You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Schools Division of Tarlac Province


Victoria National High School – Annex
Calibungan, Victoria, Tarlac

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7


Pre – Test

Pangalan: ________________________________ Taon & Pangkat: _____________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, talata at tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.

1. Ang pagtuntong sa kabataan ay nagbibigay sa atin ng takot sa sarili at sa impluwensya ng lipunan. Anu-
ano ang mga dahilan nito?
a. Ang hindi magandang relasyon sa mga magulang.
b. Ang pagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa katawan at isip.
c. Ang malakas naimpluwensya ng media.
d. Ang malakas na impluwensya sa mga magulang.
2. Ang mga kabataan ay mas kritikal ang pananaw sa kanilang relihiyon kaysa noong yugto ng pagkabata.
Naniniwala silang malaki ang naidudulot nito sa kanilng kaunlaran. Anong uri ito ng pagbabago?
a. Soyal c. Mental
b. Ispiritwal d. Pisikal
3. Si Ana ay isang mag-aaral na talagang kinakikitaan ng isang huwaran at modelong mag-aaral, mabait
matalino at masunurin ngunit wala siyang kaibigan, lagi siyang nag-iisa. Paano mo lulutasin ang ganitong
sitwasyon?
a. Hayaan na lamang siyang mag-isa kasi matalino naman siya, hindi niya kailangan ng kaibigan na
tulad nito.
b. Pakinggan siya, kasama ang iyong mga kaibigan at sasabihing... “nakakaawa ka naman, kasi nag-
iisa ka”, at pagtatawanan.
c. Subuking makipagkaibigan sa kanya, kung ano ang inyong gusto, hilig, paborito at pangarap sa
buhay.
d. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang pakikipag-ugnayan sa kanya baka mapahiya ka lang.
4. Ito ay talino sa binibigkas o isinusulat na salita. Kadalasan ang mga taong may taglay natalinong ito ay
mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento at pagmememorya ng mga salita at mga petsa. Ano ang
tawag sa taong nagtataglay ng ganitong talino?
a. Musical/Rhythmic c. Verbal/Linguistic
b. Mathematical/Logical d. Bodily/Kinesthetic
5. Sa anong panahon nagaganap ang maraming pagbabago sa isang tao?
a. Childhood c. Pre-natal
b. Adulthood d. Adolescent
6. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Ano ang
tawag sa taong may ganitong talino?
a. Musical/Rhythmic c. Verbal/Linguistic
b. Mathematical/Logical d. Bodily/Kinesthetic
7. Ito ay galing sa salitang latin na nangangahulugang “pagiging totoo”, pagiging matatag at pagiging
malakas.
a. Karunungan (wisdom) c. Agham (Science)
b. Pag-unawa (Understanding) d. Maingat na pahuhusga(prudence)
8. Ikaw ay maaring gumagawa ng mga gawaing nakakaaliw o nakasisiya sa iyo matapos magtrabaho o
upang magpalipas ng oras. Ano ang tawag sa ganitong pagkakataon na nakasisiya sa iyo matapos
magtrabaho?
a. Pangkasayahang interes o recreational interests
b. Vocational interests
c. Panlipunang interes
d. Personal interest

9. Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang sa unag pagsubok pa lamang ay sumusuko na. Dahil ito sa
kawalan ng tiwala sa sarili. Ano nga ba ang tiwala sa sarili o self-confidence?
a. Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na
matatapos ang isang gawain na may kahusayan.
b. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana.
c. Nakasalalay sa pagiging mayaman.
d. Umaasa sa opinion o paghuhusga sa atin ng ibang tao.
10. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob, “Bakit ako naririto? “Ano ang papel na
ginagampanan ko sa mundo? “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan? Ang
talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy o may kaugnayan sa mga
paliwanag sa itaas?
a. Naturalist c. Intrapersonal
b. Existential d. Interpersonal
11. Ito ay personal na pananaw, ugali o hilig na bunga ng pag-uudyok ng pandamdam, damdamin o iniisip,
motibo, karanasan at nakasanayan.
a. Panlipunan c. Subhektibo
b. Obhektibo d. Pag-unawa
12. May kasabihan sa Ingles na “Do what you love and you will love what you do”. Ngunit hindi sapat na
ginagawa mo ang gusto mo, ano ang nararapat mong gawin upang tularan ka ng iyong kapwa sa iyong
mga magagandang ginagawa?
a. Kailangna mong masiguro na ginagawa mo ito nang makabuluhan
b. Masinop
c. Malinis
d. Maganda
13. Sinasabi sa isang maikling anekdotang ito na dapat nating gamitin an gating talent “sapagkat sa
sinumang meron, bibigyan pa siya at magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala maging ang sa kanya
ay kukunin sa kanya. Sa mga nakatala sa ibaba, alin ang maikling anaekdota na nagsasabi na dapat
nating gamitin an gating talent?
a. Intellectual c. Parable of the Talents
b. “Gaano ka Katalino?” d. Practice Makes Perfect
14. Alin sa mga sumusunod ang mga kaloob ng Diyos na kailangang paunlarin at gamitin tungo sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan at paglilingkod sa pamayanan?
a. Mga hilig c. Pangkasayahang interes
b. Mga talento at kakayahan d. Tungkulin ng kabataan
15. Ito ay sistematikong kalipunanng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay. Matatamo natin ito sa pilosopiko at siyentipikong pananaw.
a. Pag-unawa (understanding) c. Karunungan (wisdom)
b. Agham (science) d. Maingat na paghusga (prudence)
16. Bakit kailangang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Pamantayan
b. Dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa
iyo bilang tao
c. Karanasan
d. Kaayusan
17. Paano mo ginagamit ang kahat ng iyong oras sa buong maghapon? Sa anong mga gawain mas
nauubos ang iyong oras? Ano ang nararapat mong gawin para masabing isa kang tunay na
mananampalataya?
a. Pagbibigay ng donasyon
b. Pangalagaan ang malinis at maayos na pamahalaan
c. Sumali sa mga samahang pangkabataan
d. Ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw-araw
18. “Prayer can move mountains”, ngunit dapat mong isaisip na hindi an gating panalangin ang
nakapagpapagalaw kundi ang Diyos. Para sa iyo ano ang kahulugan ng panalangin?
a. Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamay at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng
lahat ng ating mga gawain
b. Pagdalo sa mga misa sa simbahan
c. Pagbibigay ng tulong
d. Paglilingkod sa pamayanan

19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalikasan ng tao?


