You are on page 1of 1

Kwentong Sakripisyo ng mga tunay na 

bayani 
ni Shaira Vytte Sanchez 
Magandang araw para sa mga naggagwapuhan at naggagandang tagapakinig. Nais kong ilahad ang
kwentong sakripisyo ng mga magulang. Minsan ba nasagot niyo na sa isipan ang mga magulang niyo o di
kaya nainis sa kanila dahil sa mga pinagbabawal nila? Kung oo halina’t tunghayan niyo ang kwentong di
nakikita ng iilan.

Minsan sa isang beses na bati niyo ba ang inyong magulang o di kaya’y kinamusta sila sa kanilang
trabaho? Naitanong niyo rin ba kung anong mga nangyayari sa kanila sa maghapon. Magulang, sila ang
tumatayong silungan at kanlungan ng mga anak. Mga magulang na handang isakripisyo ang lahat para sa
kanilang anak, tiyak ko alam niyo na ang mga bagay na iyan. Sa trabaho nila minsan kahit tirik na ang araw
kumakayod pa rin sila upang may makuhang kita at may ipangtustos lamang sa kanilang mga anak.
Karaniwan na nasisigawan pa sila ng kanilang amo sa tuwing nagkakamali samantalang ikaw na anak pa chill
chill lang sa buhay. Mabigat na kinakarga o di kaya’y minsan sakripisyo na nasasayang ganyan ang araw-araw
na hamon sa kanila ng buhay. Mababaliw na sila sa kakaisip kung paano nila i-bubudget ang mga kita nila
para sa pang araw-araw ngunit ikaw na anak may gana pang gumimik. Kadalasan mapapabilib ka kung paano
nila isakripisyo ang kanilang sarili upang matawid lamang kayo sa gutom. Alam kong ang iilan sa inyo madalas
magtanong sa mga nililigawan o jowa nila ang mga katagang “kumain ka na ba?” ngunit di man lang nila
tinatanong ang kanilang magulang kung sila ba’y nagugutom. Nakakamangha ang resistensiya ng mga
magulang minsan pinapauna nila ang kanilang mga anak kapag alam na nilang magkukulang ang pagkain.
Madalas ayos na sila sa tira tira o di kaya’y asin at toyo ang ulam. Isa pa sa magpapabilib sa inyo kung paano
nila tiisin ang mga salitang binabato ng kanilang mga anak. Sa tuwing sasagutin sila karaniwang pagsasabihan
o di kaya’y papagalitan nila. Kapag nagagawa niyo bang sagutin ang magulang niyo nanghihingi kayo ng
tawad? Mabuti pa ang jowa niyo nanghihingi kayo ng tawad sa tuwing nagkakamali kayo ngunit ni minsan di
niyo napapansin kung gaano kasakit sa magulang na sagutin sila. Mababa lamang ang pride nila kahit na hindi
nanghihingi ng tawad ang anak agad nila itong pinapatawad. Di nakikita ng mga anak kung paano dibdibin ng
mga magulang ang mga salitang iyon halos kulang na lang patayin sila sa sakit tapos ikaw na anak may
pa-post post pa na #feeling depress sa tuwing napapagalitan ka.

Sa tuwing mother’s day o father’s day nabigyan niyo na ba sila ng regalo? Di naman mahalaga sa
kanila ang mga mamahaling regalo ang kailangan lang nila ay respeto at pagmamahal na nanggagaling sa
inyo ngunit minsan ba naparamdam niyo ba ito? Di ko na ihahalintulad pa sa mga lovelife niyo dahil higit na
namang mas lamang ang pagmamahal nila sa inyo. Wala pa sa kalahati ang binibigay na pagmamahal ng
jowa niyo ngunit kung tawagin niyo sila mundo? Paano naman ang gumawa sa mga tinuturing niyong mundo o
mismong sayo, ni minsan ba napansin niyo ang sakripisyo nila. Kulang na nga lang tanghalin sila na martir ng
taon dahil gaano ka man kasama tanggap ka nila at mahal ka nila. Tayong mga anak kasi kung pahalagahan
ang ibang tao wagas. Bakit hindi natin sila pahalagahan dahil sila dapat ang tinuturing nating “worth it”
pag-alayan ng pagmamahal. Kaya’t alam ko ngayon na marami kayong napagtanto, iilan pa lamang ang
nabanggit ko ngunit alam kong marami pang sakripisyo silang hinaharap para sa inyo. Kahit isang I love you
lang oh! o di kaya’y yakap upang gumaan naman ang loob nila at magkaroon sila ng lakas upang harapin ang
bukas nang may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya’t Ma, Pa, Mahal ko kayo…

You might also like