You are on page 1of 2

Chapter 3 (Buko Juice)

"Wow ansaa---rap sa feeling gash." Tuwang-tuwa talaga ako simula pagdating ko rito.
May nakita kasi akong duyan na nakatali sa magkabilang puno ng niyog.
Napapaisip talaga ako ba't ba kasi ang taas ng puno ng niyog. Ayan tuloy kahit uhaw
na uhaw na ang mga mata ko kakatitig sa niyog eh wala akong magagawa... tss Wala
man lang sanga oy.
"Kahit anong titig mo sa puno ng niyog, hindi yan maglalakad palapit sayo" at aba
nandito na ang loko."Akyatin mo kaya" tawang-tawa pa talaga siya niyan.
"Marunong ba ako?" tanong ko sa kaniya na alam niya naman ang sagot. Pumunta siya
sa kalapit na puno ng niyog. Mukhang problemado pa.. kala mo naman kaya niyang
akyatin. Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagkawala ng tansan sa bote ng Vita
milk.
"Aba aba" magsasalita pa nga ako ng ginatungan niya ng chichirya ang bunganga ko.
"Oh! Sige magsalita ka pa" malakas siyang tumawa kaya ayun binatukan ko na.
"As far as i know, last time na pumunta tayo dito umiiyak ka". teka ba't biglang
nag-seryoso to. "Alam mo simula noong araw na iyon sinabi ko sa sarili ko na ayaw
na kitang makitang umiiyak."
"Oy ang sweet mo ata ngayon, ano ulam niyo? Asukal?" pagsasalita ko nang sa wakas
ay natapos ko na nguyain ang chichirya.
"Wala lang, ampanget mo pala kasi umiyak" Aba loko to ah.
"Oppp,, Makabatok kanaman ansakit na ah, lunurin kaya kita--- sa dagat." hinampas
ko ulit.
Pansin ko rin kasi na simula talaga noon ay iniiwasan niya akong takutin, iprank,
at hampas-hampasin. Kaya ngayon ako nanaman ang gumagawa sa kaniya ng mga ganoon,
I'll grab the oppurtunity na.
Naramdaman ko na lang na tumabi na pala siya sa akin sa duyan."'Pag tayo nahulog
dito, naku naku." Inayos niya ang pagkakaupo at kumain ulit.
"El alam mo, namiss koto." at bigla nalang siya sumandal sa duyan.
"Namiss mo yong alin.. MAMA mo o yung bago mong crush?" Napadilat siya sa sinabi
ko."May alam ka bang tindahan malapit dito? Bili ka muna common sense, tag piso
lang yon oy." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Eh, Bakit mo ba miss na ganito palagi naman tayong magkasama. Naiinis na nga ako
sa mukha mo 24/7 kong nakikita." pinitik niya yong noo ko na dahilan ng pagkagulat
ko.
"ANG TANGAAA... Tita Lourdes naku ang anak niyo...tsk" hala nag-aacting pa siyang
parang problemado."Namiss ko yong ganito tayo, nasa tabi tapos we let the
surroundings give us peace of mind, kahit lipad naman yang utak mo. I also miss
this bond. We talk like this, no rants and misunderstandings.This place will be
forever in my heart, yung kapag nandito kasi tayo parang nakakachill.And I'll
consider this as my favorite place." tumikhim ako at biglang naalala ang
pagsasamahan namin.
"Our favorite place." saad ko habang nakangiti sa kaniya. Bigla niya lang akong
kinurot sa pisngi at tumawa.
"Naalala mo noong kinder?" at gumuhit muli ang mga ngiti sa kaniyang labi akalain
mo 'yon ano na naman kaya ang naalala nito.
"Teka noong Grade 2 kaya tayo nagkakilala, nakalimutan mo yun? yong sa park."
"Patapusin mo kaya muna ako." and he actually roll his eyes wow that's new tawa ko
nalang.
"Noong kinder palang tayo kilala na kita, at saka naging magkaibigan tayo noong
grade 2 ayy tanga." ah ganoon pala ang ibig niyang sabihin hehe.
"Inaaway ka noong batang lalaki ano nga yong pangalan noon Pepper?" tumawa ako ng
malakas.
"Huh? Anong Pepper., Piper yon dong." tawa ko ulit tas inirapan niya na naman ako.
"ah Oo Piper, makatawa ka naman gurl, umiyak ka kaya noon." tumahimik tuloy
ako."Hahaha asar na siya,. perfect timing din kasi yon may dala akong buko juice at
imbis na inumin iyon, ibinigay ko nalang sayo Haha ewan ko ba pero dahil doon
tumahan kana."
"Kaya pala noong nakaraang birthday ko, sampung buko juice yong binigay mo sakin."
nagulat naman siya sa sinabi ko as in kapag siya nagulat with wide eyes open.
"Oy, iyon kaya yung dahilan kung bakit nagkakilala tayo. After you drink the
coconut juice you gave your name, that's why I also gave mine." namula na lamang
ako dahil naalala ko iyon.That time kasi naging crush ko siya, at iyon yung secret
na never niyang nalaman at wala akong planong sabihin.HEHEz

You might also like