You are on page 1of 9

Junior High School Department

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10 Bilang ng Mag-aaral
T.P. 2019-2020
RS: _________________
Pangalan: ___________________________________________________________ Petsa: _________________
Seksyon: ____________________________________________________________ Guro : G. Mark Kevin B. Macahilas

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin, unawain, at sunding mabuti ang bawat panuto at tanong sa bawat pagsusulit.
2. HINDI PINAHIHINTULUTAN ang anumang anyo ng pagbubura. Ipinagbabawal ang
paggamit ng lapis, friction pen at high lighter sa pagbibigay ng mga pinal na sagot.
3. ITIMAN ang bilog na letra ng tamang sagot sa SAGUTANG PAPEL na inilaan sa huling pahina ng pagsusulit.

I. PAGPILI: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at piliin ang pinakawastong kasagutan. (40 puntos)

1. Dahil sa kapangyarihan, maraming pamilya na kabilang sa dinastiyang politikal ang ayaw bitiwan ang
kanilang posisyon sa pamahalaan. Anong insidente na naganap noong Nobyembre 23, 2009 ang maaring
iugnay sa kaso ng political dynasty at election related violence na kasalukuyang balita ang pagbibigay hatol
sa kaso matapos ang higit isang dekada?
A. Ampatuan Massacre C. Mamasapano Incident
B. Mindanao Massacre D. Maguindanao Massacre
2. Hindi maiaalis ang karahasan kapag may makapangyarihang pamilya na kilalang namumuno sa isang lugar
sa bansa. Ano ang ugat ng malagim na pagpatay sa pangunguna ng mga Ampatuan na kilalang
makapangyarihan politiko sa Mindanao noong Nobyembre 23, 2009 ?
A. Dahil hindi sumunod sa napagkasunduan ang dalawang magkalabang partido
B. Dahil kakalabanin ni Toto Mangudadatu sa pagkagobernador ang pamilya Ampatuan
C. Dahil sinampahan ng kaso sa korte ang mga Ampatuan upang hindi makatakbo sa eleksyon
D. Dahil hindi nagustuhan ni Ismael “Toto” Mangudadatu ang kandidatura ng mga Ampatuan sa
eleksyon
3. Ang political dynasty ay ang pagpapasa ng posisyon sa pamahalaan sa mga kamag-anak o sabay-sabay na
pagtakbo sa posisyon sa pamahalaan lokal man o pambansang posisyon ng magkakapamilya. Alin sa
sumusunod na pamilya sa ibaba ang kilalang namumuno sa lokal at nasyonal na posisyon na mula sa
lalawigan ng Cavite?
A. Villar C. Cojuangco
B. Revilla D. Belmonte
4. Madaming botanteng Pilipino sa kasalukuyan ang di pabor sa pagkakaroon ng political dynasty at patuloy na
pagtakbo at pagkanalo ng mga politikong sangkot sa katiwalian . Ano ang tunay na dahilan kung bakit patuloy
na namamayagpag ang mga pamilyang politikal at mga tiwaling politiko tuwing halalan?
A. Sapagkat ang mga pamilyang politikal ay makapangyarihan
B. Sapagkat namamanipula nila ang boto ng taong bayan sa pamamagitan ng matatamis na
pananalita
C. Sapagkat sila’y gumagamit ng iba’t ibang anyo ng pangangampanya dahil sila’y may sapat na
pondo
D. Sapagkat madaming Pilipino ang di nagsusuri at nagpapadalos-dalos sa pagpili ng mga tapat na
manunungkulan sa pamahalaan
5. Dahil sa Philippine Bill of 1902 madaming Illustrado ang nakilahok sa demokratikong proseso ng pagpili. Alin
sa mga politiko sa ibaba ang hindi kabilang sa mga prominenteng pamilya na kilala at bukambibig ng
madaming botanteng Pilipino hanggang sa kasalukuyan?
A. Lopez C. Osmeňa
B. Marcos D. Madrigal
6. Dahil sa kaganapang politikal sa ating bansa noong 1970 hanggang 1986, itinulak ang pagsusulong ng
pagbabago sa Saligang Batas tulad ng pagkakaroon ng probisyon ukol sa pagbabawal sa political dynasty.
Sinong Pangulo ang lumagda at anong taon nalikha ang kasalukuyang Saligang Batas?
A. Pangulong Cory Aquino, 1986 Saligang Batas
B. Pangulong Fidel Ramos, 1986 Saligang Batas
C. Pangulong Cory Aquino, 1987 Saligang Batas
D. Pangulong Fidel Ramos, 1987 Saligang Batas

