0% found this document useful (0 votes)
126 views14 pages

RAM EsP7

Uploaded by

SHERE MAE
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
126 views14 pages

RAM EsP7

Uploaded by

SHERE MAE
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

7
REGIONAL ACHIEVEMENT MEASURE (RAM)

Ang Project RAM (Regional Achievement Measure)


ginbululigan sang Departamento sang Edukasyon, Rehiyon VI-
Western Visayas, Western Visayas State University (WVSU) kagg
Iloilo Science and Technology University (ISAT-U).
Ang imo panugdaon kag rekomendasyon amon gid
ginapasalamatan. Palihog ipadala ang imo komentaryo kag
suhestiyon sa DepEd Regional Office paagi sa pag-email sa
region6@deped.gov.ph.

REGION VI-WESTERN VISAYAS


Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga katanungan. Itiman ang
bilog ( ) ng tamang sagot na makikita sa sagutang papel.

1. Napansin ni Benjie na parang nagbabago ang kanyang boses. Biglaan din


ang kanyang pagtangkad. Anong pagbabago ang matutukoy sa naturang
sitwasyon?

A. Pagbabago sa emosyon.
B. Pagbabago sa katawan.
C. Pagbabago sa paniniwala sa paligid.
D. Pagbabagon ng paniniwala tungkol sa sarili.

2. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong pisikal na nangyayari sa


nagdadalaga, nagbibinata o sa parehong kasarian. Alin dito ang HINDI
kasali?

A. Pagkakaroon ng tagihawat.
B. Pagkakaroon ng matinong pag-iisip.
C. Pagtubo ng manipis na buhok sa maselang bahago ng katawan.
D. Paglaki ng dibdib ng mga babae at pagkakaroon ng balbas ng lalaki.

3. Anong aspeto ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata na


nalalaman kung ano ang tama at mali?

A. Moral
B. Pandamdamin
C. Pangkaisipan
D. Panlipunan
4. Ang panahon nang pagdadalaga at pagbibinata ay nakararanas ng
maraming pagbabago sa katawan na makapagdudulot ng insekyuridad sa
mga tinedyer. Ano ang pinakamainam na gagawin mo sa pagtanggap sa mga
pagbabagong nagaganap sa sarili sa yugtong ito?

A. Pabayaan na lamang ang mga pagbabagong ito dahil lahat naman ay


nakakaranas nito.
B. Sumangguni sa mga nakakatanda kung paano pamahalaan ang mga
pagbabagong ito.
C. Harapin, tanggapin at pamahalaan ng wasto ang mga nararanasan na
pagbabago.
D. Mag-usap-usap kayo na mga magkasing-edad kung ano ang dapat gawin
sa mga kinakaharap na mga pagbabago sa katawan.

5. Mula pagkabata marami ng hilig si Carl. Magaling siya sa pagguhit, sa


pagsayaw, at sa larangan ng isport lalong-lalo na ang pagba-basketball.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 1


Bilang bata, bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga
angking talento at kakayahan?

A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang kahinaan


B. Upang matupad ang gusto ng mga magulang
C. Upang matutukan ang kalakasan
D. Upang umasa palagi sa mga magulang

6. Si Martin ay gustong maging mananayaw. Gusto niyang sumali sa mga pa-


kontes sa paaralan, sa barangay o bayan. Gusto niya ring makalabas ng
telebisyon balang araw. Paano isasagawa ni Martin ang pagpapaunlad ng
kaniyang kakayahan upang matupad ang pangarap?

A. Manood sa youtube o palabas sa TV tungkol sa pagsasayaw at


magpaturo sa taong bihasa.
B. Humingi ng pambayad sa nanay para makapagsanay.
C. Mag-jogging araw-araw para lumakas ang resistensiya
D. Mag-practice sa dagat upang gumanda ang boses

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag na ang paglinang ng mga angkop


na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga
/pagbibibinata ay nakatutulong sa pagkakaroon ng tiwala sarili?

