You are on page 1of 41

Pandaigdig na

Pagpapahayag ng
mga Karapatan ng
Tao

Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng


Tao (Ingles: Universal Declaration of Human Rights o
UDHR) ay isang makasaysayang dokumento na
pinagtibay ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga
Nagkakaisang Bansa sa kanyang ikatlong pulong noong
10 Disyembre 1948 bilang Resolusyon 217 sa Palais de
Chaillot sa Paris, Pransya. Sa 58 miyembro ng mga
Nagkakaisang Bansa noon, 48 ang bumuto nang pabor,
walang kumontra, walo ang di-lumahok, dalawa ang
hindi bumoto.[1]
Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

Si Eleanor Roosevelt kasama ng Pandaigdigan na


Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao sa wikang Ingles.

Nilikha 1948

Niratipika 10 Disyembre 1948

Lokasyonn Palais de Chaillot, Paris

Mga may akda Komite ng Burador[a]

Katungkulan Karapatang Pantao

Read online Pandaigdigan na


Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao at
Wikisource
Paskil

Ang mga pinagtibay na karapatang pantao ng Pangkalahatang


Lupon ng mga Nagkakaisang Bansa noong kanyang ika-183
pagpupulong na ginanap sa Paris noong 10 Disyembre 1948

Binubuo ang Pahayag ng 30 artikulo na nagpapatibay ng


mga karapatan ng indibiduwal na kahit hindi legal na
mabisa mismo, ay pinainam sa mga kasunod na
pandaigdigang kasunduan, ekonomikang paglilipat,
instrumento ng panrehiyong karapatang pantao,
pambansang saligang batas, at iba pang mga batas. Ang
Pahayag ang naging unang hakbang sa proseso ng
pagbubuo ng Pandaigdigang Panukalang Batas ng
Karapatang Pantao na nakumpleto noong 1966, at
nagkabisa noong 1976, matapos maipatibay ang mga ito
ng mga sapat na bansa.

Ipinangangatuwiran ng iilang iskolar-legal na dahil


palaging nananawagan ang Pahayag ng mga bansa nang
mahigit sa 50 taon, nagkabisa ito bilang bahagi ng
nakaugaliang pandaigdigang batas.[2][3] Gayunman, sa
Estados Unidos, hininuha ng Kataas-taasang Hukuman
ng Estados Unidos sa Sosa v. Alvarez-Machain (2004)
na ang Pahayag "ay hindi nagpapataw ng obligasyon
bilang bagay ng pandaigdigang batas."[4] Hininuha rin ng
mga korte ng ibang bansa na hindi bahagi mismo ang
Pahayag sa lokal na batas.[5]
Istruktura at nilalaman
Ipinakilala ang saligang istruktura ng Pandaigdigan na
Paghayag sa kayang ikalawang burador na inihanda ni
René Cassin. Nagtrabaho si Cassin worked mula sa
unang burador na inihanda ni John Peters Humphrey.
Naimpluwensyahan ang istruktura ng Code Napoléon,
kabilang ang panimula at pambungad na
pangkalahatang prinsipyo.[6] Inihambing ni Cassin ang
Paghayag sa portiko ng isang Griyegong templo na may
pundasyon, hakbang, apat na haligi, at isang pedimento.

Binubuo ang Pahayag ng panimula at tatlumpung


artikulo:

