You are on page 1of 3

Pre-Test sa Araling Panlipunan 10

2020-2021
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang salitang “isyu” ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning nakaaapekto sa lipunan samantalang ang salitang
”kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konsepto na halimbawa ay mga pangyayari o panahong naganap sa nakalipas na mga dekada
na naaalala pa ng mga tao sa ngayon at nakaaapekto sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng
kontemporaryong isyu?
A. Tawag sa mga pangyayari noong unang panahaon na naging suliranin ng mga tao sa kasalukuyang panahon.
B. Tawag sa mga pangyayari na naganap sa nakalipas na mga dekada at hindi na binibigyang pansin sa kasalukuyang
panahon.
C. Tawag sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating bansa.
D. Tawag sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan subalit walang kinalaman sa mga pangyayari daan taon na ang
nakararaan.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga batayan upang maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu?
A. May malaking epekto sa sarili at sa pamilya.
B. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
C. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan.
D. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon.
3. Paano nakatutulong ang pagkamulat sa mga kontemporaryong isyu sa pagpapaunlad ng bansa?
A. Ito ay nakatutulong upang makapagpahayag o makapagmungkahi ng paraan kung paano malulutas ang suliranin ng
bansa.
B. Ito ay nakatutulong upang mapagmunihan kung ano ang ating kaugnayan at papel na ginagampanan sa mga pangyayari
sa sariling komunidad.
C. Ito ay nakalilinang ng mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at
pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw.
D. Ito ay nakalilinang ng masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan, at makasandaigdigan na nag-
uudyok upang maging produktibo at makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan.
4. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
A. Hindi tayo tuwirang naaapektuhan ng lahat ng mga kontemporaryong isyung nagaganap kaya’t hindi tayo dapat
makialam.
B. Sapagkat ito ay maaaring makaapekto sa ating pamilya kung kaya’t dapat paghandaan ang mga dapat gawin upang hindi
lumala ang problema.
C. Nasasakripisyo ang ating pagiging mamamayan ng bansa kung hindi tayo makikialam sa mga pangyayaring nagaganap
sa lipunang ating ginagalawan.
D. Ito ay nakatutulong hindi lamang sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral kundi maging sa
paghubog ng ating pagkatao bilang isang responsableng mamamayan ng bansa.
Para sa bilang na 10, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015).
Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan.
Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang.
Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay
may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at
pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw,
tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag
matakot harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.Kaya
para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.
5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.
B. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
Basahin ang talata sa ibaba para sa katanungan bilang 11.
Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They also result in
6. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A.injuries, healthKabuhayan,
Kalusugan, problems, property damage, and social and C.
at Kalikasan economic disruption.
Kabuhayan, From 2000
Kalakalan, to 2012, natural disasters in the Philippines caused
at Kalusugan
B.the
Kalakalan, Kapayapaan,
death of 12,899 at injury
people and Kalikasan D. Kapayapaan,
to 138,116 persons. These Kabuhayan,
disasters also affected moreatthan
Kultura
71 million individuals and rendered almost
Para sa katanungan bilang 13, sumangguni sa graph sa ibaba.
375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

7. Ano ang ideyang ipinapakita ng graph tungkol sa


forest cover ng Pilipinas?
A. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas
ang kagubatan nito.
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas
mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas
sa pagitan ng 2010-2015.
D. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula
noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.

8. Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?


