You are on page 1of 3

Mga Pahahalagahang Kaisipan at

Lilinanging Mabuting Asal

• Pananagutan Natin na Padaluyin ang Buhay

Ang ating buhay ang pinakadakilang


kaloob ng Diyos sa atin. Ang pagpapahalaga
sa ating buhay ay pagpapakita ng ating
pagtanggap sa biyayang ito mula sa
Maylalang.
Sabi nga ng isang manunulat na si Leo
Buscaglia ay “Ang iyong buhay ay biyayang
galing sa Diyos. Kung paano at gaano kabuti
mo isasabuhay ang biyayang iyan ang iyong
isuskli o ihahandog naman sa Kanya.
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig
ng Diyos na ihandog natin ito sa ating kapwa
at ibang buhay na Kanyang nilikha. Ibig ng
Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa
ibang tao at mula sa tao para sa ibang buhay
sa kalikasan, at patuloy mula sa kalikasan
para sa tao. Sa ibang salita, ito ay dumadaloy
sa ating mabuting kaisipan at mabuting asal
at kilos para sa ating sarili, para sa kapwa,
para sa lipunan at para sa kalikasan.
Samakatwid, tayo, TAO, na pinakatangi
sa lahat ng kanyang nilikha ang may
pinakamalaking pananagutan sa
pangangalaga ng iba niyang Nilikha.
• Paano Maisasakatuparan ang Ating
Pananagutan?

Ang responsableng tao ay may


kakayahang suriin ang kanyang sarili kung
paano at gaano niya naisasakatuparan ang
pananagutang ito. Hindi siya dapat maging
bulag sa pagkilala ng kanyang kahinaan
upang akuin ang kanyang pananagutan.
Kinikilala at tinatanggap ang mga kahinaang
ito at itinatalaga ang sarili sa pagbubuti ng
mga aspetong dapat paunlarin.
Makakatulong ang isang tuntuning
pansarili o action plan upang matiyak ang
pagsasakatuparan ng ilang naitalagang
dapat gawin.
Mga
Pahahalagang
Kaisipan at
Lilinanging
Mabuting Asal

Miyembro:

Maureen Maquinta
Manilac Melissa S. Ranin
Leonilo Uba

You might also like