You are on page 1of 1

Pangalan: Adryan John S. Antonio.

Petsa: Ika-14 ng Nobyembre, 2023


Baitang: 12. Portfolio No. 6
Seksyon: St. Raguel the Archangel. Talumpati

Sa ating kagalang-galang direktor ng ating paaralan, Rev. Fr. Carlo Magno C. Ilagan; Ang ating
punong-guro Dr. Randy M. Baja; Ang ating ikalawang punong-guro, Gng. Nelia Maldia, sa ating
mga mahuhusay na guro; sa ating minamahal na mga magulang; at sa ating kapwa mag-aaral,
isang malugod na pagbati sa ating lahat. Narito tayo ngayon upang matuklasan ang pinaka-
inaantay ng bawat isang mag-aaral, ang pagtatapos. Ayon sa isang kasibahan na parati nating
naririnig: “Kapag may tiyaga may nilaga.”. Ang lahat sa atin ay nagsakripisyo, nagsunog ng
kilay, at nagsikap ay may karampatang ginhawa. At patuloy pa rin tayo sumisikap upang
marating ang mga adhikain natin sa buhay. Sa simula ng unang pagtapak natin dito sa
paaralang St. Thomas Academy, alam natin na magbabago ang ating pananaw, mithiin, upang
mahubog ang bawat isa sa atin, upang matupad ang mga pangarap sa buhay bilang isang mag-
aaral.
Sa simula ng unang taon bilang mag-aaral ng isang mataas na paaralan, nagsisimula ang
pagbabago ng pag-aaral. Dito rin nangyari ang paghubog ng ating kaisipan para sa mas mataas
na hamon para isang mag-aaral at bilang isang dalaga't binata. Sa una may daka tayong takot
at kaba; Natatakot sa bagong kapaligiran na ating mararanasan; Kabado sa mga magiging
bagong kamag-aral at guro na makakasalumaha't makaksama sa anim na taon dito sa STA.
Pero sa paglipas ng bawat oras, araw, buwan, at taon nagiging malapot ang ating relasyon sa
isa't isa. Nakabubuo tayo ng mga panibagong kaibigan, nagkakaroon ng mga tawanan, biruan,
kuwentuhan, at kasiyahan sa loob at labas ng silid-aralan. Mas tumatalino tayo at natuto sa
mga bagong aralin na itinuturo mula sa ating mga mahuhusay na guro.

You might also like