Binabalangkas ng panimula ang mga makasaysayang


at panlipunang dahilan na humantong sa
pangangailangang iburador ang Pahayag.
Natatag ng mga artikulo 1–2 ang mga saligang
konsepto ng dignidad, kalayaan, at pagkakapantay-
pantay.
Natatag ng mga artikulo 3–5 ang mga iba pang
indibiduwal na karapatan, tulad ng karapatan sa
buhay at pagbabawal ng pang-aalipin at
pagpapahirap.
Tumutukoy ang mga artikulo 6–11 sa saligang
legalidad ng karapatang pantao na may mga tiyak na
remedyo na nabanggit para sa kanilang pagtatanggol
kapag nilabag.
Natatag ng mga artikulo 12–17 ang mga karapatan
ng indibiduwal sa komunidad (kabilang ang mga
bagay tulad ng karapatan ng pagkilos).
Pinagtibay ng mga artikulo 18–21 ang mga
diumano'y "kalayaan sa saligang batas" at kasama
ng kalayaang espirituwal, pampubliko, at
pampulitika, tulad ng kalayaan ng pag-iisip,
pananaw, relihiyon at budhi, pagpapahayag, at
mapayapang pagpupulong ng indibiduwal.
Pinagtibay ng mga artikulo 22–27 ang mga
karapatang ekonomika, panlipunan, at pangkultura,
kabilang ang pangangalaga sa kalusugan. Binabanggit
ng Artikulo 25: "Ang bawat tao'y may karapatan sa
isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa
kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng
kanyang pamilya, kasama na ang pagkain,
pananamit, paninirahan at pagpapagamot at
kinakailangang mga paglilingkod panlipunan."[7]
Mayroon ding karagdagang kapanatagan para sa
seguridad kung sakaling may pagwawalang-kilos o
pagkabalda, at may pantanging pagbanggit ng
pangangalaga sa mga nasa pagkaina at pagkabata.
Natatag ng mga artikulo 28–30 ang mga
pangkalahatang paggamit ng mga karapatang ito sa
mga larangan kung saan hindi mailalapat itong mga
karapatan ng indibiduwal, at hindi sila maaaring
madaig laban sa indibiduwal.

Nababahala itong mga artikulo sa tungkulin ng


indibiduwal sa lipunan at ang pagbabawal ng paggamit
ng karapatan sa paglabag ng mga layunin ng
Organisasyon ng mga Nagkakaisang Bansa.[8]

Kasaysayan
Estado ng Unyon (Apat na Kalayaan) (6 Enero
1941)
36:15
Ang talumpati tungkol sa Estado ng Unyon
ni Franklin Delano Roosevelt noong January
1941 na nagpapakilala ang tema ng Apat na
Kalayaan (simula sa 32:02)
May problema sa pakikinig ng file na ito? Maaaring tingnan ang
tulong sa midya.

Sanligan

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinagtibay ng


mga Kaalyado ang Apat na Kalayaan—kalayaan sa
pananalita, kalayaan sa relihiyon, kalayaan mula sa
takot, at kalayaan mula sa kakapusan—bilang kanilang
pangunahing layunin sa digmaan.[9][10] Ang Karta ng
mga Nagkakaisang Bansa ay "muling pinagtibay ng
tiwala sa pangunahing karapatang pantao, at dignidad
at kabuluhan ng tao" at ipinapangako ang lahat ng
miyembrong estado na magtaguyod ng "pandaigdigang
respeto para sa at pagsunod sa, karapatang pantao at
pangunahing kalayaan para sa lahat nang walang
pagtatangi ayon sa lahi, kasarian, wika, o relihiyon".[11]
Noong naging malinaw na malinaw ang mga kalupitang
ginawa ng Alemanyang Nazi pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, ang pinagkasunduan sa pandaigdig
na pamayanan ay hindi sapat ang kahulugan sa Karta
ng mga Nagkakaisang Bansa tungkol sa mga karapatang
tinutukoy nito.[12][13] Kailangan ang pandaigdigang
pagpapahayag na tutukoy sa mga karapatan ng mga
indibiduwal para mabigyang-bisa ang probisyon ng Karta
tungkol sa karapatang pantao.[14]

Paglikha at pagburador

Noong Hunyo 1946, itinatag ng Konsehong Pang-


ekonomika at Panlipunan ng UN ang Komisyon ng
Karapatang Pantao na binubuo ng 18 miyembro mula sa
iba't ibang nasyonalidad at pinagmulang pulitika.
Itinayo ang Komisyon, isang lawas ng mga
Nagkakaisang Bansa para isagawa ang paghahanda ng
naunawa sa una bilang Pandaigdigang Panukalang Batas
ng Karapatan.[15]

Itinatag ng Komisyon ang espesyal na Komite ng


Burador ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao na pinamunuan ni Eleanor Roosevelt
para magsulat ng mga artikulo ng Pagpapahayag.
Nagkita-kita ang Komite sa dalawang pagpupulong sa
loob ng dalawang taon.

