You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN

MGA KONTEMPORARYONG ISYU


IKA-APAT NA MARKAHAN – IKATATLO LINGGO

MOST ESSENTIAL LEARNING


COMPETENCIES
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at
pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan

MODYUL 3: MGA KARAPATANG PANTAO

Maraming pagkakataon na nababasa sa mga


pahayagan, naririnig sa radyo, napanonood sa
telebisyon, at napag-uusapan ang paksa tungkol
sa karapatang pantao. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa mga taong iyong
masasalubong kung ano ang ibig sabihin ng
Gawain 1: Human Rights Declared
karapatang pantao, iba't ibang sagot ang iyong
makukuha. Ito ay dahil sa iba't ibang Magsaliksik tungkol sa mahahalagang probisyon
karanasang humubog sa kanila batay sa ng sumusunod na dokumentong naglalahad ng
kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at lipunang
mga karapatang pantao. Isulat ang mga
kanilang kinabibilangan. Taglay ng bawat tao
ang mga karapatang nakabatay sa prinsipyo ng probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa
paggalang sa isang indibiduwal. Lahat ng pangalawang kolum.
nabubuhay naindibiduwal ay may taglay na mga
karapatan dahil bawat isa ay nararapat na
tratuhin nang may dignidad. Saklaw ng tao ang
kaniyang mga karapatan sa aspektong sibil,
poltikal, ekonomikal, sosyal, at
kultural. Makikita sa kasunod na diyagram ang
kontekstong historikal ng pag-unlad ng konsepto
ng karapatang pantao mula sinaunang panahon
hanggang sa pagkabuo ng Universal Declaration
of Human Rights ng United Nations noong 1948.

Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit mahalaga ang mga binanggit na


dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng
karapatang pantao?
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng
mga dokumento batay sa buong tsart?
3. Ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol
sa pag-unlad ng karapatang pantao sa iba't
ibang panahon?
Gawain 2: Connecting Human Rights Then
and Now

Pumili ng isang karapatang pantao na


nakapaloob sa alinman sa tinalakay na
dokumento. Magbigay ng halimbawa,
situwasiyon o pangyayari sa iyong komunidad
na nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad
ito sa kasalukuyan. Ipakita ang gawaing ito sa
maikiling paraan. Sundin ang nasa loob ng
kahon.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang karaniwang karapatang pantao ang


ipinakita sa malikhaing gawain?
2. Ano ang patunay na nagaganap at
ipinatutupad sa kasalukuyan ang mga naturang
karapatang pantao?
3. Nararapat bang maging bahagi ng buhay ng
mamamayan ang mga nabanggit na karapatang
pantao? Bakit?

You might also like