You are on page 1of 15

Edukasyon

sa Pagpapakatao 8
IKALAWANG MARKAHAN

GAWAING
PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pangalan: ______________________________ Baitang: ____________________________
Seksiyon: ______________________________ Petsa : ______________________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang Pakikipagkapwa

Panimula (Susing Konsepto):

Ang “kapwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang


kapaligiran. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing
na kanyang kapwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may pangangailangang
makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr., isang propesor ng sosyolohiya
at pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang tao ay isang panlipunang nilalang at hindi
lamang ito dahil kasama niya ang kapwa kundi lahat ng bagay na kanyang ginagawa at
iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili ay mula sa kapwa at para sa kapwa.
Kailangan ng tao ang kanyang kapwa sapagkat kailangan niyang mabuhay para sa
kapwa. Ito ang tinatawag ni Dy na pakikipagkapwa. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa,
nabubuo ng isang tao ang kanyang sarili dahil higit na nagkakaroon ng kahulugan ang
kanyang pagkatao. Ito ay nagbubunga ng magandang resulta para sa pag-unlad ng sarili.
Dahil sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, natututo kang mapalawak ang iyong pananaw sa mga
bagay. Nakakakuha ka ng bagong karunungan at impormasyon. Sa pamamagitan ng mga
palitan ng opinyon at kuro-kuro o pakikinig sa kanilang mga sinasabi, natutulungan ka ng
iyong kapwa na paunlarin ang iyong intelektwal na kagalingan. Sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa, nagkakaroon ka ng kamalayan sa iyong sarili. Ang mga komento mula sa
kapwa ay magsisilbing salamin upang malaman mo ang iyong kalakasan at kahinaan. Ito ang
magiging daan upang mas malalim ang pagkilala at pagtanggap sa sarili. Ang
pakikipagkapwa ay nakatutulong upang maibigay ang iyong pangangailangan na magkaroon
ng kasama. Nagkakaroon ka ng pakiramdam na ikaw ay bahagi ng isang pangkat at
nagkakaroon ng pagkakataong makaranas, gumawa, lumago, maghanap at tumuklas kasama
ang iba.
Sa araling ito, mauunawaan mo ang kahulugan ng konsepto ng antas ng
pakikipagkapwa. Inaasahan ding mabibigyang-linaw ang kahalagahan ng pakikipagkapwa.
Sa pamamagitan nito, higit mong mapapahalagahan ito bilang isa sa magagandang katangian
ng isang Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


a. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa (EsP8P11a-5.1)
b. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal (EsP8P11a-5.2)

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin at ilarawan ang mga taong maituturing mong kapwa. Isulat ang sagot sa
loob ng bawat kahon sa “tree diagram”.
TREE DIAGRAM.

Mga Taong Maituturing Ko Bilang Kapwa

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:


1. Sino-sino ang itinuturing mong kapwa? Gaano sila kahalaga at ano ang bahaging
ginagampanan nila sa iyong buhay?

2. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinutulungan ka ng iba sa iyong mga


pangangailangan? Ano ang iyong nararamdaman kapag nakatulong ka sa iba?

GAWAIN 2:

1. Basahin ang mga sumusunod na pahayag:

Linangin ang agham ng


pakikipagkapwa. “Upang
magpatuloy ang sibilisasyon,
“ Ang magpakatao ay
kailangan natin ang ugnayan sa
pakikipagkapwa”- Manuel Dy
kapwa.” – Franklin Roosevelt
2.Ano ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na ito? Isulat ang sagot sa patlang ayon sa inyong
sariling pang-unawa.

Sagot:
Pagproseso sa Awtput ng Gawain:
1. Paano mo higit na mapabubuti ang iyong pakikipagkapwa?

2. Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagkapwa?

GAWAIN 3: Sa pamamagitan ng talahanayan, isulat ang mga pagbabagong naranasan sa


bawat aspekto at tukuyin ang mga tao na nakatulong sa pagpapaunlad sa mga nasabing
aspekto.

Aspekto Napapaunlad ko ang Ito ay


kakayahan ko na…. dahil sa
tulong
ni…….
Intelektwal
(Ang kakayahang mag-isip nang
mapanuri, malikhain, at
mapangatwiran)
Pangkabuhayan
(Ang kaalaman at kakayahang
matugunan ang mga
pangangailangan ng sarili at kapwa)
Politikal
(Ang kaalaman at kakayahang
makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng
makatao at makatarungang
panlipunan)

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:


1. Sa iyong palagay, mapauunlad mo ba ang mga nabanggit na aspekto kung walang
tutulong sa iyo? Ipaliwanag ang sagot.
2. Gaano kahalaga ang pagtulong sa kapwa tungo sa paghubog at pag-unlad ng iyong
pagkatao? Ipaliwanag ang sagot.

