You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Gurong Nagpakitang-turo: Mary Ann B. Sularte


Paaralan: Galas Elementary School
Dipolog City
Petsa: Enero 31, 2019

I. Layunin

Napapatunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.

II. Nilalaman

A. Palsa: Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad


B. Sanggunian: ESP 6 K to 12 CG p.89
c. Kagamitang Panturo: powerpoint presentation, tsart, larawan, video clip

Integrasyon: Paggalang sa pananampalataya ng iba.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Awitin ang “Ang mga Ibon na Lumilipad”
B. Pagganyak
Magpakita ng larawan

Ano ang ipinakita sa mga larawan?


Ano - anong relihiyon ang alam ninyo?
Iginagalang mo ba ang kanilang paniniwala?

C. Paglalahad
Ilahad ang layunin ng leksyon tungkol sa “Pagpapaunlad ng spiritwalidad”.
Ano ang ispiritwalidad?
Paano ito nagpapaunlad sa pagkatao?

Panoorin natin ang video.


Ano ang mga dapat gawin habang tayo ay manonood?

D. Pagtatalakay
Base sa napapanood ninyong bidyo, ano ano ang kanilang ginawa?
Nagpapaunlad ba ito ispiritwalidad?
Ang espiritwalidad, ay tumutukoy sa sukdulan o imateryal (walang katawan o
anyong materyal) na realidad. Isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa mga tao na
matuklasan ang diwa ng kanilang pagkatao.Tiwala sa Diyos at sa kahandaang tumulong
kapag kailangan gaano man kahirap ang sitwasyon. Ang tunay na diwa ng espiritwalidad
ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

E. Pangkatang Gawain

Ilahad ang Rubriks.


RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN
KRAYTERYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGAN
PANG
(3 Puntos) (2 Puntos) PAUNLARIN
(1 Puntos)

Kahusayan ng Napakahusay at Mahusay at masining Hindi gaanong


output masining na na nagampanan ang lumabas ang husay at
nagampanan ang nakaatang na gawain na sining sa pinakitang
nakaatang na gawain naipakita sa output output/pagganap
na naipakita sa output
Pagtutulungan ng Lahat ng miyembro Isa hanggang tatlong Apat o higit pang
Pangkat ay aktibong miyembro ay hindi miyembro ay hindi
nakibahagi mula sa gaanong aktibong gaanong aktibong
proseso hanggang sa nakibahagi mula sa nakibahagi mula sa
matapos ang output proseso hanggang sa proseso hanggang sa
matapos ang output matapos ang output

Pangkatin ang mga bata sa limang pangkat at bigyan ng gawain ang bawat
pangkat. Isaayos ang mga ginupit na larawan at kilalanin kung anong gawain na
napapatunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.

F. Paglalahat
Ano ano ang mga gawain na nagpapaunlad ng ispiritwalidad?
Napapatunayan ba ninyo na ito ay nagpapaunlad sa pagkatao ang ispiritwalidad?
Paano?

Tandaan:
Ang taong may positibong pananaw ay isinasabuhay ang pagiging mabuting tao
upang mapaunlad ang kanyang ispiritwalidad.
G. Paglalapat

Itaas ang “masayang mukha” kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na


nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at “malungkot na mukha” naman kung
hindi.
`1. nagbibigay nga pagkain sa nagging biktima ng mga sakuna
2. pagtulong sa mga taong may kapansanan
3. nagbubully sa mga kaklase
4. madaling magalit at madaling makakita ng kaaway
5. nagmamahalan at handing magpatawad.

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng __√__ (tsek) ang patlang kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na
nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at __X___ (ekis) naman kung hindi.
_____________1. Papapasalamat sa Panginoon sa mga natanggap na biyaya.
_____________2. Hindi marunong magpatawad sa mga nagkakasala sa kanya.
_____________3. Pagtulong sa kapwa tao.
_____________4. Makipagsuntukan sa kaklase
_____________5. Pagsisimba at pagsunod sa mga kautusan ng panginoon.

V. Takdang-Aralin
Paano napapaunlad sa iyong pagkatao ang ispiritwalidad upang matamo mo ang layunin
mo sa buhay?

Tagamasid:

JUDITH G. NIEVES GEORGINA G. CIELO


HT – II ESP-III

You might also like