You are on page 1of 2

Learning Activity in Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Taong-Panuruan: 2020-2021
Linggo 3/ Blg. 1

Pangalan: _____________________________ Pangkat: ________ Iskor:______


Marka: _______
Guro: _________________________________ Petsa ng Pagpasa: _______________

I. Kasanayang Pagkatuto: Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit may Lipunang


Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, Prinsipyo ng Pagkakaisa (EsP9PL-Ic-2.1).

II. Layunin: Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit may Lipunang Politikal,
Prinsipyo ng Subsidiarity, Prinsipyo ng Pagkakaisa..

III. Paksa: Lipunang Politikal: Subsidiarity at Solidarity

IV. Mga Kagamitan: Learning Activity Sheet, Panulat


V. Nilalaman/ Konsepto:
Ang pangunahing layunin ng lipunan ay maabot ang kabutihang panlahat
na iyong natutuhan sa unang aralin. Subalit sa patuloy na paglaki ng populasyon
nagging masalimuot na ang ugnayan sa loob ng isang lipunan. Marami ng
interes na kailangang pansinin at pakinggan. Marami ng nagkakaibang pananaw.
Mas nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin.. Ito ang
kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
Tunay nga na nangangailangan ang lipunan ng pagsasayos upang
maharap ang pagpapaunlad ng lahat ng aspeto ng pagkatao ng bawat kasapi
nito. Nangangailangan ang lipunan ng isang mas malinaw na Sistema ng
pagpapasya at pagpapatakbo. Pampolika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos
ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkakaroon ng
maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang
panlahat
Sa usaping pampolitika, pinapangunahan ito ng pamahalaan. Tungkulin
ng mga namumuno sa pamahalaan (nasyonal at lokal) na tugunan ang mga
nasabing suliranin. Sila ay inihalal upang masiguro na ang mga nasabing
suliranin ay mareresolba upang matiyak ang kagalingan ng lipunan .

VI. Halimbawa/Larawan/Guhit

Balikan mo ang alam mo tungkol sa lipunang politikal. Pumili ng limang salita


sa loob ng kahon sa ibaba na maiuugnay sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity, Prinsipyo ng Pagkakaisa. Pagkatapos sundan mo ang mga
kasunod na gawain.

Lakas Karapatan Bansa Konstitusyon


Pagsasabatas Sistemang Legal Estado Pagkamamamayan
Paggawa ng Pantay na Proteksyon Katarunga Pagsasabatas
Desisyon n
Serbisyong Publiko Resolusyon ng Hidwaan Kalayaan
VII. GAWAIN/TANONG

A. Gawain 1

Panuto: Gumawa ng isang Concept Map. Mag-isip ng mga salitang maiuugnay


sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa gamit ang mga
salitang makikita sa kahon sa itaas at ilapat ang mga ito sa mga bilog sa
diagram. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba.

LIPUNANG POLITIKAL
PRINSIPYO NG SUBSIDIARIRITY
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Sagutan ang sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga


salita na iniuugnay mo sa lipunang politikal, prinsipyo ng
subsidiarity at solidarity o pagkakaisa?
2. Para sa iyo, ano ang Prinsipyong Subsidiarity?
3. Para sa iyo, ano naman ang Prinsipyong Pagkakaisa o
Solidarity?

You might also like