3. Paano mo matutumbasan ang mga taong tumulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong
pagkatao?

GAWAIN 4:
Panuto: Basahin ang maikling sitwasyon sa bawat aytem. Ano ang dapat mong gawin sa
bawat sitwasyon kung ikaw ang tauhan dito? Isulat din ang dahilan kung bakit mo ito dapat
gawin. Isulat ang sagot sa patlang.
A. Naligaw ka sa isang lugar na hindi pamilyar sa iyo.

Gagawin:

Dahilan:

B. Nasa isang pagtitipon ka ngunit walang dumalo sa mga kaibigan


mo Gagawin:

Dahilan:

C. Mayroon kang suliranin ngunit wala kang pamilya o kamag-anak na maaaring takbuhan.
Gagawin:

Dahilan:

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:


1. Batay sa iyong naging sagot, gaano kahalaga sa iyo ang iyong kapwa?

2. Ano-ano ang mga kahalagahan ng pakikipagkapwa?

Pagninilay/Repleksiyon:

Panuto: Isulat ang iyong repleksyon sa mga natapos na gawain ngayon.

Ang natutunan ko sa gawaing ito ay

Nasisiyahan ako sa gawaing pampagkatuto na ito dahil

Ang mga gusto ko pang matutunan sa gawaing ito ay

Mga Susi sa Pagwawasto sa mga Gawain:

Gawain 1:
1. Nanay 6. Kaibigan
2. Tatay 7. Pari
3. Kapatid 8. Guro
4. Kaklase 9. Lolo
5. Doktor 10. Lola

Rubriks ng Pagbibigay-Puntos sa Gawain 2:


Kraytirya/Pamantayan Napakahusay (10) Mahusay (7) Katamtaman (5)

Pagtalakay/Pagliwanag Ang pagtalakay ay Ang pagtalakay ay Ang ibang punto


sa paksa/pahayag nagtataglay ng maayos at ay hindi malinaw
pagiging lohikal, organisado
malinaw at
organisado
Walang katanungan Ang ibang punto sa Ang ibang punto
o puna sa pagtalakay ay ay hindi malinaw
pagpapaliwanag o nakalilito
pagtatalakay

Rubriks ng Pagbibigay-Puntos sa Gawain 3:

Kraytirya/Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman (3)

Natukoy ang mga taong Natukoy ang Natukoy ang Isa lamang ang
tumulong sa kanya tatlo o higit dalawang taong natukoy na taong
pang taong tumulong sa kanya tumulong sa
tumulong sa kanya
knya
Nabanggit ang epekto Nabanggit ang tatlo Nabanggit ang Isa lamang ang
ng pagtulong sa knya o higit pang epekto dalawang epekto nabanggit na
ng kabutihang ng kabutihang epekto ng
naidulot sa kanya naidulot sa kanya kabutihang
naidulot sa
kanya
Nakapagbigay ng Naipaliwanag ng Naipaliwanag ng Hindi malinaw
malinaw na aral o tahasan at malinaw tahasan at malinaw ang
mensahe ng ang aral ng ang aral o mensahe pagpapahayag ng
kabutihang naidulot sa kabutihang ngunit may pag- mensaheng
kanya naidulot sa kanya aalinlangan sa nakuha sa taong
taong tumulong sa gumawa ng
kanya kabutihan sa
kanya
Rubriks ng Pagbibigay-Puntos sa Gawain 4:
Pamantayan/Kraytirya 10 7 4
Malinaw na nailahad Nauunawaan ang Nailahad ang Hindi mailahad
ang resulta ng ginawang ginawang naging resulta ang naging resulta
paraan paglalahad ng ng ginawang ng ginawang
resulta ng paraan subalit paraan
ginawang paraan hindi
naunawaan ito
Paglalahad ng Malinaw na Nakapagpahayag Hindi naipahayag
damdamin ukol sa naipahayag ng damdamin ukol o naipakita ang
karanasan o naipakita ang sa karanasan ngunit damdamin ukol sa
damdamin ukol sa hindi ito gaanong karanasan
karanasan naunawaan