a. Ang tao ay may kakayahang umunawa at magpasya ng mabuti at masama
b. Ang tao ay maaaring mabuhay ng mag-isa dahil siya ay buo at ganap
c. Ang tao ay may kalayaang kumilos at tumugon sa pansariling pangangailangan
d. Ang tao ay nahihiyang gumawa ng masama
20. Si St. Thomas Aquinas ay isang dakilang teologo at pilosopo na nagsabing lahat ng moral ay nakasalalay
sa ating likas na kagustuhang gumawa ng mabuti. Saan nakasalalay ang prinsipyong ito?
a. Ginintuang tuntunin
b. Ito ay nakasalalay sa natural at likas na batas (Natural Law) na sinusunod ng mga tao anuman ang
mga relihiyon, paniniwala at kultura.
c. Konsensya
d. Kalayaan
21. Ang tao ay nangangailangan ng gabay na makatutulong sa knya sa pang-araw-araw na pagpapasya. Ito
ang kanyang kakapitan upang makatiyak ng kanyang gagawing kilos ay wasto at mabuti. Ano ang tawag
sa gabay o pamantayang ito?
a. “Parable of the Talents” c. “Batas”
b. “Prayer can Move Mountains d. Paunawa
22. Ang pagnanais o kagustuhan (will) ay isang bahagi ng kaisipan na siyang nagbibigay ng dahilan kung
bakit nakakagawa ka ng mga desisyon. Ano ang natutulong nito sa atin?
a. Nagbibigay ng sentido o pagkabatid na moral (sense of morality)
b. Pagkatuklas ng sarili
c. Tumutukoy sa likas na kakayahan
d. Kakayahang makipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat
23. Ang tao bilang pinakamataas na uri ng nilalang ay may kakayahang maipaliwanag ang mga bagay-bagay
o mga pangyayari sa kanyang paligid. Ano ang dahilan kung bakit nakapangangatwiran at nakauunawa
ang tao?
a. Talento c. Babala
b. Batas d. Kaisipan
24. Nakaranas ka nab a ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan ay nagawa mong pigilan ang iyong
sarili na makasakit ng iyong kapwa dahil naisip mong ayaw mo ring gawin ito ng iyong kapwa sa iyo?
Kung naranasan mo ito, alin sa mga sumusunod na alituntunin ang nasunod mo?
a. Huwag kang magbibintang laban sa iyong kapwa
b. Moral on ethical conscience
c. Religious spiritual conscience
d. “The Golden Rule”
25. Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang mga
katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nabubukod-tangi sa
kanya sa iba pang nilikha. Bakit sinabing ang tao ay natatanging nilikha ng Diyos?
a. Ang mga tao ay masunurin
b. Ang mga tao ay may tiwala sa sarili
c. Ang mga tao ay nananalig sa Diyos
d. Ang tao ay may isip, dahil sa kanyang isip, kaya niyang umunawa at tumuklas ng katotohanan. Ang
tao ay may kilos-loob, kaya niyang gawin ang mabuti.
26. Maari itong ituring na mababaw na antas lamang, kung saan ang tao ay gumagawa ng tama para
maiwasan ang parusa o para purihin ng mga nakatataas sa kanya. Alin sa mga sumusunod na antas ng
konsiyensya ang may kaugnayan sa natural na antas para sa mga bata?
a. Konsiyensiayng relihiyoso o ispiritwal (Religious or Spiritual Conscience)
b. Konsiyensya ng takot (Fear Conscience)
c. Konsiyensyang moral o etikal (Moral or Ethical Conscience)
d. Mapanuring konsiyensya (Scrupulous Conscience)
27. Ito ang nagsasabi kung ang Gawain ay tama batay sa Natural na Batas Moral. Ginagamit natin ito kapag
tayo’y ginagabayan ng konsiderasyong moral. Alin sa mga sumusunod na uri ng kosiyensya ang
tinatawag ding “tama” o “matalinong” konsiyensya.
a. Pabayang konsiyensya (Lay Conscience)
b. Mapanuring konsiyensya (Scrupulous Conscience)
c. Tunay na konsiyensya (true Conscience)
d. Manhid na konsiyensya (Harden Conscience)
28. Alin ditto ang humuhusga kung masama o mabuti ang pagpapasyang ginawa ng tao?
a. Kaisipan c. Kalooban
b. Konsiyensya d. Damdamin
29. Aling birtud ang kumikilala sa pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan at pagkilala sa karapatan ng
kanyang kapwa?
a. Katatagan c. Katarungan
b. Kabaitan d. Katimpihan
30. Kalian sinasabi na unibersal ang pagpapahalaga?
a. Kung ang pagkilos ay sumasaklaw sa pagpapahalaga sa pangkalahatan o nakararami
b. Kung ito ay tumutukoy sa pagkilos nang naayon sa kalikasan ng tao
c. Kung ito ay tumutugon sa pagkilos kung ano ang uso o napapanahon
d. Kung ang pagkilos ay ayon sa pansariling nilalayon
31. Ang kalusugan ay kayamanan. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Kung ikaw ay malusog daig mo pa ang tumama sa lotto
b. Ang taong malusog ay may kakayahang maghanap-buhay
c. Ang kalusugan ay napakahalaga sa tao upang makakilos ng maayos
d. Hindi na kinakailngan magkagasta pa sa pagbili ng gamut o magpatingin sa doctor
32. Kailan sinasabing nagging matagumpay ang isang tao?
a. Kung nakamit niya ang lahat ng ninanais sa buhay
b. Kung naging tanyag siya sa larangang napili
c. Kung may kakayahan na siayng bilhin ang lahat dahil sa kariwasaan
d. Kung naabot niya ang pangarap at naibahagi ito sa iba
33. Alin ang nagpapahayag na ang tao ay bunga ng ebolusyon?
a. Relihiyon c. Agham
b. Alamat d. Lahat ng nabanggit
34. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita sa tuwina ni Mai kapag sinusuot niya ang tamang uniporme at
I.D.?
a. Disiplina c. Paggalang
b. Pagsunod d. Pagiging malinis at maayos
35. Alin dito ang katangian ng isang taong malikhain?
a. Kahit na may balakid pinagsisikapan niyang magkaroon ng positibong kaisipan na magtagumpay
b. Matiyaga ngunit madaling panghinaan ng loob kahit na may malawak na imahinasyon
c. May tiwala sa Maykapal sa nagbigay ng talento
d. Lahat ng nabanggit
36. Tatlong taon nang may kanser sa buto si Lina, ngunit kahit kalian hindi siya kinakitaan ng panghihina ng
loob. Ito ay halimbawa ng birtud na
a. Pagtitimpi c. Katarungan
b. Katatagan ng loob d. Matalinong panghuhusga
37. Kung may nagsara ng pinto, may magbubukas ng bintana. Anong pagpapahalaga ang tumutukoy ditto?
a. Pagdamay c. Pag-asa
b. Pagtulong d. Pakikiisa
38. Ano ang kahulugan ng sekswalidad?
a. Ito ay tumutukoy sa kasarian ng tao c. Ito ang katangiang pisikal ng tao
b. Ito ay kabuuan ng pagiging tao d. Ito ay pangangailangang sekswal ng tao
39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “Devine Law”?
a. Pangangalaga sa kalikasan c. Pagdarasal at pagsimba
b. Pagdaraan sa tamang tawiran d. Pagmamahal at paggalang sa magulang
40. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa “theological” na birtud?
a. Pananampalataya c. Pagtitimpi
b. Pag-asa d. Pag-ibig
41. Ito ay nanggaling sa salitang latin na ang kahulugan at tatak o marka ng pagiging mabuting tao.
a. Pagpapahalaga c. Moral
b. Birtud d. Banal
42. Bakit kailangan ang introspeksyon?
a. Mahalaga ito upang masuri ang kalakasan at kahinaan ng sarili
b. Upang malaman ang mga katangiang tinataglay
c. Para mabigyan ng puna ang mga kapintasan
d. Upang maitalaga ang sarili tungo sa pag-unlad
43. Aling awitin ang tumutukoy sa katatagan ng loob?
a. Natutulog ba ang Diyos c. Isang Lahi
b. Bato sa Buhangin d. Anak
44. Ito ay tumutukoy sa etika at prinsipyo na gumagabay sa tao sa bawat pagkilos at gawain.
a. Batas Moral c. Batas ng Kalikasan
b. Batas ng Diyos d. Batas ng Bansa
45. Sino ang pinakamakapangyarihang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
a. Media c. Kaibigan o kabarkada
b. Pamilya d. Komunidad
46. Ayusin ang mga sumusunod na hakbang sang-ayon sa pagpapasyang gagawin.
1. Humingi ng tulong sa ibang tao
2. Alamin ang problema o isyu
3. Humingi ng patnubay sa Panginoon
4. Tingnan ang hakbang na pagpipilian