Itinawag ang Kanadiense na si John Peters Humphrey,


Panugot ng Sangay ng Karapatang Pantao ng Kalihim-
Panlahat ng UN para magtrabaho sa proyekto at naging
punong-tagaburador ng Pahayag.[16] Sa panahong iyon,
si Humphrey ang kakahirang na Patnugot ng Sangay ng
Karapatang Pantao sa loob ng Kalihiman ng mga
Nagkakaisang Bansa.[17]

Kabilang sa mga kilalang miyembro ng komite ng


burador sina René Cassin ng Pransya, Charles Malik ng
Lebanon, at P. C. Chang ng Republika ng Tsina.[18]
Ibinigay ni Humphrey ang paunang burador na
pinagtrabahuan ng Komisyon.

Iminungkahi ni Hansa Mehta ng India na idagdag ang


"all human beings are created equal" sa halip ng "all
men are created equal" sa pahayag.

Ayon kay Allan Carlson, ang mga pariralang


makapamilya ng Pahayag ay bunga ng impluwensya ng
kilusang Kristiyanong Demokratiko kay Cassin at
Malik.[19]
Nang matapos ng Komite ang kanyang gawain noong
Mayo 1948, higit pang itinalakay ang burador ng
Sangay ng Karapatang Pantao, ng Konsehong Pang-
ekonomika at Panlipunan, ng Ikatlong Komite ng
Pangkalahatang Kapuluan bago binotohan noong
Disyembre 1948. Sa mga talakayang ito, marami ang
isinusog at ipinanukala ng mga Miyembrong Estado ng
UN.[20]

Bigong-bigo ang mga Britanong kumatawan na ang


panukala ay may moral ngunit walang legal na
obligasyon.[21] (Noon lamang 1976 nang nagkabisa ang
Pandaigdigang Tipan ng Karapatang Sibil at Pampulitika
na nagbigay ng legal na katayuan sa karamihan ng
Pahayag.)
Pagpapatibay

Ipinatibay ang Pandaigdig na Pahayag ng Pangkalahatang


Kapulungan bilang Resolusyon 217 noong 10 Disymbre
1948 sa Palais de Chaillot, Paris, dahil naganap ang
ikatlong Pangkalahatang Kapulungan ng mga
Nagkakaisang Bansa roon.[22] Sa 58 miyembro noon[23]
ng mga Nagkakaisang Bansa, 48 ang bumoto na pabor,
walang tumutol, walong di-lumahok[24][25] at hindi
nakapagboto o nakapag-abstain ang Honduras at
Yemen.[26]

Nagbibigay ang tala ng pagpulong[27] ng nasaksihang


kaunawaan sa debate. Maituturing ang paninindigan ng
Timog Aprika bilang tangka upang maprotektahan
angkanyang sistema ng apartheid na malinaw na
lumalabag sa mga iilang artikulo sa Pahayag.[24]
Naudyok ang hindi pakikilahok ng delegasyon ng Saudi
Arabia dahil sa dalawang artikulo ng Pahayag una sa
lahat: Artikulo 18 na nagsasabi na ang lahat ay may
"kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o
paniniwala"; at Artikulo 16, sa pantay-pantay na
karapatan sa pagkakasal.[24] Nakasentro ang hindi
pakikilahok ng anim na komunistang bansa sa pananaw
na hindi sapat ang pagkokondena ng Pahayag sa
pasismo at Nasismo.[28] Ipinalagay ni Eleanor Roosevelt
na ang hindi pakikilahok ng bansa ng blokeng Sobyet sa
Artikulo 13 na nagbigay ng karapatan ng mga
mamamayan na umalis ng kanilang bansa.[29]
Pagboto sa the plenaryong pulong:Mga luntiang bansa: bumoto na pabor;Mga kahel na bansa: abstained; Mga itim na bansa: hindi nakapag-
abstain o nakapagboto;Mga kulay-abong bansa: hindi bahagi ng UN noong panahon ng pagboboto

Ang 48 bansa na bumoto na pabor sa Pahayag ay:[30]

