You are on page 1of 11

KASANAYAN SA

AKADEMIKONG
PAGSULAT
Sem. Jonathan DePadua Racelis
ANG PAGSUSULAT
Ay isang natatanging gawain at isang mahalagang
salik sa pag-unlad hindi lamang ng isang indibidwal
kundi maging ng isang lipunan.
Subalit hindi sinang-ayunan ng mga manunulat ang
huwad na paniniwala na ang pagsulat ay isang
gawain na nauukol para sa iilang tao lamang.
 Walang misteryo o mahika sa likod ng isang sulatin at sa katunayan ay MAAARI
ITONG MATUTUNAN NG KAHIT NA SINO.
 Ang pagsulat ay walang iniwan sa iba pang kasanayan, tulad ng…
1. PAGBUBURDA 2. PAGHAHABI 3. PAGTUGTUG NG INTRUMENTO
Mga kasanayang
HINDI NAMAN TAGLAY NG ISANG TAO
SA KANYANG PAGSILANG
bagkus ay
NALILINANG AT MAAARING
MATUTUNAN
SA KANYANG PAGLAKI.
Napapansin na sa mga gawaing pampagkatuto sa mga
paaralan ay laging panghuli sa paglinang ng kasanayan
ng mga mag-aaral ang pagsulat.

Nangangahulugan lamang na ito na sadyang hindi


gawang biro ang pagsulat at kailangan munang ihanda
ang pisikal, intelektwal at emosyonal na kalagayan ng
mag-aaral bago tuwirang isabak o ipalaot sa aktwal na
pagsulat.
Isa sa mga kadahilanan kung bakit hindi nagiging
matagumpay ang paglinang sa nasabing kasanayan ay ang
maling lapit o dulog na ginagamit ng mga guro.

Subalit hindi lamang ito, nariyan din ang mga maling


pamahiin o paniniwala hinggil sa pagsulat na
nagsisilbing isang malaking hadlang tungo sa ganap na
pagkatuto ng mga mag-aaral.
PAGSUSU
LIT
UNANG NUMERO

Ano ang titulo ng aking ulat?


IKALAWA HANGGANG IKA-APAT NA
NUMERO
Ano ang mga kailangang
ihanda sa isang indibidwal
bago tuwirang isabak o ipalaot
sa aktwal na pagsulat?
IKALIMANG NUMERO
Magbigay ng isa sa mga
kadahilanan kung bakit hindi
nagiging matagumpay ang
paglinang sa nasabing
kasanayan.
MGA SAGOT
1. KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

2-4. Pisikal, Intelektwal at Emosyonal

5. Maling Lapit o Dulog


- Pamahiin o Paniniwala

You might also like