You are on page 1of 19

Modyul 2

Talento mo! Tuklasin, Kilalanin at


Paunlarin
Ano ba ang TALENTO?

Ayon sa Webster Dictionary


 Itoay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan.
 Itoay isang likas na kakayahan na kailangang
tuklasin at paunlarin
 Tulad ng isang biyaya dapat itong ibahagi sa iba.
TALENTO vs KAKAYAHAN

Dunong o Karunungan Kahusayan


Talinong Likas ng tao Paggamit ng talino sa paggawa
Naipapakita sa paggawa nang bagay
buong husay Hindi tumutukoy sa kalidad ng
ginawa kundi sa abilidad sa
sa paggawa
Talento Kakayahan
Ito ay isang pambihirang Ito ay kalakasang
lakas at intelektwal (intellectual
kakayahan/biyaya/ may power) upang makagawa ng
kinalaman sa genetics. isang pambihirang bagay
tulad ng kakayahan sa
musika o sa sining.
Bilang tinedyer ano ang dapat gawin
dito?

1. Tuklasin
2. Paunlarin
3. Malampasan ang Kahinaan
01. Kailangan nating tuklasin ang ating
mga talento at kakayahan.
MULTIPLE INTELLIGENCIES THEORY
Dr. Howard Gardner (1983)
 Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano
ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?”

 Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking


likas na kakayahan, iba’t ibang talino o talent.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

 Alamin mo ang iyong taglay na talino:

Visual
/ Verbal/ Logical/ Bodily
Linguisti Mathem Kinesth Musical
Spatia c atical
l etic
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Interperso Intraperso Naturalis Existenti


nal nal t al
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ang taong may talinong visual/spatial ay


mabilis matutuo sa pamamagitan ng
paningin at pag-aayos ng mga ideya. May
VISUAL/ kakayahan siya na makita sa kaniyang isip
SPATIAL
ang mga bagay upang makalikha ng isang
produkto o makalutas ng suliranin.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.


Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong
ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,
pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita
VERBAL/ at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto
LINGUISTIC
kung nagbabasa, nagsususlat, nakikinig, o
nakikipagdebate. Mahusay siya sa
pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o
pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali
para sa kaniya ang matuto ng ibang wika.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Taglay ng taong may talino nito ang mabilis


na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng saliranin
LOGICAL/ (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng
MATHEMATIC lohika, at numero.
AL
Ang talinong ito ay may kinalaman sa
kahusayan sa mathematika, chess, computer
programming, at iba pang kaugnay na
gawain.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Katangi-tangi ang abilidad ng mga may


talinong pangkatawan o bodily
kinesthetic sa pag kontrol ng katawan
BODILY at sa mga bagay bagay na
KINESTHETIC
hinahawakan. Mas natututo siya sa
pamamagitan ng paggamit ng kaniyang
katawan, tulad halimbawa sa
pagsasayaw o paglalaro.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay


sensitibo sa pitch, ritmo, maling tunog
MUSICAL o kombinasyon ng mga tunog. Ang mga
mang-aawit, kompositor, recording
engineer ay may talinong pangmusika.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag –


ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
Ang taong may mataas na interpersonal
INTERPERSONA
intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang
L pakikipagkapwa o extrovert. Mahusay siya sa
pakikipag – ugnayan nang may pagdama at pag-
unawa sa damdamin ng kapwa. Siya ay
epektibo bilang pinuno o tagasunod man.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ang ganitong uri ng talino ay ang


makatutuhanang kaalaman tungkol sa
sarili.Alam niya at tinatanggap niya ang
kaniyang limitasyon at kahinaan.

INTRAPERSONA
Karaniwang ang taong may ganitong talino ay
L malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis
niyang nauuwaan at natutugunan ang kaniyang
nararamdaman at motibasyon.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ito ay tumutukoy sa kakayahang magpahalaga sa


ganda ng kalikasan at kapaligiran at ang
NATURALIST kakayahan ng isang tao na iugnay ang kaniyang
sarili sa lahat ng nilalang ng Diyos, lalong- lalo
na sa mga likas ng yaman ng mundo.
Nine Multiple Intelligencies
BY: Dr. Howard Gardner (1983)

Ang talinong ito ay ang pagkasensitibo at


kakayahan sa pangangasiwa ng malalalim na
EXISTENTIAL katanungan tungkol sa pagkatao, gaya ng
kahulugan at katuturan ng buhay, pagkalalang,
kamatayan.
TANDAAN
 Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga
angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na
kung pauunlarin ay makahuhubog sa sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin at paglilingkod sa
pamayanan.
Your talent is God’s gift to you.
What you do with it is your gift back to God.
- Leo Buscaglia

You might also like