sa kanilang mga karapatan
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga
tao
______39. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A.Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
______40. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mabuting ekonomiya?
A.Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
B. Ang mayayaman lamang ang may mainam na pamumuhay
C. Ang mga tao ay walang karapatang makilahok sa mga panlipunang gawain.
D. Ang mga manggagawa ay napipilitang magtrabaho ng higit sa kanilang sinasahod.
______41. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
A.Panghihimasok ng estado.
B. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
C. Kawalan ng kuwalipikasyon sa mga kaanib.
D. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paniniwala
______42. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
______43. Ayon kay Dr. Manuel Dy ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil:
A.Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng
lipunan ang mga tao.
B. Mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo
ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang kanilang kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan
ang tao dahil ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng
pagkatao.
______44. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa demand ng industriya.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para s a pagkamit nito.
______45. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Mali, dahil may pagkakataong ang tao ay nagnanais na makapag-isa.
C. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
_____46. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
_____47. Si Anna ay isang buwan nang nagdadalamhati sa kanyang kapatid na namatay ng
walang nakakaalam kung sino ang may gawa nito. Ano ang nais makamit ni Anna dito.
A. Katarungan B. Pagpapatawad C. Pagmamahal D. Pagmamalabis
_____48. Ang pagkakaroon ng ganitong virtue ang pinakamahalagang gawin ng bawat Pilipino.
Sa pamamagitan nito, natitiyak ang pagkakaroon ng mapayapang lipunan.
A. Pagkamakabansa C. Pag-aaway
B. Pagmamahal sa Kapuwa D. Wala sa nabanggit
_____49. Anumang kilos o kapasiyahang iniisip gawin ay lagging isinasaalang-alang ang
kabutihang maidudulot nito, hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa lahat ng tao.
A. Kabutihang Panlahat C. Tiwala sa Sarili
B. Disiplinang Pansarili D. Pagtitimpi
_____50. Kumikilos ayon sa nararapat at kabutihan ng sarili at kapuwa, iniiwasan ang anumang
makasisira sa kaniyang dignidad at pagkatao at kaayusan ng lipunan.
A. Kabutihang Panlahat C. Tiwala sa Sarili
B. Disiplinang Pansarili D. Pagtitimpi
______51. May matibay na paniniwala at kamalayan sa sariling kakayahan sa pag-unawa at
paggalang sa itinakdang ng mga batas at panuntunan.
A. Kabutihang Panlahat C. Tiwala sa Sarili
B. Disiplinang Pansarili D. Pagtitimpi
______52. Ang tumutukoy sa kakayahang pagpigil sa sarili sa pagsasalita at pagkilos na
makasisira sa dignidad ng kapuwa-tao o paglabag sa umiiral na batas at panuntunan ng lipunan.
A. Kabutihang Panlahat C. Tiwala sa Sarili
B. Disiplinang Pansarili D. Pagtitimpi
______53. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa lipunang ekonomiya?
A. Limitadong galaw sa pakikipagkalakalan
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Ang mga may kapital lamang ang nakakapagbukas ng negosyo
D. Paglustay sa kaban ng bayan upang masiguro na ang bahay ay magiging tahanan
______54. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.
B. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
C. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
D. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
II. ESSAY (Aytem 55-60)
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na pahayag.

55-57. Ang pagbibigay halaga sa kapuwa ay wala sa salita kung hindi nasa gawa.

58-60. Ang may paninindigan sa sinumpaang pangako, makatitiyak sa kaayusan ng buhay.

Prepared by:

QUEEN MARIE D. GAMBOA


ESP Teacher

”Psalm 121:2: My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth.”

You might also like