You are on page 1of 7

ANG UNIVERSAL

DECLARATION OF HUMAN
RIGHTS AT ANG BILL OF RIGHTS
• Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat
aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil,politikal, ekonomiko, sosyal,
at kultural
• Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24,1945, binigyangdiin ng mga bansang kasapi
nito na mag karoon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman
at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay nagging bahagi sa
adyenda ng UN General Assembly noong 1946
• Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ngUnited
Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong FranklinRoosevelt ng United
States. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mgapangunahing karapatang pantao
at tinawag ang talaang ito bilang Universal Declarationof Human Right
• Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre10, 1948 at
binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa Kauna unahang pag
kakataon, pinag sama sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa
isang dokumento. Ito ang nagging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pag
buo ng kani-kanilang saligang batas.

• Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR.
Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na Karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay pantay at pagiging Malaya.
• malaki ang kaugnayan ng UDHR sa karapatang pantao ng bawat isa. kung maisasakatuparan
natin ito magiging maayos at mapayapa ang ating lugar. may pag galang sa bawat tao at may
tunay na kapayapaan para sa lahat.

• ang UDHR ang naging gabay ng maraming bansa para panatilihing payapa at maitaguyod ang
karapatan ng bawat isa.

• isa ang pilipinas sa mga nagbigay kahalagan sa dignidid at karapatan ng tao. ayin sa seksyon
11 ng artikulo 2 " the state values the dignity of every human person and guarantees full
respect for human rights."

• ang bill of rights ng konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang


karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon. meron ding mga karagdagang karapatan
ng mga indibiduwal na nakapaloob sa seksyon 8,11,12,13,18(1), at 19.
Uri ng mga Karapatan

NATURAL RIGHTS- ito yung mga karapatang taglay ng bawat isa kahit hindi pa pinagkakaloob
ng estado.
Halimbawa: karapatang mabuhay, karapatan maging malaya, karapatang mag aral, at marami pang
iba.

CONSTITUTIONAL RIGHTS- Karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.


Halimbawa:

KARAPATANG POLITIKAL- Karapatang makilahok ng bawat isa sa pagtatag o pangagasiwa


ng isang pamahalaan.

KARAPATANG SIBIL- karapatang nag ti-tiyak sa bawat indibidwal na maging maayos ang
kanilang pamumuhay, at naaayon sa gusto nila ng walang nilalabag na anumang batas.
KARAPATANG SOSYU-EKONOMIK – Karapatang nagsisiguro sa katiwasayan ng buhay ng isang
endibidwal at pang ekonomikong kalagayan ng mga ito.

KARAPATANG NG AKUSADO- Ito yung karapatang ng isang nagkasala na mabigyan ng proteksyon.

STATUTORY RIGHTS- Mga karapatang binuo ng isang batas at pwede ding maalis gamit ang
panibagong batas.
Halimbawa: Pag papatupad ng minimum wage.

You might also like