A. Kailangan ang mga inaasahang kakayahan at kilos upang malinang ang


mga talento at kakayahan.
B. Maging mas maingat at maging mas malawak na sa pag-iisip sa
maraming bagay sa iyong paligid.
C. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may
motibasyon sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
D. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip , mapatataas mo ang iyong
tiwala sa sarili at magkaroon ka ng positibong pananaw at damdamin
tungkol sa iyong sarili.

8. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat


malinang sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa __________.

A. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad.


B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutupad sa tungkulin sa sarili?

A. Paggawa kung anuman ang nakahiligan kasama ang barkada.


B. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit nito.
C. Pagsali sa mga gang o barkada upang masanay at mapaunlad ang hilig.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 2


D. Pagbabad sa internet at maglaro buong araw ng Mobile Legends kasama
ang grupo.

10.Tukuyin ang talento o kakayahan ni Agnes kung siya ay panglaban o


pambato sa kanilang klase sa Oratorical Contest.

A. Naturalist
B. Visual Spatial
C. Verbal Linguistic
D. Mathematical logical

11.Mababa ang marka ni Kim sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kaniyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya
nagkakaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng Ingles. Ano ang pinakanararapat gawin ni Kim para
mabigyan ng tugon ang kaniyang situwasyon?

A. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin.


B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kaniyang kahinaan sa asignatura.
C. Humingi ng tulong sa mga kaklase na may angking talino sa asignatura.
D. Alamin ang dahilan ng kawalan ng lakas ng loob na magrecite upang
matukoy ang mga tiyak na hakbang upang malampasan ito.
12.Si Sol ay masyadong mahiyain. Ngunit nang natuklasan niya ang talento sa
pagsayaw at sumali siya sa isang dance troop ay unti-unti niyang
nalampasan ang pagiging mahiyain. Ano ang mahinuha mula sa karanasan
ni Sol?

A. Ang pagtuklas ng kakayahan ay makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa


kapuwa.
B. Ang pagtuklas ng talento ay makatutulong upang magkaroon ng
maraming kaibigan.
C. Ang pagtuklas ng kakayahan ay makatutulong upang maging tanyag sa
pamayanan na kinabibilangan.
D. Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento ay makatutulong
sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

13.Sa murang edad dapat matuklasan ang talento at kakayahan upang sa


maagang panahon ito ay mapaunlad. Ang pangungusap ay nagsasaad na
__________.

A. Nagbubunga ito ng pagkakabagot.


B. Walang pinipiling panahon ang pag-usbong ng talento.
C. Ang maagang pagsasanay nakaperpekto ng talento o kakayahan.
D. Ang patuloy na pagsasanay ay lalong nakapagpaunlad ng talento.

14.Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong akademiko, bokasyonal, o


magiging hanapbuhay?

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 3


A. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay
ng kasiyahan sa hinaharap.
B. Makatutulong ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang
labis na tagumpay sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal o anumang larangan.
D. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag-
aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.

15.Ang mga sumusunod ay gawaing angkop sa pagpapa-unlad ng sariling mga


talento at kakayahan. Piliin ang titik na walang kinalaman sa gawaing ito.

A. Madaliang pagplano ng pagpapaunlad ng sariling talento at kakayahan.


B. Gagawin ang pag-alam sa kung saan na ang sarili sa ngayon at tukuyin
ang kalakasan at kahinaan.
C. Gawin at tukuyin kung saan nais o kailangang tumungo. Dapat may
alam sa aspeto na kailangang paunlarin at alin ang dapat unahin.
D. Lapatan ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago.
Maaaring ang pinakamahirap sa bahagi nito ay ang pagtukoy at
pagtanggap sa ating kahinaan.

16.Ano ang kaugnayan ang hilig sa pagpiling kursong akademiko o teknikal-


bokasyunal at hanapbuhay o negosyo?

A. Makakatulong ito sa madaling pagplano ng pagpapa- unlad sa sarili.


B. Makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ng mataas na marka at grado.
C. Makatutulong ito upang maging magaling sa tabaho na iyong pipiliin sa
hinaharap.
D. Makatutulong ito upang makahanap ng kurso o trabaho na magbibigay
sa iyo ng kasiyahan.