I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III
9. May mga hakbang na makatutulong sa paglutas ng suliranin sa climate change. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
hakbang sa paglutas ng suliranin sa climate change?
A. Tubig ulan ang ginagamit ni Aling marta sa paglalaba niya ng damit.
B. Pinatayuan ni Mang Pedring ng apartment ang kanyang lupang taniman ng saging.
C. Naglalakad si Noli papuntang paaralan kahit pa may sasakyan dahil katwiran niya ay malapit lang naman.
D. Bumibili ng spray para sa langaw at ipis si Aling Rosing upang hindi dumami ang mga insektong nagdadala ng iba’t ibang
uri ng sakit.
10. Alin sa mga sumusunod na epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo.
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
11. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran
nito.
D. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
12. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pagoorganisa, pagtukoy sa mga kasapi,pamumuno
at pagkontrol sa isyung pangkapaligiran?
A. Disaster Management B. Disaster Mitigation C. Disaster Operation D. Disaster Risk
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paraan upang makatulong sa pagpigil ng climate change?
A. Pagtatanim ng puno C. Pagbawas sa paggamit ng enerhiya
B. Pagsisiga tuwing hapon D. Pagreresiklo ng mga patapong bagay
14. Ipinasara ni Secretary Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaanan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa
paggawa ng produkto. Anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa sitwasyon?
A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Natural Hazard D. Vulnerability
15. Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management
(DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na
maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang
kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring
magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa
pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
16. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay iniaasa sa mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng pamahalaan. Anong CBDRM Approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach B. Down ward approach C. Top-down Approach D. Upward approach
17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?
A. Sa kasalukuyan nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi.
B. Nanalasa sa Bicol noong nakaraang Lingo ang bagyong Gorio.
C. Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta Quezon.
D. Noong nakaraang bakasyon niyanig ng malakas na lindol ang Mabini Batangas.
18. Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan, anong CBDRM approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach B. Down ward approach C. Top-down Approach D. Upward approach
19. Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
20. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
I. Capacity Assessment III. Loss Assessment
II. Hazard Assessment IV. Vulnerability Assessment
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, IV
21. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard upang maging malinaw ang
mabubuong hazard assessment. Anong temporal na katangian ng hazard ang tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng hazard na maaring
maganap taon-taon?
A. Duration B. Force C. Forewarning D. Frequency
22. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad. Anong yugto ng
DRRM plan ang ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparednes D.Disaster Rehabilitation and Recovery
23. Saang yugto ng DRRM plan nabibilang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente at
pagkukumpuni ng bahay?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
24. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang uri ng hazard. Sa anong kategorya
nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang mga istruktura, tulad ng bahay, paaralan at iba pang nasira ng
kalamidad?
A. Pag-uugali ng mamamayan B. Pampulitika C. Panlipunan D. Pisikal o Materyal
25. Ayon kina Ondiz at Rodito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng disaster risk management?
A. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na katangian ng komunidad.
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy , pagsusuri at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan
pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.
26. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang malakas na bagyong Glenda? Anong katangian ang
ipinamalas ng mga mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay masipag.
B. Ang mga mamamayan ay nagkakaisa.
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan.
D. Ang mga mamamayan ay nagtutulungan, nagkakaisa at may malasakit sa bayan.
27. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang may posibilidad na
makaranas ng mga epekto ng hazard. Bakit isinasagawa ang Community Based – Disaster and Risk Management?
I. Upang hindi maranasan ang kalamidad
II. Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
III. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
IV. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay may
organisadong plano.
A. I, II, III B. I, II, IV C. II, III, IV D. I, III, IV
28. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng Climate Change?
A. Ipinatutupad sa mga hospital ng Batangas ang 4R’s.
B. Ang Barangay Luntian ang nagsagawa ng “ Oplan Muling Paggugubat “.
C. Ang Division of Batangas ay nagbigay ng Memorandum tungkol sa pagpapatupad sa waste segregation.
D. Walang open dumpsite ang Barangay Kasiyahan kaya minabuti ng mga mamamayan na sunugin na ln gang mga basura.
29. Naglalakad si Lito ng maramdaman niyang umuuga at nabibitak ang lupa kaya’t napag-alaman niyang lumilindol. Bilang isang mag-aaral
ng grade 10, natutunan nya ang kanyang dapat gawin kapag dumarating ang ganitong klaseng kalamidad, ano ang dapat gawin ni Lito?
A. Maghanap ng puno na maaari niyang silungan upang makapagtago sa mga posibleng bagay na bumagsak.
B. Pumunta sa isang bakanteng lugar kung saan alam niyang di siya matatamaan ng mga posibleng bagay na bumagsak.
C. Magmadali sa paglalakad at kung kaya ay tumakbo agad sa pinakamalapit na evacuation center.
D. Maghintay kung kalian matatapos ang pag-uga o pagyanig.
30. Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha
sa kanilang lugar dala ng tatlong araw na walang tigil na pag –ulan. Anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa sitwasyon?
A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Natural Hazard D .Vulnerability

You might also like