You are on page 1of 12

PROYEKTO SA ESP

AISHA DONNA LOUISE L. BUGTAS


VII-SAMPAGUITA

THELMA B. CASTILLO
GURO

VISUAL/SPATIAL
Ang Visual-Spatial na talento ay isang uring kakayahan na tumingin sa isang
holistic perspective o kabuoang pagtanaw sa katotohanan. Mas nahihikayat na
matuto ang mga taong may talentong Visual Spatial kung sila ay may nakikitang
mga imahe, graphs, o anumang uring visual imageries. Mas mainam na gamitin
ang mga imaheng ito sa pagtuturo sa mga taong may ganitong uring talento
sapagkat sila ay nag-iisip sa pamamagitan ng mga visual imageries kaysa paggamit
sa mga konsepto o mga salita. Karaniwang magaling ang mga taong may ganitong
talento sa computer programming, art, music at photography.
ART

PHOTOGRAPGHY
. VERBAL/LINGUISTIC
Ang Verbal/Linguistic na talento ay isang uring talento na ang paraan ng pag-alam
sa isang bagay ay mas epektibo kung siya ay gagamit ng mga salita at konsepto.
Ang mga taong may talentong Verbal/Linguistic ay mahilig magbasa, magsulat at
matuto ng ibat-ibang wika. May kakayahan silang magturo ng mga ideya at
konsepto. Sila ay may kahiligan din sa pagsulat ng mga lectures bilang isa sa mga
metodo ng kanilang pag-aaral.
MATHEMATICAL/LOGICAL
Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may
kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay
may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba
pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang, kaugnayan nito sa
kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns,
at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants,
statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers, insurance brokers,
negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors.

SCIENTIST
ENGINEER

BODILY/KINESTHETIC
Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw opaglalaro. Sa
kabuun, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may
ganitong talino. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers,
demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's,
performance artistes; ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people;
gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers
GARDENER

SOLDIER
MUSICAL/RHYTHMIC
Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng mga
taong may ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's, music
producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers, party-planners,
environment and noise advisors, voice coaches.

SINGER

DJ’S
INTRAPERSONAL
Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at
pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o
introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman
at motibasyon. Malalimang pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at
kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili,
sa paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad
na kanyang ginagalawan.
INTERPERSONAL
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang
kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang
dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay
sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motiobasyon, at
disposisyon sa kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at
pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals,
mediators, leaders, counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy,
psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising
professionals, coaches and mentors; (there is clear association between this type of
intelligence and what is now termed'Emotional Intelligence' or EQ)

TEACHER
THERAPIST

EXISTENTIAL
ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “ Bakit ako
nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa
mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-
unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan. Halimbawa ng
mga taong may ganitong talino ay: Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor
PASTOR

THEORIST

You might also like