You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _________________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ______________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan - Unang Linggo
Biyayang Natatanggap: Ipagpasalamat sa Iba’t Ibang mga Pamamaraan

I. Panimula
Bahagi ng pagkatao nating mga Pilipino ang marunong tumanaw ng
utang na loob at magpahalaga sa mga kabutihang ginawa o ibinigay sa
atin. Masasalamin ang ganitong birtud sa tinatawag na pasasalamat.
Mula pagkabata ay tinuruan na tayo ng ating mga magulang na
magsabi ng “ salamat o thank you” sa mga taong gumawa sa atin ng mga
kabutihan. Napakasarap sa pakiramdam kapag nakatatanggap ng
pasasalamat sa taong nagawan ng kabutihan. Ang pasasalamat ay isang
katangi-tanging birtud sapagkat kinikilala nito ang kabutihan ng kapuwa lalo
na sa oras ng mga hamon sa buhay. Binibigyang tuon din nito kung kanino
tunay na nagmumula ang mga biyayang natatanggap. Maraming mga
biyaya ang ating natatanggap sa kapuwa na dapat ipagpasalamat.
Marami ring mga paraan kung paano ipakita ang pasasalamat. Ikaw, ano-
ano ang mga biyayang natatanggap mo mula sa iyong kapuwa at sa
Diyos? Paano mo sila pinasasalamatan?
II. Kasanayang Pampagkatuto
Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob
ng kapuwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

Koda: EsP8PBIIIa-9.1

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matatalakay ang kahulugan ng pasasalamat;
2. maiisa-isa ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang – loob ng
kapuwa at ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat; at
3. mapahahalagahan ang mga kabutihang natatanggap at ang mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

IV. Pagtalakay
Ano nga ba ang pasasalamat?
Ang pasasalamat ay ang gawi na nagpapamalas ng
pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan. Ang pasasalamat ay ang
masigla at magiliw na pakiramdam sa taong gumawa ng kabutihan sa atin.
Ito ay maaaring ipakita sa salita at gawa.
Ang pasasalamat sa Ingles ay Gratitude na hango naman sa tatlong
salitang Latin na gratus (nakalulugod), gratis (libre o walang bayad) at gratia
(pagtatangi o kabutihan). Ang pasasalamat ay gratus o nakalulugod
sapagkat masaya sa pakiramdam kapag alam mong pinahahalagahan ng
isang tao ang iyong kabutihan sa kaniya. Ang pasasalamat ay gratis o libre,
walang bayad sapagkat kapag tumulong ka huwag kang umasa na
susuklian din ang iyong ginawa o maghihintay ka ng kapalit. At ang
pasasalamat ay gratia o pagtatangi o kabutihan sapagkat ito ay ang
pagbabalik ng kabutihan sa mga taong nakagawa o nakapagbigay ng
biyaya sa atin.
Ano-ano nga ba ang mga biyayang ating natatanggap mula sa
kabutihan ng ating kapuwa at sa Diyos?

1. Ang buhay
Ayon sa isinagawang survey sa mga kabataan, pangatlo sa kanilang
ipinagpapasalamat ay ang buhay, bilang pinakadakilang kaloob ng Diyos
sa tao. Kaya nga sa bawat araw-araw na lumilipas huwag kakalimutang
ipagpasalamat sa Diyos ang buhay na taglay natin.
2. Ang pag-aaruga at pagmamahal ng ating pamilya
Sa pamilya unang natututuhan ang lahat ng mga pangunahing dapat
matutuhan ng isang indibidwal. Dito nararanasan ang walang kapantay at
walang hanggang pagmamahal at pag-aaruga ng magulang sa mga
anak. Dahil dito, lubos dapat ang gawing pasasalamat sa ating pamilya higit
lalo sa mga magulang.
3. Ang tulong na mapaunlad ang sarili mula sa mga kaibigan
Isa sa malawak na nasasakop ng tinatawag na kapuwa ang ating
mga kaibigan. Ang mga kaibigan ay ang mga taong pumapangalawa sa
ating pamilya na kasama natin sa hirap at ginhawa. Sila ang mga taong
maaasahan, masasandalan o takbuhan. Bilang tugon, marapat na ibigay
ang ating pasasalamat sa kanila sapagkat ang mga kaibigan ang isa sa

