You are on page 1of 1

Multiple Intelligence

(ni dr. Howard Gardner)

Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos
ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan
ito. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects,
photographers, sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants:

Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito
ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Halimbawa ng
mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers,
poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-over artistes

Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran
at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Halimbawa ng
mga taong may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers,
analysts, traders, banker’s bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors

Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng
pagsasayaw opaglalaro. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators, actors, athletes,
divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes; ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers,
crafts-people; gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers

Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng mga taong
may ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic engineers,
entertainers, party-planners, environment and noise advisors, voice coaches.
Intrapersonal- Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong
kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert.

Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan
at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o
extrovert. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders,
counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers,
advertising professionals, coaches and mentors; (there is clear association between this type of intelligence and what
is now termed'Emotional Intelligence' or EQ)

Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang
kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer, environmentalists

Existentialist- ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “ Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?”
Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-
unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Mga
pilosopo, theorist, mga pari o pastor.

You might also like