7. Anumang uri ng lagay o padulas ay ipinagbabawal at may kaukulang parusa batay sa Anti-Graft and Corrupt
Practices Act. Anong prinsipyo ang sinusunod ng Batas Republika Blg. 3019 o Anti-Graft and Corrupt
Practices Act?
A. Public office is a public service C. Public office is a public trust
B. Public office is a public servant D. Public office is a public trustee

8. Kilala si Senador Panfilo Lacson na di tumatanggap ng pork barrel o PDAF. Ayon sa ulat ng Philippine Star
noong Oktubre 27, 2013, ito daw ay nagsisilbing mitsa ng korapsyon ayon kay Lacson. Ano ang kahulugan ng
PDAF?
A. Priority Assistance Fund C. Public Development Assistance Fund
B. People Development Fund D. Priority Development Assistance Fund

9. Napapanahong isyu sa ating bansa ang pagpasa ng 2020


National Budget. Kung pagbabatayan ang larawan sa kanan,
anong mensahe nais nitong iparating ?
A. May corrupt na opisyal na kumukuha ng pondo ng
taong bayan
B. Hindi umuunlad ang ekonomiya ng bansa dahil sa
korapsyon
C. Hindi umuunlad ang ekonomiya maging ang
buhay ng ordinaryong Pilipino dahil sa korapsyon
D. Galit ang taong bayan dahil sa lantarang
pagkamal ng pondo ng taong bayan ng ilang
politiko

10. Sa kasalukuyan, patuloy ang reporma sa pamahalaan lalo na sa


hanay ng Philippine National Police o PNP. Anong kontrobersiya sa hanay ng pamunuan ng PNP ang naging
dahilan upang bumaba sa pwesto si dating PNP Chief Oscar Albayalde?
A. Bribery C. Red Tape at Bribery
B. Bribery at Extortion D. Pagkakadawit sa “Ninja Cops”
11. Upang maiwasan ang bribery o extortion sa bawat ahensya, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng iba’t ibang
programa. Bakit maraming empleyado ng pamahalaan ang napipilitang tumatanggap ng lagay o padulas sa
mga serbisyong ipinagkakaloob nila sa publiko?
A. Sapagkat ito’y normal na kalakaran sa bawat ahensya ng pamahalaan.
B. Sapagkat ito’y utos sa kanila ng mas nakatataas na opisyal sa pamahalaan
C. Sapagkat mababa ang sahod at kulang ang benipisyong ibinibigay sa mga naglilingkod sa
gobyerno
D. Sapagkat nais lamang nilang tumulong upang mapabilis ang transaksyon sa pamamagitan ng
maliit na
halaga
12. Isa sa anyo ng korapsyon ang cronyism. Alin sa sumusunod na tagpo sa ibaba ang nagpapakita ng cronyism
sa mga lokal na posisyon?
A. Pagtatalaga sa munispyo ng mga nurses at doktor sa pampublikong ospital
B. Pagtatalaga ng Baranggay Captain sa kanyang kumare bilang secretary na tumulong noong
eleksyon
C. Pagbibigay ng insentibo ng Alkalde sa mga tumulong sa kanyang pangangampanya noong
eleksyon
D. Pagpirma ng Gobernador sa kontrata sa pagitan ng kaniyang kaibigan bilang accredited building
contractor
13. Nagsasagawa ng programa ang pamahalaan sa kasalukuyan ukol sa pagpapalakas ng pwersang militar
kontra terorismo. Paano ito isinasagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan?
A. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas sa bansa
B. Sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa paglikha ng ahensyang tututok sa terorismo
C. Sa pamamagitan ng pagbili ng makabagong armas at pagsasanay sa mga pulis at sundalo
D. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pwersang militar sa mga lugar na may banta ng terorismo
14. Hindi malilimutang yugto sa kasaysayan ang Rizal Day Bombing kung saan itinuturo ang iba’t ibang pangkat
terorista ang nasalikod ng nasabing kaguluhan. Anong lugar ang pinasabog ng mga terorista sa pagunita ng
Rizal Day?
A. Isang kilalang mall sa Maynila
B. LRT Line 1 Blumentrit Station
C. Ninoy Aquino Interntional Airport
D. Manila North Harbor na nag-iwan ng 50 kataong namatay