17.Natutunan sa pagdadalaga o pagbibinata ang mga pagkakaroon ng


kasanayang magagamit upang makakuha ng magandang hanapbuhay sa
hinaharap. Alin ang hindi?

A. Paghubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pagpapasiya.


B. Pagsunod sa gusto ng magulang kung anong kurso ang kukunin.
C. Pagkilala sa talento, hilig, kahinaan at kalakasan
D. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal bokasyunal na
kukunin

18. Kailangan mong gawin ang sumusunod upang iyong matuklasan ang iyong
hilig? Alin ang hindi kasali?

A. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasan.


B. Sumali sa barkada sa ano mang gawain nila.
C. Sisiyasatin ang gawaing nagdudulot sa iyo ng sigla at sigasig.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 4


D. Pagninilayan ang iyong gustong libangan (hobby) at iyong paboritong
gawain.
19.Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao kung ginagamit niya ito para
malaman ang buod o kahulugan ng isang bagay at katotohanan?

A. Makaalala
B. Makaalam
C. Pag-unawa
D. Pangangatwiran

20.Paano maipapakita na ang tunguhin ng iyong kilos-loob ay kabutihan?

A. Pag-rebyu ng mga aralin sa bakanteng oras para matuto at mapataas


ang grado.
B. Pagliban sa klase at maghanap ng pagkakakitaan upang makatulong sa
mga magulang.
C. Palagiang paglaro ng mobile games bilang pakikisama sa mga kaibigan
na tumutulong sa iyo.
D. Pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad dahil may sapat
naman na pinagkakitaan ang inyong pamilya.

21.Paano mo maipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-


araw-araw na kilos?

A. Papasok ng paaralan dahil mayroon ng baon na pera.


B. Papasok sa paaralan pero palagi namang late sa klase.
C. Ang pagkaunawa at pagsunod sa mga school rules and regulations.
D. Ang paggawa ng takdang aralin at proyekto sa paaralan dahil
pinagsabihan ka na ng iyong guro.

22.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na likas sa tao ang paggawa ng


mabuti at pag-iwas sa masama?

A. Pagtuklas at pagsanay ng sariling talento na maaaring makatulong sa


kapwa.
B. Pagtulong sa titser dahil paboritong guro mo siya at may dedikasyon sa
pagtuturo.
C. Pag-rebyu ng aralin sa tuwing may mga pagsusulit upang magkaroon ng
mataas na grado.
D. Pagbibigay ng sagot sa kaklase habang kumukuha ng pagsusulit para
matulungan siyang makapasa.
23.Sino sa mga sumusunod na mag-aaral ang nagpapakita na sinusunod ang
Likas na Batas Moral ayon sa kakayahan ng kanilang isip at kilos-loob?

A. Tinulungan mo ang tao kasi mahirap siya.


B. Ang paggalang sa matatanda dahil naaawa ka sa kanila.
C. Ang hindi pagkuha ng mga bagay na hindi sa akin dahil may nakatingin
na ibang tao.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 5


D. Hindi pagsisinungaling dahil masama ito kailanman, para kanino man,
at saan man.
24.Nais ni Rina na makakuha ng pasadong marka sa pagsusulit nila bukas sa
EsP. Sa halip na mag-review inuna pa nito ang pag party kasama ang mga
barkada. Gabi na ng siya'y makauwi. Maaga siyang dinalaw ng antok dahil
sa tindi ng pagod kung kaya't gumawa na lamang siya ng kodigo upang
masiguro na makakapasa siya at nakapasa nga talaga. Kung ikaw si Rina
paano mo itatama ang nagawa mong mali?

A. Pagsisihan ang aking ginawa at huwag na itong ulitin pa.


B. Susulat ako ng liham sa aking guro at iwan ito sa kaniyang lamesa.
C. Kakausapin ko ang matalik kong kaibigan upang siya muna ang
kumausap sa aking guro.
D. Pagkatapos ng klase pupuntahan ko ang aking guro para isalaysay ang
aking kasalanan at humingi ng paumanhin.

