You are on page 1of 2

My Favorite Hallucination

By : LUNARIE

“ma! Tama napo! masakit po!, ayoko napo please!” pag mamakaawa ko habang hinahambalos ako ng
aking ina “Yan buti nga sayo masyadong kang tamad! Palamunin ka na nga di kapa gumagawa ng Gawain
bahay!” sambit ng kapatid ko habang pinapanood nila akong mag hirap dahil sa mga hampas ni mama.
“Ano?! Di kappa mag titinong bata ka! Wala kang kwenta sana di nalang kita pinanganak! Mamatay kana
sana!”
“mama sorry po! Tama napo ayoko napo mama” nanghihina kong sambit, ni hindi kona nga maramdaman
ang katawan ko dahil sa mga hampas ni mama parang kahit anong pag mamakaawa ko ay di ako titigilan
ni mama, gusto ko ng umalis sa impyernong bahay nato! Ayoko na!

“tumayo ka dyan! At mag linis ka ng bahay! tignan mo! Tulo tulo nayang dugo mo kadiri ka! Mag linis ka!”
Uto ni mama matapos nyakong bugbugin at habang ako ay nakahiga na lang dahil hindi kona magalaw
ang katawan ko “ano hindi kappa tatayo dyan?!” at sinipa ako ni papa kaya napa suka ako ng dugo “tignan
mo! Nag dudumi ka! Nakaka diri ka! Linisan mo yan baka malintikan kappa sakin!” sigaw ni papa at
umalis na sila sa harapan ko at kumain na.
“o-opo ma, pa” hirap kong sambit at paubo ubo na may kasamang dugo. Tumayo na agad ako dahil baka
kapag hindi pako gumalaw ay baka mapatay nako nila mama. Kahit hirap akong tumayo ay sinubukan ko
parin “Mama! Papa! Antagal gumlaw ni Isabelle oh! Bugbugin mo nga pa!” sapaw ng kapatid ko kaya kahit
masakit sa katawan ay nag madali nakong kumilos at kumuha ng mga panlinis.

Ng matapos nakong mag linis ay tapos na silang kumain kaya didiretcho na sana ako sa kusina upang
kumain ng tira pero ng tignan ko ang mga kaldero ay wala itong laman jaya nilingon ko sila at nakita kong
tumatawa si Olivia at wala namang pake sila mama at papa, babalik n asana ko sa kwarto ko ng mag salita
si papa “Hindi ka kakain ngayon at bukas dahil ginalit moa ng mama mo at tamad ka” malumanay na
sambit nito kaya napatango nalang ako at nakayukong nag lakad pabalik sa kwarto. Ng makapasok nako
sa maliit kong kwarto ay nahiga na lamang ako sa karton kong higaan para kahit papaano ay mabawasan
ang sakit ng katawa ko, nag dasal ako na sana panaginip lang lahat to, na sana di nalanag sila yung
pamilya ko dahil sobrang hirap na. Nang mag hating gabi ay naisipan kong mag layas, kinuha ko lahat ng
damit ko at mga inipong pera ko naisip kong sapat nato para lumayas sa impyernong bahay nato.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay ginamot kona ang mga sugat ko para mabawasan yung sakit.
Handa nakong umalis kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuaan ko para tignan kung may tao paba
sa sala ng makita kong wala ng tao ay dahan dahan akong nag lakad papuntang pintuan palabas pero ng
bubuksan kona ito ay narinig kong may kaluskos kaya nag tago ako sa likod ng cabinet pero dahil sa
katangahan ko ay may nasagi akong kaya nag karoon ng ingay “ Sinong nandyan?!” sigaw ni Olivia na
kakalabas lang sa kwarto nya, “Sino ka?!” sigaw nya habang papalapit sa kinaroroonan ko kaya nag isip
ako at bigla nalang “Meow~~” may pusang tumalon palabas na di ko man lang napansin kaya nagulat si
olivia “Hayss pusa lang pala kala ko kung ano” sambit nito kaya bumalik na sya sa kwarto nya kaya
nakahinga ako ng maluwag “Makakalaya nako sa impyernong to!” bulong ko at dahan dahang binuksan
ko ang pinto, habang binubuksan ko ito ay di mawala sakin ang pakiramdam na kinakabahan dahil kapag
nahuli nila ako ay baka di nako makaalis.

Nabuksan kona ang pinto at sinalubong ako ng malamig na hangin kaya ninamnam koi to dahil alam kong
eto na ang unang hakbang para makatakas ako sa impyernong ito, dali dali kong sinara ang pinto at nag
umpisa ng mag lakad paalis ng bahay.

You might also like