15. Batay sa pahayag ni Pangulong Duterte, inaanyayahan niya ang founding chairman ng New Peoples Army na
si Jose Maria Sison na umuwi sa bansa at makipag-usap sa Pangulo ngunit tumanggi ito. Anong bansa ang
nagsisilbing asylum ng pinuno ng NPA?
A. Norway C. Ireland
B. Sweden D. Netherlands
16. Sa ating bansa, madami ang nagaganyak na sumali sa mga pangkat terorista. Ano ang pangunahing dahilan
ng mga kababayan nating umaanib sa mga pangkat terorista sa Mindanao?
A. Paghihiganti sa kalabang pangkat sa pamamagitan ng dahas at kapangyarihan
B. Pagpapalaganap ng relihiyong Islam at paglupig sa mga non-muslim sects sa bansa
C. Kahirapan ng buhay bunga ng kawalan ng oportunidad sa rehiyon mula sa pamahalaan
D. Pagsunod sa tinatawag na jihad o holy war bilang isang Muslim na may kaugnayan sa aral ng
Islam
17. Upang mapigilan ang pagdami ng buhay at kabuhayan na napipinsala ng terorismo sa bansa, sinisikap ng
pamahalaan ang pagkakaroon ng peace talks sa mga pangkat terorista. Anong kasunduang pangkapayapaan
ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM?
A. Davao Consensus C. Special Zone for Peace and Development
B. Mindanao Peace Treaty D. Comprehensive Agreement on the Bangsamoro
18. Dahil sa banta ng terorismo sa bansa at kaguluhan bunga nito, nagpatupad ng iba’t ibang pamamaraan ang
pamahalaan sa Mindanao upang maiwasan o pigilan ang paglaganap ng terorismo sa rehiyon tulad ng
nangyari sa lungsod ng Marawi. Anong hakbang ang ipinatupad sa Mindanao upang mapigilan ang
paglaganap ng homegrown terrorist na Maute-Isis Group?
A. Pagpapatupad ng Curfew C. Pagtanggal sa statutory rights
B. Pagpapatupad ng Martial Law D. Suspensyon ng writ of habeas corpus
19. Noong ipinanganak si Mary, binigyan siya ng pangalan at pinagkalooban ng lokal na pamahalaan ng birth
certificate bilang pagkakakilanlan. Anong uri ng karapatan ang kaugnay ng pahayag sa itaas?
A. Karapatang Pampolitika C. Karapatang Likas o Natural
B. Karapatang Pangkultura D. Karapatang Sibil o Panlipunan
20. Napakahalaga ng papel ng media sa pagmumulat ng
katotohanan. Kung pagbabatayan ang larawan at ulat
sa kanan, anong karapatan ang nilalabag ng Tsina
kung pagbabatayan ang kategorya ng mga karapatan
ayon sa batas?
A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Pampolitika
C. Karapatang Pangkultura
D. Karapatang Pang-ekonomiya
21. Ang statutory rights ay ang karapatang kaloob ng batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas. Alin sa
sumusunod na pahayag sa ibaba ang halimbawa nito?
A. Pagpapatupad ng clean as you go policy sa paaralan
B. Pagpapatupad ng “Tapat ko, Linis ko” sa inyong barangay
C. Pagpapatupad ng student fare discount act sa pampublikong transportasyon
D. Pagpapatupad ng No ID, No Entry sa kompanyang malapit sa inyong tinitirhan
22. Si Juana ay pinagbintangan sa salang hindi niya naman ginawa. Kung pagbabataya ang kategorya ng
karapatan ayon sa batas, anong karapatan ang dapat matamasa ni Juana?
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Pampolitika
B. Karapatan ng Akusado D. Karapatang ng Pang-ekonomiya.

