You are on page 1of 4

DIOCESE OF IMUS CATHOLIC EDUCATIONAL SYSTEM, INC.

Saint Augustine School


146 J.P. Rizal St., Mendez, Cavite
Telefax. No. 413-0536 ǀ +0917-886-6450
Email Address: st.augustine_mendez@yahoo.com

PANGALAN: ARRIANE JADE BACO BAITANG AT SEKSYON: GR.10-SIOL

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ito ay tungkol sa nais na paghihimagsik ni Simon sa kamay ng mga espanyol. Dahil sa pagmamalupit ng mga ito sa mga
Filipino. Labis ang paghihirap ng mga Pilipino dahil sa pamamahala ng mga Kastila. Hindi naging maganda ang mga
patakaran at labis na pagbabayad ng buwis. Dito napagpasyahan ni Simon na magkaroon ng planong paghihiimagsik
kasama si Basilio. Ang El Filibusterismo ay nag simula sa paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Manila at Laguna. Isa sa
pasahero nito ay si Simon, Isagani, at si Basilio. Matagal na panahon na mula ng mamatay si Elias at Sisa. Si Basilio ay
nakarating sa San Diego. Sa kaniyang paglalakbay ay nakita niya si Simon na dumalaw sa libingan ng kaniyang ina sa loob
ng libingan ng mga ibarra. Napagtanto niya na si Simon ay si Ibarra na nagbabalat-kayo. Upang matago ang ganitong lihim
ay itinangka ni Simon na patayin si Basilio. Ang pagtatangkang pagpatay ay hindi natuloy kaya't hinikayat niya ito na maki-
isa sa kaniyang layunin na maghiganti sa pamahalaang kastila. Sa balak na paghihiganti ni Simon ay hindi sinangayunan ni
Basilio sapagkat nais niyang tapusin ang kaniyang pagaaral. Si Simon ay hindi tumigil kaya hinikayat niya itong muli na
maghiganti at lumusob kung nasaan si Maria Clara. Gaya ng unang desisyon, hindi muli sumangayon at tinanggihan ito ni
Basilio. Hindi na rin ito nangyari sapagkat si Maria Clara ay binawian na ng buhay kinahapunan na sana ay ang
pagtatangkang paglusob. Ang mga mag-aaral ay humiling sa kapitan heneral na abala sa pagsasabong na makapagpatayo
ng akademiya sa wikang kastila. Ang kahilingan na ito ay hindi naisakatuparan sapagkat ang mga prayle ang mamumuno.
Upang mawala ang kalungkutan at kabiguan ng mga mag-aaral, sila ay nagdaos ng salo-salo sa Panciteria. Ito ay naging
mainit na usapan at panay na pagtuligsa sa mga prayle. Nalaman ng mga prayle ang usapan ng mga mag-aaral. Kaya't ang
mga pari ay gumawa ng patibong at naglagay ng mga paskil na may temang paghihimagsik na ibininatang sa mga mag-
aaral. Ilan sa mga mag-aaral ay hinuli kabilang na si Basilio. Ang kasintahan nitong si Huli ay labis na nalungkot sa
nangyari. Ang ibang kamag-anak ng mag-aaral ay abala sa pagaasikaso sa mga ito upang makalaya. Ngunit si Basilio ay
naiwan sa piitan. Si Huli ay gumawa ng paraan upang makalaya si Basilio. Kinausap niya si Padre Camorra subalit wala
itong nagawa. Si Huli ay pinagtangkaan ni Padre Camorra dahilan upang tumalon si Huli at namatay. Si Simon at Don
Timoteo Pelaez naman ay nagkasundo sa usaping negosyo. Si Don Timoteo Pealez ay ama ni Juanito. Si Juanito naman
ay naipagkasundo sa dalagang si Paulita Gomez. Sa gaganaping kasalan ay nasabing magiging ninong ang kapitan
heneral. Lumipas ang dalawang buwan,si Basilio ay nakalaya na sa pagkakakulong sa piitan.Ito ay dahil sa tulong ni
Simon. Ito ay naisipan ni Simon dahil siya ay may kumpiyansa na aanib si Basilio sa kaniyang plano. Si Simon ay hindi
nabigo dahil si Basilio ay lumapit sakaniya upang umanib sa planong paghihimagsik na ito. Agad naman niyang ipinaalam
kay Basilio ang kaniyang mga plano. Ipinakita ni Simon kay Basilio ang ginawa niyang bomba. Ito ay isang lampara na
gagamitin sa kasalang magaganap nina Juanito at Paulita. Ito ay magbibigay ng liwanag at pag tumagal ay lalabo at
mamamatay. Kapag itinaas ang mitsa, ang bomba sa lampara ay sasabog. Ito ang magiging dahilan upang lahat ng bisita
ay mamamatay. Kapag narinig naman ang malakas na pagsabog ng bomba sa lampara ay magsisilbing hudyat para
simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simon.