2
mga makatutulong upang mapaunlad ang ating pagkatao, kaibigan ang
madalas na may malaking impluwensiya sa ating sarili.
4. Ang talino at mga talentong taglay ng bawat isa
Ang lahat ng tao ay pinagkalooban ng talino at talento ng Diyos.
Bagamat magkakaiba- iba man ng talino at talentong taglay ang bawat
isa, marapat lamang na ating ipagpasalamat ang mga ito.
5. Ang mga naiturong kaalaman ng ating mga guro
Marapat lamang ang salitang “SALAMAT” para sa mga guro. Ang
mga guro ay hindi maghahangad ng mga materyal na bagay bilang
pasasalamat. Ang makita lamang kayo na kanilang mga mag-aaral na
naging matagumpay sa buhay ay lubos na ang kanilang kasiyahan na
mararamdaman.
6. Ang lahat ng mga biyaya at pagpapalang natatanggap at
matatanggap natin araw-araw
Araw-araw maraming mga biyaya ang ating natatanggap, iba-iba
man ito ng kaparaanan, malaki man o maliit, matuto sana tayong
magpasalamat at maging kuntento sa anumang biyayang ipinagkaloob sa
atin ng ating kapuwa at ng Panginoon, sapagkat wala ang mga ito kundi
dahil sa Kaniya.
Maraming mga biyaya ang dapat nating ipagpasalamat sa ating
kapuwa at sa Panginoon. Ang pag-aalay ng pasasalamat sa taong
gumawa ng kabutihan sa atin ay tanda ng isang taong punung-puno ng
biyaya, isang taong marunong magpahalaga sa mga biyayang
natatanggap.
Paano naman maipakikita ang pasasalamat?
1. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat
2. Magpadala ng liham-pasasalamat
3. Gumawa ng thank you card
4. Magbigay ng munting regalo
5. Pagsasabi ng salitang salamat
6. Suklian ang kabutihang ginawa sa iyo
7. Pagbabahagi ng kabutihan kahit hindi nakikita ng taong tumulong sa iyo
Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa mumunting paraan ay
nakapagdudulot ng tuwa at ligaya sa taong nag-alay ng kabutihan sa atin.
Ibig sabihin nagpapakita ito ng pagkilala sa pagkatao ng indibidwal na
nagbigay ng tulong lalo na sa oras ng pangangailangan.

3
V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad
ng mga sitwasyon at MALI naman kung hindi wasto.
__________1. Hindi kinakalimutan ni Mike na magpasalamat sa kaniyang mga
naging guro.
__________2. Pinasasalamatan lamang ni Annie ang mga taong may
malaking naitulong sa kaniya.
__________3. Sa tuwing nakatatanggap ng biyaya ang mag-anak na Castro
ay hindi nila kinakalimutang magbahagi sa iba.
__________4. Binigyan ni Andrew ng munting regalo ang kaniyang kaibigan
dahil sa pagtulong nito sa paggawa ng kaniyang proyekto.
__________5. Nakararamdam ng kasiyahan si Jian sa tuwing nakikita niyang
pinahahalagahan ng kaniyang mga kaibigan ang kabutihang naitulong niya
sa mga ito.
A. 2. Panuto: Isulat ang mga hinihingi ng mga sumusunod.
1. Mga biyayang natatanggap mula sa kabutihan ng kapuwa at Diyos
a.

b.
c.

2. Paraan kung paano naipakikita ang pasasalamat


a.
b.

Gawain 2: Gawaing Pagganap


B.1. Panuto: Gumawa ng pagninilay nitong mga nakaraang linggo. Isipin ang
mga taong gumawa ng kabutihan sa iyo. Isulat sa unang hanay ang
kanilang pangalan. Sa ikalawang hanay naman ay ang kanilang ginawang
kabutihan. At sa ikatlong hanay naman kung paano mo sinuklian ang
kanilang kabutihan.
Pangalan ng Taong Ano ang ginawang Paano mo sinuklian ang
Gumawa ng Kabutihan kabutihan sa iyo? ginawang kabutihan?
sa Iyo
Hal. Mary ( kaibigan) Tinulungan ako sa aking Niyakap ko siya nang
takdang-aralin mahigpit
1.

4
2.

3.

