You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN

MGA KONTEMPORARYONG ISYU


IKA-APAT NA MARKAHAN – IKA-APAT LINGGO

MOST ESSENTIAL LEARNING tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging


COMPETENCIES malaya. Binubuo naman ng mga karapatang
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21.
pangangalaga sa karapatang pantao sa Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural.
Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo
(Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na
MODYUL 4: Ang Universal Declaration of itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
Human Rights at ang Bill of Rights Makikita sa kasunod na diyagram ang buod ng
mga piling karapatang pantao na nakasaad sa
 Bibigyang pansin sa bahaging ito ang UDHR.
mga dokumento ng Universal
Declaration of Human Rights at ang Bill
of Rights ng ating SaligangBatas ng
1987. Ipaliliwanag dito ang
kahalagahan ng mga to sa ating papel
bilang mabuting mamamayan sa
lipunan.
Ang Universal Declaration of Human Rights
(UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat
indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto
ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang
karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at
kultural. Nang itatag ang United Nations noong
Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga
bansang kasapi nito na magkaroon ng
kongkretong balangkas upang matiyak na
maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan
ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa.
Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General
Assembly noong 1946. Nabuo ang UDHR nang
maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights
Commission ng United Nations si Eleanor
Roosevelt - ang biyuda ni dating Pangulong
Franklin Roosevelt ng United States.
Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan Unawain ang diyagram sa ibaba
ng mga pangunahing karapatang pantao at
tinawag ang talaang ito bilang Universal
Declaration of Human Rights. Malugod na
tinanggap ng UN General Assembly ang
UDHR noong Disyembre 10, 1948 at
binansagan ito bilang International Magna Carta
for all Mankind" Sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas
ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal
sa isang dokumento. Ito ang naging
pangunahing batayan ng mga demokratikong
bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-
batas Umabot nang halos dalawang taon bago
nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa
UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR,
inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao
Gawain 3: Mga Scenario: Paglabag at
Hakbang

Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan


tungkol sa mga situwasiyon sa bansa o ibang
bahagi ng daigdig na may paglabag sa
karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang
pagsagot sa hinihinging mga datos.

Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa


karapatang pantao ang iyong nakuhang
larawan o artikulo?
2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng
taong biktima ng paglabag sa karapatang
pantao at sa lipunang kaniyang
kinabibilangan?
3. Ano ang iyong maaaring imungkahi
upang maiwasan ang pagiubha ng mga
situwasiyong dulot ng paglabag sa mga
karapatang pantao?

Mga Organisasyong Nagtataguyod sa


karapatang pantao
Malaki ang bahaging ginagampanan ng
mga organisasyong nagtataguyod sa mga
karapatang pantao. Sa tulong ng mga
mamamayan at ng pamahalaan,
nakaiimpluwensiya ang mga pandaigdigan
at lokal na samahang ito upang magkaroon
ng isang lipunang nagtataguyod ng mga
karapatang pantao. Makikita sa
talahanayan ang ilan sa tanyag na sa
pandaigdigang organisasyong nagbibigay-
proteksiyonn karapatang pantao
Gawain 4: Hagdan ng Pagsasakatuparan

Pumili ng isang organisasyong nagtataguyod ng


karapatang pantao sa daigdig o sa ating bansa.
Magsaliksik sa piniling organisasyon.
Pagkatapos ay buuin ang diyagram batay sa
hinihingi ng bawat baitang sa hagdan. Isulat ang
sagot sa lalim ng baitang.

Pamprosesong Tanong

1. Nararapat ba na pagtuunan ng pansin ng


iyong piniling organisasyon ang isyung inilahad
sa diyagram? Bakit?
2. Makatuwiran ba ang aksiyong isinagaa
agawa ng organisasyon upang
maitaguyod/mapangalagaan ang karapatang
pania ng mga sangkot/biktima? Bakit mo
nasabi?
3. Kung ikaw ang pinuno ng nasabing
organisasyon, anong hakbang o solusyon ang
iyong isasakatuparan upang matugunan ang
naturang isyung may kaugnayan sa karapatang
pantao?

You might also like