23. Mayroong dalawang uri ng karapatan ayon sa batas, ang constitutional at statutory rights. Alin sa sumusunod
ang halimbawa ng constitutional rights?
A. Pagpili ng sariling relihiyon C. Pagsunod sa waste segragation
B. Pagsunod sa batas trapiko D. Pagpapatupad ng student fair discount

24. Ang bawat karapatang sinususugan ng batas at konstitusyon ng ating bansa ay may limitasyon. Alin sa
sumusunod na pahayag sa ibaba ang maling paggamit ng karapatang sibil o panlipunan?
A. Pagtatapon ng basura sa maling tapunan
B. Pagtitipon sa isang lugar upang magsagawa ng mapayapang demostrasyon
C. Pagpapakalat ng maling balita o tsismis sa pamamagitan ng social networking sites
D. Pagpapaskil ng mga ulat sa pahayagan ukol sa katiwalian ng mga opisyal gobyerno

25. Madalas nagsasagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Mayor
Isko Moreno. Nilalabag ba ng lokal na pamahalaan ang karapatang pang-ekonomiya sa pagsasagawa
clearing operations tulad sa Divisoria at Recto?
A. Oo, sapagkat hindi sila makakapaghanapbuhay.
B. Oo, sapagkat madami ang posibleng mawalan ng kita at kabuhayan.
C. Hindi, sapagkat ginagawa lamang niya ang kanyang ipinangako noong eleksyon.
D. Hindi, sapagkat sila’y iligal na nagtitinda sa mga lugar na hindi dapat pagtindahan tulad ng
kalsada.
26. Ang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Quezon ay sinabi ng Pangulo na
last chance against water shortage. Sa kabilang banda, nagsasagawa naman ng kilos protesta ang mga
katutubong dumagat sapagkat ang lugar na pagtatayuan ng dam ay bahagi na ng mahabang panahon na
kasaysayan ng kanilang pangkat at bahagi ng kanilang ancestral domain. Kung pagbabatayan ang argumento
ng mga katutubong Dumagat sa pahayag, anong kategorya ng karapatan ang kanilang ipinaglalaban?
A. Karapatang Pampolitika C. Karapatang Pang-ekonomiya
B. Karapatang Pangkultura D. Karapatang Sibil o Panlipunan
27. Ang karapatang pampolitika ay dapat manaig sa lahat ng pagkakataon. Alin sa sumusunod na sitwasyon sa
ibaba ang hindi nagpapakita ng pagtalima sa karapatang pampolitika?
A. Pagkakaroon ng representasyon ang bawat sektor sa lipunan tuwing halalan
B. Pagkakaroon ng multilingual na balota halaw sa katutubong wika upang makaboto
C. Pagkakaroon ng insentibo sa bawat mamamayan na magpaparehistro para makaboto
D. Pagkakaroon ng malawakang kilos protesta ng mga katutubong tutol sa pagtatayo ng Kaliwa
Dam
28. Mahalagang pangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan. Anong ahensya ng pamahalaan ang
nangangalaga sa karapatan ng isang akusado o nasasakdal kung siya ay nakaranas ng di makataong
pagpaparusa at torture?
A. Department of Justice C. Commission on Human Rights
B. Philippine National Police D. Department of Interior and Local Government
29. Ang karapatang pantao na sinusunod sa ating bansa ay may legal na batayan. Ano ang legal na batayan ng
Bill of Rights?
A. Artikulo I ng 1987 Constitution C. Artikulo III ng 1987 Constitution
B. Artikulo II ng 1987 Constitution D. Artikulo IV ng 1987 Constitution
30. Nagsagawa ng raid ang pulisya sa bahay nila Mang Jose dahil di umano’y shabu laboratory ang kanilang
bahay. Ano ang unang dapat hanapin ni Mang Jose bago papasukin ang mga Pulis sa kanyang bahay?
A. Kung ang Pulis ay mayroong dalang search warrant galing sa korte
B. Kung ang mga Pulis ay may dalang ebidensya tulad ng mga larawan
C. Kung ang mga Pulis ay kasama ang saksi at nag-ulat ukol sa di umano’y illegal
D. Kung ang mga Pulis ay mayroong patunay sa illegal na gawain tulad ng surveillance video
31. Si Andrea ay nangungupahan sa apartment na pagmamay-ari ni Aling Maria. Madalas bukas nang inaabutan
ni Andrea ang mga sulat na nasa kanyang mailbox. Isang araw, naabutan niya si Aling Maria na binubuksan
ang sulat sa kanyang mailbox. Anong karapatan ni Andrea ang nilalabag ni Aling Maria kung pagbabatayan
ang mga seksyon sa Bill of Rights?
A. Seksyon I C. Seksyon III
B. Seksyon II D. Seksyon IV
