You are on page 1of 35

Operasyon

Damayan
Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay
tanda ng pagmamahal sa kapwa.
Tungkulin natin ang makialam at
makisangkot sa mga napapanahong
isyu tulad sa panahon ng trahedya
maging ito man ay bunga ng natural
na mga pangyayari tulad ng bagyo,
pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, o
di kaya’y mga sakuna tulad ng sunog,
baha, at ang napapanahong pandemya
na nararanasan natin ngayon.
Sa gitna ng mga nasabing
trahedya, ang dapat nating
gawin ay tumulong sa abot ng
ating makakaya. Maaari ring
maipadama ang pagdamay
sa pamamagitan ng
pagboboluntaryo o di kaya’y
pagpapakalat ng impormasyon
tungkol sa sakuna.
Sa modyul na ito, iyong…

Mabibigyang kahulugan ang pagkakawanggawa at


pagkamahabagin sa pamamagitan ng pangunguna sa
pagtulong sa mga nangangailangan;
a. biktima ng kalamidad
b. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may kalamidad
at
c. magagawa ang plano ng pagkakawanggawa at
pagkamahabagin
Tingnan ang larawan at
sagutin ang mga
sumusunod na
katanungan sa ibaba.
1. Kailan mo madalas
makita ang mga tauhan
ng “Red Cross”?
2. Nakapagbigay ka na ba
ng tulong para sa
ganitong gawain?
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang
makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

(Word War Game/Halo Letra)

dollin

Malakas ang pagyanig ng lupa.


Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang
makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

(Word War Game/Halo Letra)

ahab

Labis na pag-apaw ng tubig o


paglawak ng tubig na natatakpan
ang lupa.
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang
makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

(Word War Game/Halo Letra)

goyba

Namumuong sama ng panahon


na nagdudulot ng kalamidad sa
ating bansa.
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang
makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

(Word War Game/Halo Letra)

ugson

Mabilis na pagkalat ng apoy.


Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang
makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

(Word War Game/Halo Letra)

lidesland

Pagguho ng lupa dulot ng labis na


pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno
na kinakapitan ng lupa.
Naranasan mo na bang
tumulong sa mga naging
biktima ng kalamidad?
Paano ka tumulong?
Basahin ang maikling
kuwento at sagutan ang
mga tanong.

Tumulong Tayo!
(Tingnan sa Modyul)
Sagutin ang mga tanong.

Bakit maagang nagising si Bea?

Sino-sino ang nadatnan niya sa sala?


Ano ang ginagawa ng mga ito?

Anong ibinahaging kaalaman ni Bea na


natutunan niya sa paaralan?

Anong di-inaasahang pangyayari ang


inaanunsyo ng tagapagbalita?
Sagutin ang mga tanong.

Paano ipinakita ng mag-anak ang kanilang


pagdamay sa mga taongnasalanta ng
bagyo?

Ayon kay Bea, ano ang kanyang natutunan

Anong emosyon ang nangingibabaw sa


pamilya ni Aling Esing?
Sagutin ang mga tanong.

Noong panahong sunod sunod na pagbaha


sa iba’t ibang bahagi ng bansa, paano mo
naipakita ang pagtulong sa mga
kababayan nating naapektuhan nito?

.
Ano ang pakiramdam ng nakakatulong sa
kapwa sa mga ganitong
sitwasyon?

Paano mo pamumunuan ang isang grupo


o ang iyong pamilya sa pagbibigay
tulong sa mga biktima ng kalamidad?
Sagutin ang sumusunod na
Gawain sa oras ng OFFLINE
Sched
1.SURIIN
2.PAGYAMANIN
3.ISAISIP
4.ISAGAWA
Maraming paraan upang
makatulong tayo sa
mga nangangailangan.
Sa pamamagitan ng
pagsisimula ng pamumuno
sa isang gawain tulad ng
paghikayat sa mga
kaibigan sa pagbibigay
ng donasyon sa mga
nangangailangan.
Pagbibigay ng malilinis
na damit, mga maaayos
na gamit sa
paaralan,laruan at iba
pa, paghihikayat o
paglahok sa mga
concert for a cause na
makapaglikom ng pera
upang maibigay sa mga
nangangailangan, .
pag-iingay sa social media
tungkol sa paghingi ng tulong sa
mas nakakaangat sa buhay
para sa mga
nangangailangan, at higit sa
lahat ay ang pagbibigay
impormayon sa mga biktima
ngg kalamidad tulad ng
pagbaha, bagyo, lindol, pagguho
ng lupa at iba pa kaugnay
sa mga wastong
paghahanda bago
dumating ang
kalamidad, habang
nangyayari ang
kalamidad, at
pagkatapos ng
kalamidad.
Ang pagiging bukas-palad ay
pagbibigay kung ano ang
mayroon ka nang bukal sa
iyong kalooban. Ibahagi sa iba
ang biyayang mayroon ka na
maluwag sa damdamin at
walang inaasahang kapalit.
Lubos na kasiyahan
ang maidudulot nito
sa iyo. Kapag tapat at
totoo ang damdamin sa
pagbibigay o
pagbabahagi, tiyak na
pagpapalain ka ng
Maykapal at
mapasasaya mo ang
iyong kapwa.
Iguhit ang simbolo ng kung
ang pahayag ay nagpakita ng pagtulong
sa nangangailangan at kung hindi.
1. Hinikayat ni Bobby ang mga
kapatid na pagsama-samahin ang
mga kagamitan na maayos pa upang
maibigay sa higit na ngangailangan.

2. Ibinigay ni Jacob ang kaniyang


mga laruan na pwede pa sa mga
nasunugan.

3. Sumama si Michella sa
pagrerepake ng mga relief goods
upang mas mapabilis ang
pagpapadala nito sa mga nasalanta
4. Napanood ni Gabby ang isang balita
tungkol sa paparating na malakas na
bagyo sa kanilang lugar. Agad siyang
nagpunta sa kanilang kapitbahay na
walang telebisyon at ikinuwento niya ang
balita.

5. Nadaanan nina Erika ang kalsada na


mayroong gumuhong lupa mula sa
katabing bundok at ito ay di
madadaanan ng mga sasakyan. May
nakasalubong silang sasakyan ngunit
hinayaan lamang nila itong magpatuloy.
6. Nagkaroon ng pagpupulong sa barangay tungkol
sa paghahanda sa pagdating ng kalamidad.
Inaanyayahan ang lahat ng may kaalaman
tungkol dito na dumalo at ibahagi ang nalalaman
sapagkat ito ay abala lamang sa iyong gawain

7. Nagkani-kaniya ang pangkat ni Jason sa


nais nilang paraan ng pagtulong kaya hindi
nito nakamit ang layunin ng pagtulong sa
mga nangangailangan.

8. May malaking butas sa kalsada na natanaw si Joanne sa


hindi kalayuan dulot ng paglindol noong nakaraang araw.
Naglagay agad siya ng babala bago sumapit ang
malaking butas upang mabigyang babala ang mga tao
at pampasaherong sasakyan.
9. Napanood ni Bless ang balita tungkol
sa malaking pagbahang naganap sa
Japan. Saglit siyang tumahimik at
pumikit upang ipagdasal ang mga naging
biktima at pamilya nito.

10. Walang nagawa si Marvin kundi sisihin


ang gobyerno sa malaking pinsalang
iniwan ng bagyo sa kanilang lugar.

You might also like