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong


Baitang Modyul para sa Mag-aaral,
Bognot, Regina, et. al
Muling Limbag 2014, FEP Printing Corporation

RBS Serye sa Edukasyon sa Pagpapahalaga


Pagpapakatao 8 (K-12)
Unang Edisyon, 2013, Punsalan, Twila, et. al.
RexBook Store, Inc.
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan: Baitang:
Petsa:
Seksiyon:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Pakikipagkapwa

Panimula (Susing Konsepto):

Likas sa tao ang makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa bawat aspekto ng kanyang buhay,
tiyak na mayroong papel na ginagampanan ang kanyang kapwa.
Kinikilala ng tao ang kahalagahan ng iba sapagkat ang kanyang mga pangangailangan
ay nagmumula sa ibang tao at natutugunan ng ibang tao. Samakatuwid, nabubuhay siya dahil
sa ginagawa ng ibang tao para sa kanya. Ito ay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa at
pagtataguyod ng pag-unlad ng kapwa para sa kanyang kapakanan at hindi para sa sarili
lamang. Maraming kaparaanan ang paglilingkod sa kapwa. Maaari itong gawin sa
pamamagitan ng diyalogo o ang pakikipag-usap sa kapwa nang buong katapatan at may
pagkilala at pagtanggap sa pagiging bukod-tangi niya bilang tao. Kalakip ng pagmamahal sa
kapwa ang katarungan. Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya,
at ito ay ang kanyang dignidad o halaga bilang tao. Hindi masasabi na minamahal ang kapwa
kung hindi iginagalang at pinapahalagahan ang kanyang pagkatao. Ang mga birtud ng
katarungan (justice), at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa. (Dr. Manuel Dy Jr., 2012)
Ang katarungan bilang birtud, ay dapat higitan kung ano ang nararapat, higitan ito
bilang isang tungkulin. Sa pakikipagkapwa, dapat mahigitan ang katarungan at gawin ito
nang may isa pang birtud - ang pagmamahal. Ang pagbibigay ng nararapat ay hindi
maaaring sapat lamang. Ito ay paggawa lamang ng tungkulin. Kaya kailangan ng higit sa
nararapat, kailangan ang higit sa pagsasagawa ng tungkulin, kailangan ang pagmamahal.
(Enriquez,1994.)
Sa pamamagitan ng mga gawain sa araling ito, inaasahang magkakaroon ka ng kasagutan
sa mahalagang na tanong na “Bakit importante ang pakikipagkapwa?”

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

A. Nahihinuha na:
a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at
politikal
b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
c. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa- ang
tunay na indikasyon ng pagmamahal.
Koda: (EsP8P-IIb-5.3)
B. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at
politikal. (EsP8IIb-5.4)

GAWAIN 1:
Panuto: Sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart, magbigay ng isang gawain na maaaring
tumugon sa pangangailangan mo bilang mag-aaral o kabataan sa iyong paaralan o
komunidad sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, o politikal. Isulat sa
huling hanay kung paano mo ito mabibigyan ng aksyon upang maipakita ang iyong
pakikipagkapwa.

Aspekto Pangangailangan Mga kongkretong aksiyon na tutugon sa mga


ng mga mag-aaral o pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan kabataan

Intelektuwal

Panlipunan

Pangkabuhayan

Politikal

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:

1. Ano-anong pangangailangan mo bilang tao, ang natutugunan at nalilinang dahil sa


iyong pakikipagkapwa? Ipaliwanag ang bawat sagot.

2. Batay sa iyong mga sagot sa gawain, ano ang natuklasan mo sa uri ng iyong
pakikipag- ugnayan sa mga taong nasa iyong paligid? Ipaliwanag.
GAWAIN 2: PAGLIKHA NG TULA

Panuto: Lumikha ng isang tula na nagpapakita ng kahalagahan ng makabuluhang


pakikipagkapwa. Ang tula ay may malayang taludturan. Bigyan ng sariling pamagat ang
iyong tula.