Afghanistan
Arhentina
Australya
Bagong Silandiya
Belhika
Bolivia
Brasil
Burma
Canada[a]
Colombia
Costa Rica
Cuba
Dinamarka
Ecuador
Ehipto
El Salvador
Estados Unidos
Ethiopia
Gresya
Guatemala
Haiti
Islandiya
India
Iran
Iraq
Lebanon
Liberia
Luksemburgo
Mehiko
Nicaragua
Noruwega
Olanda
Pakistan
Panama
Paraguay
Peru
Pilipinas
Pransya
Republika ng Tsina
Republikang Dominikana
Reyno Unido
Siyam
Suwesya
Syria
Tsile
Turkiya
Uruguay
Venezuela
a. ^ Sa kabila ng mahalagang papel ng Kanadianong John
Peters Humphrey, hindi nakilahok noong una ang
Kanadianong Pamahalaan sa pagboto noong unang burador ng
Pahayag, ngunit kalaunan ay bumuto na pabor sa huling
burador sa Pangkalahatang Kapulungan.[31]

Walong bansa ang hindi lumahok:[30]


Czechoslovakia
Polandya
Saudi Arabia
Unyong Sobyet
Byelorusong SSR
Ukranyong SSR
Timog Aprika
Yugoslavia

Hindi bumoto ang dalawang bansa:

Honduras
Yemen

Nagkamit ng mga ibang bansa ng soberanya at sumali


sa mga Nagkakaisang Bansa sa kalaunan,[32] na
nagpapaliwanag kung bakit kakaunti lamang ang mga
estadong nakapagbigay ng makasaysayang boto.

Araw ng Pandaigdigang
Karapatang Pantao
Ipinagdidiriwang ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng
mga Karapatan ng Tao bawat taon tuwing Disyembre
10, ang anibersaryo ng pagtibay ng Pandaigdig na
Pahayag, at kilala bilang Araw ng Karapatang Pantao o
Araw ng Pandaigdigang Karapatang Pantao.
Inoobserbahan ang paggunita ng mga indibidwal,
pamayanan at relihiyosong group, at ang mga
Nagkakaisang Bansa. Madalas na sinasamahan ang
paggunita bawat dekada ng mga kampanya upang
magtaguyod ng pagkaunawa sa Pahayag at karapatang
pantao. Minarka ng 2008 ang ika-60 anibersaryo ng
Pahayag, at sinamahan ng taunang aktibidad ukol sa
temang "Dignidad at hustisya para sa ating lahat".[33]

Reaksyon

Papuri

Nakatanggap ang Pandaigdig na Pahayag ng papuri mula


sa iilang kilalang tao. Tinawag ito ng Libanong pilosopo
at patalastas na "isang pandaigdigang dokumento sa
unang puwesto ng kahalagahan",[34] habang sinabi ni
Eleanor Roosevelt—unang tagapangulo ng Komisyon
ng Karapatang Pantao (CHR) na nagburador sa Pahaya—
na "maaari ito maging pandaigdigang Magna Carta ng
lahat ng tao kahit saan."[35] Sa isang talumpati noong 5
Oktubre 1995, tinawag ni Papa Juan Pablo II ang
Deklarasyon na "isa sa mga pinakamataas na pahayag
ng budhi ng tao sa ating panahon" ngunit hindi
kailanman pinagtibay ng Vatikano ang Pahayag.[36] Sa
isang salaysay noong 10 Disyembre 2003 sa ngalan ng
Unyong Europeo, sinabi ni Marcello Spatafora na ang
Pahayag ay "naglagay ng karapatang pantao sa gitna ng
balangkas ng prinsipyo at obligasyon na humuhubog ng
relasyon sa loob ng pandaigdigang komunidad."[37]

Pagbatikos

Islamikong bansa

Nilagdaan ng Turkiya, isang estadong sekular na may


lubusang populasyon ng Muslim, ang Pahayag noong
1948.[38] Gayunpaman, sa parehong taon, di-lumahok
ang Saudi Arabia sa boto ng pagpapatibay sa Pahayag,
inangkin na nilalabag niya ang batas Sharia.[39] Hindi
sumang-ayon at binatikos ng Pakistan—na lumagda sa
Pahayag—ang posisyon ng Saudi.[40] Mahigpit
nangatwiran si Pakistanong ministro Muhammad
Zafarullah Khan pabor sa kabilang ang kalayaan sa
relihiyon.[41] Noong 1982, sinabi ng Iranes na kinatawan
sa mga Nagkakaisang Bansa, Said Rajaie-Khorassani, na
ang Pahayag ay "isang sekular na kaunawaan ng
tradisyong Hudyong Kristiyano", na hindi maisagawa ng
mga Muslims nang walang alitan sa Sharia.[42] Noong
30 Hunyo 2000, opisyal na pinasya ng mga miyembro
ng Organisasyon ng Islamikong Kumperensya
(Organisasyon ng Islamikong Kooperasyon ngayon) ang
Pahayag sa Cairo ukol sa Karapatang Pantao sa
Islam,[43] isang alternatibong dokumento na nagsasabi
na ang mga tao ay may "kalayaan at karapatan sa isang
marangal na buhay kaayon ng Islamikong Shari'ah",
nang walang diskriminasyon batay sa "lahi, kulay, wika,
kasarian, panananampalataya, kinaaanibang pulitika,
katayuan sa lipunan o iba pang pagsasaalang-alang".

