You are on page 1of 1

(Inigo)Magandang umaga, kami nga pala ang ikalawang grupo.

Ngayong ay tatalakayin naman natin ang mga kilos na


dapat panagutan. Bago ang lahat ano muna ang makataong kilos

(Kait)Ang makataong kilos ay tumutukoy sa mga kilos kung saan ginagamit ang pagkukusa, kalayaan, at kaalaman ng
tao. Dahil ang mga makataong kilos ay ginagamitan ng kalayaan at kaalaman, ang tao ay responsable para sa mga kilos
na ito, maging maganda man o masama ang resulta ng mga ito.

(Inigo)*May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act)

(Freona)*ang kilos ng tao (acts of man) : Isa sa dalawang uri ng kilos tao ay ang kilos ng tao o acts of man ito ay hindi
kinakailangang gamitan ng pag-iisip. Kahit hindi ito iniisipito ay kusang ginagawa ng katawan ng tao. Ito ay mga pagkilos
na bunga ng biyolohikal at pisyolohikal na proseso ng katawan ng tao. Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng limang
pandama tulad ng paningin, pang-amoy, pandinig,panlasa at pansalat.

(Jaida)*Ang Makataong Kilos(human act) Ito ay tumutukoy sa mga kilos na gumagamit ng pagkukusa, kalayaan, at
kaalaman ng isang tao. Dahil dito, ang tao ay nagiging responsable para sa mga kilos na ito maging maganda man o
masama ang resulto ng iyong kilos.

(Inigo)*Ano naman kaya ang pananagutan ?

(Danielle)Ang pananagutan ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo. Ang pananagutan,
kapag hindi ginawa, ay may karampatang mga resulta na karaniwa'y negatibo.

(Kait) Halimbawa nito ay Sa sobrang tuwa ng lalaki ay nabunggo at nagulo niya ang proyektong ginagawa ng kanyang
kamag-aral. Ang pananagutang ginawa niya ay humingi ng tawad at tinulungan nito na simulan muli ang proyekto.

(Jaida) Isa pang halimbawa nito ay Si Gracia ay mahina sa asignaturang matematika, kaya naman madalas niyang
tanungin si Jasper dito, minsan ay nainis ito sa pag tatanong at hindi na siya tinuruan. Kaya naman nag aral siyang
mabuti para di na mag tanong sa iba.

(Inigo)*Mayroon tayong Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan. Ito ay kusang loob, di kusang loob at walang kusang
loob

(Changmi)1.Kusang Loob Ang kusang loob ay tumutukoy sa mga kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang taong
gumagawa ng kilos ay may ganap na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kanyang mga ginagawa. Halimbawa
nito ay… *lingon kay Timothy

(Timothy)Ang isang punung-guro na buong pusong ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapamahala ng
paaralan. Sinisiguro niya ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan, ang kaayusan at kalinisan ng
buong paligid upang makaiwas sa anumang sakit.

(Althea)2.Ang di-kusang loob ay ang paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na
hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. Ang halimbawa nito ay…*lingon kay Princes

(Princes)Inutusan ka ng iyong nanay na linisin ang iyong kwarto ngunit ikaw ay tinatamad ngunit ng nalaman mong hindi
ka makaaalis ng bahay kapag di mo ito ginawa ay ginawa mo na lamang ito kahit mabigat sa kalooban mo para lamang
makapunta ka sa parke kasama ang mga kaibigan mo. may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa
kahit pa labag ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kulang ng pagsang-ayon at pagkukusa.

(Jerome)3.Walang kusang loob Dito ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos.Ang kilos na ito ay
hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa Halimbawa: Hinahayaan ang isang bagay sa
isang tabi na nakakalat kahit alam mo sa sarili mong kailangan mo itong ayusin.

(Inigo)Ngayon ay natalakay na natin ang mga kilos na dapat panagutan. Ano nga ulit ang pananagutan base sa inyong
pagkakaunawa? (Kait) Lagi nating tatandaan na ang pagkakaroon ng pananagutan sa nagawang kilos ay tungo ito sa
pagiging makatao. Maraming maraming salamat sa inyong pakikinig. Nawa’y may natutunan kayo.

You might also like