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:

1. Batay sa iyong nilikhang tula, ano ang natuklasan mo sa uri ng iyong pakikipagkapwa?

2. Gaano kahalaga sa iyo ang iyong kapwa? Pangatwiran.


GAWAIN 3: “LOOP A WORD”

Panuto: Hanapin sa loob ng tsart ang salitang tinutukoy ng bawat aytem sa ibaba. Bilugan
ang mga nahanap na salita sa tsart at isulat ang sagot sa patlang bago ang aytem.
M P I O A A L A D W Y W O R P
N A U U D D H D S S G R O D O
L G O L C F N L Y D N E J S K
A L Y K V G D A T C D A K B N
X I T T B C O H S A D S L U H
B L K A P U W A U I S O M I G
O I D S D F H M Y S V T M O D
T N S A K A T A R U N G A N R
A G C E E A L M A D B G J H S
R K V G U O V G D S N S K T A
C O B J G D S A A A F T L B V
B D N O L H M P B N M T M N B
K A M M O G H O D A I G N F M
N B L T A D F G B N S N E S E
C D I R S T D G A B T B D T T

1. Ito ay ang pakikipag-usap sa kapwa nang buong katapatan at may


pagkilala at pagtanggap sa pagiging bukod-tangi niya bilang tao.

2. Ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya, at ito ay ang


kanyang dignidad o halaga bilang tao.

3. Sa paraang ito, nagiging ganap at buo ang pagkatao ng isang tao


kung siya ay nabubuhay para sa kanyang kapwa.

4. Isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang


kapaligiran.

5. Sa pamamagitan lamang nito maaaring matanggap ang ibang tao


nang buo kasama ang kanyang kahinaan at pagkukulang.

Pagproseso sa Awtput ng Gawain:

1. Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan sa konsepto ng pakikipagkapwa? Ipaliwanag.

2. Ano-anong mga paraan ang maaari mong gamitin upang paunlarin pa ang iyong
pakikipagkapwa? Ipaliwanag.
PAGNINILAY/REPLEKSYON:
Panuto: Isulat ang iyong repleksyon sa mga naging gawain mo ngayon.

Ang natutunan ko sa gawaing ito ay

Nasisiyahan ako sa gawaing pampagkatuto na ito dahil

Ang mga gusto ko pang matutunan sa gawaing ito ay


SUSI SA PAGWAWASTO:
MGA RUBRIKS SA PAGBIBIGAY-PUNTOS SA MGA GAWAIN:

Gawain 1:
Kraytirya/Pamantayan Napakahusay (10) Mahusay (7) Katamtaman (5)

Pagtukoy/Pagpaliwanag Ang pagtukoy at Ang Ang ibang punto


sa paksa/pahayag pagtalakay ay pagtukoy/pagtalakay ay hindi malinaw
nagtataglay ng ay maayos at
pagiging lohikal, organisado
malinaw at
organisado
Walang Ang ibang punto sa Ang ibang punto
katanungan o puna pagtalakay ay ay hindi malinaw
sa pagpapaliwanag nakalilito
o pagtatalakay

Gawain 2:

Kraytirya/Pamantayan Napakagaling (10) Magaling (8) Katamtaman


(5)

Pagsulat ng tulang may Napakalalim at Malalim at Bahagyang


malayang taludturan makahulugan makahulugan may lalim ang
ang kabuuan ang kabuuan kabuuan ng
ng tula. ng tula. tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng
simbolo/pahiwatig simbolo o pahiwatig 1-2
na nakapagpaisip sa na bahagyang simbolismo na
mambabasa. Piling- nagpaisip sa mga nakalito sa
pili ang mga salita at mambabasa. May mababasa.
pariralang ginamit. ilang piling salita at Ang mga salita
pariralang ginamit. ay di-gaanong
pili.
Gawain 3:
M P I O A A L A D W Y W O R P
N A U U D D H D S S G R O D O
L G O L C F N L Y D N E J S K
A L Y K V G D A T C D A K B N
X I T T B C O H S A D S L U H
B L K A P U W A U I S O M I G
O I D S D F H M Y S V T M O D
T N S A K A T A R U N G A N R
A G C E E A L M A D B G J H S
R K V G U O V G D S N S K T A
C O B J G D S A A A F T L B V
B D N O L H M P B N M T M N B
K A M M O G H O D A I G N F M
N B L T A D F G B N S N E S E
C D I R S T D G A B T B D T T

1. Diyalogo
2. Katarungan
3. Paglilingkod
4. Kapuwa
5. Pagmamahal

SANGGUNIAN:

Edukasyon sa
Pagpapakatao- Ikawalong
Baitang Modyul para sa
Mag-aaral , Bognot,
Regina, et. al Muling
Limbag 2014, FEP Printing
Corporation

RBS Serye sa
Edukasyon sa
Pagpapahalaga
Pagpapakatao 8 (K-
12)
Unang Edisyon, 2013,
Punsalan, Twila, et. al.
RexBook Store, Inc.

You might also like