Talababa
1. Kabilang sina John Peters Humphrey (Canada),
René Cassin (Pransya), P. C. Chang (Republika ng
Tsina), Charles Malik (Lebanon), Hansa Mehta
(India) at Eleanor Roosevelt (Estados Unidos);
tingnan ang seksyon ng Creation and drafting sa
itaas.

Talasanggunian
1. "A/RES/217(III)" (https://web.archive.org/web/2
0190121232151/http://unbisnet.un.org:8080/i
pac20/ipac.jsp?session=14O243550E15G.6095
6&profile=voting&uri=full=3100023~!909326
~!676&ri=1&aspect=power&menu=search&sour
ce=~!horizon) . UNBISNET. Tinago mula sa
orihinal (http://unbisnet.un.org:8080/ipac20/ipa
c.jsp?session=14O243550E15G.60956&profile
=voting&uri=full=3100023~!909326~!676&ri
=1&aspect=power&menu=search&source=~!hori
zon) noong 21 January 2019. Nakuha noong 24
May 2015.
2. Henry J Steiner and Philip Alston, International
Human Rights in Context: Law, Politics, Morals,
(2nd ed), Oxford University Press, Oxford, 2000.
3. Hurst Hannum, The universal declaration of
human rights in National and International Law
(https://cdn2.sph.harvard.edu/wp-content/uploa
ds/sites/13/2014/04/16-Hannum.pdf) , p.145
4. Sosa v. Alvarez-Machain, 542 U.S. 692, 734
(2004).
5. Posner, Eric (2014-12-04). "The case against
human rights | Eric Posner" (https://www.thegu
ardian.com/news/2014/dec/04/-sp-case-against
-human-rights) . The Guardian (sa wikang
Ingles). ISSN 0261-3077 (https://www.worldca
t.org/issn/0261-3077) . Nakuha noong 2020-
01-22.
6. Glendon 2002, pp. 62–64.
7. Universal Declaration of Human Rights (https://
www.un.org/en/documents/udhr/) , United
Nations, 1948
8. Glendon 2002, Chapter 10.
9. "FDR, "The Four Freedoms," Speech Text |" (htt
p://voicesofdemocracy.umd.edu/fdr-the-four-fre
edoms-speech-text/) .
Voicesofdemocracy.umd.edu. January 6, 1941.
Nakuha noong April 25, 2018.
10. Bodnar, John, The "Good War" in American
Memory. (Maryland: Johns Hopkins University
Press, 2010) 11
11. "United Nations Charter, preamble and article
55" (https://www.un.org/en/documents/charte
r/chapter9.shtml) . United Nations. Nakuha
noong 2013-04-20.
12. Cataclysm and World Response (http://www.udh
r.org/history/overview.htm#Cataclysm%20and%
20World%20Response) Naka-arkibo (https://arc
hive.is/20120525091118/http://www.udhr.or
g/history/overview.htm#Cataclysm%20and%20
World%20Response) 2012-05-25 sa Archive.is
in Drafting and Adoption : The Universal
Declaration of Human Rights (http://www.udhr.o
rg/history/overview.htm) Naka-arkibo (https://
archive.is/20120525091118/http://www.udhr.
org/history/overview.htm) 2012-05-25 sa
Archive.is, udhr.org (http://www.udhr.org)
Naka-arkibo (https://web.archive.org/web/2019
0927155113/http://www.udhr.org/history/over
view.htm) 2019-09-27 sa Wayback Machine..
13. "UDHR50: Didn't Nazi tyranny end all hope for
protecting human rights in the modern world?"
(https://archive.is/20120525091118/http://w
ww.udhr.org/history/overview.htm) . Udhr.org.
1998-08-28. Tinago mula sa orihinal (http://w
ww.udhr.org/Introduction/question4.htm)
noong 2012-05-25. Nakuha noong 2012-07-07.
Naka-arkibo (https://archive.is/201205250911
18/http://www.udhr.org/history/overview.ht
m) 2012-05-25 sa Archive.is
14. "UDHR – History of human rights" (http://www.
universalrights.net/main/creation.htm) .
Universalrights.net. Nakuha noong 2012-07-07.