a. 3,2,4,1 b. 2,4,1,3 c. 1,3,4,2 d. 3,4,2,1


47. Niyaya ka ng boyfriend/girlfriend mo na pumasok sa isang hotel. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi papayag dahil hindi pa ito ang tamang panahon
b. Di papaya dahil may ibang mahal
c. Papaya dahil doon din ang patutunguhan
d. Papaya dahil suguradong siya na ang mapapangasawa
48. Alin ditto ang batayan sa matalinong pagpapasya?
a. Kabutihan ng lahat
b. Pagbibigay halaga sa sarili
c. Pag-a;am sa negatibong resulta
d. Pagwawalang bahala sa ibang bagay
49. Alin sa mga ito ang nabibilang sa birtud na pag-asa?
a. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
b. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
c. Kung may nagsara ng pinto may magbubukas ng bintana
d. Ang lumalakad ng matulin kung matinik ay malalim
50. Anong batayan ang tamang pagpapasya?
a. Dapat na ito ay nakatuon sa kapakanan ng iba at hindi sa sarili
b. Nararapat na ito ay tumutugon sa kung ano ang nilalayon
c. Ang pagpapasya ay dapat ituon sa personal na isyu lamang na may kinalaman sa moralidad
d. Nararapat na lumitaw at manaig ang pansariling damdamin na mas nakahihigit kaysa sa iba

Inihanda ni:

Bb. Maria Theresa Bonita-Lucas


Guro sa EsP

You might also like