PAGSUSURI SA ELEMENTO:

A. TAGPUAN
Bapor Tabo- lugar kung saan unang nagsimula ang kaganapan sa nobela. Ito ang naghatid kay Basilio
papuntang Laguna.
Kagubatan sa San Diego- Ito ang lugar kung saan nakita ni Basilio si Simon na naghuhukay ng lupa
at doon din nabunyag ang lihim ng mag-aalahas.
Tahanan ni Kabesang Tales- Ito ang lugar kung saan nanirahan si Simon. Ito ay sisimbolong bukirin
ni Kapitan Tales.
Bayan ng Los Baños Laguna- Ito ay isa sa pangunahing tagpuan ng nobela. Dahil si Dr. Jose Rizal
ay ipinanganak sa Calamba, Laguna. Dito ipinakita ang magulong pamamahala ng mga prayle.
Tahanan ni Kapitan Tiago- Sa lugar na ito ginanap ang kasalang Juanito at Paulita Gomez. Dito ang
lugar kung saan pinlano ni Simon ang paghihimagsikan.
Tahanan ni Padre Florentino- Dito naganap ang huling bahagi ng nobela. Sakaniyang pagtakas ay
dito siya napadpad. Ibinunyag niya ang totoo niyang pagkatao at ang kaniyang mga plano.

B. TAUHAN
Simon- siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere
Basilio- Kasintahan ni Huli. Siya ang napapayag ni Simon na sumapi sa kaniyang planong
paghihimagsik
Kapitan Tiago- Siya ang kumupkop kay Basilio at pumayag na mag-aral ito
Isagani- Siya ang pamangkin ni Padre Florentino
Kabesang Tales- Siya ang ama ni Huli na ginipit g mga prayle sa pamamagitan ng pagbabayad ng
malaking buwis
Tandang Selo- Ama ni Kabesang Tales
Huli- Siya ang kasintahan ni Basilio
Kapitan Heneral- Kaibigan ni Simon na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan
Don Timoteo Pelaez- naging kasanib ni Simon sa negosyo na ama no Juanito Pelaez
Paulita Gomez- kasintahan ni Juanito Pelaez
Donya Victorina- Tiya ni Paulita Gomez
Ben Zayb- isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita
Macaraig- Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang kastila
Pecson- magaaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria
Sandoval- kastila na sumasang-ayon sa ipaglalaban ng mga mag-aaral
Maria Clara- sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi
Chichoy- Siya ang nagsabi na naglagay si Simon ng pulbura sa lampara
Kapitan Toringgoy- Isa sa mga nag usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita
Gomez at Juanito Pelaez
Kapitan Loleng- Nagpayo kay Isagani na magtago dahil baka siya ang mapagbintangan
Kapitan Basilio- Mayaman na Kapitan sa San Diego
Hermana Bali- Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra

C. TEMA
Ang tema ng el filubusterismo ay ang librong El Filibusterismo ni Jose Rizal ay tungkol sa paghihiganti ni Simoun - ang
panibagong identidad ni Crisostomo Ibarra. Ang naging pangunahing tema sa libro ay ang pagkakaiba ng paghihiganti at
ang tunay na pagbabago. Ang naging dakilang mensahe, lalo na sa dulo sa pagkabagsak ni Simoun, ay nasisira ng
paghihiganti ang tunay na layunin ng rebolusyon. Ito'y isang mahalagang aral lalo na nung panahon ng rebolusyon.
Sinasalamin nito o ipinapakita ang kaharanasan na tinatamasa ng mamamayang Pilipino sa kamay ng mga kastila.