15. Morsink 1999, p. 4 (https://books.google.com/bo
oks?id=w8OapwltI3YC&pg=PA4)
16. Morsink 1999, p. 5 (https://books.google.com/bo
oks?id=w8OapwltI3YC&pg=PA5)
17. Morsink 1999, p. 133 (https://books.google.co
m/books?id=w8OapwltI3YC&pg=PA133)
18. The Declaration was drafted during the Chinese
Civil War. P.C. Chang was appointed as a
representative by the Republic of China, then
the recognised government of China, but which
was driven from mainland China and now
administers only Taiwan and nearby islands
(history.com (http://www.history.com/this-day-
in-history/chinese-nationalists-move-capital-to-
taiwan) ).
19. Carlson, Allan: Globalizing Family Values (htt
p://www.profam.org/docs/acc/thc.acc.globalizin
g.040112.htm) Naka-arkibo (https://archive.is/
20120525091122/http://www.profam.org/doc
s/acc/thc.acc.globalizing.040112.htm) 2012-
05-25 sa Archive.is, 12 January 2004.
20. "Drafting of the Universal Declaration of Human
Rights" (http://research.un.org/en/undhr) .
Research Guides. United Nations. Dag
Hammarskjöld Library. Nakuha noong 2015-04-
17.
21. Universal Declaration of Human Rights. Final
authorized text (http://www.bl.uk/collection-it
ems/universal-declaration-of-human-rights) .
The British Library. September 1952. Nakuha
noong 16 August 2015.
22. "Palais de Chaillot. Chaillot museums" (https://
www.parisdigest.com/monument/palais-de-chail
lot.htm) . Paris Digest. 2018. Nakuha noong
2018-12-31.
23. "Growth in United Nations membership, 1945–
present" (https://www.un.org/en/sections/mem
ber-states/growth-united-nations-membership-1
945-present/index.html) . www.un.org (sa
wikang Ingles). Nakuha noong 2018-02-01.
24. CCNMTL. "default" (http://ccnmtl.columbia.edu/p
rojects/mmt/udhr/udhr_general/drafting_histor
y_10.html) . Center for New Media Teaching
and Learning (CCNMTL). Columbia University.
Nakuha noong 2013-07-12.
25. UNAC. "Questions and answers about the
Universal Declaration of Human Rights" (https://
web.archive.org/web/20120912162219/http://
www.unac.org/rights/question.html) . United
Nations Association in Canada (UNAC). pa. "Who
are the signatories of the Declaration?". Tinago
mula sa orihinal (http://www.unac.org/rights/qu
estion.html) noong 2012-09-12. Naka-arkibo
(https://web.archive.org/web/2012091216221
9/http://www.unac.org/rights/question.html)
2012-09-12 sa Wayback Machine.
26. Jost Müller-Neuhof (2008-12-10).
"Menschenrechte: Die mächtigste Idee der Welt"
(http://www.tagesspiegel.de/politik/internation
al/menschenrechte-die-maechtigste-idee-der-we
lt/1392182.html) . Der Tagesspiegel (sa
wikang Aleman). Nakuha noong 2013-07-12.
27. United Nations. "default" (http://www.un.org/e
n/ga/search/view_doc.asp?symbol=A/PV.183) .
Nakuha noong 2017-08-30.
28. Peter Danchin. "The Universal Declaration of
Human Rights: Drafting History – 10. Plenary
Session of the Third General Assembly Session"
(http://ccnmtl.columbia.edu/projects/mmt/udh
r/udhr_general/drafting_history_10.html) .
Nakuha noong 2015-02-25.
29. Glendon 2002, pp. 169–70
30. "Yearbook of the United Nations 1948–1949 p
535" (https://web.archive.org/web/201309272
21000/http://unyearbook.un.org/1948-49YUN/
1948-49_P1_CH5.pdf) (PDF). Tinago mula sa
orihinal (http://unyearbook.un.org/1948-49YUN/
1948-49_P1_CH5.pdf) (PDF) noong September
27, 2013. Nakuha noong 24 July 2014.