32. Alam dapat ng taong bayan ang lahat ng transaksyon, rekord, papeles at mga opisyal na dokumento ng
pamahalaan lalong lalo na sa mga proyektong pambayan tulad ng sinasaad sa Seksyon 7 ng Bill of Rights.
Anong panukalang batas ang isinulong upang bigyang buhay ang isinasaad sa ating konstitusyon sa Seksyon
7 ng Bill of Rights?
A. Good Local Governance Bill C. Freedom of Information Bill
B. Government Transparency Act D. Records Information and Transparency Act
33. Ang pribadong pagmamay-ari ay maaaring kunin ng estado kung ito’y kailangan sa proyektong pambayan
tulad ng sinasaad sa Seksyon 9 ng Bill of Rights. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estado upang kunin
ang pribadong pagmamay-ari para sa proyektong pambayan?
A. Police Power C. Judiciary Power
B. Eminent Domain D. Executive Power
34. Si Pedro ay inaresto ng mga pulis dahil sa kasong murder na nakasampa laban sa kanya. Paano dapat
isagawa ang kautusan ng korte upang hulihin ang isang indibidwal at ano ang tamang protocol na dapat
gawin ng mga Pulis habang hinuhuli ang isang suspect?
A. Pagpapakita ng search warrant sa paghuli sa suspect
B. Pagpapakita ng police badge bilang katunayan na sila ay alagad ng batas
C. Pagpapakita at pagbasa ng warrant of arrest sa suspect na galing sa korte
D. Pagpapakita ng warrant of arrest at pagbasa sa Miranda’s Rights habang inaaresto
35. Sa hirap ng buhay, maraming tao ang nababaon sa pagkaka-utang. Maaari bang makulong ang isang
nangutang ngunit nabigong makapagbayad sa napagkasunduan halaga at panahon?
A. Maaari, sapagkat ito’y napagkasunduan ng dalawang panig.
B. Maaari, sapagkat ito’y di pagtalima at malinaw na paglabag sa batas.
C. Hindi maaari, sapagkat malinaw na sinasaad sa Seksyon 20 ng Bill of Rights na walang
nakukulong
sa dahil pagkaka utang.
D. Hindi maaari, sapagkat maaring muling pagkasunduan at habaan ang palugid sa pagbabayad ng
taong
nagka-utang sa pamamagitan ng panibagong kasunduan.
36. Madalas marinig sa telebisyon ang salitang: I invoke my rights against self-incrimination sa mga pinapatawag
na akusado kapag may public hearing sa senado para sa isang partikular na anomalya sa pamahalaan .
Anong seksyon sa Bill of Rights ang nagpapatibay sa nasabing pahayag na I invoke my rights against self-
incrimination?
A. Seksyon 16 C. Seksyon 18
B. Seksyon 17 D. Seksyon 19
37. Malinaw ang sinasaad ng Bill of Rights ukol sa pagkakaroon ng sapat na karapatan upang dumulog sa
hukuman na lubhang mahal at hindi kayang tustusan ng madami nating kababayan. Paano tinutugunan ng
pamahalaan ang sinasaad sa pahayag upang magkaroon ng free and equal access to courts ang mga
mahihirap na mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinasyal sa pamilyang dumudulog
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng discount sa legal assistance ng gobyerno
C. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng abogado ng pamahalaan sa isang takdang panahon
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng abogado sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office
38. Mahalagang mabatid ang iba’t ibang uri ng karapatan. Alin sa sumusunod na pahayag sa ibaba ang hindi
kasama sa maaring maging dahilan upang mapasawalang-bisa ang liberty of abode and travel?
A. Kung ang isang indibidwal ay banta sa kaligtasang pambayan
B. Kung ang isang indibidwal ay banta sa kalusugang pambayan
C. Kung ang isang indibidwal ay may banta sa kanyang buhay o death threat
D. Kung ang isang indibidwal ay pinigilan ng korte dahil sa kasong nakabinbin
39. Manit na isyu ngayon sa bansa ang extra judicial killings. Anong seksyon sa Bill of Rights ang tuwirang
nilalabag nito?
A. Seksyon 1 C. Seksyon 3
B. Seksyon 2 D. Seksyon 4
40. Lahat ng nagkasala sa batas ay may kaukulang kaparusahan. Ano ang tawag sa kabayarang kapalit ng
pansamantalang kalayaan habang hindi pa nahahatulan ang isang nasasakdal?
A. Bail C. Reclusion Perpetua
B. Bill of Attainder D. Motion to Appeal in Court

