You are on page 1of 15

Ang Pinagmulan ng

Tatlumpu’t Dalawang
Kuwento ng Trono
(Simhasana Battisi)
ISANG ALAMAT MULA SA INDIA
GABAY NA
TANONG
Ano ang naging dahilan ng pag alis ng
binatang Brahman sa kanilang bayan?
Paano nilinlang ng espiritu ang
matandang ina at ang kanyang asawa
kaya’t agad silang napaniwalang ang
Brahman nga ang kumakatok sa
kanilang pinto?
Paano nakatulong ang bata sa paglutas
ng suliranin ng Binatang Brahaman?
Ano ang naging pagkukulang ng tunay
na Brahman kayat hindi man lang
nagduda ang kanyang ina at kanyang
asawa na hindi tunay na Brahman ang
kasa-kasama nila sa bahay?

Paano napatunayan sa akda na ang


katotohanan ay hindi maitatago at
lalabas din sa bandang huli?
1. Gustong gusto na ng kanyang ina na
magkaasawa na ang kanyang anak.
Tumatanda na kasi ang ina kaya’t
ninanais niyang magkaroon siya ng
katuwang sa buhay. Ang pangyayaring
ito ay makatotohanan o di-
makatotohanan dahil___________.
2. Maingat ngang itinatali ng asawa ng
Brahman ang kanyang buhok sapagkat
alam niyang sa dinadaanan niyang mga
puno ay may nakatirang shakchunni, isang
espiritu ng maybahay na walang ibang
hangad kundi magpanggap bilang asawa.
Ang pangyayaring ito ay makatotohanan o
di-makatotohanan dahil ___________.
3. Isang espiritu ang nagbalatkayo
para makatira sa maginhawang
dampa, at makaranas magkaroon ng
ina at asawa dahil ayaw na niyang
tumira sa itaas ng punongkahoy at
sawa na sa pagiging espiritu. Ang
pangyayaring ito ay makatotohanan o
di-makatotohanan dahil ___________.
4. Isang Raha ang pinuntahan ng
Brahman upang magpatulong sa
kanyang mabigat na suliranin. Ang
pangyayaring ito ay makatotohanan o
di-makatotohanan dahil ___________.
5. Isang espiritung tuwang-tuwa sa
nakikinitang tagumpay ang agad
naganyong hangin at isinilid ang sarili
sa loob ng bote. Ang pangyayaring ito
ay makatotohanan o di-
makatotohanan dahil
____________________________.
PAGSULAT NG MABISANG WAKAS NG AKDA
Sa pagsulat ng isang akda, mahalaga ang
pagbuo ng isang banghay para mapaghandaan
ang isang mahusay na simulang aakit sa mga
mambabasa upang huwag bitiwan ang
binabasa, isang suliraning aakit sa kanilang
ipagpatuloy ang pagbabasa, isang kasukdulang
magdudulot ng labis na kapanabikan, at isang
wakas na mag-iiwan ng kakintalan sa mga
mambabasa.
•Bago pa man simulan ang kwento ay isipin
na kung saang bahagi ito magwawakas.
•Isipin ang pinakatamang panahon kung
kailan wawakasan ang kwento.
•Hingin ang opinyon ng iba tungkol sa
isinulat na wakas.
•Basahin nang basahin at saka ayusin.
BIGYANG WAKAS
•Basahing mabuti ang naging wakas ng
alamat. Binibigyan ka ngayon ng
pagkakataong mabigyan ng sariling
wakas ang alamat. Gawan mo ng
naiibang wkas magmula sa bahaging ito.
Pagkatapos, isa-isang nagkuwento ang tatlumpu’t
dalawang anghel tungkol sa matalino at magiting
na si Raha Vikramaditya. At nang ang huling
istorya ay maikuwento, binuhat ng mga dalagang
tagalangit ang trono, paitaasng paitaas sa
kalawakan, at lumipad silang kasama niyonsa
malayo, malayong-malayo.
Naiwan ang raha na nag-iisip na hindi niya pa
taglay ang mga katangiang magbibigay sa
kanya ng karangalan na umupo sa trono. Ang
ilan sa mga katangiang ito ay kabutihan, lubos
na katapatan, pagiging patas at walang
kinikilingan, at pagiging makatarungan.
KASUNDUAN
Panuto: Gumawa ng sariling orihinal na
alamat tungkol sa isang pangkaraniwang
bagay na makikita sa iyong kapaligiran.
Gumamit ka nang hindi bababa sa limang
ibat ibang uri ng pang-abay lalu na ang
pang-abay na pamanhon, panlunan at
pamaraan.

You might also like