You are on page 1of 1

MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG

PAMUMUHAY
ANG SKILLED WORKERS AY DAPAT MAY:

1. Basic Skills - Mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil sa ang mga manggagawa sa
ngayon ay kinakailangang gumamit ng impormasyon sa computer terminals, forms,
charts, instructions, manuals at iba pang impormasyong nakalathala o naka-display.

2. Technical Skills - Ang computer skills ay maaring maging isang pangunahing kailangan
o baseline requirements sa maraming trabaho sa hinaharap. Ang mga manggagawa sa
ngayon ay gumagamit ng patuloy na nagbabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan

3. Organization Skills - Ang mga pagbabago sa estruktura at pamamahala ng mga


organisasyon gayon din ang mga pagbabago sa ugnayan sa pagitan ng manggagawa at
mga tagatangkilik o customer, ay nangangailangan din ng mga karagdagang kasanayan
sa mga manggagawa.

4. Company Specific Skills - Dahil sa patuloy na tumataas at nagbabagong teknolohiya,


nagbabagong merkado at dumaraming katunggali, ang mga kumpanya o industriya ay
napipilitang gumawa ng sariling mga inobasyon, pagbutihin at gawing napapanahon ang
mga produkto at serbisyo

IBA’T-IBANG URI NG CAREER PATH

1. Stead State – nangangailangan ng panghabambuhay na pananatili sa isang trabaho


lamang at patuloy na pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito

2. Linear – nagangahulugang patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding


patuloy na pagtaas ng posisyon at responsibilidad

3. Transistory – nagpapakita ng madalas na pagbabago at naghahanap ng sarisaring


karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang.

4. Spiral – nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o


pitong taon.

You might also like