Para sa bilang 41-50: Picture Analysis (10 Puntos)


Panuto: Suriin ang bawat larawan sa ibaba na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan ng ating bansa.
Detalyadong
ipaliwanag ang konseptong nais iparating ng larawan sa espasyong inilaan sa gilid nito
Pamantayan sa Pagmamarka
5 Puntos 3 Puntos 1 Puntos
Mahusay at maayos ang nilalaman, Maayos ang nilalaman. Ang opinyon Naipahayag ang saloobin at opinyon
naipahayag ng malinaw ang opinyon at saloobin ay naipahayag ayon ngunit lubhang magulo at walang
at saloobin sa larawang ibinigay at larawang ibinigay ngunit kulang ang kinalaman ang saloobin sa paksa at
walang pagkakamaling detalyeng naibigay at may ilang maraming pagkakamaling
panggramatika. pagkakamaling panggramatika. panggramatika.

Para sa bilang 41-45:


_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Para sa bilang 46-50:

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

SAGUTANG PAPEL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Bilang ng Mag-aaral
ARALING PANLIPUNAN 10
T.P. 2019 - 2020

PANGALAN:________________________________________ RS:
_________________________
PANGKAT: _________________________________________ GURO: G. Mark Kevin B. Macahilas

I. A B C D A B C D A B C D A B C D

1 11 21 31

2 12 22 32

3 13 23 33

4 14 24 34

5 15 25 35

6 16 26 36

7 17 27 37
”Ang 8 18 28 38

9 19 29 39

10 20 30 40

kakayahang mag-isip ay magbabantay sa iyo, ang kaunawaan ay siyang mag-iingat sa iyo” Kawikaan 2:11
SAGUTANG PAPEL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Bilang ng Mag-aaral
ARALING PANLIPUNAN 10
T.P. 2019 - 2020

PANGALAN:________________________________________ RS:
_________________________
PANGKAT: _________________________________________ GURO: G. Mark Kevin B. Macahilas

I. A B C D A B C D A B C D A B C D

1 11 21 31

2 12 22 32

3 13 23 33

4 14 24 34

5 15 25 35

6 16 26 36

7 17 27 37
”Ang 8 18 28 38

9 19 29 39

10 20 30 40

kakayahang mag-isip ay magbabantay sa iyo, ang kaunawaan ay siyang mag-iingat sa iyo” Kawikaan 2:11

You might also like