D. ISTILO
Ang mga salita sa nobela ay mga malalalim na salita sapagkat ang nobelang ito ay isunulat noong
panahon ng mga kastila.

Bumuo ng isang maiksing sanaysay na binubuo ng 7-10 pangungusap tungkol sa "Ang


Pagkakaroon ng Pantay na Karapatan ng Mayayaman at Mahihirap".

Lahat ng tao sa mundo ay mayroong karapatan. Hindi dahilan ang antas ng buhay para magkaroon ng karapatan ang isang
tao. Batid nating iniisip ng mga tao na kapag mayaman ay mataas ang tingin sayo ng mga tao at kapag ikaw ay mahirap ay
mababa ang tingin nila sayo. Ito ang isa sa malaking pagkakamali ng mga tao. Sila ay bumabase sa kung ano ang antas ng
buhay mo. Ngunit dapat nating isaisip at isabuhay na hindi lamang mayaman ang dapat na magkaroon ng karapatan. Kung
may isang bagay na dapat ipaglaban ng tao ay dapat ipaglaban ito. Isa sa dahilan kung bakit tayo ginawa ng panginoon
dahil gusto niyang maging masaya tayo sa ating buhay. Hindi magiging sagabal ang antas ng buhay sa pag kamit ng
karapatan.

Tukuyin at ihambing ang mga pangyayari at suliranin ng mga estudyante sa larangan ng


edukasyon noon sa mga pangyayari at suliranin ng mga estudyante sa kasalukuyan
PANGYAYARI/ NOON NGAYON
SULIRANIN
Transportasyon Naglalakad lamang ang mga Mayroong mabilis at
estudyante. sapat na transportasyon
para sa mga estudyante.
Mga suhestiyon ng mga Pahirapan ang mga Nabibigyan ng
estudyante patungkol sa estudyante na mag bigay ng pagkakataon ang mga
kanilang pag-aaral. suhestiyon sa mga prayle. estudyante na
mapakinggan ang
kanilang opinion.
Kasipagan ng mga Ang mga estudyante ay Mayroong mga
estudyante talagang matiyaga sa pag- estudyante ang hindi
aaral at hindi titigil hangga’t sineseryoso ang
hindi nakakamit ang edukasyon. Sila ay babad
kanilang panagrap. sa mga gadgets o kaya ay
maagang nag kaka-
pamilya.
Kanilang gamit sa pag-aaral Aklat lamang ang kanilang Nagkaroon na ng mga
tanging kanilang ginagamit teknolohiya na siyang
upang mag-aral. nagpapadali sa pag-aaral
ng mga estudyante.
Bilang ng mga estudyante Dahil sa kahirapan at Lahat ng bata ay may
mahigpit na pamamalakad, pagkakataon na
hindi lahat ng bata ay magkaroon ng libreng
nabibigyan ng pagkakataon edukasyon.
na makapag-aral.

Ipahayag ang sariling pananaw sa paksang nasa ibaba. Ipaliwanag ito sa loob ng 10-15
pangungusap.
“ANG KABATAAN ANG PAG-ASA
NG BAYAN” – DR. JOSE P. RIZAL

Ang pinakamalaking kayamanan ng isan bansa ay ang mga kabataan. Ang kinabukasan
ng isang bansa ay nasa kamay ng mga kabataan. Sila ang magbibigay ng lakas at kapangyarihan
para sa ating mga kinabukasan. Sila ay may kakayahan na magkaroon ng boses para sa kanilang
bansa. Ang mga kabataan ang magdadala ng tagumpay sa kanilang bansa. Kung sila ay
magkakaisa, sila ay mag dadala ng kasaganahan at karangyaan sa isang bansa. Sila ang magiging
gabay para sa mga tao na nawawalan ng lakas ng loob upang lumaban. Sila ang magiging
instrumento upang magkaroon ng payapa at magandang buhay ang mga susunod na henerasyon.
Sila ang makakapag-pabago sa lipunang hindi maganda ang paglilingkod. Sila ang nasa likod kung
paano at bakit uunlad ang mga Pilipino.

You might also like