You are on page 1of 2

ESP SCRIPT ( GROUP 2 ): \

- Ano ang pagkakaiba ng taong Mapagpasalamat sa Taong hindi Mapagpasalmat?

Syrus:
Ngayon ay pag uusapan natin ang pagkakaiba ng Taong Mapagpasalamat sa Taong Hindi
Mapagpasalamat.
Mayroong mga puntos rito na nag papakita ng kanilang pag kakaiba.

Sinasabi na ang Mapag pasalamat na tao ay nag papakita ng ugaling mapagpakumbaba,


kontento sa
buhay na kung ano ang meron sya, nag papakita ng lubos na respeto sa kapwa, at
mayroong kasiyahan na kalooban.
Nasasabi na kung ikaw ay mapagpasalamat, Ikaw ay nag papakita ng kasiyahan sa kung
ano man ang biyayang
ipinag kaloob saiyo ng Diyos o ng iyong kapwa.
Redula:
Isa sa mga nabanggit na puntos ay ang pag kakaroon ng kababaang loob ng isang tao.
Sinasabi rito na ang mapag pasalamat na tao ay mapag pakumbaba at hindi itinataas
ang sarili. Hindi ito nag mamalaki
upang sya ay hangaan ng karamihang mga tao. Tinatanggap rin nito ang kung ano man
ang kaniyang mga pag kakamali at ipinapakinggan
ang opinyon ng iba upang mabago ang kung ano man ang kanyang pag kakamali.

Jazzy:
Isa din dito ang lubos na pag pasalamat sa mga biyayang kanyang natatanngap, malaki
man ang natanngap o maliit lamang.
Ang pag papasalamat sa mga bagay ay nag dudulot ng kasiyahan sa puso ng isang tao
at nag dudulot din ng kasiyahan sa kapwa
sapagkat dito ay nararamdaman nila na pinag papahalagahan natin ang kung ano man
ang kanilang ipinag kaloob saatin.

Ariena:
Isa din dito ay ang hindi pag husga sa kung ano man kung ang ipinag kaloob ng Diyos
o Kapwa sa ating sarili. Matuto paring
mag pasalamat at pahalagahan ang mga ganitong bagay sapagkat maswerte na tayo ay
nakakatanggap ng mga biyaya sa ating mga buhay.
Kasama nadin dito ang buong pag respeto at pag papahalaga sa kapwa na kanyang
nakakasalamuha. Dito ay hinahanap nya ang kabutihan at
hindi ang kung ano ang makakapag pasira sa kanila.

Casyao:
Sa pamamagitan ng ating pag papasalamat ay nakakapag palakas din tayo ng loob ng
ating kapwa. Masayang isipin na sa ating simpleng pag
pasalamat sa kanilang mga bagay na ginawa ay nararamdaman nilang mahalaga sila sa
ating mga buhay. Ito din ay nakakaapekto sakanila sa
pagkakaroon ng positibong loob sa kanilang sarili.

Mabanan:
Sa lahat ng mga nabanggit ay ang mga karakteristik ng taong mapag pasalamat. Ang
lahat ng iyon ay nag dudulot sa isang tao ng kasiyahan
at positibong loob lalo na kung ikaw ay mapagpasalamat sa kung anong bagay ang
iyong natatanggap sa buhay. Nag aalab ang puso sa kasiyahan
sapagkat tayo ay nag papasalamat sa mga bagay. Sumisimbulo na ikaw ay nagagalak sa
kung ano ang dumadating
sa iyong buhay, at ipinapakita mo ito sa pamamagitan ng pag papasalamat sa Diyos o
sa iyong kapwa. Ngunit, ano naman ang
pinag kaiba nito sa hindi mapag pasalamat na tao?

Burauen:
Sinasabi naman na ang hindi mapagpasalamat na tao ay itinuturing ang kanyang sarili
na mapag malaki, may karamdaman na
hindi sapat kung anong mayroon sya sa buhay, hindi pagpapahalaga sa kapwa,
malungkutin ang damdamin. Sinasabi na ito ang karakteristik
ng mga taong hindi mapag pasalamat. Totoong nakakalungkot kapag hindi mo napag
papasalamatan ang mga simpleng bagay na iyong natatanggap
sapagkat ito ay umaapekto sa iyong damdamin na ikaw ay nalulungkot sapagkat hindi
mo nagustuhan ang isang bagay.

Balutan:
Sino sino ba ang ating dapat pasalamatan? Unang una, kailangan nating pasalamatan
ang Diyos sa kaniyang kabutihan na ipinapakita
sa ating pang araw araw na pamumuhay at ganoon din sa ating mga kapwa na gumagabay
at nakikipag tu7lungan sa kung ano man ang ating nahaharap
na kahirapan sa buhay. Sila ang ating lubos na malalapitan sa mga oras na tayo ay
nag hihirap. Kaya't kailangan nating ipag dasal ang kanilang
mga buhay na pag palain at pasalamatan din ang kanilang kabutihan saatin.

Sumagaysay:
Ano ba ang mga paraan ng pag papakitang pag papasalamat sa Diyos?
Maipapakita ang pag papasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng Pag samba, Pag galang at
Pagkakaroon ng Galak sa pag samba. Dito natin naipapakita
ang ating pag papahalaga sa kanyang mga kabutihan, mga mirakulo na ginagawa nya sa
ating mga buhay. At hindi bumabase ang ating pag papasalamat sa kung gaano man
kalaki o kaliit ang ating biyayang natanggap. Tayo ay maging mapag pasalamat sa
kanya sa lahat ng oras.

You might also like