You are on page 1of 1

Filipino sa Piling Larangan

Test II:Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang kasabihang ito “Hindi para sa tamad ang pagsusulat,
dahil pag binisita ng ideya, gana o inspirasyon kailangan mong itigil ang
lahat para lang di masayang ang pagkakataon.
=Ang kasabihang ito ay nangangahulugang ang pagsusulat ay para sa mga taong may
pagmamahal at may gusto nito. Mayroong mga taong hilig ang pagsusulat at sa paraan na ito ay
naipapakita nila ang lawak ng kanilang imahinasyon at kung ano ang kanilang saloobin. Gaya ng
nasa pahayag na nabanggit, ang katamaran ay hindi makakatulong sa isang manunulat na
umasenso at matuto ng maraming kaalaman. Dahil kapag hindi nito nabibigyan ng pansin o
interes ang bagay na ito ay hindi mo na maipagpapatuloy ang maari mong magagawa sa susunod
ng dahil sa hindi mo ito binibigyan ng pansin. Ang mga ideya at opportunidad na dumadating sa
ating buhay ay minsan lamang kaya ang pagsusulat ay maaaring maihambing natin sa ating
buhay sapagkat kailangan nating magpatuloy at maging dedikado sa bawat bagay upang umunlad
at hindi masayang ang pagkakataon na siyang aangat sa atin sa hinaharap.

You might also like