25.Nabangga ka ni Joseph habang naglalakad siya. Kinukumbinsi ka ng mga


kaibigan mo na sinadya niya iyon at dapat kang maghiganti. Ano ang
gagawin mo?

A. Maging mahinahon at kausapin nang maayos si Joseph.


B. Isumbong sa mga magulang ang ginawa sa iyong pambu-bully ni Joseph.
C. Pagsabihan si Joseph na sa susunod tumingin ng maayos sa dinadaanan
niya.
D. Paalalahanan si Joseph na sa susunod na gagawin niya ito ay
magsusumbong ka sa iyong prinsipal.

26.Naghanda ng kodigo si Jack bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa


oras ng pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito.
Naisip nito na masama ang gumamit ng kodigo at mas mabuting maging
tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsiyensiya ni Jack?

A. Bago ang kilos


B. Habang iniisip ang kilos
C. Pagkatapos gawin ang kilos
D. Habang isinasagawa ang kilos

27.Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang


pinagtatrabahuhan si Allan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato
ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang
ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay
hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, ano kaya ang nawalang kalayaan ng
isang tao?

A. Karapatang pantao
B. Dignidad bilang tao
C. Panloob na kalayaan

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 6


D. Panlabas na kalayaan

28.Paano mo maipapakita na ang Likas na Batas Moral ay natatangi lamang sa


tao sa mga sumusunod na sitwasyon?

A. Ipaubaya ko na sa ibang tao ang paggawa ng mabuti.


B. Maging mapanagutan sa bawat pagpapasiya at gagawin.
C. May tao man o wala, malaya pa rin akong gawin ang mga gusto ko.
D. Pipiliin at gagawin ko ang mga bagay na ginagawa din ng nakararami.

29.Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng nararapat na tungkulin ng


mga kabataan sa paggamit ng kanilang kalayaan?

A. Pumapasok sa klase si Luis dahil karapatan niyang magkaroon ng


edukasyon.
B. Pinipili ni Jose ang tamang pagpapasya at pagkilos kahit alam niyang
may magagalit sa kanya.
C. Ginagawa ni Karen ang kanyang mga tungkulin na naaayon sa
makapagpapasaya sa kaniya at sa iba.
D. Hindi sumasalungat si Karla sa anumang desisyon ng mga kaibigan
bilang pagkilala sa kanilang kalayaang pumili.

30.Ang mga sumusunod ay ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng


kalayaan maliban sa isa. Ano ito?

A. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.


B. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral.
C. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarilii at kabutihang panlahat.
D. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya.

31.Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga ng isang tao?

A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.


B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
32.“Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ау:

A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
B. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa
paghuhusga ng tao.
C. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung
malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
D. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya't inaasahang
ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 7


33.Ano ang pinakamainam na sukatan o batayan ng pagkakapantay-pantay ng
tao?

A. Sa paningin ng Diyos at pagtanggap ng lipunan.


B. Sa mga itinuturo ng Relihiyon at pagsasabuhay ng pananampalataya.
C. Sa pagmamahal ng kanilang pamilya, mga kaibigan at maging ang kapwa
nila na di kilala.
D. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy sa lahat
ng pagkakataon.

34.Paano maisasalamin ang pagkilala, paggalang at pagpapahalaga sa dignidad


ng bawat tao habang nagdadalaga at nagbibinata?

A. Mas mataas na paggalang ang ibigay sa mga bata at matatanda.


B. Kakaibiganin lamang ang mga kaklase na positibo ang tingin sa iyo.
C. Ang paggalang sa kapwa ay naibibigay lamang kung may paggalang din
sila sa iyo.
D. Isapuso na ang tao ay pantay-pantay at karapat- dapat ng respeto at
paggalang.

35.Paano mo higit na maipapamalas ang paggalang at pagmamalasakit sa mga


taong kapus-palad o higit na nangangailangan?

