You are on page 1of 6

10

Araling Panlipunan
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Ikaapat na Markahan
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
MGA ORGANISASYONG NAGTATAGUYOD NG
KARAPATANG PANTAO

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawain sa Pagkatuto

Manunulat: JASTIN G. JALECO


Teacher I (Camarines Sur National High School)

Tagalapat: JASTIN D. JALECO, TI – AP (Camarines Sur National High School)


ADONIS M. BAÑAS, MTI – AP (Camarines Sur National High School)

Tagasuri: NELIA F. HERNANDEZ, TIII-AP (Naga City Science High School)


MARILYN L. AZAÑA, MT II – AP (Concepcion Pequeňa National High School)
EVANGELINE V. MAGALONA, HT VI-AP (Camarines Sur National HS)
ADONIS M. BAÑAS, MTI – AP (Camarines Sur National High School)
JARME D. TAUMATORGO, EPS-AP-SDO Naga City

1
10
ARALING PANLIPUNAN 10
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
MGA ORGANISASYONG NAGTATAGUYOD NG KARAPATANG PANTAO

Pangalan: ___________________________ Seksiyon:______________ Petsa:________

Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto

Most Essential Learning Competency (MELC)


Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Tiyak na Layunin:
1. Naisa-isa ang mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao.
2. Natalakay ang mga gampanin/tungkulin ng mga organisasyong nagtataguyod ng
Karapatang Pantao.
3. Nakagawa ng isang Promotional Poster na nagpapakita ng kahalagahan na
ginagampanan ng mga organisasying nagtataguyod ng karapatang pantao.

Panimulang Konsepto

Alam mo ba na may mga organisasyon na nakatuon


ang kanilang adhikain sa pangangalaga ng
karapatang pantao? Ang mga nasabing organisasyon
ay hindi lamang makikita sa mga internasyonal na
samahan bagkus ito rin ay makikita sa ating bansa
kung saan ito ay kadalasang pinangungunahan ng
mga pribado o karaniwang mamamayan.
Pinagkunan: canva.com
Sa pag-usbong ng mga nasabing samahan ay tiyak
na napapaigting ang pagprotekta at pangangalaga sa
karapatang pantao at kaakibat nito ang pagpapalakas
ng kakayahan ng mga mamamayan na igiit ang
kanilang karapatang pantao.

2
Maikling Talakayan:

Mga Internasyonal na Organisasyon

Pinagkunan: tinyurl.com/7nn9rxka
Amnesty International
Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.” Pangunahing
adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng
mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang
mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Pinagkunan: tinyurl.com/wzxynxc9
Global Rights
Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang
karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalalakas
din nito ang mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso
sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang
pantao at makapagbigay ng serbisyong-legal.

Pinagkunan: tinyurl.com/s4h7emwh
Asian Human Rights Commission (AHRC)
Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang
pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.

Pinagkunan:
African Commission on Human and People’s RightsIto ay isang quasi-judicial body
tinyurl.com/ypx3czpc
na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang
karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and
People’s Rights.

Mga Nasyonal na Organisasyon

Pinagkunan:
Commission on Human Rights (CHR) tinyurl.com/7xr3vjz9

Ito ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga
mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National Human Rights Institution (NHRI)” ng
Pilipinas. Ilan sa mga ginagawa ng CHR ay ang pagdodokumento at pangangasiwa ng
mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at
serbisyong legal sa mga biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at
rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagsasagawa
ng mga forensic at medico-legal service.

Pinagkunan:
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) tinyurl.com/578cwj8y
Nilalayon nito naitaguyod, pangalagaan, at isakatuparan ang tunay na pag-iral ng mga
karapatang pantao sa bansa.

3
Pinagkunan:
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) tinyurl.com/jk6rrpn3
Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at sa UN
Economic and Social Council. Hangad ng PhilRights na magkaroon ng bansang may
kultura ng pagkakapantay-pantay ng tao.

Pinagkunan:
tinyurl.com/38rjmyw2

KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights


Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa
mga programa ng alyansa ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga
mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta sa mga gawaing
magtataguyod sa karapatang pantao.

Pinagkunan:
Free Legal Assistance Group (FLAG) tinyurl.com/22p9kn93
Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at
nangangalaga ng mga karapatang pantao. Ilan sa mga adbokasiya ng FLAG ay ang
paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa kadahilanang politikal, pang-aabuso ng
militar at kapulisan, at parusang kamatayan.

Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Pinagkunan: tinyurl.com/c4dx8pj6

Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din
ang samahan ng suportang legal, pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at
kanilang pamilya.

Mga Gawain

Gawain 1: Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin kong alin sa mga sumusunod na organisasyong ang nagtataguyod ng
karapatang pantao. Isulat ang sagot sa patlang.

_________________ 1. Kinikilala ang ang organisasyong ito bilang “National Human Rights
Institution (NHRI)” ng Pilipinas.
_________________ 2. Ang motto ng organisasyong ito ay “It is better to light a candle than
to curse the darkness.”
_________________ 3. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na
nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao.
_________________4. Ang pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito
naitaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang
gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.
_________________ 5. Nagkakaloob ang samahan ng suportang legal, pinansiyal, at moral
sa mga political prisoner at kanilang pamilya.

4
Gawain 2: I-Lista Mo
Panuto: Isulat ang mga mahahalagang gampanin/tungkulin ng mga natalakay na
organisasyon sa loob ng lobo at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na gampanin ng mga nasabing


organisasyon ang sa tingin mo ay mahalaga sa lahat? Isalaysay.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Sa iyong obserbasyon, sapat na ba ang mga nasabing organisasyon at ang kanilang


mga tungkulin upang matugunan ang kasalukuyang mga paglabag at pang-aabuso sa
karapatang pantao? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 3: Promotional Poster


Panuto: Gumawa ng isang Promotional Poster na nagpapakita ng kahalagahan na
ginagampanan ng mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao.

5
Rubrik sa Pagmamarka

Gawain 3:

Nilalaman 10
Kaugnayan sa Paksa 5
Paggamit ng Salita 5
Kabuuan 20pts.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: 1. Commission on Human Rights (CHR) 3. Free Legal Assistance Group (FLAG)
2. Amnesty International 4. Global Rights
5. Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)

Sanggunian
LIBRO:
*Modyul sa Araling Panlipunan 10 (Draft)

You might also like