4.

5.

RUBRIK PARA SA TALAHANAYAN


15 12 9 6 3
Nilalaman Nakumpleto Nakapagbigay Nakapagbigay Nakapagbigay Nakapagbigay
ang ng apat na ng tatlong ng dalawang ng isang
hinihinging pangalan ng pangalan ng pangalan ng pangalan ng
impormasyon taong nakagawa ng nakagawa ng nakagawa ng
, limang nakagawa ng kabutihan at kabutihan at kabutihan at
pangalan ng kabutihan at nalapatan ang nalapatan ang nalapatan ito
taong nalapatan ang mga ito ng mga ito ng ng hinihinging
nakagawa mga ito ng hinihinging hinihinging impormasyon.
ng kabutihan impormasyon. impormasyon. impormasyon.
at lahat ay
nalapatan
ng mga
hinihinging
ideya.
Kabuuang
Puntos
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

B.2. Panuto: Sumulat ng isang liham-pasasalamat para sa taong lubos mong


pinasasalamatan. Pagkatapos ay ipabasa ito sa kaniya at papirmahan.
(Gawin ito sa isang makulay na papel)

RUBRIK PARA SA PAGWAWASTO NG LIHAM


Pamantayan 10 9 8 Puntos
Nilalaman Lubusang Naipakita ang Simpleng
naipakita ang pasasalamat naipapakita
pasasalamat sa kabutihang ang
sa kabutihang nagawa. pasasalamat
nagawa. sa kabutihang
ginawa.

5
Kalinisan at Wastong- May 1 – 2 Hindi mabasa
kaayusan wasto at bura/ dumi sa at may 3 o
napakalinis ng pagkakasulat. higit na bura/
pagkakasulat. dumi sa
pagkakasulat.
Kabuoang puntos:
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos na dapat ipagpasalamat.
A. buhay
B. talino
C. talento
D. kaibigan
2. Tumutukoy ito sa gawi na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong
gumawa ng kabutihan.
A. pasasalamat
B. pagmamahal
C. pagtutulungan
D. pagbibigayan
3. Isa sa malawak na nasasakop ng tinatawag na kapuwa na dapat bigyan
nang lubos na pasasalamat.
A. kakilala
B. kaaway
C. kaibigan
D. kamag-anak
4. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
MALIBAN sa;
A. pagbibigay ng munting regalo
B. pagpapasalamat sa bawat araw
C. pagbibigay ng liham-pasasalamat
D. paglimot sa kabutihang ginawa ng kapuwa

6
5. Ito ay salitang Latin ng pasasalamat na nangangahulugang libre o walang
bayad.
A. grats
B. gratia
C. gratus
D. gratis

VII. Pangwakas
Panuto: Bumuo ka ng isang konsepto batay sa natutuhan mo. Kumpletuhin
ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Para sa akin, ang pasasalamat ay ______________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Mahalagang maisabuhay ang birtud ng pasasalamat dahil


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Naipakikita ng tao ang kabutihang natatanggap sa iba sa pamamagitan
ng _____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


(3- Napakahusay 2 – Mahusay 1 – Nangangailangan ng Pag-unlad)
PAMANTAYAN PUNTOS

1. Makatotohanan ang nilalaman


2. Malinaw ang pagkakalahad ng ideya
3. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa
bawat konsepto
Kabuoang Puntos =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

VIII. Sanggunian
Department of Education. 2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong
Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department
of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd - IMCS).

7
Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa ( Edukasyon sa Pagpapahalaga II). 2008.
Gabay Eskwela Publishing House at ni Zenaida V. Rallama. Karuahatan,
Valenzuela City
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 – A.1 Gawain #1 – A.2 Pagsusulit Pangwakas

Tama 5.
5. D
Tama 4.
4. D mga mag-aaral.
Tama 3.
mga mag-aaral. 3. C magmumula sa
Mali 2.
magmumula sa 2. A Ang mga sagot ay
Tama 1.
Ang sagot ay 1. A

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Evelyn A. Ramos
Patnugot: Evelyn A. Ramos
Tagapagsuri ng Nilalaman: Carmela M. Santos
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Amelia T. Biag
Grupo ng Tagapaglinang: Mariolito G. Magcalas, PhD
Normita C. Quiambao

You might also like