A. Pagbibigay pansin sa kanilang kalagayan at paghikayat sa iba na


tulungan sila.
B. Pagbibigay ng pera para makabili sila ng mga bagay ayon sa kanilang
gusto at pangangailangan.
C. Paggawa ng blog na kasama sila at ibahagi sa you tube o facebook para
makita ng mga taong makakatulong sa kanila.
D. Pagbibigay kusa ng anumang tulong na ayon sa sariling kakayanan at
ipaalam sa ahensyang makakatulong sa kanila.

36.Ang birtud ay bunga ng mahaba at mahirap na pagsasanay. Ang birtud ay


hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasiyahang gawin ayon
sa tamang katuwiran habang ang pagpapahalaga ay pagiging matatag at
pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Paano ang pagkakaugnay ng birtud
sa pagpapahalaga?

A. Ang birtud at pagpapahalaga ay nagdadala ng yaman sa buhay ng tao.


B. Ang birtud at pagpapahalaga ay may pagkakasalungat sa maraming
bagay.
C. Ang birtud at pagpapahalaga ay nagdadala ng kasaganaan at kahusayan
sa buhay ng tao.
D. Ang birtud at pagpapahalaga ay nagtuturo sa tao ng kabutihan, pagiging
malakas at pagiging matatag.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 8


37.Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang
maging isang mabuting kabahagi ng lipunan?

A. Makisama ng naaayon sa ipinapakita ng iyong kapwa.


B. Maging isang mabuting mag-aaral na huwaran ng mga kapwa mag-aaral.
C. Gumawa nang naaayon sa kinakailangang kilos na inaasahan ng lipunan.
D. Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa
paaralan, at maging sa mga karanasan sa buhay.

38.Mula pagkabata, nagsasanay si Raya na gawin ang mabuti at iwasan ang


masamang kilos sa gabay ng kaniyang mga magulang. Iniaayon niya ang
kaniyang kilos sa tamang katuwiran. Nahihirapan man, nagsisikap pa rin
siyang gumawa ng mabuti. Anong uri ng birtud ang hinuhubog ni Raya?

A. Moral na birtud
B. Birtud bilang gitna
C. Teolohikal na birtud
D. Intelektuwal na birtud

39.Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon


na nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa
bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang
mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang
sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras.
Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang
mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang
mga magulang?

A. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud.


B. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad.
C. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga.
D. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad.

40.Si Ken ay nakakita ng pitaka na may lamang isang libong piso at kalakip
nito ay ang larawan ng may-ari na kaniya ding kaklase. Dahil uwian na,
minabuti ni Ken na ibigay ang pitaka sa kanyang guro upang maisauli ito sa
may-ari kinabukasan. Ibig sabihin nito ay __________.

A. gusto ni Ken na purihin siya ng kanyang mga kaklase.


B. naturuan si Ken na maging tapat sa kahit anumang bagay.
C. nais ni Ken na tulungan siya ng guro na hanapin ang may-ari ng pitaka.
D. inaasam-asam ni Ken na pansinin siya ng kanilang guro at ito ang
tamang pagkakataon.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 9


41.Si Renz ay palaging tinutukso ng kanyang mga kaklase. Isang araw, itinulak
siya ng kanyang katabi sa upuan, at nasaktan ito. Subalit, nakapagtimpi
pa rin at hinayaan na lang ang nangyari. Sa iyong palagay tama ba ang
naging desisyon ni Renz?

A. Oo, dahila nakaiwas sya sa gulo.


B. Hindi, dahil nasaktan siya nang sobra.
C. Oo, dahil kaklase naman niya ang gumawa at sanay na siya.
D. Hindi, dahil dapat malaman ng kanyang kaklase ang ginawang kamalian.

42.Paano dapat pananagutan ang tungkulin sa pag-aaral?

A. Mag-aral nang mabuti at palaging maging handa sa pagsusulit.


B. Palaging malikhain sa paggawa ng mga gawain at ipagawa sa matalinong
kaklase.
C. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral pero patuloy ang pagsama sa mga
barkada.
D. Lahat ng sagot ay tama.

43.Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas ang


antas ng pagpapahalaga ng isang indibiduwal, MALIBAN sa isa. Ano ito?

A. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa gagawing pagkilos.


B. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan sa buhay.
C. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa
Dakilang Lumikha.
D. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo at pati na
rin sa ibang tao.

44.Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya nakaliligtaang


tumulong sa nga nangangailangan. Ano ang mabuting kahinatnan niya?

A. Uunlad ang kanyang pagkatao.


B. Makikilala siya sa kanilang bayan sa pagiging matulungin.
C. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan.
D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa mga
nangangailangan.

45.Panganay sa pitong magkakapatid si Adel at walang permanenteng trabaho


ang kanilang ama habang may sakit naman ang kanilang ina. Pangarap niya
ang magtagumpay sa buhay upang matulungan niya ang kaniyang pamilya.
Ano ang maipapayo mo kay Adel?

A. Magtrabaho na lamang para matulungan ang pamilya at mag-ipon para


sa hinaharap.
B. Hayaan na lamang kung ano ang maging dikta ng kaniyang kapalaran at
magtiwala na kagustuhan ito ng Diyos.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 10


C. Hikayatin niya ang mga kapatid na magtulungan at magsakripisyo para
maabot nila ang kanilang pangarap.
D. Pag-usapan nila sa pamilya kung sino sa kanila ang maaaring huminto
sa pag-aaral para mauna munang makapagtapos ang mga
nakakatandang magkapatid.

46.Si Vince ay nag-iisang anak. Parati niyang nakukuha ang kanyang mga
gusto. May mga pagkakataon na kahit hindi na niya kailangan ay binibigay
pa rin ng kanyang mga magulang. Kung ikaw si Vince, paano mo
mapapataas ang antas ng iyong pinapahalagahan?

A. Magpatuloy sa mga nakasanayang gawain.


B. Ibigay ang mga sira-sirang gamit sa mga batang ulila.
C. Magpasalamat sa mga magulang at hikayatin sila na magtipid.
D. Kumbinsihin ang mga magulang na tumulong sa mga nangangailangan.

47.Ang pag-alam natin sa ating sariling kahinaan ay nagpapakita lamang na:

A. Para kaawaan tayo ng ibang tao.


B. Minamaliit natin ang ating sarili.
C. Tanggap natin ito at handa natin itong baguhin.
D. Magkaroon ng dahilan upang hindi gawin ang isang bagay.

48.Alin sa mga sumusunod ang sapat na nagpapaliwanag kung bakit


mahalagang malaman ang ating mga kalakasan (strength)?

A. Upang lalo pa itong pagyamanin.


B. Upang ipakitang may kahusayan tayo.
C. Para mabalanse nito ang ating kahinaan.
D. Para hindi mapagsamantalahan ng ibang tao.

49.Ang pag-aaral ay may malaking epekto sa ating lipunan. Ang pahayag na ito
ay __________.

A. Tama, dahil ang isang taong hindi marunong sumulat o bumasa ay


walang silbi sa lipunan.
B. Tama, dahil ang edukasyon ang magiging pangunahing sangkap upang
umunlad ang isang bansa.
C. Mali, dahil ang kalidad ng yamang-tao ng isang bansa ay maaring
madaling mahuhusgahan sa bilang ng mga nakapag-aral na populasyon
na nakatira dito.
D. Mali, dahil ang taong nakapag-aral ay maaring bukas na silid sa mga
pagbabago at mga magiging kaganapan sa ating daigdig na balakid sa
pag-unlad ng lipunan.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 11


50.Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagtakda ng mithiin maliban sa isa.
Ano ito?

A. Isulat ang iyong mga itinakdang mithiin.


B. Hintayin ang tamang panahon para sa pagtupad ng iyong mga mithiin.
C. Tukuyin ang mga maaaring maging balakid o hadlang sa pagtupad ng
mga mithiin.
D. Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa mga
itinakdang mithiin.

Regional Achievement Measure – EsP 7 | 12


For inquiries or feedback, please contact:

Department of Education – Regional Office VI


Duran St., 5000 Iloilo City
Telephone No.: (033-337-0149)
E-mail Address: region6@deped.gov.ph

You might also like