You are on page 1of 27

Edukasyon sa

pagpapkatao 7
TALENTO MO,
ATING TUKLASIN,
KILALANIN AT PAUNLARIN
TALENTO MO,
ATING TUKLASIN,
KILALANIN AT PAUNLARIN
Mga Inaasahang Maipamamalas:
Sa modyul na ito inaasahang maipapamalas mo ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa mga
sumusunod:
1. natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan (EsP7PS-Ic-2.1)
2. natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang
mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito.
● (EsP7PS-Ic-2.2)
1. napapatunayan na nag pagtuklas at pagpapaunlad ng mga aking talento at kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay mahuhubog ang sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng
mgatungkulin, at paglilingkod sa pamayanan. (EsP7PS-Id-2.3)
2. naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at
kakayahan. (EsP7PS-Id-2.4)
Balik -aral
Tara, usap tayo!
—SOMEONE FAMOUS
Talento at
kakayahan
Ang pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, at kamangha-
manghang kasanayan o kakayahan ay mga talentong
maaari mong taglayin at linangin. Sa Webster Dictionary,
ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang
tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang biyaya, dapat itong
ibahagi sa iba.
Ayon kina Thorndike at Barnhant, mga
sikolohista, ang talento ay isang pambihirang
kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal (intellectual power)
upang makagawa ng isang pambihirang bagay
tulad ng kakayahan sa musika o kakayahan sa
sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na
ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga
pambihirang katangiang minana sa magulang.
Ayon kay Brian Green, mas mahalagang bigyan ng tuon ang
kakayahan magsanay araw-araw at magkaroon ng komitment
sa pagpapahusay sa taglay ng talent. Ang kakayahang
intelektuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng mga
pamantayang pagsusulit. Ayon sa kaniya, mahirap sukatin
ang talento, madalas nasasabi lamang nating may talento ang
isang tao batay sa nasasaksihan natin o naitalang tagumpay

01
nito.
Ang kaibahan ng talento
at kakayahan:
Ang talento ay isang pambihira at likas na
kakayahan. Ito ay may kinalaman sa
genetics o mga pambihirang katangiang
minana sa magulang. Ang kakayahan ay
kalakasang intelektuwal (intellectual
power) upang makagawa ng isang
pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa
musika o sining. Ito ay likas o tinataglay ng
tao dahil na rin sa kaniyang intellect o
kakayahang mag-isip. unts of data, so
remember:
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na
ang mga tinedyer. Ang iba ay ang tinatawag na late bloomer. Kaya
hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin natin ay napakasimple
nating mga kakayahan. Iyong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay
likha ng Diyos.
Kailangan nating tuklasin ang ating mga
talento at kakayahan.
Ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang tayo’y
isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat
ng sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas.
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong
1983 ang teorya ng Multiple Intellegences. Ayon sa teoryang ito, ang
mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?’ at hindi, “Gaano ka
katalino?” Ayon kay Gardner, bagamat lahat ng tao ay may angking likas
na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito ay:
1.Visual/Spatial. Ang taong may
talinong visual/spatial ay mabilis
matututo sa pamamagitan ng
paningin at pag-aayos ng mga ideya.
Ang larangan na angkop sa talinong
ito ay sining, arkitektura at
inhinyero. Tulad halimbawa ng mga
inhinyero, magagawa lamang nila
ang isang gusali o bahay kapag may
tinitignan silang plano kung paano
ito gagawin at mga listahan ng
kakailanganing mga gamit.
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa
pagbigkas o pagsulat ng salita. Ang
larangan na nababagay sa talinong
ito ay pagsulat, abogasya,
pamamahayag (journalism), politika,
pagtula at pagtuturo. Halimbawa nito
ay ang mga guro, na may husay sa
pagtuturo at humarap sa mga mag-
aaral. May sapat na kaalaman sa paksa
na kanilang ibinabahagi araw araw.
Mathematical/Logical. Taglay ng taong may
talino ang mabilis na pagkatuto sa
pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas
ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong
kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
Ang larangan na kaugnay nito ay ang
pagiging scientist, mathematician,
inhinyero, doctor at ekonomista. Tulad ng
mga guro natin sa Matematika, may sapat na
kaalaman sa pagbibilang at paglutas ng mga
suliraning pang-matematika.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino
ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mataas
ang tinatawag na muscle memory ng taong may
ganitong talino. Ang larangang karaniwang
tinatahak ng talinong ito ay ang pagsasayaw,
isports, pagiging musikero, pag-aartista, pagiging
doctor (lalo na sa pag-oopera), konstruksyon,
pagpupulis at pagsusundalo. Halimbawa, si Manny
Pacquiao ay mula sa simpleng pamilya lamang,
ang husay niya sa pagbubuksengero ang naging
dahilan ng sa husay sa boksing, tinawag na
“PacMan” at umani ng napakaraming panalo para
sa bansang Pilipinas at tinagurian siyang “World
Champion”.
● Musical/Rhythmic. Ang taong
nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o
musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-
uulit ng isang karanasan. Likas na
nagtatagumpay sa larangan ng
musika ang taong may ganitong
talino. Magiging masaya sila kung
magiging isang mucisian, kompositor
o disk jockey (DJ). Halimbawa, isa si
Lea Salonga sa mahuhusay nating
mang-aawit sa bansa na naging sikat rin
sa ibang bansa. Umawit ng ilang kanta
sa Miss Saigon, Les Misérables, Aladdin,
Mulan at Flower Drum Song
Intrapersonal. Sa talinong ito,
natututo ang tao sa pamamagitan
ng damdamin, halaga, at
pananaw. Karaniwang ang taong
may ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert. Ang
larangang kaugnay nito ay
pagiging isang researcher,
manunulat ng mga nobela o
negosyante. Tulad ng mga
Sikolohista (Psychologist) na
nagpapakadalubhasa na ang
binibigyan pansin ay ang kilos at
asal ng mga tao
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon
o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang
taong may mataas na interpersonal
intelligence ay kadalasang bukas sa
kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa
larangan ng kalakalan, politika,
pamamahala, pagtuturo at social work.
Halimbawa, si Mother Teresa ay naglaan ng
kanyang buhay bilang isang Albanian-Indian
misyonera at madre. Binigyan halaga ang
pagtulong sa mga mahihirap, may
kapansanan, walang tirahan at walang
makain lalo na ang mga may sakit.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
Madalas niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan
(definition). Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay
nagiging environmentalist, magsasaka o botanist. Halimbawa, mga
tao na mahilig mag-alaga ng mga halaman, mga nangangalaga sa
kalikasan at hayop. Ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay at
iba’t ibang gulay na magsisilbing pagkain ng mga mamamayan
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa
pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Ang
talinong ito ay naghahanap ng paglalapat
at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating
ginagalawan. Kadalasan ang taong
mayroong ganitong talino ay masaya
sa pagiging philosopher, theorist, mga
pari o pastor. Halimbawa, Teorista
(Theorist) na ang binibigyan pansin ay
ang pagbibigay ng malinaw na paliwanag
tungkol sa mga pinagmumulan ng mga
bagay bagay sa paligid
gawain
Tukuyin kung anong klasing talino
ang tinutukoy sa bawat bilang.

