You are on page 1of 1

I.

Pamagat ng kabanata: Kabanata 6- Si Basilio


II. Tauhan sa kabanata: Sina Basilio, Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Tiya Isabel, Sisa ,
Elias ang mga tauhan.
III. Tagpuan sa kabanata: San diego, sa gubat ng mga ibarra, Maynila ang tagpuan.
IV. Maikling buod ng kabanata: Pagpunta ng palihim ni Basilio sa kagubatan patungo sa
puntod ng kanyang yumaong na ina. Pagalaala ni Basilio sa kanyang mga naging
karanasan at pagsubok sa buhay at paano siya natagpuan ni Kapitan Tiyago.
Paglalarawan ni Basilio sa kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran at paano siya naging
matagumpay sa pagaaral.
V. Teoryang ginamit sa kabanata: Teoryang Humanismo, Realismo at Sokolohikal.
VI. Aral na mapupulot sa akda/kabanata: Para sa akin ang aral na makukuha dito ay, huwag
mong pansinin ang mga taong nang-aalipusta sa iyo, darating ang araw at sila ay hahanga
sa iyo, Tulad ng ginawa ni Basilio hindi niya pinansin ang mga panglalait sa kanya oo nga
at nasasaktan siya ngunit lahat ng iyon ay kanyang pinaglabanan dahil may pangarap
siya, imbis na pansinin niya ang mga ito ay pinag buti pa niyang lalo ang kanyang pag-
aaral, kaya naman dumating ang araw na siya ay hinahangan nakakuha siya ng mataas na
marka at nagkamit din ng medalya.
VII. Pag- uugnay sa kasalukuyang panahon sa kabanatang binasa: ang karamihan sa mga
mag-aaral ngayon ay kasalukuyan ay nag sisikap hindi mag liban sa klase, nag titiis sa
pagsaulo ng mga aralin at masipag sa mga gawain na binibigay ng mga guro kaya
nakapagtapos ng pag-aaral na matagumpay kagaya ng: -Cum Laude, Valedictorian,
Honors Students at iba pa na mga parangal na matatanggap.

You might also like