31. Schabas, William (1998). "Canada and the
Adoption of Universal Declaration of Human
Rights" (http://www.lawjournal.mcgill.ca/userfi
les/other/5890478-43.Schabas.pdf) (PDF).
McGill Law Journal. 43: 403.
32. "OHCHR – Human Rights in the World" (http://w
ww.ohchr.org/EN/Countries/Pages/HumanRightsi
ntheWorld.aspx) . www.ohchr.org.
33. "The Universal Declaration of Human Rights:
1948–2008" (https://www.un.org/events/huma
nrights/udhr60/) . United Nations. Nakuha noong
15 February 2011.
34. "Statement by Charles Malik as Representative
of Lebanon to the Third Committee of the UN
General Assembly on the Universal Declaration"
(https://web.archive.org/web/2008092813321
4/http://www.un.org/law/AVLpilotproject/udhr_
audio.html) . 6 November 1948. Tinago mula sa
orihinal (https://www.un.org/law/AVLpilotprojec
t/udhr_audio.html) noong 28 September 2008.
35. Michael E. Eidenmuller (1948-12-09). "Eleanor
Roosevelt: Address to the United Nations
General Assembly" (https://www.americanrheto
ric.com/speeches/eleanorrooseveltdeclarationhu
manrights.htm) . Americanrhetoric.com. Nakuha
noong 2012-07-07.
36. "John Paul II, Address to the U.N., October 2,
1979 and October 5, 1995" (https://www.vatica
n.va/roman_curia/secretariat_state/2003/docu
ments/rc_seg-st_20031210_human-rights_en.h
tml) . Vatican.va. Nakuha noong 2012-07-07.
37. "International human rights defenders honoured
as general assembly marks fifty-fifth
anniversary of universal declaration" (https://w
ww.un.org/press/en/2003/ga10220.doc.htm) ,
United Nations: meetings coverage and press
releases, 10 December 2003
38. "Universal Declaration of Human Rights" (http://
www.mfa.gov.tr/universal-declaration-of-huma
n-rights.en.mfa) . Nakuha noong 2015-10-30.
39. Nisrine Abiad (2008). Sharia, Muslim states and
international human rights treaty obligations: a
comparative study (https://books.google.com/bo
oks?id=dex7TKuoUhgC) . BIICL. pa. 60–65 (http
s://books.google.com/books?id=dex7TKuoUhgC&p
g=PA60) . ISBN 978-1-905221-41-7.
40. Price 1999, p. 163 (https://books.google.com/bo
oks?id=YgF58rl4tCkC&pg=PA163)
41. Hashemi, Nader and Emran Qureshi. "Human
Rights." In The Oxford Encyclopedia of the
Islamic World. Oxford Islamic Studies Online.
42. Littman, D (February–March 1999). "Universal
Human Rights and Human Rights in Islam" (http
s://web.archive.org/web/20060501234759/htt
p://mypage.bluewin.ch/ameland/Islam.html) .
Midstream. Tinago mula sa orihinal (http://myp
age.bluewin.ch/ameland/Islam.html) noong
2006-05-01.
43. "Resolution No 60/27-P" (https://web.archive.or
g/web/20071012192209/http://oic-oci.org/eng
lish/conf/fm/27/27th-fm-political(3).htm#6
0) . Organisation of the Islamic Conference.
2000-06-27. Tinago mula sa orihinal (http://w
ww.oic-oci.org/english/conf/fm/27/27th-fm-po
litical(3).htm#60) noong 2007-10-12. Nakuha
noong 2011-06-02. Naka-arkibo (https://web.ar
chive.org/web/20071012192209/http://oic-oci.
org/english/conf/fm/27/27th-fm-political(3).h
tm#60) 2007-10-12 sa Wayback Machine.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Pandaigdig_na_Pagpapahayag_ng_mga_Karapatan_ng_Tao&ol
did=1977477"
Huling pagbabago: 19:38, 6 Oktubre 2022. •
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 3.0
maliban kung nabanggit.

You might also like