02
1. SI KIVEN AY MAHUSAY MAG LARO NG
BASKETBALL.
2.NABIGHANI ANG MGA MANONOOD NG MARINIG
NILA ANG TINIG NI LEA.
3. NAGUSTUHAN NG MGA HURADO ANG ISINULAT NA
TULA NI ARON PARA SA PATINPALAK NOON BWAN
NG WIKA.
4. NASISIYAHAN SI IVAN SA PAGTATANIM NG MGA
HALAMAN AT PAG AALAGA NG MGA HAYOP.
5.SABIK NA SABIK SI TOTOY SA PAGTUKLAS NG
KAHULUGAN NG BUHAY KAYAT KUMUHA ITO NG
KURSONG PILISOPIYA NOONG SYA AY NG
KOLEHIYO.
6. MAGALING MAKIHALUBILO SI BEN SA SINUMANG
TAO ANO MAN ANG EDAD O ANTAS NG PAMUMUHAY.
7. KINAKAHILIGAN NI JUAN ANG PAGGUHIT AT
PAGPIPINTA.
8. Sa talinong ito, natututo ang tao sa
pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
9. Taglay ng taong may talino ang mabilis na
pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran
at paglutas ng suliranin (problem solving).
INFOGRAPHICS
MAKE YOUR
IDEA
JUPITER UNDERSTANDA
Jupiter is the biggest planet in
our Solar System
MARS
BLE…
Despite being red, Mars is
actually a cold place

VENUS
Venus has a beautiful name,
but it’s terribly hot
MERCURY
Mercury is the closest planet to
the Sun
ALTERNATIVE
RESOURCES
Magic icons
Halloween icons
RESOURCES
Did you like the resources on this template? Get them for free at
our other websites.

VECTORS PHOTOS

● Halloween character costume on orange background ● Jack-o'-lantern with spiderweb and drink
● Hand drawn halloween decor collection ● Jack-o'-lanterns with roses and spider web
● Set of halloween elements flat style
● Classic halloween character collection with flat design
ICONS
● Flat design background for halloween
● Pack Halloween 44
● Flat design of halloween gate background
● Pack Magic 12
● Flat design of halloween background
● Flat design of halloween background II
● Halloween ghosts collection in different poses
● Set of spider webs
● Hand drawn halloween candy collection
● Hand drawn halloween sweets collection
● Flat halloween element collection violet background
● Retro halloween frame

You might also like